-SCARLET BETHANY- Nagising ako nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng kuwarto ko. Tumayo ako sa pagkakahiga at tiningnan ang orasan. 7:00 am pa lang! Sino ba 'tong nakatok? Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ng secretary ni Dad. What the---! Ano'ng ginagawa niya rito? "Bakit ka nandito?! Sino nagbigay sa'yo ng permiso na pumasok sa mansiyon namin?!" sigaw ko sa kaniya. "Pinapasundo ka ni Mr. Montes. Hihintayin na lang po kita sa baba," magalang na sabi niya bago tumalikod. "Aba't---! Hoy! Kinakausap pa kita!" naiinis na sigaw ko. "30 minutes!" pahabol na sabi niya. "30 minutes? Bahala ka maghintay diyan!" sigaw ko sabay sarado sa pinto ng malakas. Si Dad naman! Bakit hindi na lang siya ang gumising sa akin kanina? Teka, anong oras ba umalis si Dad? Hay! Ew

