bc

ZEKE, ANG LALAKI SA MAY BINTANA

book_age0+
2.8K
FOLLOW
21.4K
READ
family
student
drama
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

 "Ngayon niya napatunayan na kahit hindi na pala siya mahal nito, gagawa pa rin siya ng paraan para muling ipaalala rito ang dating nadarama nito sa kanya..."  

Unang kita pa lang ni Wenggay kay Zeke ay humanga na siya rito, lalo na kapag ngumingiti ito. Makita lang niya ang pamatay na dimples nito ay kandaloka na ang puso niya! Sa batang edad ay natuto siyang magmahal. Dito niya naramdaman na masarap palang humanga, napakagaan sa pakiramdam. 

Naging inspirasyon ito ni Wenggay sa pag-aaral at sa lahat ng gawain. Pero umabot sa puntong sumobra na siya sa paghanga rito. Tumindi ang mga ginagawa niyang pagpapansin hanggang sa nakasakit siya ng ibang tao. Dahil doon ay nagalit si Zeke sa kanya. Sa galit ay nasabi nito ang mga bagay na dumurog sa bata niyang puso. 

Dahil sa labis na pagkapahiya at sakit ay lumipat siya ng eskuwelahan at nawalan na ng balita rito. Makalipas ang sampung taon ay muli silang nagkita. Malaki na ang naging pagbabago niya. Nabaligtad ang sitwasyon dahil ito na ang parang natuturete tuwing kaharap siya. Halata sa mga mata nito ang paghangang matagal niyang inasam. 

Pero paano na? Hindi na siya ang dating trese anyos na dalagitang hahabol-habol dito. At isa pa, may Sadeek na sa buhay niya...  

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"IHINTO MO 'yang kakayugyog mo ng paa sa upuan ko, baka sipain kita d'yan, eh." Napalabi na lang si Anton kay Wenggay. Maangas na maangas ang pagkakasabi niya para masindak ito at hindi naman siya nabigo. Agad naman nitong ibinaba ang paa saka muli siyang nakapagpatuloy sa pagsusulat. Sa lahat ng ayaw niya ay iyong ginugulo siya sa pagsusulat at pakikinig sa teacher nila. "Ang siga talaga ni Wenggay. Palibhasa anak ng teacher," bulong ni Anton sa katabi nitong si Jack. Nagbulungan pa ang dalawa samantalang dinig naman niya iyon. Agad naman niyang tiningnan ng masama ang dalawa na agad na nagsipagbaling ng tingin. Naiinis si Wenggay. Sa katunayan, naiinis siya sa karamihan ng mga kaklase niya na ganoon ang tingin sa kanya. Maging ang mga teacher niya ay parang ilag din dahil ayaw makabangga ang tatay niya. Minsan kasing naalis siya sa top at nang malaman iyon ng ama ay agad itong nagpunta sa elementary department para tingnan kung paanong nangyari iyon. Nagkumahog ang lahat at sa huli'y nakitang hindi nga naman siya dapat nalaglag sa top ten. Kung tutuusin ay umabot pa sana siya sa top three dahil marami siyang extracurricular activities kagaya ng pagiging player at inilalaban din siya sa academics. Nagalit ang tatay niya at nag-complain. Sa huli ay lumipat ang adviser nila ng ibang eskwelahan. Marahil, dahil na rin sa katandaan nito kaya nagkadalito-lito na ito sa mga grades na nai-compute. Gayunpaman ay hindi iyon nakalusot sa ama niya at humingi ng 'hustisya'. Aminado si Wenggay na malakas ang tatay niya sa may-ari ng eskwelahan. Isang malaking paaralan ang pinapasukan nila na sakop mula elementary, high school at college. Ang hawak ng ama niya roon ay PE para sa college at high school. Bukod pa doon, ito rin ang head ng maintenance at right