-SCARLET BETHANY- Feeling ko sobrang tagal ng biyahe namin. Halos hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. "Ms. Montes, hindi pa po kayo kumakain. Bibili po muna ako ng makakain mo," biglang wika ni Yvan habang pasulyap-sulyap sa akin. "No need! Hindi ako gu---" natigil ako sa pagsasalita ng biglang lumikha nang malakas na tunog ang tiyan ko. My gosh! Nakakahiya! Bakit ngayon pa hindi nakisama ang tiyan ko?! Napahawak na lang ako sa aking tiyan at nahihiyang tumingin sa labas ng bintana. Narinig kong tumawa siya ng mahina bago muling nagsalita. "Bababa lang po ako sa Jorge Restaurant. Ano po ang gusto mong kainin?" tanong niya habang pinaparada ang kotse sa tapat ng restaurant. "Carbonara and milk shake!" sagot ko habang kumukuha ng pera. Nang lingunin ko ito para ibigay ang pera

