"You are so... damn beautiful..." mahinang anas ni Zeke habang magkahawak ang mga palad nila ni Wenggay. Biglang dumagsa ang isang katanungan sa isip niya: bakit ito umaasta na parang hangang-hanga sa kanya? Halos matunaw na siya sa mga titig ni Zeke. Aminin ni Wenggay, matagal niyang pinangarap na tingnan siya ni Zeke sa ganoong paraan at nakapanghihinayang na ngayon siya tinitingnan ni Zeke ng ganoon. Iba na siya. Hindi na siya ang dating trese anyos na bata noon. Napatikhim si Wenggay at pilit na pinakalma ang sarili. Muli niyang pinaalala na may Sadeek na sa buhay niya at hindi siya dapat madala. Natural lang na mabigla ito sa naging pagpapabago niya. Marahil ay ganoon na nga iyon. Actually ay ganoon din naman siya. Hindi niya sukat akalaing taglay pa rin nito ang kaguwapuhang bumihag

