CHAPTER TWO

1944 Words
"Zeke Catapangan, three Dahlia." mahinang basa ni Wenggay sa ID ng lalaking pinakamimithi. Ilang araw na silang parang asong buntot nang buntot sa dalawang magkaibigan para masilip ang ID ng mga ito. Si Jenny ay nakita na ang ID ng kasama ni Zeke noong isang araw pa. Doon niya napatunayan na matindi rin palang magka-crush si Jenny. Pati bahay ni Zander Carunongan, ang lalaking kaibigan ni Zeke ay alam na nito! Bilib si Wenggay sa kaibigan. Para itong dog hound sa tindi ng pangamoy sa mga ganoong impormasyon samantalang papatay-patay pala siya. Nagiisip na rin sila kung paano makakapagpa-cute sa mga ito. Third year high school ang dalawang lalaki at alam na nila ang classroom. Nagkunwari siyang hihingi ng pera noon sa kuya niya, bagay na ikinainis nito noon dahil bigla niya iyong ginawa. Pero deadma si Wenggay. Ang importante ay nasilayan niya si Zeke. Naisip din nilang malapit lang ang bahay ni Zeke dahil madalas lang itong dumaan sa likuran ng eskwelahan tuwing umaga. Ganoon din sa paguwi ng tanghali at pagpasok. Sa hapon naman ay hindi na niya iyon nakikita dahil nagpa-praktis na sila ng laro sa field. Gayunpaman ay pasimple pa ring sumisilip si Wenggay kapag may pagkakataon. Si Jenny naman ay umuuwi na ng hapon agad dahil may sundo ito. Siya naman ay sumasabay na sa kuya o ama. Kilig na napakagat na lang sila sa pancake na magkaibigan habang nakatunghay sa dalawang lalaki na naguusap. Pambihira, mananaba silang dalawa sa ginagawa nila. Sa recess ng umaga at hapon ay pancake na tatlong malalaking piraso ang inoorder nila. Nakalagay na iyon sa plastic at may butter o honey. Sa tingin ni Wenggay ay paborito iyon ni Zeke dahil magmula ng kumain sila doon ay nakakalimang pancake ito tuwing recess. Marahil ay dahil malaking lalaki si Zeke. Hanggang dibdib lang ni Zeke si Wenggay. Maganda rin ang katawan nito na parang masarap magpayakap at magpabuhat. Tingin ni Wenggay, sa payat niyang iyon ay baka kahit isang kamay lang ay puwede na siya nitong bitbitin papuntang langit! Napahagikgik si Wenggay sa naisip. May langit-langit pa siyang nalalaman. Napabuntong hininga na lang siya sa sobrang kilig. "Itutulak kita mamaya sa kanya para mayakap mo siya, ha? Tapos bukas, ako naman." mahinang untag ni Jenny na ikinamulagat ni Wenggay. Namula siya! Yayakapin niya ito? Ay, ayaw niya! Baka hindi na niya ito pakawalan! Kilig na kilig na naman siya. Halos mapunit na ang bibig ni Wenggay sa sobrang pagkaalumpihit! "Nahihiya ako!" aniya saka nakagat ng mariin ang ibabang labi. Natawa si Jenny. "Sige na! Mahina lang naman tapos pasimple mo siyang yakapin. Kaya mo 'yan. 'Kaw pa? Siga ka, 'di ba? Nasaan na ang tapang mo?" hamon nito. Umiling pa rin si Wenggay. "Nakakahiya naman. Paano ko gagawin 'yon? Sige nga?" "Ganito lang," ani Jenny saka siya mahinang tinulak sa balikat. "Tapos kunwari yayakap ka sa kanya. Tagalan mo ng one minute para ma-feel mo. Sige na! Pagkakataon na natin 'to. Tapos bukas ako rin, ah!" Huminga si Wenggay ng malalalim at ilang ulit niyang inisip ang tagpong sinasabi ni Jenny. Nang makuntento si Wenggay ay tumango siya. Nerbyos na nerbyos! "O, sige pero mahina lang, ah! Baka mamaya madapa ako." Ngumiti si Jenny at excited na tumango. Pagkatapos nilang kumain ay hinintay nila itong dumaan sa tapat nila. Nag-spray pa si Wenggay ng cologne ni Jenny para naman hindi nakakahiya kay Zeke—kay mister Dimples—kung maamoy siya nito. Sana, kapag nayakap niya ito ay yakapin din siya kahit sandali lang para puwede na siyang mamatay bukas! Gustong matawa ni Wenggay sa naisip. Napakababaw ng kaligayahan niya pero aminado siyang ganoon na nga. Ngayon lang siya nagka-crush at desidido siyang tawirin ang sandaling iyon para madama ito. "Ready ka na? Malapit na sila," ani Jenny ng makitang nagbayad na sina Zeke sa may-ari ng maliit na tindahan. Kinakabahan siyang tumango at nang matapat na ito sa puwesto nila, nabigla na lang siya ng mas malakas kaysa sa inaasahang pagtulak nito sa kanya! Dahil sa nangyari ay hindi lang basta nayakap ni Wenggay si Zeke. Nasubsob siya sa matigas nitong dibdib na parang tumalbog pa ang ulo niya at bahagya siyang nahilo! Dahil doon ay pareho silang nawalan ng balanse at sa isang mabilis na pagkilos nito ay mahigpit siya nitong niyakap; protektado ang ulo niya at baywang hanggang sa namalayan niyang nakapatong na ito sa kanya! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Pagmulat ni Wenggay ng mga mata ay guwapong mukha ni Zeke ang bumungad sa kanya. Napatanga siya sa kaguwapuhan nito ng malapitan. Titig na titig ito sa kanya! Napalunok si Wenggay dahil nakalapat ang katawan nito sa katawan niya sa ilalim nang init ng araw. Pinagpawisan siya ng malamig dahil sa sobrang tensyon. Sa isang pulgadang pagkakalapit ng mga mukha nila ay doon niya napatunayan na ang bango nito. Lahat dito mabango! Pati damit, naamoy niyang mabango! Doon niya napansin na kulay light brown ang mga mata nito at napakasarap tumingin kahit... galit? Naturete si Wenggay! Mukhang inis na inis ito! Agad bumangon si Wenggay. Dahil sa pagkakaturete, nagkauntugan pa sila! Gusto na niyang mamatay sa sobrang kahihiyan dahil sa narinig na tawanan! Natutop na lang ni Wenggay ang noo dahil sa hiya at hilo ng pakakauntog nila. "Next time, watch where you going," naiinis na sita ni Zeke habang hinihimas ang nasaktang baba saka tumayo. Saglit itong nagpagpag at tila naiinis na tinulungan siyang makatayo. Hindi pa rin magawang kumilos ni Wenggay dahil natulala pa rin siya rito. Napailing ito at nabigla siya sa sumunod na ginawa nito. Ito pa mismo ang nag-ayos ng damit niya saka nagpagpag! Hanggang sa nakaalis ang mga ito ay tulala pa rin si Wenggay. Lalo siyang humanga rito dahil kahit inis ito, gentleman pa rin. Ah, hindi siya nagkamali ng lalaking hinangaan! Pagalis ng mga ito ay humahangos naman siyang nilapitan ni Jenny. Halata ang labis na hiya nito. "Ang lakas naman n'on!" inis na inis na angal ni Wenggay nang makabawi. Wala sa sariling hinilot ni Wenggay ang noong nasaktan. Napayuko si Jenny. "Pasensya ka na, Wenggay. 'Yung babae kasi, eh!' anitong naiinis na itinuro sa kanya ang isang babeng mataba na high school din sa hindi kalayuan. "Noong itutulak kita, aksidenteng naitulak din niya ako kaya napalakas. Sorry talaga. Nasaktan ka ba? Huwag mo na rin akong itulak bukas. Baka madisgrasya ka rin at mapalakas." Nainis siya. "Ang daya mo naman!" Ang utak talaga nito pero hindi bale. Wala ng mas gaganda pa dahil agad niyang na-memorize ang bango ni ni Zeke. Dahil naramdaman niya sa ganoon pagkakataon si Zeke at naamoy, babalewalain niya ang inis. Tutal, crush niya ito. Naisip din niyang dapat lang na palampasin niya ang pagiging supladito nito. Naisip niyang kasama iyon sa paghanga. Pati flaws nito ay dapat niyang tanggapin. Hindi naman perpekto si Zeke, tao pa rin itong may sumpong din. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . "Mine!" sigaw ni Wenggay kaya binigyan siya ng pagkakataon ni Jessica para tirahin ang bola ng volleyball. Ilang linggo na lang ay inter-school na nila kaya puspusan na rin ang training nila. Kung dati ay hapon lang siya nagpa-practice, ngayon ay halos whole day na. Hindi lang volleyball ang prina-practice ni Wenggay kundi maging sa track and field. Siya ang ilalaban sa one hundred meter dash at long jump. Hindi kasi makakasali ang dati niyang kasama sa long jump kaya siya na ang ilalaban. Katatapos lang kasi nitong ma-operahan. Sa aspetong iyon siya maaasahan dahil malakas ang katawan niya. Pagdating naman sa academics ay mahigpit naman siyang binabantayan ng ina lalo na kapag darating ang ganoong pagkakataon. Sinisigurado pa rin ng ina ni Wenggay na kahit exempted na siya ay kumpleto pa rin siya sa notes at hindi puwedeng