Mahigit kumulang labing limang minuto na silang naghihintay nang sa wakas ay nakarating din kami sa patio.
Iritableng iritable ang mukha ni Lolo. Si Travis naman ay chill lang pati na ang iba pang mga empleyado.
"Andyan na sila." rinig kong bulong bulungan ng mga tao nang makita kaming dalawa.
Nakatingin sila sa amin habang naglalakad kami papunta sa may unahan.
"Sorry for the delay. Miss Tang had an emergency meeting with a prospect client." palusot ko nang makita ko ang pagbuwelo ni Lolo para siguroy sermunan ako.
"I'm sorry for taking too much of your time. I know we still have work to do so this we'll be quick."
I looked at Gemini, her eyes are determined. May nadiskubre ako right after what she said on the elevator. She has a strong personality kahit na baliw baliwan siya.
Nagpatuloy ako sa pagsasalita, "For all we know, Ms. Tang is our new Creative Team Leader. Ms. Tang, please share with us a brief background of your work experience and also what can we expect from you and vice versa."
Huminga siya ng malalim saka nagsalita. Kalmado lang siya, "Hi everyone, I know this guy beside me already said sorry for the delay but I personally want to apologize too. So let me start by introducing myself properly. I'm Gemini Tang and I worked as a Creative Director for various companies before.."
Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. She owed me a thing before pero ngayon, pakiramdam ko, I owed her a lot more.
Nakikinig ang lahat sa kanya. I can't believe she can sound this smart.
Parang totoo ang lahat ng kanyang sinasabi. Kung hindi ko lang siguro alam kung sino talaga siya, malamang ay mamamangha din ako sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin siya, "And as a TL, I'll do my best to support each and everyone here. I hope to have a harmonious relationship with everyone especially to the team that I will be handling." she said ending her speech.
Nagpalakpakan ang lahat sa patio. Tumingin ako kay Lolo and to my amazement, he applaud her. Lumapit pa siya dito and congratulated, "I thought Connor would fail me but I was wrong. He was able to hire one of the best persons. Keep up the great work hija. I expect a lot from you."
"Salamat po Mr?"
"Mr. Dawson McDonnald, the owner of this company."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga sinabi ni Lolo. Alam ko sa sarili kong niloloko ko lang siya at kapag nalaman niya ang lahat ay baka mas lalo pa niya akong isumpa.
Pagkatapos ng formal introduction, bumalik na ang lahat sa kani-kanilang opisina.
I told Emily to let Gemini meet her team para na rin makapag-umpisa na silang magbrainstorm for future projects.
I decided to take a break first. Kasama ko ngayon si Travis and we're heading to a nearby cafe.
"That girl, I didn't know she's that smart." sabi ni Travis sa akin habang naglalakad kami. Hindi mapawi ang ngiti sa kanyang mukha.
"Who are you talking about?" tanong ko sa kanya.
"Si Ms. Tang bro." sagot niya.
"Really? Don't tell me you like her." pang-aasar ko.
"Bro naman. Who wouldn't? Pero seryoso. Hindi ko talaga akalain na ganun siya katalino. I thought yesterday, when I bumped into her that she's just one of those typical die hard constellator na magpapakamatay sa akin just because I resemble a-so-called guy Zach from that group." ngingiti-ngiti niyang sabi.
Ayokong magconclude pero I know guys like me kapag sobra ng makangiti, isa lang ang meaning no'n, he's twitterpated.
Well, I can't blame him. Afterall, we're just humans and we have the same dopamine addiction we can't control.
"You mean, nagmeet na kayo kahapon?"
"Oo, sa elevator. Natumba siya kahapon nang papasok siya sa elevator. Paga kasi yung paa niya for some reason. Good thing nasalo ko siya. Napagkamalan nga niya akong si Zach e kaya ayun, she embraced me in an awkward position. Pinipilit niyang ako ang taong yun hanggang sa nakarating kami ng first floor kung saan nakita kami ng sobrang dami na tao. Dinala ko na lang siya sa clinic kahapon para magamot ang sugat niya at makaiwas sa mga usap-usapan. Iniwan ko na siya agad sa clinic. Nagmadali kasi akong pumunta sa meeting natin. I asked her name but soon forget about it. Kaya ngayong nalaman ko na kung sino ba talaga siya, hindi na siya mawala sa isip ko. I admit she's pretty and after what I heard today, I know to myself, she's more than just a pretty face." sagot niya.
I think I heard a similar story. Is that the same thing na pinaguusapan ng mga nakasalubong kong accountant kahapon? Well if that's so, then it's NOT great.
Travis is attracted to intelligence. No wonder, bumilib siya kay Gemini. But those were all just lies and I felt sorry for him.
"Back off bro, I heard she's taken. Hanap ka na lang ng iba." pagsisinungaling ko.
He grinned at me, "Then, that makes it more exciting."
Ugh. Facepalm. Nakalimutan ko, maysa-ninja nga pala ang isang 'to.
Hindi na ako nagsalita pa matapos ng kanyang sinabi.
Nakarating kami sa cafe. Umorder ako ng paborito kong frappe, siya naman ay nagbrewed coffee.
Ngayon, unti unti kong narerealize ang mga implications ng pagpapanggap ni Gemini.
Paano kung bumalik ang lahat ng ito sa akin?
Paano kung mas lalo lang lumala ang lahat dahil sa naging desisyon ko?
I sighed. Hindi naman ito pang habang buhay. Matatapos din ang lahat ng pagpapanggap na ito maiangat lang namin ang kumpanya.
Sa ngayon ay focus muna ako sa mga dapat na gawin.
Sabi nila, ang isang problema ay hindi masosolusyonan ng isa pang problema pero, wala na e. Ako mismo ang gumawa ng sarili kong problema.
Pinasok ko ang problemang ito kaya kahit anong mangyari, kailangan ko itong malusotan. Kahit pa ano mang maging balik nito sa akin.