CHAPTER 4

1272 Words
-SCARLET BETHANY- Magtatatlong oras na simula nang makarating ako sa office ko. By the way, I am a Fashion designer. May sarili akong place kung saan ginagawa ang mga designs ko and I also have my own boutique. Nagsimula akong mahalin ang pagdedesenyo noong 17 years old ako. May kumuha sa aking maging model. Nagustuhan ko ang iba't ibang damit na pinapasuot sa akin, and that day I decided to make may own design clothes. Lahat nang kinikita ko sa pagmo-model ay iniipon ko para makapagpatayo ng sarili kong place na gagawaan ng mga designs ko. And after 2 years ay naipatayo ko naman ang sarili kong boutique. Nagsisimula pa lang makilala ang pangalan ko. Iniisip ng iba kung bakit ko pinapahirapan ang sarili ko, samantalang mayaman naman kami at kilala sa lipunan. Simple lang. Gusto kong makilala ako sa larangan na ito nang walang tulong ng yaman at pangalan namin. Gusto kong abutin ang pangarap ko sa sarili kong mga paa at pagsisikap. Yes, sabihin na nating humingi ako nang tulong kay Dad para makadalo sa iba't ibang fashion show para makakuha ng iba't ibang idea pero hanggang doon lang 'yon. And I want my Dad to be proud of me. Yes, I am a spoiled brat pero may pangarap din ako. Tinuloy ko ang pagguguhit ng mga design. Marami-rami ang kumuha sa amin ngayon kaya tambak ang trabaho ko pero okay lang, atleast dumarami ang nagkakagusto sa mga design ko. Napatigil ako sa ginagawa nang marinig kong kumukulo ang tiyan ko. My gosh! Gutom na ako. Napatingin ako sa wristwatch ko. 12:55 pm na pala! Hindi ko napansin ang oras. Lumabas ako para tingnan ang mga staff ko. "Aimie, kumain na ba kayo?" Napatingin siya sa orasan. "Hindi pa po, Ma'am. Nakalimutan na rin po namin ang oras." "Magpa-deliver ka na lang. Tanungin mo sila kung anong gusto nilang kainin. Pagkatapos ay pumunta ka sa office." "Okay po, Ma'am!" Babalik na sana ako sa office nang makita kong may pumasok. Nasa boutique ako ngayon. Dito nakalagay ang office ko. Nilingon ko ito at nagulat ako nang makita ko si Dad. "Dad!" sigaw ko sabay takbo papunta sa kaniya. "Sweety!" bati niya sabay yakap sa akin. "Bakit ang dami mong dala, Dad?" "Mga pagkain 'to. Baka kasi hindi pa kayo kumakain." "Timing ka, Dad! Hindi pa nga po kami kumakain." "Good thing!" "Tulungan na kita, Dad. Ano pong meron at bigla po kayong napabisita rito?" "Remember, nangako ako na babawi sayo. I'm sorry, Sweety. Naging abala ako last week." "It's okay, Dad! Bumabawi ka naman." "Let's go! Prepare everything!" "Aimie, pakitawag na ang iba. Pagtulungan na natin ito." "Yes po, Ma'am!" Pinagtulungan naming ihanda lahat ng pagkain na dala ni Dad. Pagkatapos noon ay umupo na kami lahat. Kukuha na sana kami ng pagkain namin nang pigilan kami ni Dad. Napatingin kaming lahat sa kaniya. "Magdasal muna tayo." Napakunot ang noo ko at naalala ko ang secretary ni Dad. "Nahawa ka na sa secretary mo, Dad!" "In a good way naman, Sweety. So let's pray!" Sinunod na namin si Dad para makakain na rin. Siya ang nagdasal habang kami naman ay nakikinig lang. Seriously, I'm not used to it. Grabe ang impluwensiya ng taong 'yon kay Daddy. Baka naman sa susunod ay may pakpak at halo na si Dad. "Amen. Let's eat! Enjoy your food! Bawal magsayang ng pagkain, okay?" "Seriously, Dad. What's happening to you?" "What? Ayaw mo bang ganito ako, Sweety? Is it bad?" Tiningnan ko lang siya at napabuntong hininga na lang ako. Tinuloy ko ang pagkain. Hindi lang ako sanay na ganito si Dad but it's not bad. Ayoko lang aminin dahil plano ko pang paalisin sa kompanya ang lalaking 'yon. "Sweety!" tawag bigla sa akin ni Dad. "Yes po, Dad?" "Since nakilala mo na ang bago kong secretary kanina. Anong masasabi mo sa kaniya?" "Are you kidding me, Dad? You know that I hate him!" naiinis na sagot ko. "Why? What's wrong with him?" "Everything about him was wrong!" "Sweety, hindi mo pa naman siya lubos na kilala. Give him a chance." "Dad, I was wondering. Bakit po ba natin siya pinag-uusapan?" "Wala naman." "Seriously, Dad?" Hinihintay ko siyang sumagot pero hindi 'yon nangyari, hanggang sa magtanong na si Aime sa kaniya. My gosh! What's wrong with my Dad? "Mr. Montes, sino po ba si Yvan? Mukhang galit na galit si Ma'am Scarlet sa kaniya." "He is my new secretary. Isang buwan na siyang nagtatrabaho sa akin. Ngayon lang nakilala ng anak ko." "May bago na po pala kayong secretary. Masama po ba ang ugali niya at panget? Kasi unang kita pa lang po nila ni Ma'am Scarlet mukhang hindi na niya nagustuhan." "Panget? Of course not! Kung hindi ko nga lang siya secretary ngayon baka model o artista na siya sa sobrang guwapo. Sobrang bait pa ng batang 'yon!" ngiting-ngiting wika ni Dad. "Dad, bakit feeling ko masyado nang exaggerated ang paglalarawan mo sa kaniya?" "Sinasabi ko lang ang totoo, Sweety." "Talaga po?! Mr. Montes puwede po ba namin makilala 'yang secretary mo?" kinikilig nilang tanong. "Nako, 'wag na baka mabigo lang kayo. He's ugly! Masama pa ugali!" naiinis na wika ko. Bigla silang tumawa. "Why are you laughing?!" galit na tanong ko. "Ma'am, mas lalo mo lang po kaming binigyan ng dahilan para makilala siya!" "What? Anong sinasabi mo? Gusto mong mawalan ng trabaho?" napipikon na wika ko. "Scarlet! I told you before na hindi mo dapat dinadamay ang personal na bagay sa trabaho. Remember?" "Yes, Dad. I'm sorry." Pasimple kong tiningnan nang masama ang mga staff ko. Nako, nako kung wala lang si Daddy lagot talaga sa akin ang mga 'to. "Mr. Montes, bakit hindi mo nga po pala siya kasama ngayon?" "Pinauwi ko na muna sa kanila, para makabawi naman siya sa nanay niya. Isang linggo kasi kaming naging busy." "Pumayag naman siya, Dad? Ang tamad naman ng secretary mo! Mamaya matambakan kayo ng trabaho!" "Actually, bago ko pa sabihin na umuwi muna siya ay pinasa na niya lahat nang pinagagawa kong trabaho sa kaniya. And take note, tapos lahat 'yon." "Really? Ang sipag din po pala niya!" kinikilig na sabi ni Rose. "Yes, he is." "Dad! Isang buwan mo pa lang naman siya nakakasama pero kung magkuwento ka parang buong buhay mo siyang nakasama! Sino ba talaga ang anak mo sa aming dalawa?" "Hindi mo kailangang makipagkompitensiya sa kaniya, Sweety. Magkaiba kayong dalawa," tumatawang wika niya. "Of course, Dad! I'm the BEST! Duh!" "Sweety, you're so cute!" "I'm not cute! I'm pretty and beautiful!" "Siyempre naman! Anak kaya kita!" Nagtawanan kami sa sinabi ni Dad. Na-miss ko talaga ang ganitong moment. Pagkatapos naming kumain ay sina Aime na ang nagligpit ng aming mga pinagkainan. Kami naman ni Dad ay pumunta sa office. Kakausapin niya raw ako. Nakaupo na kami sa receiving area nang magsalita siya. "Scarlet, bakit mo tinanggal ang maid natin kanina?" seryosong tanong niya. Kapag ganito na siya ay kailangan ko na ring magseryoso. "Nakalimutan po kasi niyang isara ang kurtina. Nasilaw ako kaninang umaga, kaya nasira ang pagtulog ko." "Sapat na bang dahilan 'yon para tanggalin siya?" "Dad..." "Scarlet, hanggang kailan ka ba magiging ganito? Hindi ka ganiyan noong kasama pa natin ang mommy mo." "Hindi ako nagbago dahil sa kaniya, Dad. I changed because I wanted too." "Sweety..." "I'm sorry, Dad. Hindi ko na po uulitin iyong nangyari kanina." "Hindi 'yan ang gusto kong maintindihan mo." "Dad, I have a lot of work today. Saka na lang po ulit tayo mag-usap." "Scarlet!" "Mag-ingat po kayo sa pagmamaneho," sabi ko sabay halik sa kaniyang pisngi. "I miss my Scarlet. 'Yong Scarlet na mapagmahal, malambing, at masiyahin. Sana bumalik ka na, Anak. Miss ka na namin." Hindi ko na napigilang umiyak kaya tumalikod ako at agad na pumunta sa comfort room. Sa totoo lang, miss ko na rin ang dating Scarlet. Pero hindi ko na alam kung paano pa siya maibabalik. Kung babalik pa nga ba siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD