"As what I've told you yesterday, I hired someone incompetent and your job is to help her out. Walang dapat makaalam, not even the smallest creature you'll see in this building. Is that clear?"
Tumango siya. Mabuti na lang at madali siyang kausap given the fact na halos magkasing edad lang kami.
"Alright, let's head to her office then."
Naglakad na kami papunta sa opisina ni baliw. Her office is just right across mine.
Mula sa labas ay kita kong nagbabasa lang siya ng mga files. Hindi na ako kumatok pa. Pumasok na kami at tulad ng dati, she said it again, "Ay pusa ka!" nakahawak siya sa dibdib niya na para bang gulat na gulat.
I sighed. What else should I expect?
"Ms. Tang, I want you to meet the new consultant Mr. Nick Santillana." sabi ko at itinuro ang aking katabi.
Nanlaki ang mata ni Santillana. Ganun din si baliw nang muli ko siyang tingnan.
"Nick/Gem?!" gulat na gulat nilang sabi sa isa't isa.
I was even surprised to their reaction.
"Ehem." napatingin silang dalawa sa akin, "Do you happen to know each other?" tanong ko sa kanila dahil kung oo, what a small world.
"She's a colleague from the previous company I worked." sagot ni Santillana sa akin.
"I see."
Muli akong tumingin kay baliw and now, she's mouthing something to Santillana, 'Anong ginagawa mo dito?' tanong niya ngunit sa halip na sumagot ay nag peace sign lang si Santillana sa kanya.
Mukhang close sila which is mas mabuti. Hindi na ako mahihirapan pang pagkasunduin silang dalawa.
"So here's the thing, aside from Emily, Frea and the two of us, Mr. Santillana knows everything too. About the agreement and all." sabi ko kay baliw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala.
"I'll leave her to you Mr. Santillana. If you need anything, just drop by to my office."
Tumango siya. Iniwan ko na silang dalawa at bumalik na sa opisina ko.
Kinuha kong muli ang resume ni Santillana. Nakita ko ang profile niya online at ako ang personal na kumontak sa kanya kahapon para sa interview.
He has previously worked as a creative consultant sa isang publishing company.
Triny kong tingnan ang profile ni baliw online but I failed to search for it. Siguro'y dineactivate na n'ya.
No choice, kinuha ko ang original copy ng kanyang resume na nakatago sa pinakailalim ng aking cabinet.
Binasa ko ang kanyang work history. Bakit ngayon ko lang napansin? Baliw and Santillana worked for the same company before.
I also just noticed now that I'm only a year older than her. She's almost as young as me.
Muli kong itinago ang kanilang records.
From afar ay kita ko ang pag-uusap nilang dalawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mapawi ang gulat sa mukha ni baliw.
Nagkibit balikat na lamang ako at bumalik na sa aking trabaho.
***
Tanghali nang makatanggap ako ng tawag mula sa doctor ni Caroline. Lumabas na raw ang resulta ng lab tests ng aking kapatid and he has some news for me.
Nagmadali akong pumunta sa ospital. Naabutan ko pa ang doctor ni Caroline sa kwarto niya.
He is a family doctor of ours at sobrang laki ng tiwala namin sa kanya.
"Patrick.." napalingon siya sa'kin nang buksan ko ang pinto.
"Yes Doc? I'm sorry to keep you waiting, medyo natrapik lang ng konti."
Ngumiti siya, gano'n din si Caroline. I wonder what's going on?
Lumapit si Doc sa akin, "I have a good news to the both of you." he paused at ipinakita sa akin ang ilang papel na sa tingin ko ay lab results, "We've been conducting several tests to Caroline and she is responding to these tests very well. We are now already scheduling her cell transplantation. I hope magtuloy tuloy na."
Napangiti ako sa kanyang sinabi.
"We'll do our best to make this a success." dagdag pa niya.
"Thank you Doc."
Umalis na siya at naiwan kaming dalawa ng kapatid ko.
Lumapit ako kay Caroline. Hinawakan ko ang kamay niya, "Sabi ko naman sa'yo e, gagaling ka."
Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak. Naiiyak ako sa sobrang tuwa. Araw araw ko 'tong ipinagdasal.
Ginulo ni Caroline ang aking buhok, "Ikaw talaga. Ikaw pa rin yung napakaiyakin kong kapatid."
Pinunasan ko ang aking mga luha, "Masaya lang ako."
Pinagmasdan niya ako at saka muling nagsalita, "Connor, you don't have to worry about me. Alalahanin mo yang sarili mo. Look at you. You look so stressed. Mukhang napapabayaan mo na sarili mo. Is it about work? Kamusta na pala ang company?"
Hindi maiitago sa kanyang mukha ang sobrang pag-aalala.
I suddenly remembered those days.
Caroline was the company's VP a year ago. Siya ang kanang kamay ni Lolo, who is the President back then.
Travis was the head of Communications, ako naman ay Sa Creatives na ever since.
Sobrang successful ng company. We had a lot of clients. Hanggang sa nalaman namin ang sakit ni Caroline.
She stopped working. And since Travis and I were still incompetent during those days, Mr. Li took over Caroline's position, the former Head of Operations during that time.
Pinagkatiwalan ni Lolo si Mr. Li at hindi niya lubos akalain na lolokohin lang pala siya nito.
After few months of being appointed as the VP, Mr. Li built his own company. The same nature of business.
Siniraan niya si Lolo at ninakaw niyang lahat ang aming mga kliyente, the company's biggest nightmare.
That is why hindi ko rin masisi si Lolo kung may trust issues man siya.
He was a victim of unfortunate events.
I looked straight into Caroline's eyes, "The company is in good hands. Travis, as the appointed president is doing his job well. Gano'n na rin ang head ng iba pang department. We're all working together to maintain the success na pinaghirapan niyo ni Papa."
She gave me a smile, "Mabuti naman kung gano'n. I'm so worried about you. Akala ko napapabayaan mo na ang sarili mo. Huwag ka masyadong magpakasubsob sa trabaho. Enjoy your life Connor. Maikli lang ang buhay and you're only here for a short visit."
She's still the same old sister I know. Caroline is a gem at sobrang swerte kong naging kapatid ko siya.
"Oo na."
Alam kong sooner or later ay makakalabas na rin siya. Naniniwala akong hindi niya kami pababayaan.