hand ng Director at owner ng eskwelahan. Gayunpaman, alam ni Wenggay na hindi iyon ang ginagamit ng ama. Natural lang na ilaban nito iyon dahil isa siyang anak na nadehado. Sa kabilang dako naman, natural din na hindi iyon ang iisipin ng mga nakakakilala sa kanya. Kaya sa loob ng silid na iyon ay iisa lang ang kasundo at hindi ilag sa kanya, si Jenny. Ito lang ang may lakas ng loob na tumabi sa kanya at paminsan-minsan ay pinagsasabihan din lalo na kapag gusto na niyang mangbatok na ng kaklase sa inis. Para daw siyang lalaki. Marahil ay dahil sa loob ng pamamahay nila ay tanging ang ina lang ang bumabawal sa kanya para maging ganoon. Gayunpaman, tinuruan pa siya ng ama ng self-defense at kung anu-anong sports. Tuwing umaga ay nag-ja-jogging sila kasama ang kuya Omeng niya na kasalukuyang fourth year high school na sa paaralang iyon. Kapag may sparring ang mga ito ay isinasama naman siya ng ama. Kaya hindi siya takot sa kahit na anumang sports dahil maaga pa lang ay mulat na siya roon. Sa katunayan ay player siya ng volleyball sa elementary department at kasama rin sa track and field. Kabaligtaran naman niya si Jenny na nasa isang tabi lang. Hindi ito palakilos, dalagang-dalaga rin sa pag-aayos. Madalas niya itong maamoy na amoy polbo o cologne samantalang siya ay hindi man lang maisip na magsuklay. Baka kapag ginawa niya iyon ay mahimatay ang lahat ng kaklase niya. Napailing na lang si Wenggay sa naisip. Komportable siya sa kung ano siya at hindi niya iyon babaguhin kahit kailan. Bakit naman niya gagawin iyon? Para sa mga kumag niyang kaklase at makasundo? Hindi bale na lang. Bukod kay Jenny ay mga kaibigan din naman siya, ang mga kasama niyang player sa volley ball na nasa ibang grade at lower section. "Makikipagtitigan ka na naman sa mga asungot na 'yan. Hayaan mo na," ani Jenny sa kanya. Napalabi na lang si Wenggay at nagsulat. Pasalamat ang dalawa kay Jenny dahil kung muli siyang makakarinig, baka paltikin niya ng goma ang mga ito. Aba, may dala siyang ganoon para makapaglaro ng Chinese garter mamayang uwian. Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell para sa recess. Agad na nagsipaglabasan ang mga kaklase nila samantalang nanatili sila ni Jenny sa loob dahil may baon naman sila. Sapat na pamasahe lang ang ibinibigay ng ina niya at ginagawan siya ng masustansyang sandwich. Alam nitong ibibili lang niya ng sitsirya ang pera kapag nagkataon—bagay na totoo dahil mahilig siya sa mga kukutkutin. Hinila ni Jenny ang isang upuan at pumuwesto sila sa bintana para magpahangin. Maging ito ay may baong sandwich din at kung minsan, pinagkakatuwaan nilang magpalit. "Patikim nga ako n'yan," ani Jenny sa isang maliit niyang jug. Tumalima naman siya at ipinasa ang cup dito. "Masarap 'yan. Ginawa ng mommy ko. Fresh orange juice 'yan." Aniyang proud dito. Napamulagat ito nang matikman ang juice na ginawa ng mommy niya. "Sabihin ko nga rin kay mommy, gumawa ng ganito. Masarap pala siya." Tumango siya at sumilip sa bintana. "Uy, may nagtitinda na rin ng pancake d'un o, 'di mo ba naamoy?" Natawa ito at sumilip din. "Ikaw talaga, basta pagkain ang lakas ng pangamoy mo." Biro nito sa kanya. Napahagikgik din siya dahil tama ito. Kahit payat siya ay malakas siyang kumain. Marahil, ang lahat ng kinakain niya ay napupunta sa taas niya. Ang sabi ng mommy niya ay para nga raw siyang kawayan sa payat. Kahit malapit na siyang maging thirteen ay wala pa rin siyang korte. Ni hindi pa siya nag-be-baby bra kagaya ni Jenny. Sando pa rin ang suot niya dahil hindi pa naman halata ang dibdib niya. "Hindi nga! Hihingi ako ng pera kay mommy bukas. Kulang 'tong baon sa akin. Nagugutom pa ako." Aniya saka muling sumilip sa hindi kalayuang maliit na tindahan. Bandang likuran ang classroom nila at malapit na sa back exit ng eskwelahan. Sa kanang bahagi noon ay mga residente at bukirin. Doon niya natatanaw ang hindi kalayuang tindahan. Mula sa bintana ay kitang-kita niya ang ilang estudyanteng bumibili doon. "'Tol, sigurado ka ba na ipapahiram 'yun ng kuya mo?" Agad na lumipad ang tingin nila sa dalawang lalaking naglalakad. Hindi naituloy na nguyain ni Wenggay ang sandwich dahil natulala na siya sa isa sa mga lalaki. Nang tumingin ito sa katabi nito sa gawi nila ay biglang nalaglag ang puso niya. Ang pogi! Naghuhumiyaw na tili ng heart ni Wenggay! Hinagod pa nito ang buhok na agad namang bumalik sa puwesto at bakit ganoon? Parang bigla itong bumagal sa pagkilos? Parang slow motion... Mula sa muli nitong pagtingin sa kasama nitong lalaki at pagngiti. Ang pagsilay ng dimples nito sa kaliwang pisngi... Nagsipag-unahan ang pintig ng puso sa lahat ng pulso niya sa katawan! At ano ba 'yan! Parang nanigas na siya sa kinatatayuan habang nakamasid dito. Ni ayaw niyang kumurap dahil baka bigla itong maglaho sa harapan. Ayaw niyang sayangin ang ilang minutong hindi makita ang maganda nitong mga mata at makakapal na kilay. Ang tangos pa ng ilong nito at may kapulahang mga labi. Para itong si... Josh Holloway na gumanap bilang James Sawyer Ford ng Lost? Naks! May pogi palang nilalang sa school nila? Wala sa sariling napahawak siya sa dibdib dahil sa todo pagririgodon ng puso niya sa loob ng ribcage! Natawa ang guwapong lalaki saka nailing at ano ba—! Pati tawa, ang pogi! Tunog pa lang para na siyang nasa alapaap sa kilig! "Hoy, 'yun spread ng sandwich mo nasa blouse mo na!" untag ni Jenny. Napaigtad na lang si Wenggay dahil sa lakas ng pagkakasiko sa kanya ni Jenny. Naipilig niya ang ulo at hindi pinansin ang sinabi nito saka muling tumanghod sa bintana. Gusto niyang mapasabunot sa inis ng makitang tuluyan ng lumampas ang lalaki sa bintana nila! "Ano ba! Istorbo ka naman, eh!" aniyang sambakol na ang mukha kay Jenny. Inis na inis siya dahil biglang nawalang parang bula ang lahat. Tila bumalik na siya sa reyalidad at naging normal na ang takbo ng oras. Wala na ang slow motion moment ng lalaki! Nabigla ito. "Eh, tumulo nga 'yang palaman sa blouse mo, nagagalit ka pa?" Napalabi si Wenggay at pinunasan iyon. Nang muli niyang tiningnan ang lalaki ay nakita niyang lumabas ang mga ito saka nagpunta sa tindahan at bumili ng pancake. Sa loob ng sandaling iyon, agad siyang nagdesisyon na hihingi ng pera kinabukasan para makasama ang lalaki sa recess! Magalit pa ang mommy niya! . . . . . . . . . . . . . . . . Napalabi na lang si Wenggay ng mulagatan pa siya ng ina dahil sa paghingi ng dagdag sa pamasahe. Ilang araw na niyang sinusuyo ang ina. Maaga pa siyang nagising at naglinis ng silid. Kagabi naman ay siya pa ang naghugas at naglinis ng kusina para doon. Pero bigong-bigo si Wenggay. Gusto na niyang umatungal! Mukhang namana ni Wenggay ang pagiging masungit ng ina. Ang hirap nitong lambingin! Hindi ito kagaya ng ama nila na bagaman kilalang disciplinarian sa eskwelahan ay nalalambing naman niya. Sa naalala ay tila nagkaroon ng bumbilya ang isip ni Wenggay! Agad niyang binilisan ang pagkain at umalis. Nauna na ang kuya at ama niya sa eskwelahan. Ang ama ni Wenggay ay sadyang maagang umaalis kaysa sa kanila dahil marami pa itong ginagawa sa eskwelahan. Ang kuya naman niya ay officer ng CAT kaya marami ring kailangang gawin tuwing umaga. Paglabas niya ay agad na siyang sumakay sa tricycle at nagpahatid sa eskwelahan. Ang lalaking misteryoso ay madalas nang makitang dumadaan ni Wenggay sa tabi ng classroom nila kasama ang sa tingin niya ay kaklase nito. At kapag dumadaan ito ay ganoon pa rin ang pakiramdam niy. Parang tahimik ang paligid... Pati ang pagkilos nito ay slow motion... Bumibilis ang t***k ng puso niya... at hayun, nakanganga na pala siya! Sa huli ay binabasag ni Jenny ang paglutang ng utak niya. Hindi alam ni Wenggay kung bakit siya biglang nagkaganoon. Hindi naman siya dating interesado sa mga simpleng crush na 'yan pero noong makita niya ang lalaking may dimples, parang nagbago ang t***k ng puso niya. Marunong na iyong sumikdo. Minsan ay para siyang tumakbo ng ilang kilometro sa sobrang bilis ng t***k ng puso niya at hirap huminga lalo na kapag ngumingiti ito. Nang pumasok na si Wenggay sa classroom ay agad niyang ibinaba ang bag at nagsuklay. Malamang, mapapagalitan siya ng kuya niya dahil kinuha niya ang maliit na suklay sa bulsa ng pantalon nito. Daig pa siya nito. Kalalaking tao, may suklay? Samantalang siya ay wala. Napailing na lang siya. Ipapasok na sana ni Wenggay ang suklay sa bag nang mapatingin sa bintana at nakita ang lalaking laman ng isip! Agad siyang nagpunta sa bintana para lalo itong makita. Bakit ganoon? Sa tuwing nakikita niya ito ay nae-excite siya. Kilig na kilig! Bagong paligo ito at ang bango-bangong tingnan. Sa totoo lang ay napaka-neat nito. Plantsado ang uniporme nito at malinis. Wala rin itong taghiyawat. May kaputian din ito. Nakita na niyang mapuputi ang ngipin nito dahil sa minsang pagngiti. Nasisiguro ni Wenggay na mabango pati hininga ng poging lalaki. Siguro, ang sarap nitong makipag-lips to lips. Naipilig ni Wenggay ang ulo! Enebe? Bakit bigla siyang nagisip ng mga ganoong bagay? Dati ay puro lang siya laro pero ngayon ay nada-divert na ba ang atensyon niya? Hindi na rin siya nagdadala ng goma para sa Chinese garter. Sa katunayan, binigay na niya iyon sa isang grade two na babae dahil ayaw na niyang gamitin iyon. "Wenggay!" Napasinghap si Wenggay ng biglang lumingon sa gawi niya ang lalaki. Dahil sa pagkataranta, bigla niyang naisara ng malakas ang bintana! Ang lakas ng kabog ng dibdib niya! Muntik na siya nitong makita! Kinakabahan siya na hindi niya maintindihan. Nalilito siya na naiihi. Ano ba talaga! Lahat na ng cells niya sa katawan, natuturete ng wala sa oras! Taas-baba ang dibdib ni Wenggay sa sobrang kaba. Hanggang sa bumaba na ang nadarama ay doon lang niya nagawang buksan ang bintana. Muli, gusto na naman niyang iuntog ang ulo sa bintana sa sobrang panghihinayang dahil wala na ang lalaki doon! "Ikaw, lagi kang may sinisilip d'yan," untag ni Jenny kay Wenggay dahil hindi pa rin niya magawang umalis doon. Umaasa pa rin siyang babalik ang lalaki at hindi niya alam kung bakit sobra na siyang umaasa sa pagdaan ulit nito. "W-Wala naman..." bulong ni Wenggay saka napalabi. Ito ang pahamak na tumawag at muntik na siyang makita ni mister Dimples! "Ikaw, huwag mo nga akong tatawagin ng ganoon! Nakakagulat!" angil niya rito. Natawa ito. "Kailan ka pa natutong magulat?" napailing ito. "Uy, makakabili na ako ng pancake mamaya." Anito saka mayabang na iwinasiwas ang beinte pesos. Nainggit si Wenggay. "Samahan mo ako mamaya sa daddy ko, hihingi rin ako." Hindi makakapayag si Wenggay na hindi hihingi! Ngayon pa na sobra na siyang naapektuhan sa lalaki? Hindi iyon maaari! Ilang sandali pa ay lumabas na sila ng silid para sa flag ceremony. Buong oras ng klase nila ay si Mr. Dimples ang nasa isip niya at kung papaano ito malalapitan. Simple lang naman ang hiling niya: ang malapitan ito para makita ang pangalan nito sa ID. S'yempre, may kaunting samyo na sa bango nito! Napahagikgik si Wenggay sa naisip! Wala naman sigurong masama kung pasimple niya itong aamuyin. Mukhang ang bango-bango nito ay nacu-curious talaga siya! Nang sumapit ang pinakaaasam-asam niyang recess ay nakipagunahan pa siya sa mga kaklase niyang lumabas. Sinamahan siya ni Jenny sa opisina ng ama at hindi naman siya nabigo. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Napangisi silang dalawa ni Jenny at agad nagpunta sa likod ng eskwelahan. Muntikan nang mahimatay si Wenggay nang makakasalubong nila si Mr. Dimples! Bagaman nilagpasan lang siya nito ng tingin ay naiintindihan niya. Maiintindihan niya ang lahat ng aksyon dito dahil sobra niya itong hinahangaan. Nang lumiko ito para lakarin ang papuntang likuran ay nakasunod sila ng kaibigan. Alumpihit na si Wenggay! Nandoon ang maya't maya niyang pagtaas ng leeg para makita itong mabuti at pasimpleng bilis ng lakad para makalapit pa rito. "Crush mo s'ya, 'no?" untag ni Jenny kay Wenggay. Napasinghap siya! Paano nito nalaman ang pinakatatago niyang sikreto? Isa iyong malupit na sikretong ayaw niyang ipaalam kahit sa daga! Pinamulahan si Wenggay ng mukha at hindi makatingin ng diretso! Napangisi ito. "Cute siya, ano?" Biglang nainis si Wenggay! Bakit pati ito, na-cu-cute-an sa lalaki? Hindi iyon tama! Siya lang ang may karapatan! "Crush mo rin? Nauna ko, eh!" mahinang reklamo niya rito. Tawa nang tawa si Jenny. "Engot! Sa'yo na! Minsan ka lang magka-crush, aagawan pa kita? Crush ko 'yung kasama niya!" anitong kilig na kilig. Pati si Wenggay ay nahawa na. Kili na kilig din siya to the highest level. At doon niya napatunayan na napakasarap palang magkaroon ng taong hinahangaan. Ang gaan sa dibdib at para siyang nakalutang sa alapaap. Magmula ngayon ay lagi na siyang dudungaw rito at kakain ng pancake para lang makalapit dito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.1K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
537.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook