"TAMA NA 'yan," pigil ni Zeke sa pang-apat na boteng tinutungga ni Wenggay. Alam niyang lasing na ito dahil madulas na ang dila nito. Kung kanina ay tahimik lang itong umiinom, ngayon ay parang bumalik ito sa katabilan noong teenager. Bago pa nito tuluyang maubos ang isang bucket, pasimple na niyang itinago ang natitirang bote at binuksan ang isa para inumin. Sa pagkakataong iyon ay hindi na ito nakapag-reklamo. Marahil ay hindi na nito pansin iyon dahil may tama na ito. Halos ayaw siya nitong bigyan at balak talagang magpakalasing. Kahit anong taboy nito ay hindi siya nagawang pauwiin. Halatadong inis na ito kaya hayun, nagpakalasing sa harap niya. Sina Zander at Jenny ay lumabas na. Nagalala si Jenny sa kaibigan pero sinabihan niyang siya na ang bahala kay Wenggay. Alam niyang kailanga