matulog hangga't hindi siya nakakapag-review. Kung gusto pa rin daw niyang ituloy ang extraculicular activity, kailangan ding paghusayan niya ang academics. Kapag bumaba ang grades niya ay hindi na siya nito pasasalihin. "Okay, fifteen minutes break!" sigaw ni Coach Ang, ang matandang coach nila sa volleyball na kaibigan din ng ama niya. Agad silang tumalima at lumilong. Habang nagpupunas ng towel si Zeke sa mukha ay saka naman siya tinawag ni Tracy, ang isang ka-team niya na grade five. Spiker din ito at magaling din sa volleyball. Inaya siya nitong maghilamos at uminom ng tubig. Nangangati na ang mukha niya sa pawis kaya sumama na siya. Ilang sandali pa ay narating na nila ang faucet at napasimangot siya ng walang lumabas na tubig doon. Nanlalagkit na ang mukha niya. "Wala namang tubig! Pinatay na kaya nila?" Umiling si Tracy. Mukha ring asar. "Nakakainis naman..." anito saka luminga. "Sa gym kaya? Tara?" Tumango si Wenggay at nagpunta na sila sa gym. Gusto na nilang magdiwang ng mapatunayang sagana pa ang tubig doon. Solo na nila iyon dahil wala ng mga estudyanteng nagsipagkalat at puro mga players na lang ang natira para sa practice. Naglalaro ang mga iyon ng basketball. Bigla niyang naisip si Zeke. Nakauwi na kaya ito? Kahit suplado ito ay okay lang sa kanya. Isa itong dakila niyang crush at kahit anong gawin nito ay mapapalampas niya. Kung tutuusin ay tinulungan din siya nito noong mawalan sila ng balanse. Katunayan ang pagprotekta nito sa ulo niya para hindi iyon tumama sa semento. Sa naisip ay lalong kinilig si Wenggay. Masungit man ito, maalaga at gentleman pa rin. Naks! Ang bata mo pa, naglalandi ka na? Sita ng isang bahagi ng isip niya. Gusto niyang mapahagikgik. Marunong na talaga siyang magka-crush ngayon. Sa katunayan, doon lang niya naumpisahang tingnan ang itsura rin ng iba nilang mga kaklase at doon niya napatunayang si Zeke lang ang gugustuhin niya. Halatang mga uhugin pa ang mga kaklase niyang lalaki. Mas matangkad pa siya sa mga ito. Mga payat pa hindi katulad ni Zeke na maganda na ang katawan. Parang hindi rin ito pinapawisan. Laging malinis at mabango. "CR muna ako. D'yan na lang ako sa high school department," paalam ni Tracy sa kanya. Tumango na si Wenggay at binasa niya maging ang maigsi niyang buhok. Gumaan ang pakiramdam niya dahil doon. Ilang sandali pa ay piniga niya iyon at nagpunas sa towel. "Mapapasma ka sa ginagawa mo," Agad napalingon si Wenggay sa nagmamay-ari ng tinig at napanganga siya! Si Zeke! Kinakausap siya ni mister Dimples! Sigurado siya dahil sila lang namang dalawa doon! Naghuhugas ito ng kamay at naghilamos din. Base sa gayak nito ay mukha nagpa-practice din ito. Aha! Kaya pala sa tuwing sisilip ako ng hapon sa classroom nila ay laging siyang wala. Nandito pala siya sa gym na nagpa-practice din. Uyyy... concern siya sa akin? Naks talaga! To the tenth power! Gentleman na, concern pa, saan ka pa! Anang kilig na kilig na kukote ni Wenggay. "Masyado ka namang concern," sagot ni Wenggay. Ngiting-ngiti kay Zeke. Kinikilig talaga siya sa moment na iyon! Napakunot ang noo ni Zeke na parang nawi-weird-duhan sa kanya. "Baka lang kako makasama 'yan sa'yo. Maghapon kang naarawan tapos magbabasa ka." Lalong lumuwang ang ngiti niya. "Kaya nga. Concern ang tawag d'yan. Sige para sa'yo, hindi ko na gagawin. Malakas ka sa akin, eh." Lalong parang na-weird-duhan si Zeke pero ayos lang. Hindi pa kasi nito alam ang matinding paghanga niya rito kaya ito ganoon. Gayunpaman, hindi nmai-de-deny ang matinding pagka-alumpihit ni Wenggay dahil iyon na ang pinakamimithi niyang oras! Tumikhim si Wenggay ng paulit-ulitdahil parang nagkaroon ng bara ang lalamunan niya. Pambihira ang kaguwapuhannito, nawawala siya sa sarili! At dahil pagkakataon niya na iyon, hindi niyapalalampasin ang magpa-cute! Wala nang hiya-hiya! Y(x8
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD