17: Gemini

1077 Words
Kasalukuyan kong pinapaypayan ang aking sarili habang nakaupo sa aking trono. Hindi naman sa mainit pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makaget over sa mga pinagsasabi ko kanina. Sinubukan kong ireenact ang mga ginawa ko but I cringe, "Susko Lord, patawarin mo po ako. This is for a good cause naman kaya pagbigyan mo na po ako." nagmamakaawa kong dasal. Alam kong may kapalit ang ginagawa kong pagpapanggap. May balik ito sa akin at kung anuman iyon ay tatanggapin ko ng bukal sa aking loob. Kani-kanina lang bago ako dumiretso sa aking opisina ay nameet ko na ang aking team. Akala ko ay sobrang dami ng aking subordinates pero tatlo lang pala sila. Hindi naman ako disappointed. Mas maganda na 'yon. Less people to deal with less chance na mabuko. Dalawa sa aking subordinates ay babae, si Hana at Grace. Yung isa naman ay binabae, the name is Georgy. Medyo bata pa sila, siguro'y mga fresh grads. Sabi ko sa kanila ay magresearch muna sila about sa mga competitor ng company at icompile ang mga makukuha nilang info. McDonnald Group is a television ad agency. Sa totoo lang ay wala akong masyadong alam sa paggawa ng TV ads. Una, hindi naman ako nanonood ng TV. Pangalawa, hindi naman talaga ako gano'n kainteresado sa panonood sa TV. At pangatlo, wala lang talaga akong TV sa condo. Babad lang ako lagi sa aking laptop at nanonood ng videos ng aking mga loves. Nakatambak sa aking lamesa ang sandamakmak na files at paperworks. Dinala ito ni Emily kanina matapos ang formal introduction. Sabi ni sungit sa akin ay aralin ko raw ito at magcome up ako sa hindi lang isa kundi sa napakaraming bright ideas. I stopped fanning myself at nagsimula ng magbasa ng mga papeles. *** LUNCH, mag-isa akong bumaba sa canteen at bumili ng pagkain. Muntik na akong makatulog habang nagrereview ako ng files. Sino ba namang hindi aantukin? Sobrang boring at dahil na rin sa sobrang dami ng files na binabasa ko, halos wala rin talaga akong naintindihan. Umorder na ako at naupo sa isang bakanteng table malapit sa patio. Nagsimula na akong kumain. Naalala ko kanina sa aking formal introduction, kinongratulate ako ng Lolo ni sungit. Sa una ay kinabahan ako ng sobra. Paano ba naman, kung maikwento ni sungit kung paano siya ipressure ng Lolo parang sobrang higpit nito sa kanya. Pero gayunpaman, mukha namang mabait ang Lolo niya. "Is this seat available?" Napatunghay ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. "Ah--eh. O-oo." mautal utal kong sabi kay Travis. May dala siyang tray ng pagkain. Naupo siya sa harapan ko at inilapag ang kanyang dala. Maya maya pa ay nakarinig na ako ng mga bulong bulongan. Ikaw ba naman sabayan kumain ng company president, ewan ko na lang. "You look tense. Hayaan mo sila. Titigil din ang mga 'yan." sabi niya sa'kin nang siguro'y mapuna niya ang pasimpleng paglingon-lingon ko. Chill lang siya habang kumakain. Nginitian ko lang siya, heto na naman ang tamemeng si ako. "About yesterday, I'm sorry if hindi kita naasikasong mabuti sa clinic. I had to leave soon because of an emergy." pagpapaumanhin nya. "Ah, hindi. Wala yun. Ako nga dapat ang humingi ng tawad sa'yo for insisting you're Zach." mahiya hiya kong sabi. "Don't worry. I'm used to it. In fact, you're not the first one to think I'm that guy. Almost everyone who sees me thinks that I am." "Sabagay, kamukha mo naman nga kasi." Sabay kaming tumawa. Biruin mo nga naman, may continuation pala yung moment namin kahapon. "Didn't know you're the new TL. Wala naman kasing nabanggit si Connor sa'kin." patuloy lang siyang kumakain. He'll never know kasi hindi pa naman ako official na TL before ako ma-fall sa kanya sa elevator. "I'm just curious, how are you related to sungit--I mean Mr. McDo?" tanong ko. Nabanggit siya ni sungit sa akin kanina. Siguro close sila. Tumingin siya sa akin, nailang naman ako, "Mr. McDo?" he asked. "S-si Connor." "Ah.. I thought you're referring to me as we share the same last name. But to answer your question, he's my cousin and at the same time, bestfriend." Nabulunan ako sa sinabi niya. WHAT? Tama ba ang rinig ko? Magpinsan sila?! "Are you okay Ms. Tang?!" he said panicking at binigyan akong tubig, "..here." "Thank you." sabi ko at nagpunas ng labi. Hindi ako makapaniwala. Kung magpinsan sila, bakit sobrang opposite nila? Travis is kind and has an angelic aura. Habang si sungit naman from the nickname I gave him ay alam na. Naunang tumayo si Travis nang matapos kaming kumain, "Thank you for today Ms. Tang. Mauna na ako, may meeting pa kasi ako." Tumango ako nang nakangiti, "No, thank you. Thank you kahapon at thank you ngayon." At sa sunod nyang ginawa ay muntik na akong mahimatay. He winked at me before turning his back. Syems! Ayokong mag-assume pero anong meaning no'n?! Kinuha ko ang phone ko at inopen ang aking data, hindi ko pa kasi alam ang password ng wifi dito. Nang maopen ko ang aking data, pumunta ako kay Google, "Best wedding ideas." I typed and hit the search button. Hindi ko mapigilang hindi mapahagikhik. Syems, para akong sira! Oo na. Ako na marupok. Makindatan lang ni crush, bigay na! Nagpahulaw muna ako ng konti bago bumalik sa aking office. Nakasabay ko pa sa elevator sina Hana, Grace at Georgy. Nang makarating kami sa 10th floor ay dahan dahan akong naglakad papunta sa aking opisina. Hindi ko kailangang magmadali. Bakit pa? Eh sobrang nakakaantok naman ng aking ginagawa. Siguro'y mga limang minuto rin bago ako nakarating sa aking office. Pumasok na ako sa loob at isinara ang pinto nang bigla akong may narinig,  "Anong feeling mo naglalakad ka sa ilalim ng buwan?" "Ay maligno!" At gaya ng parati niyang ginagawa ay sinaman niya ako ng tingin. Aba si sungit, anong ginagawa niya sa opisina ko? Trespassing siya ah! "Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko sa kanya. "I just dropped by to let you know that I hired a consultant. He'll start working tomorrow so if you need any help with the ads, just bug him." After he said those ay umalis na siya. Buti naman at naisipan nyang maghire ng makakatulong sa akin. Sana lang ay mabait at hindi bida bida or worst ay kontrabida. Umupo na akong muli sa trono ko at nag umpisang magbasa-basa. Mukhang dito na ako uugatin. Ang haba pa ng hapon, gusto ko ng umuwi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD