Story By Cranberry Laurel
author-avatar

Cranberry Laurel

ABOUTquote
-Romance Writer -Gothic Romance Writer -Erotic Gothic Romance Writer please follow me on wattpad ang booklat. my username is @iamcranberry.
bc
LEGENDARY DEVILS TRILOGY 3: DEVIL'S WHISPER
Updated at Dec 30, 2019, 14:26
Si Baldassare na lang ang natitirang Legendary Devil. Nangako siya kay Hades na hindi ito bibiguin. Kaya nang sabihin nitong mangolekta siya ng mga kaluluwa sa mundo ng mga tao ay hindi siya nagdalawang isip.  Doon nagkrus ang landas nila ni Maria Concepcion 'Maricon' Enguillo--ang babaeng ginustong tapusin ang buhay. Tinulungan agad ito ni Baldassare na gawin ang gusto. He whispered the words: Go ahead. End your life. It was the only way out... Ang buong akala ni Baldassare ay makukuha na niya ang kaluluwa nito pero dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon ay hindi iyon nangyari. And Baldassare remained at Maricon's side. Naghintay siya ng tamang pagkakataon para makuha ang kaluluwa nito. Pero mukhang isang maling hakbang ang manatili sa tabi nito. Nakilala niya ito at unti-unting nahulog ang loob... No! Gigil na gigil si Baldassare! Hindi iyon puwede! Ayaw niyang matulad sa mga kasamahan! Hindi siya magmamahal ng tao! Bago pa mahuli ang lahat ay kailangan niyang makuha ang kaluluwa ni Maricon! At alam niyang isang paraan lang ang puwede niyang gawin para makuha iyon: make her fall in love with him. Sana lang ay huwag lang lumakas ang sipa ng kunsensya sa dibdib niya...
like
bc
THE LEGENDARY DEVILS TRILOGY 2: THE BEAST'S DEAL
Updated at Dec 9, 2019, 02:25
"Doon napatunayan ni Inconnu na mahirap pero masarap ang maging tao. Parang roller coaster ang mga emosyon. Nakakahilo at nakakalango ang dalang pakiramdam ng pagibig. Nakakangilo ang dalang pakiramdam ng galit at pait. But above all, everything was sweet and satisfying..." . . . . . . . . Sierra Manaois' father made a deal with a demon. Para lumago ang negosyo at biyayaan ng anak, iyon ang ginawa nito. Ang deal: mamatay ito pagsapit ng ika-anim na pung kaarawan at kukuhanin ang kaluluwa nito. Nalaman iyon ni Sierra noong ika-limampu't siyam na kaarawan ng ama. Dahil mahal na mahal ni Sierra ang ama, gumawa siya ng paraan para ma-lift ang deal. She made deal with the handsome devil named Inconnu. At ang deal ay isang gabi sa piling ng demon. Pumayag si Sierra. Na-lift ang deal ng ama niya pero bakit ganoon? Pakiramdam niya ay gusto pa rin niyang makipag-deal kay Inconnu? A part of her felt something for that demon. Maybe, he cast a spell on her. Hell. She didn't know. Basta ang alam ni Sierra, hindi lang niya basta hinahanap si Inconnu kundi gusto rin itong makasama...
like
bc
HOT INTRUDER: JULY, THE DEVIOUS INTRUDER
Updated at Dec 5, 2019, 23:36
Laki si Yasmin sa mga tiyahing matatandang dalaga at tunay na relihiyosa kaya nahirapan siyang kumbinsihin ang mga ito na payagan siyang magsarili. Naging tahimik at maayos ang buhay niya sa bagong biling bahay hanggang sa bulabugin siya ng isang estranghero—si July Raffel. Simula pa lang ay binigyan na siya ng patong-patong na problema ng lalaki. Nahuli sila ng mga tiyahin niya sa hindi kanais-nais na tagpo at para sagipin siya sa kahihiyan ay kailangan nilang magpakasal. No choice si Yasmin kaya napilitan siyang makiayon sa takbo ng mga pangyayari. Pero may isang kondisyon: magpapakasal sila ni July at maghihiwalay rin sa tamang panahon. And they started acting like a couple tying the knot. Pero sa pagdaan ng mga araw at makilala ni Yasmin ang totoong July ay naging dispalinghado ang tibok ng kanyang puso hanggang sa magising siya isang umaga na in love na sa kanyang intruder. Very loveable naman pala talaga si July. Ayos na sana ang lahat at mukhang nahuhulog na rin ang loob ni July sa kanya—na-inlove yata ito dahil sa kasungitan niya. Pero biglang lumitaw sa araw pa mismo ng kasal nila ang ex-girlfriend ni July. Kasamang nawala ni July ang dating nobya at naiwan si Yasmin na salo ang lahat ng kahihiyan. Paano naman kaya ang kanyang happy ending?
like
bc
ZEKE, ANG LALAKI SA MAY BINTANA
Updated at Dec 5, 2019, 16:55
 "Ngayon niya napatunayan na kahit hindi na pala siya mahal nito, gagawa pa rin siya ng paraan para muling ipaalala rito ang dating nadarama nito sa kanya..."   Unang kita pa lang ni Wenggay kay Zeke ay humanga na siya rito, lalo na kapag ngumingiti ito. Makita lang niya ang pamatay na dimples nito ay kandaloka na ang puso niya! Sa batang edad ay natuto siyang magmahal. Dito niya naramdaman na masarap palang humanga, napakagaan sa pakiramdam.  Naging inspirasyon ito ni Wenggay sa pag-aaral at sa lahat ng gawain. Pero umabot sa puntong sumobra na siya sa paghanga rito. Tumindi ang mga ginagawa niyang pagpapansin hanggang sa nakasakit siya ng ibang tao. Dahil doon ay nagalit si Zeke sa kanya. Sa galit ay nasabi nito ang mga bagay na dumurog sa bata niyang puso.  Dahil sa labis na pagkapahiya at sakit ay lumipat siya ng eskuwelahan at nawalan na ng balita rito. Makalipas ang sampung taon ay muli silang nagkita. Malaki na ang naging pagbabago niya. Nabaligtad ang sitwasyon dahil ito na ang parang natuturete tuwing kaharap siya. Halata sa mga mata nito ang paghangang matagal niyang inasam.  Pero paano na? Hindi na siya ang dating trese anyos na dalagitang hahabol-habol dito. At isa pa, may Sadeek na sa buhay niya...  
like
bc
THE PLATERO TRILOGY BOOK 3: ETERNITY REIGN
Updated at Dec 2, 2019, 03:43
"I call it 'eternity reign.' 'You know why? Because the love I have for you is endless." TEASER: Isang Prince Charming ang turing ni Reign sa kababatang si Wryle dahil lagi siyang sinasagip ng binata tuwing napapahamak sa kanilang hacienda. At sa kabila ng batang edad, alam na ni Reign sa sarili na si Wryle ang lalaking gusto niyang makasama habang-buhay. Kaya ginawa niya ang lahat upang mapansin at mapalapit sa kababata. Kahit pa tinututulan iyon ng mga matapobreng lolo at lola ni Reign dahil isang hamak na anak si Wryle ng kanilang tagaluto. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay lumayo si Wryle kasama ang ina, na punong-puno ng galit at hinanakit kay Reign. Labis siyang nasaktan. Makalipas ang anim na taon, sa kasal ng kaibigan ni Wryle na kapwa naging platero ng lalaki ay nakita uli ni Reign siWryle. At sa kabila ng maraming taong dumaan at hindi magandang nangyari sa pagitan nila, hindi maitatanggi ni Reign na walang nagbago sa nararamdaman niya sa kababata. At sa kanilang madalas na pagkikita ay nalaman niya na mahal pa rin siya nglalaki. Pero tila huli na ang lahat para sa kanila dahil ikakasal na si Reign sa iba...
like
bc
THE PLATERO TRILOGY BOOK 2: LOTUS' CHAIN BROOCH (taglish)
Updated at Nov 23, 2019, 22:46
"Wala, eh, naririnig ko lang ang pangalan mo, natuturete na ako. Hindi ko alam kung ano'ng meron ka para mapasunod mo ako." Tanging si Xavier ang inaasahang kakampi at sandalan ni Lotus sa lahat ng kanyang mga pinagdaraanan sa buhay. Ngunit bigla na lang siyang iniwan ng asawa. Dahil doon ay hindi niya mapatawad si Xavier at pinilit din ang sariling kalimutan ang kanilang mga pinagsamahan. Kasabay niyon ay inabot niya ang matagal nang pangarap na maging lead guitarist ng sikat na all-girl band-ang Toasted Candies. Ngunit muling nagkrus ang kanilang mga landas ni Xander-dahil malaki ang kaugnayan ni Lotus sa pagtulong ng dating asawa sa isang kaibigan. Napilitang makisama uli si Lotus kay Xavier sa loob ng isang buwan sa La Union-kung saan nagtatrabaho ang asawa bilang platero-bilang kapalit ng tulong na iyon. Ang sitwasyon ding iyon ang nakita ni Lotus na paraan upang magantihan si Xavier sa ginawang pananakit sa kanya. Ngunit sa muli nilang pagsasama, hindi matanggap ni Lotus na sa kabila ng galit na kinikimkim sa kanyang dibdib ay nag-uumapaw pa rin pala ang kanyang pagmamahal para sa asawa. At dahil ayaw nang masaktang muli, nakabuo ng isang desisyon si Lotus-siya naman ang lalayo kay Xavier.
like
bc
MY HANDSOME LITTLE DEVON (taglish)
Updated at Nov 22, 2019, 21:11
“My dreams are meaningless if you’re not there. Ayokong nasa likuran lang kita at pinapanood akong tinutupad iyon.” Gustong maging doktor ni Mayet balang-araw kaya nag-aral siyang mabuti. Maganda naman ang naging resulta niyon dahil naging consistent honor student siya. Pero nabulabog ang tahimik niyang mundo sa pagdating ng isang cute, pilyo, at makulit na lalaki. Hindi susuko si Devon David hangga’t hindi nakukuha ang matamis niyang “oo.” Pilitin man ni Mayet na kontrolin ang sarili, nahulog pa rin ang loob niya kay Devon. Aaminin niya, naaaliw at kinikilig siya sa binata. Si Mayet ang first love ni Devon. Siya ang katuparan ng mga pangarap ng binata. Dahil kay Mayet, tumino at nag-aral nang mabuti si Devon. She was his inspiration. Pero dumating sa puntong kailangan na ni Mayet na itigil ang kahibangang iyon. She broke his heart. Pagkalipas ng maraming taon, muli silang nagkita ni Devon. Ibang-iba na ito. Malayo na sa dating pilyo at makulit. He became a gorgeous heartless hunk. At siya, nagbago na rin. Dahil siya na ngayon ang natotorete sa harap ng binata. Pero huli na ang lahat, dahil engaged na si Devon at mukhang itutuloy nito ang mga pangarap na hindi siya kasama…
like
bc
THE LEGENDARY DEVILS TRILOGY 1: THE ACCIDENTAL HERO
Updated at Nov 17, 2019, 02:08
"She still loves him whatever he is, whoever he was and how imperfect he'd been. No matter how bad he was, she still accepts him how tainted he was..." Kapit sa patalim si Kaye dahil sa patong-patong na kamalasan sa buhay. Dahil doon ay sumugal siya. Nagtawag siya ng demon na sa tingin niya ay magsasalba sa kahirapan at utang. Ginawa niya ang lahat para makapag-summon. Nagawa naman niya at natawag niya si Demetineirre-ang demon leader ng 66th legion sa underworld. Pero wrong timing iyon dahil natawag ito ni Kaye kung kailan nanganganib ang buhay niya. Aksidenteng nailigtas siya nito pero dahil sa isang demon, binalak siya nitong gantihan. At dahil handa si Kaye, nagawa niyang kontrolin si Demetineirre. Hindi niya ito pinakawalan hangga't hindi siya nito binibigyan ng kayamanan. Sa loob ng panahong nasa ilalim ito ng sumpa niya ay nahulog ang loob nila sa isa't isa. Naging simple at masaya ang buhay nila hanggang sa nagkaroon ng krimen sa lugar nila Kaye na itinuturong suspect si Demetineirre. Dahil doon ay nagkahiwalay sila na mayroong samaan ng loob. Bumalik si Demetineirre sa underworld at doon nalaman ni Kaye ang totoo: na mali ang mga paratang niya rito. Ginusto niyang makita at makasama si Demetineirre pero papaano? Hindi na umeepekto ang mga summoning spells niya. Mukhang hindi na sila nito magkikita...
like
bc
THE PLATERO TRILOGY 1: HUNDRED RINGS OF SILVER (taglish)
Updated at Nov 14, 2019, 21:09
Maraming sakit ng kalooban ang pinagdaanan ni Ethel, isang sikat na fantasy writer, kaya pinili niyang maglagay ng matayog na pader upang protektahan ang sarili. Lumayo rin siya upang makapagsimulang muli. Natagpuan niya ang panibagong buhay sa bayan ng Naguilian, La Union nang mangupahan siya sa apartment na pagmamay-ari ni Constancia Callejo na may-ari din ng Marl's Silver Shop, isang sikat na pagawaan ng mga silver accessory sa lugar. Pero mukhang mabubulabog ang natagpuang katahimikan ni Ethel nang makilala niya si Denim Callejo-mabait, malambing, guwapo, at umaapaw sa pagiging simpatiko-na nag-iisang apo ni Lola Constancia at nagtatrabaho bilang platero sa negosyo ng pamilya. Sa unang pagkikita pa lang ay natulala na siya sa lalaki at parang natutunaw sa mga nangungusap nitong mga mata na tila binabasa pati ang kanyang kaluluwa. Pero pinaglabanan niya ang atraksiyong naramdaman dahil wala na siyang karapatang umibig dahil sa kanyang mapait na nakaraan. Tila ayaw naman siyang tantanan ni Denim. Lahat ay ginawa ng lalaki upang mapalapit sa kanya sa kabila ng pag-iwas at pagsusungit niya. Hanggang sa unti-unti nang nabuwag ang depensa ni Ethel dahil sa kabaitan at pagmamahal ng lalaki. Gustong ng bumigay ng kanyang puso, ngunit paano kung malaman ni Denim ang kanyang nakaraan? Makayanan kaya uli niyang tanggapin na maaaring mawala sa kanya ang lalaking pinakamamahal?
like
bc
YGNACIA ESCONDIDO SERIES 1: SYMLA, THE BLACK SAINT (english)
Updated at Sep 4, 2019, 00:00
Vampires are vanishing. The war between wolves and vampires made them extinct. When vampires found out about Symla’s unique ability—a vampire that can bear a child—they hid her and protect her from wolves. For them, she’s the only one who can continue their kin. Wolves found out about Symla and hunt her. In the end, Amado Estacion—the wicked prince of wolves—captured Symla. According to him, he needed her to his plans. He made a promise that he will kill her after that. Their journey starts there. Symla discovered a lot of things about Amado. She didn’t realized, she was falling in love with the prince. No matter how much she tried to control her feelings, it grew deeper, stronger. His kiss and touch warm her heart. She didn’t expect Amado has the capacity to make her feel that way. But that was insane! She’s a vampire and he was a wolf. Is it possible for someone like them end up with each other? They have different mission. Are they going to choose love over their clan? Are they going to give up everything because of love?
like
bc
PLEASURE SEEKER (TAGALOG, FILIPINO)
Updated at Aug 25, 2019, 00:00
"Magsasawa ako sa sex pero hindi pagdating kay Damsel..." Call me Ray. Lahat ng lalaki, mayroong kani-kaniyang pantasya. At ang pantasya ko, si Damsel. Bata, kimi at napakaganda. I always thought about her until I finally got the chance to spend one night with her. I thought it would end my misery but I was wrong. Lalo akong nabaliw sa kanya. I made a promise to myself. I will do everything to make her mine... Pero paano ko iyon magagawa kung umalis siyang bigla at hindi na mahanap?
like
bc
WILCOXON (taglish)
Updated at Jun 25, 2019, 01:23
Winston Wilcoxon was a broken man. Nagpalipat-lipat siya sa kandungan ng mga babae para lang makalimutan ang unang babaeng minahal—si Cara. Until he met Mellie Lopez in an unexpected way. The woman was irresistible. The sexual tension between them was too strong he felt the intense urge wanting to consume her. Kaya hindi siya masisisi ng kahit sino na nauwi sa mainit na pagniniig ang unang pagkikita nila ng babae. But women just come and go in his life. Hindi na niya ito inaasahang makikita pa matapos ang lahat. Kaya nagulat si Winston na isang araw ay bigla itong dumating at muling ginulo ang mundo niya. Magpapagulo ba si Winston kay Mellie? Payag ba siyang madagdagan ang mainit na gabing pinagsaluhan nila kahit na nasa puso pa rin niya si Cara?
like
bc
FIERY VENGEANCE (TAGLISH)
Updated at Jun 11, 2019, 21:55
He was ready to fight for her. He was ready to die for her… Sumumpa si Sonja na gagawin ang lahat para maipaghiganti ang kanyang ina na pinatay ng mga bampira. Dahil isang half-breed at namana ang katangian ng amang isang tao, hindi ganoon kalakas ang katawan ni Sonja. Kinailangan niyang humingi ng tulong sa mga lycan. She would use them to avenge her mother’s death. Inakit niya si Lucian—ang heneral ng mga lycan. She did everything. She used her body and took advantage of his sexual desires as a lycan. Pero mayroong nadiskubre si Sonja. Hindi niya sukat akalaing mabubuhay rin pala ang kanyang pagnanasa. She craved for more. She wanted Lucian to touch her like he owned her. She wanted him to touch her in every place she needed and wished to be touched. With him, everything was different. Nabaliw si Sonja at nalunod sa init na kayang ibigay ni Lucian. Makakaahon pa ba siya at maaalalang muli ang dahilan kung bakit niya inaakit ang lalaki?
like
bc
JUDAH'S DAMSEL (taglish)
Updated at Jun 5, 2019, 23:15
Hinamon si Cara ng boyfriend na si Winston: ang harapin ang unang lalaking dumaan sa buhay niya--si Judah Calvento. Naniniwala si Winston na tuluyan niyang makakalimutan ito oras na tuluyan niyang putulin ang natitirang ugnayan dito: ang bayaran ang malaking naging utang. Nakumbinsi si Cara. Binalikan niya si Judah para lang mapahiya sa sarili. Dahil agad niyang napatunayan na hindi nagbago ang nararamdaman niya rito. Kaya pa rin nitong buhayin ang pagnanasa sa katawan niya. Isang tingin at hawak lang, gusto na agad siyang balutin ng init sa katawan. Maraming beses niya itong tinanggihan. Pati ang sarili ay maraming beses niyang pinigilan. Hanggang kailan kakayanin ni Cara ang lahat? Bibigay ba siya o magagawa ba ni Winston na tapatan ang init na kayang ibigay ni Judah sa kanya?
like
bc
STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY HOSTED BY LOLO KUPIDO)
Updated at Jun 2, 2019, 00:00
Binalak na akitin ni Araceli ang kanyang kaibigang si Domeng dahil napagtanto niya na kung hindi pa siya kikilos ay hindi siya nito mapapansin. Isinagawa niya ang plano sa Party of Destiny kung saan ay nalaman niyang dadaluhan nito. And the game ‘Kiss of Destiny’ was the perfect time to catch his attention. She immediately grabbed him and kissed him. She succeeded and ended spending the night with him. Only to find out the next morning that the man she spent the night with was a complete stranger! Domeng din ang pangalan nito. At kahit na mas guwapo ito, ibang tao pa rin ito. Mukhang nagkada-letse-letse ang plano niya dahil sa similarity ng pangalan nito; sa maskara na suot nito at tama ng alcohol sa kanya ng nagdaang gabi. Umalis siya at naniwalang hindi na ito muli pang makikita. Pero nagbiro ang tadhana dahil muling nagkrus ang landas nila sa ospital na pinapasukan. He said it was destiny. She said it was stupid and didn’t believe it… Dahil kung paniniwalaan niya iyon, papaano sila ni Domeng?
like