"TINANGGAL mo raw si Elizabeth?!" galit na galit na sabi ni Lolo sa akin. Sabi na nga ba may tenga ang lupa at may pakpak ang balita.
"She wanted to leave so I let her go." sabi ko sa kanya. Kala ko ba e retired na siya, anong ginagawa niya dito sa kumpanya?
"Pabalikin mo siya! She's one of the best employees here! Win her back!"
"No way!" hinding hindi ko babawiin ang mga nasabi ko na.
"I said get her back! You can't hire someone who's as good as her!"
Napakamot na lang ako sa ulo ko, "Look Lolo, ayoko ng makipagtalo pa."
"So what are you trying to say?! I should leave now?! Connor, hindi kita ginawang head ng Creative Department para lang sa wala!"
"Lolo, hindi ko tinanggap ang position na 'to para lang sa wala. I know what I'm doing and if you're worried na hindi kami makakakita ng mas kay Elizabeth, you're wrong. We are capable of hiring the best people for this company. You know what's lacking in you? Trust."
"Huwag mo 'kong pagsabihan na bata ka! Papunta ka pa lang, ako pabalik na!" sabi pa niya.
"Lolo, maaaring papunta pa lang ako at pabalik ka na pero naman Lo, uugod ugod ka na, baka nga maunahan pa kita pabalik e." biro ko sa kanya.
"Shut up! I want Elizabeth back! If you can't do it, I'll fire you!" banta niya sa'kin.
"No, you can't Lolo." nakita ko si Travis sa may pintuan ng opisina ko. Good thing he came, mukhang hindi ko na kakayanin 'tong pangungulit ni Lolo.
"What are you saying, I can't?! Travis, you know I can!"
"Sorry Lolo but you cannot fire Connor anymore. Since this company is already under my management, decisions are in my hands. I'm the boss now and I don't want Connor to leave my company."
"Travis!"
"Connor is right Lolo, we can also hire the best people for our company. Maybe Elizabeth is an asset before, but believe it or not, there are more Elizabeth outside the company. Maari ngang may mas magaling pa sa kanya." sabi pa niya.
Natahimik naman si Lolo sa sinabi niya pero maya-maya pa ay sumagot na rin.
"Fine! You two are challenging me? Go! I'm challenging the both of you too. You hire the best people you know and let's see what you can do. Remember, our company is at stake and I don't want to lose this. Three months! Iangat niyo ang company in three months and if you can do it, papabayaan ko na kayo but if you two failed, you'll get fired at babawiin ko ang lahat!" nanggagalaiti niyang sabi.
I gulped at the thought. Three months?! Is he insane?!
Aangal pa dapat ako nang magsalita si Travis, "Deal." mahinahon niyang sabi. Seryoso? Kakagat siya?
Mas lalo tuloy akong napressure. Dapat hindi ko na lang ginalit si Lolo.
"Babalik ako after three months at kapag wala pa ring pagbabago, I'll get everything back!" nagwalk out na siya kasunod ng mga bodyguard niya.
Naiwan kami ni Travis sa opisina ko.
"Phew, sa wakas, nakalipas na rin ang bagyo. Nasalanta ka ba?" tanong niya sa'kin.
"You're crazy, paano natin maiiangat ang kumpanya in just three months?! Yung iba ngang company, inaabot ng di mabilang na taon."
"I trust you Connor, I know you can do it. Mahaba na ang three months. Remember, hindi lang naman ikaw ang gagawa e. We can hire the best people." pang-aasar pa niya. Sinusubukan niya ba ako?
"Tss. Fine! Ano pa nga bang magagawa ko?"
"Good." matapos no'n ay umalis na rin siya.
Mukhang mapapasubo na talaga ako. I took a deep breathe at umupo sa silya ko.
"Emily!" tawag ko sa secretary ko.
Nagmamadali siyang pumasok sa opisina ko, "P-po?"
"Nasabi mo na ba sa HR?" tanong ko sa kanya.
"Ang ano po?"
"Yung about sa TL ng Creative Department."
"Ah--o-opo. Nagpost na raw po sila ng mga notice online."
"'Yun lang?"
"O-opo."
"We need extra effort! Tell the HR na magpost na rin sa mga bulletin nationwide. Kung kinakailangang gamitan ng trimedia, gumamit. I need the best TL by tomorrow!" mukha siyang nagulat sa sinabi ko.
"P-po?! T-tomorrow na po?!"
"Yes Emily, bukas na."
"P-pero Sir, imposible po ang sinasabi---"
"No buts! Now go!"
Mukhang tama si Lolo, magkakasubukan na.
Kailangan na naming makahanap ng isang magaling na TL.
+++++++++
TL: Team Leader