bc

STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY HOSTED BY LOLO KUPIDO)

book_age0+
6.5K
FOLLOW
47.7K
READ
one-night stand
pregnant
playboy
goodgirl
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Binalak na akitin ni Araceli ang kanyang kaibigang si Domeng dahil napagtanto niya na kung hindi pa siya kikilos ay hindi siya nito mapapansin. Isinagawa niya ang plano sa Party of Destiny kung saan ay nalaman niyang dadaluhan nito. And the game ‘Kiss of Destiny’ was the perfect time to catch his attention. She immediately grabbed him and kissed him. She succeeded and ended spending the night with him.

Only to find out the next morning that the man she spent the night with was a complete stranger! Domeng din ang pangalan nito. At kahit na mas guwapo ito, ibang tao pa rin ito. Mukhang nagkada-letse-letse ang plano niya dahil sa similarity ng pangalan nito; sa maskara na suot nito at tama ng alcohol sa kanya ng nagdaang gabi.

Umalis siya at naniwalang hindi na ito muli pang makikita. Pero nagbiro ang tadhana dahil muling nagkrus ang landas nila sa ospital na pinapasukan. He said it was destiny. She said it was stupid and didn’t believe it…

Dahil kung paniniwalaan niya iyon, papaano sila ni Domeng?

chap-preview
Free preview
1. KISS OF DESTINY
“Tara na! Lumabas na siya. Nakabihis na siya, siguradong papunta na siya sa party!” tarantang saad ni Araceli kay Elizabeth, ang kanyang kaibigan. Nakasilip siya sa bintana. Sa tapat lang ng apartment niya nakatira si Domeng kaya tanaw na tanaw niya ito. Labis siyang nagpapasalamat dahil napapayag niya si Elizabeth na sumama party at kunsintihin ang kanyang ‘maitim’ na balak kay Domeng, her best friend. Hindi na siya nakaangal ng sabihin nitong uuwi rin ito kapag nabagot sa party. Isa pa raw, kailangan din naman nila ng privacy ni Domeng kaya uuwi na lamang din ito sa gabing iyon. Ang importante ay masamahan siya nito dahil kahit papaano’y pinanghihinaan din siya ng loob.             Gaganapin ang ‘Party of Destiny’ sa isang bagong beach resort sa Batangas. Nakapagpa-reserve na rin siya ng silid sa harapan mismo ng beach. Nakapagrenta na rin siya ng gown at mayroon na rin siyang maskara. Talagang pinaghandaan niya ang lahat ng iyon. Dalawang linggo ng nakararaan, may nakakwentuhan siyang matanda. Nakatabi niya ito sa waiting area ng hospital. Nagpakilala itong Leandro Sandoval. Naghihintay ito ng resulta ng general check up nito samantalang naghihintay siya ng schedule niya ng interview dahil nag-apply siya sa Saint Matthew Hospital bilang isang nurse.             Mabait naman ito at mukhang nababagot na kaya kinausap siya. Wala naman siyang makitang masama sa pakikipagusap dito. Agad na naging kampate ang kalooban niya rito at nauwi sa kung saan-saan ang kanilang paguusap. Hanggang sa nabanggit niya ang damdamin sa kanyang best friend na si Dominik Razaleno o Domeng.             Matagal na siyang  may gusto dito. Bata palang ay magkasama na sila nito. Magkapitbahay sila sa probinsya at laging magkalaro. Magkaklase sila magmula elementarya hanggang high school. Sa kolehiyo lang sila nito nagkalayo dahil hindi siya pumasa sa unibersidad na pinapasukan nito. Gayunman, nakikipagkita pa rin ito noon sa kanya kung may pagkakataon.             Nai-program na niya sa isip na ito ang dapat niyang maging asawa. Mabait ito at magalang. Ginawa niya ang lahat para mapalapit dito. Kagaya na lamang ng pagpasok sa ospital na pinapasukan din nito na Saint Matthew Hospital. Hindi kasi siya nagkaroon ng pagkakataong makapasok doon limang taon ng nakararaan dahil walang bakante at nauwi siya sa pampublikong ospital. Nang magkaroon ng bakante sa Saint Matthew ay agad siyang tinimbrehan ni Domeng. Mas malaki ang pasahod sa Saint Matthew kumpara sa pinanggalingan niya at malalaki ang mga benefits. Binibigyan pa ng mga insurance ang lahat ng empleyado doon.             Sa tingin niya ay makakapasok na siya dahil pampublikong ospital ang pinanggalingan niya. Maganda rin ang recommendation sa kanya ng ospital. Intense ang naging training niya roon at umaasa siyang ikokonsidera iyon. Sabi ng HR ay maghintay na lamang siya ng tawag sa resulta.             Napahinga siya ng malalim. Unti-unti na siyang gagawa ng hakbang para sa kanila ni Domeng. Hindi na niya makakaya pang maghintay. Beinte syete na siya, inaamag na siya lahat-lahat, hindi pa rin siya nakikita ni Domeng. Masakit mang isipin ay kaibigan lang ang turing nito sa kanya bagaman nahahaluan iyon ng espesyal. Kumbaga sa hagdan, isang baitang lang ang kalamangan niya sa mga kaibigan nito at alam niyang uunahin siya nito. Katibayan na siya ang una nitong tinawagan sa dami ng mga nurse na kaibigan nito para sa bakanteng posisyon. Kahit sampo ang nabakante, siya lang daw ang tinawagan nito.             Pero alam niyang hanggang doon lang iyon at kailangan na niyang kumilos. Wala naman itong girlfriend ngayon. Dalawang buwan ng nakakalipas ay naki-pag-break ito sa girlfriend nito. Nalungkot pa rin siya dahil alam niyang masakit iyon para rito. Gayunman, ipakikita na lamang niyang nandoon siya para rito.             Narinig niya itong may kausap sa telepono isang buwan ng nakararaan at naulinigan niya ang ‘Party of Destiny’ daw iyon. May ticket daw ito at kailangan ng makakasama dahil good for two ang ticket. Dinig pa niya’y matanda daw ang nagbigay dito sa ospital din na iyon. Gusto niyang magprisinta agad pero nanlumo siya ng malaman niyang base sa naging paguusap nito sa telepono ay pumayag na ang kausap nito. Agad siyang nagisip kung papaano makakakuha ng ticket. Halos mabaliw-baliw na siya dahil hindi niya alam kung saan hahagilap.             Pero gayun na lamang ang pananayo ng balahibo niya ng matapos niyang ihinga ang lahat ng saloobin sa matanda tungkol kay Domeng ay binigyan din siya nito ng ticket. Kung ano ang narinig niya tungkol sa tinutukoy na party ni Domeng sa telepono noon ay ganoon din ang nabasa niya sa ticket. Mukhang destiny nga ang nangyari. Nakakuha din siya ng ticket mula sa isang matanda at makakapunta rin siya! Napakaswerte talaga niya dahil nabigyan siya ng pagkakataon at hindi na niya sasayangin iyon. Halos hindi siya humintong nagpasalamat kay Mr. Sandoval.             Muli siyang sumilip sa bintana. Napangiti siya. Ang guwapo talaga ni Domeng sa suot nitong light blue na tuxedo. Mukhang excited ito dahil naka-maskara na ito. Ganoon din ang kulay ng tuxedo mask nito. Kilig na kilig siyang napangiti at nang makaalis na ang sasakyan nito’y lumabas na rin sila ni Elizabeth at agad na pumara ng taxi. Inarkila na niya iyon hanggang sa resort kesehodang napamahal siya sa fare.             Napailing-iling si Elizabeth Laurel. Magkaiba ang naging kurso nila sa unibersidad na pinasukan noon pero magka-roommate sila nito sa boarding house na inuupahan niya. Ito na rin ang naging kaibigan niya hanggang sa ngayon. Agad naman silang nagkasundo dahil mabait naman ito sa kabila ng pagiging pranka at makulit nito. Alam nito ang lahat ng pagpapantasya niya kay Domeng kaya hindi na ito nagtataka kung halos kaladkarin na niya ito papuntang party.          “Hay naku, hindi ka na talaga paaawat sa kahibangan mo.” Anito saka muling napailing. “Huwag mong sabihing hindi kita pinaalalahan, ha.” Sermon nito sa kanya.             Ito ang masasabi niyang ‘sanity’ sa kalokohan niya kay Domeng. Kung gusto daw talaga siya ni Domeng ay hindi na daw niya kailangang gawin iyon. Ano siya bale? Hindi nga siya nakikita ni Domeng more than a friend, wala pa siyang gagawing aksyon? Umaandar ang taon! Magiging isang malaking amag na siya kapag naghintay pa siya.             Gusto na rin niyang maikasal at magka-anak. Pagkakataon na niya iyon kaya hindi na siya magdadalawang isip pa. Napailing na lamang ito noon sa dahilan niya at napabuntong hininga. Alam niyang sa kabila ng lahat ay gusto rin nitong maging masaya siya. Kaya nga ito nandoon at tumulong para makapagpa-reserve sila ng cottage. Doon sila magpapalipas ng gabi ni Domeng.             Ang plano niya ay dapat na maakit niya ito. Dapat ay pusturang-pustura siya para makita nito na may itsura rin naman siya. Baka sakaling makita siya nito ng higit sa isang kaibigan at mabighani ito kapag nakapagayos na siya.             Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa Mystic Landia Resort. Nag-check-in na sila agad dahil maaga pa naman at saglit muna sila nitong nagpahinga. Alas otso ang simula ng party at Alas syete na kaya paspas sila sa pagkilos ni Elizabeth. Fully air-condition at makabago ang mga pasilidad ng silid. Malinis at mabango, halatadong bago pa iyon.             Matapos makapagpahigna ay nagayos na sila ng kaibigan. Simple ang naging ayos nila ay maganda pa rin ang kinalabasa ng make-up nila. Ang buhok niyang hanggang gitnang likuran ay kinulot nila ang dulo. Hinayaan lamang nila iyong nakalugay. Kulay ginto ang gown niya. Tube ang dating noon na napapatungan ng silver na shawl. Overlapping ang laces noon at mayroon mga beads. Tila mala-mariposa ang kanyang maskara. May pinong balahibo iyon sa gilid at mga glitters. Kulay silver din iyon, bagay na bagay sa kanyang gown. Malaking tapyas iyon sa savings niya pero wala na siyang paki. Mas may paki siya sa love life niya.             Ilang sandali pa ay nagtungo na sila sa bulwagan ng resort. Doon siya tinamaan ng matinding kaba sa dibdib. Ilang oras na lang ang bibilangin niya, moment of truth na. Habang tumatagal ay umaakyat ang puso niya sa ngalangala.             “Ano? Kaya mo na? Magiikot-ikot lang ako, ha.” Paalam ng kaibigan niya at tila wala sa sariling napatango siya habang lumilinga.             “Ma’am, drinks?” anang isang waitress.             Napalunok siya ng makita ang puting inumin sa kopita. Agad niyang kinuha iyon at ininom. Napangiti ang waitress ng ibalik niya ang kopitang walang laman at kumuha ng dalawa pa. Masarap din kasi ang inuming iyon.May hatid na init na nakakapagpakalma sa puso niyang nagwawala bagaman lasa niya ang gapatak na alcohol. Gin tonic daw ang tawag doon. Halo ang gin, tonic water at lime.             Umikot siya sa buong party at hindi pinansin ang ilang patimpalak ng matandang lalaking host. Nagpakilala itong Lolo Kupido sa lahat at kasalukuyang nasa itaas ng platform na nasa ikalawang palapag ng function hall. Napakaraming bisita kaya nahihirapan siyang mahanap si Domeng. Nang maubos niya ang alak sa dalawang baso ay agad siyang kumuha ng kapalit ng may makasalubong na waitress.             Sa pagkakataong iyon ay parang tinamaan na siya. Hindi rin naman kasi siya sanay na uminom pero hindi iyon naging sagabal sa lasa ng alak. Tolerable iyon dahil may kasama iyong tamis. Marahil ay sa mga hinalo na rin sa inumin. Isa pa’y kailangan niyang uminom para alisin ang nerbyos at inhibisyon sa sistema niya. Aba, kinakabahan pa rin naman siya sa gagawin niya.             Hindi na niya alam kung ilang oras na niyang hinahanap si Domeng. Napapagod na siya at nangangalay na sa suot na sapatos. Susuko na sana siya ng mamataan ito sa veranda na nakapalibot sa buong bulwagan. Nasisiguro niyang ito si Domeng dahil kilala niya ang tindig nito. Isa pa’y ito lang ang nakasuot ng light blue tuxedo at light blue na mask. Doon siya nakahinga ng maluwag at muling nakaramdam ng matinding tadyak sa dibdib niya.             Kaya mo ‘yan. One step closer ka na, alangan naman hindi mo pa siya lalapitan? Anang isang bahagi ng isip niya at napahinga siya ng malalim. Umakyat siya para puntahan ito at muli na naman kumuha ng isang kopita ng alak ng masalubong niya ang waiter. Bago siya tuluyang lumapit kay Domeng na nakatalikod dahil may kausap itong dalawang babae ay tinungga na niya ang alak saka iyon inilapag sa isang side table at lakas-loob itong nilapitan. Gayunman, bago pa siya ganap na nakalapit ay natigilan siya dahil sa isang anunsiyo ni Lolo Kupido. “Ang larong ito ay tinatawag kong ‘Kiss of Destiny’,” dugtong ni Lolo Kupido. “Simple lang naman ang mechanics ng laro na ito, hahanap lang kayo ng isang kapareha at hahalikan niyo siya. We can imagine na ang mga taong nakapareha niyo ay ang nakatakda na nga para sa inyo,” tumawa ito. “Siyempre hindi ko naman pinipilit makisali ang mga ayaw. This is just a game, pagbigyan niyo na ako. Kapag medyo lumamlam na ang mga ilaw sa buong paligid, magsisimula na ako sa countdown para sa larong iyon,” muling wika ni Lolo Kupido. Nang lumamlam ang ilaw ay nanlaki ang mga mata ni Ara. Naalarma siya nang makitang hinawakan ng isang babae ang braso ni Domeng! Hindi iyon maaari! Siya ang destiny! Kaya sa malalaking hakbang ay agad niyang nahawakan si Domeng at ipinaling ito paharap upang gawaran ito ng kanyang ‘Kiss of Destiny’.   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Kind of Love

read
699.9K
bc

Resisting My Billionaire Husband

read
9.0M
bc

Resisting The Alpha

read
382.6K
bc

The Marriage Contract

read
68.0K
bc

The Shadow Wolf

read
6.1K
bc

Knight in Shining Suit

read
616.9K
bc

The Gay Nerd Who Stole His Heart

read
132.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook