5: Gemini

1263 Words
Hindi ako si wonder woman para magawang posible ang lahat ng imposible. Hindi ako kung sinong super hero na kayang pabagalin ang oras para matapos ang kung anong misyon. Isa lang akong simpleng fan girl na nagtatrabaho para mabuhay. Isa lang akong simpleng babaeng nagmamahal sa The Constellations. Isa lang akong simpleng babaeng may simpleng pangarap sa buhay at 'yon ay makita ang mga iniidolo kong boyband na kumpleto. Isa lang akong simpleng babaeng nagtatrabaho para makabili ng ticket sa mga concert. Oo, ticket sa concert. Napatakip ako sa bibig ko, "Sht. Magcoconcert nga pala ang Zodiac! Wala pa 'kong ipon!" "Tss. Kung anu-ano pang iniisip. Just pack your things faster bitch." tatawa-tawang sabi sa akin ni bekimon Russel habang pinapanood akong magimpake ng mga gamit ko. Nakasandal siya sa may table ko. Sinaman ko siya ng tingin. "Are you happy now?" tanong ko sa kanya habang inilalagay ang mga remainings ko sa kahon. "Hindi pa. Unless, lumabas ka na sa pintong 'yon." tinuro niya ang exit. "HE HE." Pang-asar talaga 'tong baklang 'to kahit kailan e. "Gem.." rinig kong tawag sa akin ni Nick. Hindi na ako tumingin pa sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. "What?" "Kakausapin ko si Sir, baka mapapagbigyan ka pa niya." sabi niya sa'kin. "Ok, here's the knight in no shining armor trying to save her damsel in distress." singit pa ni Russel. 'tong baklang 'to, namumuro na e! "Ilayo mo na lang 'tong bakla 'to, nakatulong ka pa." sabi ko sa kanya without looking at him. "P-pero Gem.. Kakausapin ko si Sir. Kasalanan ko naman e." tumingin ako sa kanya and sighed. "Come on Nick, it's not your fault. And this? This isn't the end of the world for me. There are too many opportunities waiting ahead." "P-pero." "Wag mo na siyang pakialaman Papa Nick, let her go." singit na naman ni bakla. "Shut up Russel." sabi ni Nick sa kanya. Oh ano ka ngayon? Dali mo gay. Belat. "Whatever! Ikaw b***h, fan ng The Constellations na mga gay, bilisan mo! Pagbalik ko dapat linis na 'yang table mo!" makautos 'to, kala mo siya ang boss. "For now papanoorin ko muna ang mga HashThug ko, may bago raw kasi silang upload na video." dagdag pa niya. "HashThug?" tanong ko sa kanya, fan gay din pala siya? "Yes, HashThug! Di mo sila kilala? Sikat kaya sila! Mas sikat pa sa The Constellations!" sabi pa niya. Nanlaki naman 'yung mata ko, "Talaga?" may mas sikat pa pala sa favorite boyband ko! Bakit di ko alam?! "Oo kaya! Sige na! Dapat wala ka na dyan pagbalik ko!" at umalis na siya. Sa halip na bilisan ko ang pagiimpake ng mga gamit ko, binuksan ko 'yong laptop ko. "Gem, anong gagawin mo? Don't tell me, gagawa ka ng apology letter para kay Sir? Sabi ko naman sa'yo e, ako na lang kakausap sa kanya." "Wag kang maingay diyan, di ako gagawa ng apology letter!" sabi ko pa at nang makaconnect ako sa wifi ay clinick ko agad ang google chrome. "Eh ano palang gagawin mo? Don't tell me, manonood ka pa ng videos ng The Constellations?" tanong pa niya, kulit ng lahi e. Umiling ako. "Zodiac?" Umiling ulit ako. "Ah, Stargaze?" tanong pa niya. Kulit talaga ng lahi e. Inisa-isa pa yung mga favorite ko. Sa halip na sagutin ay nagfocus na lang ako sa ginagawa ko. Nang lumabas na yung search engine ay tinype ko na 'yung magic word. 'HASHTHUG' and I clicked enter. Nacucurious talaga ako, may mas sikat pa pala sa mga loves ko?! "Fan ka rin ng HashThug?!" gulat na gulat si Nick. Di rin 'to nakikinig e. Sabi ng di ko kilala yung HashThug na-- biglang lumabas yung info about HashThug. Clinick ko yung isang article. 'Trending Worldwide: #HashThugQandA, Constellators Slay Again!' Clinick ko yung article kasi nakita ko 'yung word na 'Constellator'. Teka, kilala sila ng mga co-fans ko?! Syems. Ako lang ba ang hindi nakakakilala sa HashThug na 'to?! Naggenerate yung site noong article and there, I was wrong. Hindi pala siya article kundi tweet ng isang constellator sa Twitter. Clinick ko 'yung hashtag at nakakita pa ako ng sandamakmak na tweet. I was amazed to what I saw. Here are some: 'How does it feel to be the number 1 girl band in the Philippines? #HashThug ' 'Anong sikreto niyo sa hindi pagdidisband? #HashThugQandA' 'Kailan kayo makikipagcollaborate sa mga tunay na sikat? #HashThugQandA' 'Tips nga para makamove on ng mas mabilis sa ex ko! #HashThugQandA' "WOW" napasabi ko na lang. Ang galing naman pala nila. They're awesome, no wonder magustuhan sila ni bekimon. "Huh?" tanong sa akin ni Nick. "Look oh, sikat nga ang HashThug." pinakita ko sa kanya yung nasearch ko. Napatawa naman siya. "Sikat nga, sikat sa sobrang dami ng hater." sabi niya. Di na ako nagtaka pa. Sa sobrang dami ng fans nila, di malabong marami rin silang hater. Parang ang The Constellations loves ko rin. Sobrang dami ng fans, sobrang dami ng hater. "Awesome, di ko akalaing sila pala ang number 1 girl band dito sa Philippines. Kunsabagay, medyo engs ako sa OPM kaya siguro di ko sila kilala. Masyado akong nagpapatronize sa mga foreign songs. Tapos hanggang ngayon, di pa rin sila disband. Ang galing, paano nila namemaintain ang harmony nila as a group? Tapos makikipag collaborate pa sila sa iba pang sikat na singers.. Tapos, tapos... Love guru rin sila. Nagbibigay sila ng love advice para sa pag momove on! Ang galing!" sabi ko kay Nick na manghang mangha. Nakakunot lang ang noo niya. Ugh? Did I say something wrong? "You're kidding aren't you?" tanong pa niya. He thinks I'm kidding? Sinumangutan ko siya, "No I'm not, humahanga lang ako sa kanila." Ginulo niya yung buhok ko, "Haha! You're funny." Tinanggal ko naman yung kamay niya, sinara ko na yung laptop ko at ibinalik sa case, "Whatever!" "Gemini! You're still here?!" rinig kong tanong ni Sir. Syems, naabutan pa nga ako. "Ah--yea?" "Diba sabi ko, ayoko nang makita ka pa!" e di ipikit mo mata mo Sir. "Ah, ito na nga po oh, nagiimpake na." sabi ko na lang. "Faster! I don't want to see you anymore!" sabi pa niya. "As if I want to." bulong ko. "Are you saying something?!" galit na galit pa rin talaga siya. Matapos niya akong ifire kahapon, high blood pa rin siya? Diba dapat masaya na siya kasi nabawasan na 'yung burden niya. And yes, that wicked old man fired me yesterday. Pa'no ba naman kasi, hindi ko natapos 'yung mga pinapaedit niyang manuscript. Napasarap kasi yung lunch namin ni Nick kahapon e, nalate pa nga kami ng in after lunch. Akala ko talaga noong una nagjojoke lang siya, tunay na pala. At ayun nga, tuluyan na akong nafire. Kaya tuwang tuwa si Russel e. "Gemini! I heard you're saying something!" "No. I didn't say anything." sagot ko. "Then pack your things fast! Nick, tulungan mo na siya!" utos pa niya dito sa katabi ko. Brutal talaga e. Editorial Staff 'tong inuutusan niya at hindi katulong. Again, nag walk out na naman siya matapos niya akong sigawan. Hay, I think magpapasalamat na lang ako sa pagkawala ng trabaho ko. Mas mabuti pa nga sigurong mafire ako kaysa manatili pa sa publishing company na 'to. "T-tulungan daw kita." sabi pa ni Nick sa akin. "No, wag na, kakaunti na lang naman e." Inagpatuloy ko na lang yung ginagawa ko. Is this really goodbye? +++++++++ Ang HashThug ay isang fictional boyband from PH along with The Constellations, Zodiac at Stargaze. The only difference is international boyband ang last three na nabanggit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD