bc

HOT INTRUDER: JULY, THE DEVIOUS INTRUDER

book_age0+
1.1K
FOLLOW
8.2K
READ
love-triangle
possessive
family
opposites attract
friends to lovers
goodgirl
drama
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Laki si Yasmin sa mga tiyahing matatandang dalaga at tunay na relihiyosa kaya nahirapan siyang kumbinsihin ang mga ito na payagan siyang magsarili. Naging tahimik at maayos ang buhay niya sa bagong biling bahay hanggang sa bulabugin siya ng isang estranghero—si July Raffel.

Simula pa lang ay binigyan na siya ng patong-patong na problema ng lalaki. Nahuli sila ng mga tiyahin niya sa hindi kanais-nais na tagpo at para sagipin siya sa kahihiyan ay kailangan nilang magpakasal.

No choice si Yasmin kaya napilitan siyang makiayon sa takbo ng mga pangyayari. Pero may isang kondisyon: magpapakasal sila ni July at maghihiwalay rin sa tamang panahon.

And they started acting like a couple tying the knot. Pero sa pagdaan ng mga araw at makilala ni Yasmin ang totoong July ay naging dispalinghado ang t***k ng kanyang puso hanggang sa magising siya isang umaga na in love na sa kanyang intruder. Very loveable naman pala talaga si July.

Ayos na sana ang lahat at mukhang nahuhulog na rin ang loob ni July sa kanya—na-inlove yata ito dahil sa kasungitan niya. Pero biglang lumitaw sa araw pa mismo ng kasal nila ang ex-girlfriend ni July. Kasamang nawala ni July ang dating nobya at naiwan si Yasmin na salo ang lahat ng kahihiyan. Paano naman kaya ang kanyang happy ending?

chap-preview
Free preview
1. BANYO QUEEN
Saglit na tinapunan ni Yasmin nang tingin ang bath tub kung puno na iyon ng tubig. Nang makitang hindi pa ay nagpatuloy pa rin siya sa pagkanta kasabay sa musika na nagmumula sa cellphone habang nagba-body scrub. Sinubukan niya ang bagong brand na napanood sa TV noong isang linggo at sa tingin naman niya ay effective. ‘Banyo Queen’ ang bansag kay Yasmin ng kapatid na si Yllan dahil inaabot siya ng siyam-siyam sa paliligo. Kulang ang isang oras dahil sa mga ginagawa niyang mga anik-anik bago maligo. At habang ginagawa iyon ay nakikinig si Yasmin ng music. Hindi aakalain ng mga nakakakilala sa kanya na mahilig sa kahit na anong genre. Mula sa rock, alternative, metal, pop, love songs at kung ano pa ay kabisado niya. Yasmin was a music high school teacher. Mukhang ‘Miss Tapiya’ ang kanyang itsura. Old fashion. Malaki at makapal din ang salamin dahil sa kalabuan ng mga mata. Ang fashion na iyon ang nakasanayan na ni Yasmin dahil mula bata ay iyon na ang madalas ipasuot sa kanya ng mga matatandang dalaga na tiyahin na nagpalaki sa kanilang magkapatid. Relihiyoso rin ang mga tiyahin at sobrang higpit. Hindi na nila nakagisnan ni Yllan ang mga magulang na kapwa namatay sa aksidente noong maliit pa lang sila kaya ang mga ito na ang nagpalaki sa kanila. Apat na taon ang tanda ni Yasmin kay Yllan at kahit malayo ang personalidad niya rito ay magkasundo pa rin sila. Sa kabila ng lahat ay nagdesisyon din siyang magsarili. Ilang taon din siyang nagipon para makabili ng sariling bahay na malapit sa dagat. Nag-loan din siya para pandagdag at binabayaran iyon sa ngayon. Pangarap na niya iyon noon pa. Si Yllan naman ay sa Baguio nakatira at nagtatrabaho bilang electronics engineer sa isang semicon na kumpanya. Yari na ang bahay nang mabili niya. Kahit halos harangan siya ng sibat ni Tiya Auring, ang isa pang tiyahing ubod ng sungit ay wala itong nagawa. Katakot-takot na paliwanagan ang ginawa niya dahil nasa edad na siya para magsarili. Pambihira, beinte otso na siya at ayaw na niyang dumepende sa mga ito. Nangako siyang dadalaw ng madalas sa bayan kung saan nakatira ang mga ito. Isang sakay lang iyon mula sa bago niyang tinitirhan. Binigyan din niya ng susi ang mga tiyahin para kahit wala siya ay magagawang makapasok ng mga ito. Isa iyon sa mga kondisyon nila at pumayag siya para mapanatag ang mga ito. Love at first sight ang nangyari kay Yasmin sa bahay. Mabuti na lang ay nagmamadaling ibenta iyon ng pamilya Ofrecio, pamilya ng mga abogado, mula apo sa tuhod hanggang sa lolo. Nag-migrate na kasi ang pamilya sa London at walang maiiwan kaya ibinenta na lang iyon kasama ang lahat ng gamit. Maganda at moderno ang disenyo noon kaya lalo niyang nagustuhan. Iyon nga lang ay malapit iyon sa isang resort pero wala namang kaso dahil ramdam pa rin niya ang privacy. Bago matapos ang taon ay nakalipat na siya roon. Nang makuntento sa pagkuskos ng katawan ay lumubog siya sa tubig. Ah, iyon ang pinakapaborito niyang bahagi ng bahay niya—ang banyo. Pangalawa ang music room dahil nandoon ang halos lahat ng instrumentong pundar niya at siya lang ang puwedeng pumasok. Ayaw na ayaw niyang pinakikialaman iyon. Pangatlo ang silid dahil mahilig siyang matulog kapag walang ginagawa. Pangatlo ang kusina dahil mahilig din siyang magluto at kumain. Madalang lang siyang pumunta sa sala para manood ng TV dahil ang talagang pinakahilig niya ay ang pakikinig ng music. Doon niya ibinibuhos ang buong panahon kapag nagpapahinga at walang pasok. Paminsan-minsan ay nagpupunta din siya sa tapat ng beach o lumalangoy. Para kayYasmin ay passion pa rin niya ang pagiging musikera. Gusto niyang magtayo ng sariling music school. Iyon ang susunod niyang pagiipunan. Napangiti siya nang maisip ang tagpong may sarili siyang eskwelahan kahit maliit pa. “Maiimpluwensyahan mo ang mga kabataan na mayroong hilig din sa music.” Kausap ni Yasmin sa sarili habang iniisip ang pangarap. Ah, parang nakikinikinita niyang magiging daan siya sa ilang tanyag na banda o musicians. Kahit hindi siya kilalanin ng mga ito, matutuwa pa rin siya dahil alam niyang sa puso niya ay may natulungan siyang naabot ang isang pangarap. “’Di ba? Marunong akong mag-piano, violin, gitara, drums, harmonica at kung anu-ano. Marami akong puwedeng ituro sa mga mag-e-enrol sa music school ko. Hmm…” kausap ulit ni Yasmin sa sarili. Na-e-excite tuloy siya. Matapos bayaran ang bahay ay iyon talaga ang isusunod niyang—ang project music school! Parang nakikini-kinita na niya ang mga batang ie-enroll sa maliit niyang music school. Makukulit at excited. Ganoon na ganoon siya noong i-enroll ng mga tiyahin para sa mga summer music school kaya natuto siya. Kahit panahon pa ng kopong-kopong ang mga tiyahin niya ay mahal nila itong magkapatid. Inaruga at pinalaki sila ng maayos. Hardcore lang talaga sa higpit. Mabuti pa nga’t napahinuhod niyang makapagsarili. Gayunpaman ay naiintindihan ni Yasmin.Matatanda na ang mga tiyahin at maraming kinakatakutan. Pero wala siyang ibang magagawa kundi ang pagaanin ang loob nila na magiging maayos din siya. Nang makuntento na si Yasmin sa pagbabad sa tub ay tumayo na siya at drinain ang tubig. Binuksan rin niya ang shower upang makapagbanlaw at nang huminto na ang tugtog ay hindi na niya iyon pinansin. Naghilod siya ng paulit-ulit habang kinakanta ang huling musikang napakinggan. Nang mapagod na si Yasmin sa paliligo ay nagpunas na siya. Pakanta-kanta rin habang nagbibihis ng isang simpleng pambahay saka inilagay ang towel sa buhok. Nang makontento ay lumabas na siya ng banyo nang biglang mapatili dahil sa isang lalaking akma sanang papasok doon. Wala itong pangitaas, nakabalot lang ng towel ang ibabang bahagi ng katawan nito. Halata sa mukha nito ang pagkaaburido at dahil sa pagkabigla niya ay hindi na niya nagawang busisiin ang mukha nito. Nanayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan dahil sa takot! At dahil doon, nahintakutan siyang tumili ng tumili!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.6K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.8K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.4K
bc

My Husband's Mistress

read
298.0K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.7K
bc

Payment of Debt

read
88.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook