CHAPTER 2

1147 Words
-SCARLET BETHANY- Nasa loob na kami ng office ni Dad at nakaupo sa sofa. "Dad!" naiinis na tawag ko sa kaniya. "Mukhang nakahanap ka na ng katapat mo, Sweety." "Dad, tanggalin mo siya sa trabaho. Ayoko sa kaniya! Please, please," nakikiusap na sabi ko. "I'm sorry, Sweety pero hindi ko siya puwedeng tanggalin. Yes, bago lang siya but I trust him. Masipag, matalino, at mabait ang taong 'yon," paliwanag niya. "I don't care, Dad! Ayoko siyang nandito sa kompanya mo. Hindi siya marunong makisama sa mga tao dito sa kompanya." "Sino'ng nagsabi?" "Ako!" mabilis na sagot ko. "NO! I'm sorry, Sweety. Ibibigay ko sa'yo lahat 'wag lang ang bagay na 'yan." "Mas importante ba siya kaysa sa akin Dad?" malungkot na tanong ko. "Of course not! Alam mong mahal kita, Sweety." "Talaga, Dad?" "Yes!" "So, tatanggalin mo na siya sa trabaho!" "Still NO, Sweety." Napasimangot ako. Mukhang malakas siya kay Dad. Hindi ko siya mapapaalis agad-agad, pero hindi pa rin ako susuko. Gagawa ako ng paraan para matanggal siya sa trabaho. Pahihirapan ko siya. Tingnan natin kung hanggang kailan siya magiging mabait. "By the way, Sweety. Bakit napabisita ka dito? Hindi ka ba papasok sa work?" "I don't want to eat alone, Dad. Lagi ka na lang busy. Alam mo naman na ikaw lang ang mayroon ako," malungkot na sagot ko. "I'm sorry, Sweety. Babawi ako sayo." "Sure?" "Yeah, ano'ng gusto mong kainin? Ipapabili ko kay Yvan." May naisip na naman akong kalokohan. Lagot ka sa akin ngayon. "Gusto ko po ng carbonara, tuna sandwich, at milk shake." "That's all?" "Yes, Dad!" "Okay!" Lumabas saglit si Dad. Mukhang inutusan na nito si Yvan. Let's see. Habang hinihintay si Yvan ay nagkuwentuhan muna kami ni Dad. "Sweety, tumawag nga pala ang Mommy mo." "I have? Akala ko wala na akong mother," sarcastic na sagot ko. "Scarlet Bethany!" "What, Dad?" "Hanggang kailan mo titiisin ang mommy mo?" "Hanggang kaya ko, Dad. Iniwan na niya tayo, kaya dapat lang siyang kalimutan." "Huwag mong hayaang lamunin ka nang galit mo, Anak." "I can handle it, Dad." "Sana dumating ang panahon na mapapatawad mo rin siya." Dumating na si Yvan. Buti na lang dahil ayoko nang pinag-uusapan namin ni Dad. Nang lumabas na si Yvan pagkababa ng mga pinamili niya ay saka ko inumpisahan ang kalokohan ko. It's show time! "Dad, gusto ko pala ng spaghetti. Ayoko ng carbonara." "Sweety, iyan na lang muna. Mamaya na lang ang spaghetti. Kababalik lang ni Yvan." "But Dad, ayoko talaga ng carbonara. Mamaya na lang ako kakain sa office ko." Bumuntong hininga si Dad at lumabas. Yes! Mukhang gumagana ang plano ko. Bumalik si Dad at naupo sa tabi ko. Maya-maya ay bumalik si Yvan dala ang spaghetti. Hindi pa siya nakakalabas nang magsalita ulit ako. "Dad, ayoko ng milk shake. Gusto ko po Avocado shake." "Scarlet!" nagbabantang sabi ni Dad. "But Dad---" "Okay lang po, Mr. Montes." "Ano pa po'ng gusto ninyo, Ms. Montes?" "Wala na, 'yon lang," nakangising sagot ko. Nang makaalis na si Yvan ay tiningnan ako ni Dad ng masama. "Bakit po, Dad?" inosenteng tanong ko. "I know what you're doing. Stop it." "Wala po akong ginagawa, Dad." "Kilala kita. Anak nga kita, 'di ba?" "Basta wala akong ginagawa, Dad." Napapailing na lang siya ng ulo sa mga kalokohan ko. Dumating na si Yvan dala ang Avocado shake ko. Yumuko siya at handa nang umalis nang tawagin siya ni Dad. Napakunot ang noo ko. "Yvan!" "Yes po, Mr. Montes?" "Marami itong mga pagkain. Saluhan mo na kami. Hindi ba't sabi mo ay masamang magsayang ng pagkain? Hindi namin mauubos lahat ito." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dad. Ayoko nga siyang makita tapos isasabay pa sa pagkain. My gosh! Dad, why are you doing this to me? "Yes po, Mr. Montes. Salamat po." Umupo ito sa upuang nasa harapan namin ni Dad. Sinamaan ko siya nang tingin pero nginitian niya lang ako. Ang guwa---I mean ang panget niya. "Let's eat!" alok ni Dad. "Ahh... Mr. Montes puwede po bang magdasal po muna tayo bago kumain?" "Sure!" Nilingon ako ni Dad, parang sinasabi niyang mag-behave ako. Nanlaki ang mga mata ko. Seriously?! So, no choice. Nanahimik ako habang nagdarasal si Yvan. Matapos niyang magdasal ay naghanda na ako sa pagkain. Kukunin ko na sana ang carbonara nang tanungin ako ni Dad. "Sweety, I thought you don't like carbonara?" nakangising tanong niya. Sinamaan ko nang tingin si Dad. Aba! Mukhang balak pa akong ilaglag ni Dad. Tatay ko ba talaga siya? "Nagkamali lang po ako nang kuha, Dad." "Here, Ms. Montes," sabi niya sabay abot ng spaghetti sa akin. Siniringan ko lang siya. As if naman magpapasalamat ako sa kaniya, pero ang nakakainis ay ngumiti na naman siya. May problema ba siya sa labi niya at ngiti siya ng ngiti? Tinuloy namin ang pagkain. Kinain ko pa rin ang spaghetti kahit ang gusto ko talaga ay carbonara. Feeling ko tuloy ako pa rin ang talo dahil hindi ako makakakain ng paborito ko. Nakakainis! "Ms. Montes, baka gusto mo po ng carbonara, masyado pong marami. Hindi ko po ito mauubos," alok sa akin ni Yvan. Nagningning ang mga mata ko. No! Pagtinanggap ko 'yon ay parang tinanggap ko na rin na talo na ako. Tatanggihan ko na sana siya pero nagulat ako nang lagyan niya ang plato ko. Feeling ko namula ang mukha ko. No, Scarlet! Huwag kang magpadala sa mokong na 'yan! Wake up, girl! "Bakit mo nilagyan ang plato ko? Sinabi ko bang lagyan mo?" galit na sigaw ko. "Sorry po, Ms. Montes. Tatanggalin ko na lang po." Akmang tatanggalin na niya nang sumigaw ulit ako. "Huwag na! Nandiyan na rin naman. Kakainin ko na lang!" masungit na sabi ko. "Okay po," sabi niyang nakangiti. "Bakit ka nakangiti?" "Wala po." Bigla na lang natawa si Dad sanhi para mapatingin kami sa kaniya. "Don't mind me, may naalala lang akong nakakatawa." Alam ko 'yang mga ganiyang tawa ni Dad. May laman 'yan. Tsk! Huwag ninyong isipin na talo na ako. Remember, siya ang naglagay noon sa plato ko. Nasasayangan lang ako, kaya kakainin ko na lang. Don't think too much! Pagkatapos naming kumain ay niligpit na ni Yvan lahat ng pinagkainan namin. Ako naman ay nag-ayos na ng sarili. Kailangan ko ng pumasok. Ayoko pa namang natatambakan ng mga trabaho. "Dad, I need to go," paalam ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Okay, Sweety. Mag-ingat ka sa pagmamaneho." "I will, Dad. See you later." "Remind ko lang, mag-uusap tayo mamaya." "About what, Dad?" nagtatakang tanong ko. "Tungkol sa tinanggal mong maid kaninang umaga." Napasimangot na lang ako sa narinig. Nagsumbong na naman siguro si Manang Lorie. "Okay, Dad. Bye!" paalam ko ulit sabay halik sa kanyang pisngi. Pagkalabas ko ng office ni Dad ay nakita ko agad si Yvan. "Aalis na po kayo, Ms. Montes?" "Obvious ba?" masungit na sabi ko sabay alis. "Mag-ingat po kayo. God bless!" God bless?! Tapos kanina nagdasal bago kumain! My gosh! Hindi lang mukhang tutang mabait. Mukhang tutang relihiyoso rin. Napapalo na lang ako sa noo ko. Nag-uumpisa pa lang ang araw ko pero stress na agad ako. Mukhang kailangan kong magpa-salon at magpa-massage. Yeah, right! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD