-SCARLET BETHANY- Magkaharap na kami ni Dad at naghahanda ng mag-usap. Napabuntong hininga siya saka seryosong humarap sa akin. "What's wrong?" tanong niya. "Dad, sa susunod po sabihan ninyo na lang ako kung kailangan kong pumunta rito nang maaga. Huwag mo na po akong ipasundo," seryosong sabi ko sa kaniya. "May nangyari ba, Sweety?" tanong pa niya. "Alam mo naman po na ayoko sa lalaking 'yon tapos siya pa ang sumundo sa akin!" wika ko. "Sweety, siya lang ang secretary ko kaya siya lang ang mauutusan ko," paliwanag ni Dad. "Dad, sana nagtext o tumawag ka na lang po. Kaya ko naman pong pumunta rito," depensa ko pa. "Fine, I'm sorry! Iba na lang ang uutusan ko sa susunod. Okay?" sagot ni Dad. "Ayoko na rin siyang makita kahit dulo ng daliri niya," seryoso pa ring wika ko. "

