-SCARLET BETHANY- Kalahating oras na akong nandito sa rooftop. Medyo kalmado na ako. Nagtataka nga lang ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako hinahanap ni Tita. Nagpasya na akong tumayo at bumaba. Pagharap ko sa pinto ng rooftop ay nakita ko si Yvan na nakasandal doon. Kanina pa ba siya diyan? Umayos siya ng tayo saka ako nginitian. "Okay ka na ba?" "Okay lang ako. Kumusta ang photo shoot?" "Pinakiusapan ko si Ma'am Smith na ihuli na lang tayo at unahin muna ang iba." "Ahh okay. Let's go!" Nang makarating sa baba ay dumiretso na agad kami sa dressing room. Magkaiba ang dressing room ng mga lalaki sa mga babae. Pinaghilamos muna ako para mabura ang make-up na nakalagay sa mukha ko. Pagkatapos nito ay saka nila nilagyan ulit ng make-up na ayon sa theme na gagawin nam

