God… she never thought that tasting Domeng’s lips was like heaven. Lumulutang siya sa tamis ng labi nitong nahahaluan ng alcohol. Ilang beses ba niyang naisip ang tagpong iyon? Ah… hindi na niya mabilang.
Nangunyapit siya sa leeg nito ng maramdaman ang paghapit nito sa baywang niya. Nanayo ang balahibo niya sa boltaheng tumama sa kanya. Hindi rin niya inaasahan iyon dahil sa tuwing nagtatama naman noon ang mga balat nila ay hindi siya nakakaramdam ng kakaiba. Ah… marahil ay sanay lang siya sa presensya nito ngunit iba ang pagkakataong iyon dahil sa intimacy na dinaranas niya rito.
Pinagigi niya ang paghalik dito kahit alam niyang ‘amateur kisses’ lamang ang kaya niyang igawad. Ito ang una niyang halik dahil kahit kailan ay hindi naman siya nagka-nobyo. She was reserving herself for this man.
“Domeng…” anas niya sa pagitan ng mga labi nila at dama niyang napangiti ito. Ilang beses nitong idinampi-dampi ang labi nito sa labi niya. Nakiliti ang puso niya sa ginawa nito at napasandig pa siyang maigi rito. “Cottage 119… hihintayin kita… magiging iyo ako ngayong gabing ito…” anas niya rito.
Siniil muna siya ni Domeng ng halik bago siya nito pinakawalan. Mabuti na lamang at hanggang itaas lang ng ilong nito ang maskara kaya nahalikan niya ito. Muli niya itong nilingon. Tumalon ang puso niya dahil nakatingin pa rin ito sa kanya habang hinahagod ang baba nito at mayroong maliit na ngiti ang naglalaro doon. Nagpalipad naman siya ng isang flying kiss dito. Kabado at kilig na muli siyang tumuwid ng lakad.
Bumalik na siya sa cottage at kabadong naghintay sa sala. Nahihilo pa rin siya sa tama ng alcohol at sa kapangasahang ginawa niya. Huminga siya ng malalim. Nandoon na siya at hindi na makakaurong pa. Umaasa rin siyang nakilala siya nito dahil noong tinawag niya ito ay ngumiti naman ito sa kanya. Kung ibang lalaki iyon ay siguradong itatama naman siya.
Tumalon ang puso niya ng marinig na bumukas ang pinto. Mabilis siyang tumalikod at humarap sa bintana. Sapat na para sa kanya ang tanglaw ng buwan. Romantiko pa rin ang dating noon. Kabadong-kabado siya at nahihilo na sa pagkakaturete niya. Ilang beses siyang huminga ng malalim upang pakalmahin ang pusong nagwawala na ng oras na iyon.
Nahigit niya ang hininga ng marahan nitong hawakan ang balikat niya at hinawi nito ang shawl niya. Nahulog iyon sa sahig at napaungol siya ng yumukod ito para idampi ang labi sa balikat niya. Padampi-dampi iyongumakyat sa gilid ng leeg niya patungong tainga.
“Domeng…” anas niya habang nanayo na ang lahat ng balahibo niya sa katawan.
“Hmm…” ungol nito bilang sagot.
Pakiramdam niya ay umiikot na ang paligid niya sa sensasyong nahahaluan ng tama ng alcohol. Napasinghap siya ng madama ang palad nito sa baywang niya paakyat sa gilid ng dibdib niya. Napalingon siya rito at nang magtagpo ang mga labi nila ay tila nilukob na siya ng kakaibang mahika. Ni hindi niya napansing naalis na nito ang mga maskara nila dahil doon.
Ginawaran siya nito ng mainit at malalim na halik. Sinaliksik nito ang labi niya, kinabisa ang lasa. Ninamnam ang bawat kurba hanggang sa nagkaroon na sila nito ng ritmo. Mula sa paghinga, pagkilos ng kanilang labi para namnamin ang lasa ng bawat isa. Tuluyan na siyang hinarap nito at napasandig siya sa dibdib nito.Nang madama niya ang mainit nitong palad sa likuran niya ng napaungol siya. Ibinaba nito ang zipper ng gown niya at lalong naginit ang pakiramdam niya ng tuluyang mahubaran siya.
Napasinghap siya ng buhatin siya nito mula sa paupo. Nakapagitan ang dalawang hita niya rito at nangunyapit pa siya rito. Muling nagsanib ang mga labi nila hanggang sa maramdaman niyang lumapat ang likuran niya sa sofa. Napaarko ang katawan niya ng bumaba ito sa leeg niya patungong dibdib.
Napasabunot siya sa buhok nito dahil sa kakaibang sensasyong nagningas sa ibabang bahagi ng puson niya. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya at tila naghahabol siya ng hininga. Napaigtad siya ng maramdaman naglandas ang palad nito sa pagitan ng mga hita niya. “You’re wet…” mahinang anas nito.
Wala sa sariling napaungol siya ng alisin nito ang panty niya. Lalo yatang tumindi ang reaksyon ng katawan niya ng paulit-ulit nitong hagurin iyon habang ang labi nito’y naglalaro sa dibdib niya. Ah… hindi na niya alam kung saan ipapaling ang ulo ng sandaling iyon. Bumibilis ang ikot ng mundo niya at ungol lamang ang nagagawa niya.
Napaarko siyang muli ng bumaba na ito sa bandang puson niya. Pigil ang kanyang hininga ng bumaba pa ito. Kumakabog ng ubod lakas ang puso niya sa ginagawa nito. Nabababaliw siya… nilalasap siya nito, kinakabisa rin ang lasa niya doon at tila nalilimutan na niya ang lahat ng sandaling iyon.
Napahawak siya sa isang palad nitong naglalandas sa tiyan niya habang nasa ibaba niya ito. Napakagat siya ng mariin sa ibabang labi at humigpit ang hawak niya sa palad nito ng maramdaman ang reaksyon ng katawan niya sa lahat ng ginawa nito. Halos manginig siya sa tindi ng tensyong lumukob sa kanya hanggang sa nagbaliktad sila ng puwesto. Umibabaw siya rito at hinalikan ito ng buong init. Kapalit iyon sa ginawa nitong pagpapaligaya sa kanya.
Doon niya naramdaman ang kanilang pagiisa. Napakagat siya sa ibabang labi nito at ni isa sa kanila ay walang kumilos. Dama niyang tila tumigas ang katawan nito sa natuklasan hanggang sa marahan siya nitong kinabig at napaunan siya sa dibdib nito.
“Don’t move…” anas nito at hinalikan siya sa ulo.
Napaungol siya dahil magaan na rin ang ulo niya ng sandaling iyon. Naghahalo pa ang epekto ng alak at kakaibang sensasyong binuhay nito sa kaibuturan niya. Gayunman, sa kabila ng lahat ay gusto niyang manatili sa puwestong iyon kaya ng umastang makikipagpalit ito ng puwesto’y pinigilan niya ito.
Napahinga ito ng malalim at napatango ng makuha nito ang punto niya. Bahagya siyang umangat at pilit na inaninag ang mukha nito. Hinaplos niya ang mukha nito at napangiti siya ng halikan nito ang palad niya. Tunaw na tunaw ang puso niya sa kaligayahan. Doon siya kumilos para maabot ito. Nandoon pa rin ang sakit ngunit naging alalay ito sa kanya hanggang sa tuluyan na niyang madama ang buong init nito.
Dahan-dahan ang naging pagungos nito sa ilalim niya habang inaalalayan siya nito sa balakang. Nang makapag-adjust ang katawan niya ay nakuha na niyang salubungin nito. Nagpakawala ito ng sunud-sunod na ‘oh’ at ‘ah’ hanggang sa higitin siya nito para gawaran ng mainit na halik sa labi.
Nagrarambulan na ang hininga niya sa halo-halong sensasyong iyon. Sa bawat ungos nito, mainit na halik at marahang haplos sa kanyang katawan ay tuluyan na siyang napunta sa isang lugar na ito lamang ang makakapagpapunta sa kanya. Para siyang lumulutang sa ere hanggang sa tuluyan niyang nadama ang matinding reaksyon nito at tila lumalaki ito sa kaloob-looban niya.
Isang mahabang ‘ah…’ ang pinakawalan nito at mahigpit siyang niyakap. Dinig na dinig niya ang mabilis na t***k ng puso nito dahil nakalapat ang tainga niya sa dibdib nito. Napahawak siya sa dibdib niya at pagod na ipinikit ang mga mata. Ganoon din kabilis ang t***k ng puso niya at naluha siya sa galak.
Finally… she was with Domeng… her bestfriend…