-SCARLET BETHANY- Katatapos lang ng photo shoot at kasalukuyan na akong nagpapalit ng damit. Malapit na akong matapos nang bilang pumasok si Tita. "Bakit po, Tita?" tanong ko sa kaniya habang patuloy kong nililigpit ang mga gamit ko. "Lunch na, gusto ko sanang sumabay sa inyong kumain kaya lang may meeting pa ako," sagot niya sa akin habang tinutulungan akong magligpit ng gamit. "It's okay, Tita. Sa office na lang ako kakain, baka bumalik na rin si Yvan sa office ni Dad." "No, Honey! Kumain muna kayong dalawa bago pumasok sa trabaho. Bilin iyon ng Dad mo. Huwag ka ng pasaway! Sinabi ko na rin 'yon kay Yvan. Siya na raw ang bahala sa iyo." "Bakit siya ang nasusunod? Paano kung ayaw ko? Wala siyang magagawa!" mataray na sabi ko kay Tita. "Maldita ka! Huwag mong pahirapan si Yvan.

