Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa tuwing makikita ko ang benda sa aking paa at maaalala ko ang dahilan ng aking pananatili.
Iritable at maikli ang pasensya ni Mr. Clown, gayunpaman, sumang-ayon siya sa aking pagreretract.
'I don't know what's up to you but since I can no longer take back what I said to my Lolo, agreed. I accept your retraction. You can stay here.' yan ang mga salitang kanyang sinabi bago ako umuwi kahapon.
At ngayon ay ang first day ko bilang official na empleyado ng--sandali, ano nga ulit company 'to?!
"Ms. Tang, mabuti naman po at bumalik kayo." sabi ni Emily sa akin.
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta sa magiging opisina ko. Wait, parang ang gandang pakinggan, opisina ko.
Napabungisngis ako. From working in a small cubicle to having my own office. What a concept!
Muli akong napangiti. If it wasn't for Travis.
Dala ko ang aking mga belongings na nakalagay sa isang kahon.
Hindi naman malayo ang aming nilakad. Tama lang ang lawak ng buong palapag.
Pagbaba ng elevator, lalakad lang ng konti papunta sa main door ng Creative Department. Pagpasok sa loob, gitna ay mga cubicle, siguro ay may 30 cubicles dito. Sa kanang dulo ay opisina ni Mr. Clown.
Ilang sandali lang ay nakarating kami sa katapat na opisina ni Mr. Clown. Nasa kaliwang side ito.
"This will be your office Ms. Tang." magiliw na sabi ni Emily sa akin.
May glass wall at door ito at kita ako mula sa loob. May welcome plant sa tabi ng pinto. Carpeted ang flooring at may sofa sa gilid ng halaman. Sa gitna naman ay ang table at chair. Sa likod ng table ay may cabinet.
Medyo may kalakihan pero mas malaki pa rin ang office ni Mr. Clown.
Nilingon ko si sungit. Isa lang ang ibig sabihin nito. Araw araw ko siyang makikita mula sa aking opisina.
"Salamat Emily."
"Walang anuman po Miss. Wag niyo po pala kakalimutan yung proper introduction niyo po ay today. That will be in 5 minutes. Punta na lang po kayo sa patio sa 3rd floor. At saka, ipinapabigay po pala ni Sir Connor ito." iniabot niya sa akin ang isang folder. "Basahin niyo raw po bago kayo bumaba."
Kinuha ko ang folder. Ano naman kaya 'to? "Sige. Salamat ulit."
Umalis na siya at naiwan ako mag-isa.
Inilapag ko ang dala kong kahon sa aking table. Pati na rin yung folder na binigay ni Emily.
Nag-unat muna ako at umupo sa aking chair. Ooh, I feel so important.
Ganito pala ang feeling ng may sarili kang office!
"Hay, biruin mo nga naman. Who would've thought of this!"
Isa isa kong inilabas ang aking mga gamit. Konti lang yung dala ko at makalipas ang ilang minuto ay halos patapos na rin ako. Apat na picture frame na lang ang natitira sa loob ng kahon.
Kinuha ko ang unang frame, group picture ito ng The Constellations. Inilapag ko ang litrato ng aking mga loves sa lamesa.
Sunod kong inilabas ang group photo ng bandang Stargaze at inihanay kina Nero.
Hindi ko mapigilan ang hindi kiligin sa sunod na frame na aking inilabas. Napayapos ako sa group photo ng Zodiac, "Kya! See you soon mga loves!" inilapag ko sila kahanay ng mga naunang frame.
Kukuhanin ko na sana ang huling litratong natitira sa kahon nang bumukas ang pinto ng aking opisina, "Ms. Tang what do you think you're doing?" taas kilay na tanong ni sungit sa akin.
"Uhh? Fixing my things?" malumanay na sagot ko sa kanya.
He sighed, "Guess you don't know what sarcasm is. By the way, are you aware that you are already 5 minutes late sa introduction mo today?"
Nagulat ako sa sinabi niya, syems! Oo nga pala.
"It's just your first day and you're already causing a delay. How unpro." iritable niyang sabi sa akin.
Alam kong nagkamali ako pero naman! Ang dami niya agad nasabi, "I-I'm sorry." nakatungo kong sabi. Kung hindi lang siya ang boss ko.
"Hurry up. Everyone's waiting for you. Did you read the files Emily gave you?"
Is he talking about the folder?
"Ah--nah, di pa e." I said na nakangiwi at nagpeace sign.
"WHAT?! God Gemini!" pagalit nyang sabi sa akin, "My Lolo is there so you can't fail today." pagpapatuloy niya. Kakamot kamot siya sa ulo.
"S-sorry na! Masyado kasi akong nadala sa pag-aayos ng gamit ko. Ano bang nakasulat sa folder? Explain mo na lang." sabi ko sa kanya.
"Ano pa nga ba?" tumingin siya sa kanyang relo saka muling nagsalita, "Follow me, explain ko sa'yo sa daan."
Sinundan ko siya, "Ano bang meron sa folder na yun? Is it really that important?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa elevator.
"My Lolo wants me to hire the best people for this company. I reviewed your resume yesterday and found out that your unfit for the TL position kaya bago pa malaman ng Lolo ko ang buong pagkatao mo, I made some changes to your bio."
"WHAT?!"
Hindi ko alam kung pinagmamalaki ba niya yung ginawa niya o ano pero mukhang proud na proud siya.
Hinihintay lang namin magbukas ang elevator.
"You don't have to worry. I already spoke to Frea, the one who interviewed you and gave her the modified copy. No one's gonna find out who you really are."
"You changed my credentials without my permission?!" nanggigil kong tanong. Tumango naman siya, "Then what did you put?!"
"That you're a previous Creative Director for some private companies..that you're someone great and that you received a lot of awards in your past jobs."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "I'M WHAT?!"
Bumukas ang elevator. Pumasok siya sa loob. Ako naman ay naprente lang sa kinatatayuan ko. Hindi ko pa rin maabsorb ang mga sinabi niya.
"That is the reason why I asked Emily to give the file to you but you didn't read it. And now, there's no turning back. You already signed the contract so be it."
Nakabukas lang ang elevator, pinindot niya siguro yung emergency stop button.
Pero Mr. Clown, gayunpaman, subalit, datapuwat, naririnig mo ba ang sarili mo?!
"Sa tingin mo, paano ako haharap sa mga tao bilang hindi ako?!" pagalit kong tanong sa kanya.
I hate fake people and now he's making me pretend to be someone who I'm not. How ironic.
"That's why I'm here." huminga siya ng malalim saka muling nagsalita, "Thing is, I fired the previous Creative Team Leader, Elizabeth, one of my Lolo's favorite employee. To my Lolo, she's one of the best. She, may be but the problem is her trashy attitude. When Lolo found out what I did, he wanted to fire me but the President told him that he can't so Lolo challenged the President and I. Kailangan naming maiangat muli ang kumpanya within 3 months. Along with that, I need to hire someone na kapalit ni Elizabeth. Someone who is as great as her. But who would want to work sa isang kumpanya na pabagsak na? Wala diba? That's where you came into picture. I know it sounds desperate na pag panggapin ka but that's the least I can do. Kapag pumalpak kami dito, babawiin ni Lolo ang lahat sa amin."
Napatungo siya. He looked so sincere. He even mentioned the President. Was he pertaining to Travis? If so, how is he related to him?
Ang daming tanong ang pumasok sa aking isipan but one thing is for sure, sobrang nakosensya ako sa mga sinabi niya. His backstory and all. Mukhang sobrang halaga ng kumpanyang ito sa kanya, sa kanila.
"Ugh, I'm such a fool!" muli ay napakamot siya sa kanyang ulo, "I'm sorry, you're right, I should've asked you first." he smiled at me, pilit na ngiti, "If you don't want to do it, that's fine."
Umiling ako. I stepped into the elevator and pressed the 3rd floor, "Fine. Deal. I'll pretend to be someone great basta wag mo 'ko iiwan sa ere."
Hindi ko na nakita pa ang naging reaction niya pero kung ito lang ang maitutulong ko sa kanya at para na rin makabawi ako kay Travis ay gagawin ko.