CHAPTER 3

1107 Words
-YVAN JAMES- I am currently doing my works nang may biglang dumaan. Napatingin ako rito at dali-daling tumayo para pigilan siyang buksan ang pinto ng office ni Mr. Montes. Kinabahan ako. Kabilin-bilinan pa naman sa akin na huwag magpapapasok ng kahit sino. Humarap sa akin ang babaeng nagtangkang buksan ang pinto. Sa hitsura niya ay mukhang mataas ang posisyon niya sa lipunan. Maganda rin siya. Nagulat ako nang sumigaw siya, pero nauunawaan ko naman ang dahilan. Lalo na nang malaman ko na anak siya ni Mr. Montes. Lalo siyang nagalit ng hindi ko pa rin siya pinapasok kahit na nalaman kong siya ang anak ng may-ari ng kompanya. Hanggang maaari ay iniiwasan kong huwag makipagtalo at gumawa ng mali. Hindi dahil ayokong matanggal sa trabaho, kung 'di dahil ganoon ako pinalaki ng mga magulang ko. Hinayaan at inunawa ko lang siya sa kung anong mga gusto niya, dahil turo sa akin ni Nanay na kailangan lawakan ko ang pang-unawa ko sa lahat. Dapat din na ilagay ko ang sarili ko sa posisyon ng ibang tao para mas maunawaan ko kung saan nanggagaling ang ugali o kilos na pinapakita nila. Sa paraang ito ay maaari mo silang matulungan at higit sa lahat magkakaroon tayo ng katahimikan at kagalakan sa buhay. Isang pang bagay na laging pinapaalala ng Diyos sa akin ay ang talata sa Mateo 7:12. “In everything, therefore, treat people the same way you want them to treat you, for this is the Law and the Prophets." Magbubunga rin ang kabutihang ipinapakita natin sa kanila. Basta huwag mo silang susukuan at ipagdasal mo sila palagi. --- Simple lang ang pamumuhay namin pero kontento kami sa kung anong mayroon kami. Hindi naman kami pinapabayaan ng Diyos kahit noong mamatay ang papa ko. Parehas kaming nagtatrabaho noon ni mama, pero kahit ganoon ay pinilit kong makatapos ng pag-aaral. Hindi naman kami nabigo dahil nakapagtapos ako at magna c*m laude pa. Sobrang thankful ako kay God dahil sa mga blessings na binibigay Niya sa amin. Nakapagtrabaho ako sa isang sikat na kompanya at nakapundar ng bahay. Hindi ganoon kalaki pero sapat na para sa amin. Pero hindi perpekto ang lahat. Umalis ako sa kompanyang iyon dahil sikreto kong nalaman ang mga illegal na gawain nila. Ayokong gamitin ang pera na galing sa maruming paraan. Naghanap ako ng bagong trabaho hanggang sa mapunta ako sa Montes Company. Isang buwan pa lang akong nagtatrabaho kay Mr. Montes pero nakikita ko na tunay ang kabutihan sa kaniyang puso. Matatapos na ako sa mga trabahong binigay ni Mr. Montes nang tawagin niya 'ko. Kumatok muna ako nang tatlong beses bago pumasok. Magalang na humarap ako sa kaniya. "Yes po, Mr. Montes?" "Maupo ka." "Salamat po!" wika ko bago maupo. "Gusto ko lang sana na humingi ng pasensiya sa inasal ng anak ko kanina. Sana maunawaan mo siya. Mabait naman ang batang 'yon. Isip-bata lang minsan. Masyado ko kasing na-spoiled." "Naiintindihan ko po, Mr. Montes. Alam ko pong lahat naman po tayo ay may tinatagong kabutihan, kailangan lang natin 'yong makita. Katulad na lang ni Scarlet. Mabuti po siyang tao, pero hindi lang nila nakikita dahil mas pinagtutuunan nila nang pansin ang mga maling bagay." "Hindi ako nagkamaling ikaw ang pinili kong maging secretary. Hindi ko akalain na may tao pang katulad mo sa panahon ngayon. Napakabuti ng puso mo. " "Ganoon din po kayo, Mr. Montes. Nakikita ko po kung gaano ninyo kamahal ang anak ninyo at kung paano ninyo po pakitunguhan ang mga empleyado ninyo." "Salamat, Yvan. Sana habaan mo pa ang pasensiya mo sa batang 'yon kapag pumunta ulit siya rito. Maliban sa akin ay ikaw lang ang nakauunawa sa kaniya." "Wala pong problema. Maliit na bagay lang po 'yon." "Salamat ulit. Puwede ka nang bumalik sa trabaho, mukhang naistorbo pa kita." "Okay lang po, Mr. Montes. Maraming salamat din po." Pagkatapos naming mag-usap ay bumalik na ako sa pagtatrabaho. Isang oras ang nakalipas nang matapos ko ang trabahong pinagagawa ni Mr. Montes. Tiningnan ko ang oras at nakita kong 12:30 pm na. Tanghalian na pala. Tumayo na ako. Dinala ko ang mga natapos kong trabaho. Aalukin ko nang mag-lunch si Mr. Montes baka malipasan pa ng gutom. Kumatok muna ako bago pumasok. "Excuse me po, Mr. Montes." "Ahh, ikaw pala. Pasensiya na hindi ko napansin na nandito ka pala." "Okay lang po. Masyado po kasi kayong tutok sa trabaho. Hindi ninyo na rin napansin ang oras. Tanghalian na po." Napatingin siya sa orasan na nakalagay sa wall. "Oo nga, mabuti pa't mananghalian ka na." "Kayo rin po. Masamang nagpapalipas ng gutom." "Tapos ko na po pala ang mga pinapagawa ninyo po," sabi ko sabay abot ng mga files. "Napakasipag mo talaga. Wala ka na tuloy gagawin ngayon. Mabuti pa ay mag-half day ka na." "Po? Baka po may mga gagawin pa po ako na hindi ninyo nabibigay?" "Wala na. Saka patapos na rin ako rito. Plano ko ring puntahan ang anak ko. Sinabi ko kasi sa kaniyang babawi ako. Masyado kasi tayong naging busy noong nakaraang linggo kaya hindi ko na nasasabayang kumain ang anak ko. Mabuti pa't umuwi ka na at mag-bonding din kayo ng nanay mo." "Ganoon po ba. Sige po, babawi rin po ako kay Nanay. Salamat po." "Okay, enjoy!" Lumabas na ako sa office niya saka niligpit ang mga gamit ko. Nagpaalam ulit ako kay Mr. Montes bago ko napagpasyahang umalis. Mabuti pa ay tawagan ko si Nanay baka hindi pa rin siya kumakain. Wala pang isang minuto ay sinagot na niya ang tawag. "Hello, Anak!" masayang bati niya. "Hello po, Nay!" "Napatawag ka? May problema ba?" "Wala naman po. Half day po ako ngayon. Pauwi na po ako. Kumain ka na po ba?" "Kakain pa lang. Katatapos ko lang magluto. Hihintayin na kita, sabay na tayong kumain. Mag-ingat ka." "Salamat, Nay! Mag-iingat po ako." Pagkapatay ko ng tawag ay saktong bukas ng elevator. Naglakad ako palabas. Maraming bumabati sa akin na mga katrabaho ko, kaya binabati ko rin sila. Pero siyempre hindi mawawala ang mga taong may galit sa atin kahit wala naman tayong ginagawa. Stay positive! Piliin pa rin nating maging mabait sa kanila. Bago umuwi ay dumaan muna ako sa bilihan ng cake. Bumili ako ng Yema Cake, ang paborito ni Nanay. Gusto kong gawin ang mga bagay na alam kong makapagpapasaya sa kaniya. Nang makarating ay sinalubong agad ako ni Nanay ng yakap. "Nanay talaga ang sweet, dahil diyan may dala akong sweet para sayo!" masayang sabi ko sabay pakita ng dala kong cake. Nagningning ang mga mata niya sa nakita. "Thank you, Anak! Talaga namang nag-abala ka pa." "Basta para sayo, Nanay." "Oh siya, nagbolahan pa tayo rito. Magpalit ka na ng damit at ako nama'y maghahanda na ng pagkain natin." "Okay po, Nay!" Masaya ako kapag masaya si Nanay. Gagawin ko ang lahat para sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD