bc

THE PLATERO TRILOGY BOOK 3: ETERNITY REIGN

book_age0+
550
FOLLOW
2.3K
READ
age gap
second chance
kickass heroine
drama
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

"I call it 'eternity reign.' 'You know why? Because the love I have for you is endless."

TEASER:

Isang Prince Charming ang turing ni Reign sa kababatang si Wryle dahil lagi siyang sinasagip ng binata tuwing napapahamak sa kanilang hacienda. At sa kabila ng batang edad, alam na ni Reign sa sarili na si Wryle ang lalaking gusto niyang makasama habang-buhay. Kaya ginawa niya ang lahat upang mapansin at mapalapit sa kababata. Kahit pa tinututulan iyon ng mga matapobreng lolo at lola ni Reign dahil isang hamak na anak si Wryle ng kanilang tagaluto. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay lumayo si Wryle kasama ang ina, na punong-puno ng galit at hinanakit kay Reign. Labis siyang nasaktan. Makalipas ang anim na taon, sa kasal ng kaibigan ni Wryle na kapwa naging platero ng lalaki ay nakita uli ni Reign siWryle. At sa kabila ng maraming taong dumaan at hindi magandang nangyari sa pagitan nila, hindi maitatanggi ni Reign na walang nagbago sa nararamdaman niya sa kababata. At sa kanilang madalas na pagkikita ay nalaman niya na mahal pa rin siya nglalaki. Pero tila huli na ang lahat para sa kanila dahil ikakasal na si Reign sa iba...

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"Pare, okay ka lang?" ani Wryle Hermosora kay Denim, ang kaibigang kabado habang inaayos nito ang barong tagalog. Araw ng kasal nito at gaganapin iyon sa isang magandang resort sa La Union. Naka-check in silang lahat doon maging ang mga guests. Kaunti lang naman silang imbitado. Mga kapwa malalapit na kaibigan at pamilya lamang. Nilapitan niya ito at pabirong siniko. Nakigaya na rin siya ritong humarap sa salamin saka inayos niya ang barong. Kasama din kasi siya sa entourage. Si Xavier naman ay kasalukyan namang nasa kabilang silid at kasama nito ang asawang si Lotus. Napahinga siya ng malalim. Nakilala niya ang mga ito noong nag-aral siya sa Baguio. Naging magkaka-roommate sila sa boarding house na inuupahan. Magkakaiba man sila ng kurso ay naging malalapit na silang magkakaibigan. Sila na rin ang naging magkakabarkada hanggang sa nagtapos. Sa ngayon ay kina Denim sila nananatili ni Xavier bilang isang platero. Gayunman, siya naman ay nakapagisip ng gamitin ang napag-aralan. Nag-apply na siya thru internet sa ilang kumpanya sa Maynila bilang engineer. Wala naman siyang reklamo sa pasahod ni Denim pero sa tingin niya ay tama na ang dalawang taong pagtatrabaho niya roon. Bakasyon sana ang ipinunta niya roon dahil sa paglipas ng mga taon ay nakakaramdam siya ng matinding kahungkagan. Naisip niyang marahil ay masyado lang siyang napagod sa pag-aaral ng dire-diretso. Matapos siyang makapasa sa board exam ay naisip niyang magbakasyon muna at sumama kina Denim. Sa pagbabakasyon niya ay naantig ang kuryusidad niya sa paggawa ng mga silver accessories at sa kalauna'y naging tuluyan na siyang platero. Naging eksperto siya pagdating sa paglilipit. Napabuntong hininga siya at pilit na iwinaksi ang kahungkagang pamilyar sa puso niya. Matagal na iyong naroroon at hindi iyon nagawang alisin ng bakasyon. Marahil ay kailangan niyang doblehin ang pagiging abala para tuluyan na iyong maalis. Napailing na lamang siya sa sarili. "Sina lola?" tanong ni Denim habang binobotones nito ang barong. Gusto niyang matawa sa nakikitang pagkaaligaga nito. Gayunman, bilib siya sa nakikitang laki ng pagmamahal nito sa mapapangasawa nitong si Ethel. Marahil, lahat ng pagmamahal ay may iba-ibang anyo. Nakita niya iyon sa mga kaibigan niya at marahil... hindi na iyon makikita pa ng mga ito sa kanya. Iisa babae lang naman ang laman ng puso niya na hindi niya maaaring makuha, si Charity Reign Fariñas... "Nandoon na. Ikaw na lang ang hinihintay," aniya saka nginisihan ito upang iwaglit ang pamimigat ng dibdib. Ganoon ang nadarama niya kay Reign sa tuwing naalala ito. Lihim siyang napabuntong hininga dahil hanggang ngayon ay kaya pa rin siyang apektuhan ng babae. Lumabas na sila at nagtungo sa function hall. Napailing na lamang siya ng makita ang pagliwanag ng mukha nito nang makita si Ethel. Sakto namang dumating sina Xavier at Lotus. "Pare, hindi ka ba naiingit?" kantyaw ni Xavier sa kanya at napailing na lamang siya rito. Nagkaayos lang ito at ang asawa nito, gusto na rin siya nitong idamay. Wala na itong bukambibig kundi ang balikan niya si Reign, na para namang naging nobya niya ang babae para balikan. Napabuntong hininga siya at pilit na inalis ang babae sa isip. "Hindi ako naiinggit. Ang sarap kayang maging binata," nakangising sagot niya. Kahit panay ang kantyaw sa kanya ng mga ito tungkol kay Reign ay hindi na lamang niya pinapansin. Natiklo kasi siya noong maginuman silang magkakaibigan sa boarding house at naisiwalat ang lahat ng saloobin. Gayunman, nang mahimasmasan siya ay hindi na siya nagbanggit tungkol dito para hindi na iyon humaba. Isa pa'y ayaw niyang pagusapan si Reign. Isa itong sagradong paksa para sa kanya. "Hu! Naiingit ka! Aminin mo na." anito saka sinamahan pa ng halakahak. Napailing na lamang siya ng hayagan nitong lambingin ang asawa. Parang noong nakaraang buwan ay mukha itong namatayan pero ngayon ay sobrang saya ni Xavier. Masaya siya para sa mga kaibigan. Aaminin niya, nakakaramdam siya ng inggit sa mga ito pero nunca na sasabihin niya iyon. Bilang lalaki, hindi siya sanay na nagsasabi ng mga personal na saloobin. Isa pa'y kuntento na siya na iniisip lang si Reign. "Loko ka talaga." Napapailing na saad na lamang niya. Natawa na lamang ito at pumasok na sila sa loob ng function hall ng resort. Ilang sandali pa ay luminya na sila para sa kasal. Napaigtad na lamang siya ng madama ang pag-vibrate ng cellphone niya at saglit niyang sinenyasan si Denim na importanteng masagot niya ang tawag ng ina. Agad siyang lumabas at sinagot iyon. "'Nay? May problema po ba?" agad niyang tanong sa ina. Natawa lang ito sa kabilang linya. "Pasensya ka na talaga at hindi na ako nakapunta. Sinusumpong pa rin hanggang ngayon ang rayuma ko..." "'Nay, kapag naging ayos ang in-apply-an ko sa Maynila, kukunin ko na kayo r'yan," pangako niya rito. Natawa lamang ito at lihim siyang napangiti. Ito lamang ang pamilyang nakagisnan niya. Ayon dito'y matagal ng namatay ang ama niya sa isang trahedya sa barko. Nang mabuntis ito sa kanya ay itinakwil ito ng lolo niya. Bata pa kasi ang ina niya noon at napadpad sila sa Isabela, sa Rancho Fariñas. May kaibigan ang ina niyang namamasukan doon at tinulungan itong makapasok. "Walang problema anak. Nagtayo ako ng tindahan dito para malibang naman ako. Ginamit kong puhunan ang mga ipinapadala mo. O siya, sige. Pakibati na lang ako sa mga kaibigan mo, ha?" Ilang sandali pa ay nagpaalam na ito. Napangiti na lamang siyang muli sa kasipagan ng ina. Hindi talaga ito sanay na walang ginagawa. "Oo na nga, nandito na nga ako, eh." Napatingin na lamang siya sa babaeng maigsing buhok na tumayo sa tabi niya. Inayos na nito ang maliit na bag at inilabas ang DSLR na camera. Dahil hindi rin pantay-pantay ang bangs nitong hanggang ilong kaya natabingan ang mukha nito. Nang bahagya itong tumagilid ay doon niya nakitang may nakapasak palang sigarilyo sa labi nito. Hindi tuloy niya maiwasang hagurin ito ng tingin. Mukhang nasa five-seven ang taas nito. Aaminin niya, sexy ito. Nasa tama ang lahat ng kurba. Kitang-kita iyon sa hapit na suot nitong pantalon at itim na blusa. Muli nitong inayos ang camera habang humihithit ito ng sigarilyo. Hindi niya alam kung bakit tila nakakaaliw itong panoorin hanggang sa tinapon na nito ang sigarilyo sa paanan at tinapakan. Sinubok nito ang camera at dahan-dahan itong pumaling paharap sa kanya. Kumaway siya para biruin ito pero gayun na lamang ang pagkabigla niya ng ibaba nito iyon at tumambad sa kanya ang babaeng laman ng isip niya sa loob ng maraming taon: si Reign. . . . . . . . . . . . . . "Magsabi ka ng totoo. Alam mo bang nandito si Wryle?" natatarantang bulong ni Reign kay Mayu. Si Mayu ay ang kaibigan niyang owner at manager ng Prism Photoshop. Iyon ang kinuhang magse-service sa kasal. Kausap niya ito sa headset habang panay ang kuha niya ng litrato sa matrimonya. Sanay na siya sa ganoon dahil noon pang nagtayo ng photoshop ang kaibigan ay siya ang una nitong photographer. Gayunman, binitawan lamang niya iyon nang mapasok siya sa isang publishing bilang Marketing Assitant. Isinabay niya ang kaliwa't kanang seminars na related sa photography dahil balak din niyang magkaroon ng sariling exhibits noon. Sobrang abala na siya noon kaya hindi na niya natulungan si Mayu. Napabuga siya ng hangin dahil dama niya ang mga mata ni Wryle na nakasunod sa lahat ng kanyang gagawin. Mukhang nabigla din si Wryle kanina pero bago pa nito magawang makapagsalita ay nagawa na niyang makaalis. Hindi naman sa iniiwasan niya ito ngunit huli na talaga siya sa trabaho. Pero aaminin niya, ang muli nilang pagkikita ng hindi sinasadya ni Wryle ay muling naghatid ng kaba sa puso niya. Ito ang naging dahilan kung bakit sa loob ng anim na taon ay hindi niya magawang magmahal ng iba. He was her first love, her first heartache. "Nand'yan si Wryle?" nabibiglang tanong ni Mayu din. Gusto niya itong sakalin! Kilala nito si Wryle base sa mga kwento niya. Ito ang naging kaibigan niya sa photography club hanggang sa nagtapos sila ng kolehiyo. Alam nito ang lahat at hindi niya maintindihan kung bakit pa ito gumawa ng paraan para magkita sila. Nasa kabilang resort siya para pansamantalang magbakasyonat kaninang umaga lamang siya nito tinawagan. Muli siyang humugot ng malalim na hininga dahil ayaw niya munang magisip ng oras na iyon. Tama na muna ang bakasyon. Napapagod na siya sa mala-tsubibong pangyayari ng buhay niya. Before she went there, she promised to herself she would enjoy. Gusto niyang makalimot... gusto niyang maramdamang tao pa rin siyang may normal na buhay. "Nandito siya. Isa siya sa mga abay," nagtitimping sagot niya. Ah, hayun na naman ang pamilyar na pagikot ng sikmura niya. Nagugulat siya sa sariling reaksyon para kay Wryle. Akala niya ay balewala na ito sa kanya dahil nagawa na niyang hindi umiyak sa tuwing naiisip ito. Nagawa na niyang banggitin ang pangalan nito ng walang pait sa puso. Pero badtrip! Hayun ang puso niya, hindi pa rin makahuma kaya panay pa rin ang kabog sa loob ng ribcage niya. God... she never thought that he was so gorgeous now. Nadagdagan pa ang karisma nito sa paglipas ng panahon. Wala na ang dating binatilyong pangiti-ngiti lang sa pagpapa-cute niya. Isa na itong ganap na guwapong lalaki. Tumingkad ang may pagka-bumbaying dating nito at dahil sikat si Zayn Malik ng One Direction, doon niya ito nahahalintulad. Mature version nga lang dahil nasisiguro niyang beinte kuwatro na ito. Ang alon-alon nitong buhok ay maayos ang pagkaka-gel. Makakapal pa rin ang kilay nito. Ang mga mata nito... ah, nakakatunaw pa rin kung tumingin bagaman nagkaroon na iyon ng kakaibang dating. Naging mas matalino iyon at mapag-obserba. Ang ilong nito ay matangos pa rin at lalong naging katakamtakam ang labi nitong mahuhubog at pinkish. Tumaas pa itong lalo at naging hanggang dibdib na lamang siya nito. Gumanda ang pangangatawan nitong lalo na tila batak sa pagta-trabaho. Those were the first things she observed the moment she saw him. Habang in-adjust niya ang lens ng camera ay hindi niya magawang makahuma dahil nasa harapan niya ang lalaking matagal na laman ng isip niya at pangarap. Oo, may mga oras na pinapangarap niya pa rin ito at hinahanap. Maraming nagtangkang lumigaw sa kanya pero wala siyang sinagot dahil lagi niyang hinahanap si Wryle sa mga lalaking iyon. Wala kasing nakatalo sa pagaasikaso nito at doon niya napagtantong iisang tao lamang ang maaaring magtaglay noon, si Wryle na hindi niya dapat nakita sa pagkakataong iyon. Kung lumipas man ang kung anumang galit sa puso niya, hindi niya maipagkakamaling nandoon pa rin ang sama ng loob dito. Hindi siya maaaring sisihin dahil minahal niya ito at sinaktan lamang siya. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon ito pagdating ito. "Pasensya ka na talaga," anitong mukhang natataranta rito. "Si Mumay ang nakausap ni Miss Vizzcara, eh. Hindi rin niya sinabi sa akin ito at isa pa, sina Miss Vizzacara naman talaga ang kliyente namin," Tukoy nito sa OIC nito sa La Union sa babaeng ikakasal. Napahagod siya sa noo dahil tama naman ito. Natataranta lang talaga siya ng mga sandaling iyon kaya kung anu-ano na ang pumapasok sa utak niya. Tatlo na ang branch ng kaibigan niya. Ang nasa Isabela ang pinaka-main branch nito at ito mismo ang nangangasiwa doon. Humingi ng tulong sa kanya si Mayu dahil biglang tinamaan ng bulutong ang photographer nito sa branch nito sa La Union. Ni-report iyon ng OIC nito dito dahil wala daw itong mahanapang maaaring mag-extra. Nagbabakasakali daw ang OIC nito na mayroon itong maipapahiram na photographer. At since nasa La Union siya,siya ang naisip nitong tagapagligtas. Pumayag naman siya dahil wala naman siyang nakitang masama. Agad naman iyong ipinaalam sa kliyente na siya na ang hahawak ng service kaninang umaga ay agad din naman silang pumayag. "Enjoy mo na lang. Malay mo, ngayon mo na makuha ang kiss mo sa kanya," biro nito. Naitirik na lamang niya ang mga mata. "Tse! Tinanggihan niya ako noon. Nunca na mahalikan niya ako ngayon," mataray niyang sagot bagaman sumikdo pa rin ang puso niya sa alaalang iyon. Aba'y hindi naging biro iyon sa kanya dahil pinangarap niya iyon noon. Natawa na lamang ito sa kabilang linya. Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya rito dahil patapos na ang kasal. Lumabas na lamang muna siya para manigarilyo at palitan ang baterya ng camera niya. "Pangalawang yosi mo na 'yan, ah," Agad siyang napaharap sa nagsalita at muntikan na niyang mahulog mula sa bibig ang sigarilyong sisindihan sana. Bigla siyang natuliro sa nakitang tiim ng titig ni Wryle hanggang sa inalis niya iyon at napabuga ng hangin. Hindi naman niya iyon bisyo pero ganoon siya kapag nai-stress. Nai-stress siya kay Wryle! Damn! "Wryle. Fancy meeting you here," bati niya rito at pilit na kinalma ang pusong nagwawala sa dibdib. Lalo yatang tumindi ang kaba niya sa lalaking ito. Mapapayosi talaga siya sa pressure na nadarama sa mga titig nito. Napakunot ang noo nito. "Ito na ang trabaho mo ngayon?" anito saka itinuro ang hawak niyang camera. Napahinga siya ng malalim. May isang bahagi ng puso niya ang gustong tanungin ito kung nakalimutan na siya nito. Kung napatawad na siya sa lahat. Gusto niyang sabihing nagsisi na siya... na nagdusa siya dahil sa labis na pagiisip dito. Gusto niyang sabihin na pinagdadasal niya ito palagi maging ang ina nito pero naipit ang lahat ng iyon sa lalamunan niya. Because for her, there are words that were better left unsaid... tama na siguro sa kanyang makitang wala na ang galit sa mga mata nito katulad noong huli silang nagkita... "Yes, my job!" proud niyang itinaas ang camera dito nang makabawi. "Smile!" pakuwelang saad niya saka kinuhanan ito. Hindi na niya ito hinintay na nagsalita at agad na itong nilayasan. Todo kabog ang puso niya habang bumabalik sa loob ng function hall. Pagdating sa mesang laan sa kanya at doon niya napapansing nanginginig siya sa labis na pressure. God damn it... his effect on her risen up more. Napahinga na lamang siya ng malalim at pilit na pinakalma ang pusong nagwawala saka muling tiningnan ang camera. Namasa ang mga mata niya ng makita ang kuha ni Wryle... Napahinga siya ng malalim at hindi niya napigilan ang pagdaloy ng mga alaala ng kanyang kabataan... noong panahon nakilala niya ang sa tingin niyang prinsipe ng buhay niya: si Wryle.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.2K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.7K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.1K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.5K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook