“Sir Connor, bakit po ba ayaw niyong tinatawag kayo ng iba bilang Connor?” naalala ko ang tanong sa akin ni Emily bago siya tuluyang lumabas ng opisina ko.
Sa halip na sagutin ay nginitian ko lang siya.
Today is the day na ineexpect kong may mahahire kaming bagong TL.
I'm Connor Patrick McDonnald, 25 years old. At a very young age, ako na ang naging Head ng Creative Department ng kumpanya namin. Paano ba naman, isa ako sa mga apo ng may-ari ng McDonnald Group, si Dawson McDonnald.
Isang advertising company ang kumpanya namin at hindi isang fast food chain. Ang dami kasing nagkakamali sa perception ng name ng company namin.
Lilinawin ko lang, yung sikat na fastfood chain ay McDonnald’s habang ang company naman namin ay McDonnald Group. Pangalan pa lang kita mo naman yung difference.
Napatingin ako sa window glass mula sa loob ng aking opisina. Ang dami nang nagbago.
Tandang tanda ko pa noong nabubuhay pa si Papa, palagi niya akong ipinapasyal dito.
Connor ang tawag sa akin ng malalapit sa akin. Patrick naman ang tawag ng ibang tamang kakilala lang.
I don’t allow anyone to call me Connor lalo’t higit hindi ko naman sila gano’n kakilala.
Aside from my family, si Emily lang ang inaallow kong tumatawag sa akin sa ganyang pangalan.
Muling bumalik si Emily sa aking opisina. Dala niya ang napakaraming files na ipinakuha ko sa kanya.
Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. Sa sobrang dami ba naman ng dala niya, alam kong di na niya magagawa pang buksan ito. I also realized, di rin naman siya makakatagos do’n.
Nang makapasok siya ay kinuha ko na ang iba pa niyang dala, kawawa naman. Dapat ang secretary ko na lang, lalaki. Pero.. di rin pala, masyadong maikli ang pasensya ng mga lalaki kaya mas ideal pa rin ang sekretaryang babae.
“Sir ito na po ang mga pinapakuha niyong compilation of files for the past 10 years.” sabi niya nang mailapag niya ang mga papeles.
May napansin ako kay Emily.
Mula no'ng encounter namin sa ospital ay hindi na siya masyadong nauutal kapag kausap ako. Sa tingin ko'y lagay na rin ang loob niya sa'kin which is a good sign.
Ayokong may naiilang sa akin.
“May dumating na ba for interview?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ko pa po alam Sir, mamaya pa po kasing alas dies ang schedule for interview nung mga tinawagan ng HR.” sagot niya.
Alas nueve y media na, konting minuto na lang pala.
“Ilan ba ang interviewees?”
“Sa pagkakaalam ko po Sir, tatlo po ang tinawagan nila kahapon including na po run yung nirefer niyo.”
Napataas ako ng kilay, “Nirefer?”
Wala akong maalalang inirefer ko.
“Si Gemini Tang po?”
“Ah.” that girl. Naalala ko na. She's that funny girl na may sabog na resume.
“Okay, tell them na tapusin agad ang initial assessment at exams ngayong umaga para mamayang hapon, maset na ang final interview sa kung sino man ang papasa. I’ll be available by 3pm.”
Isinulat niya sa notes niya ang mga sinabi ko. Handang handa talaga siya, “Noted po. Anything pa po?”
Umiling ako, “Wala na. You can now go back to work.”
“Sige po Sir.” umalis na siya.
Bumalik naman ako sa upuan ko.
Isa isa kong ibrinowse ang mga documents na ipinakuha ko kay Emily.
Once na makahire na kami ng bagong TL, gusto kong pag-aralan niya ang mga past branding at conceptualization na ginawa ng aming kumpanya, specifically, ginawa ni Elizabeth during her term.
Gusto kong mapag-aralan nyang mabuti kung saang points nagdecline ang McDonnald.
Sandali, am I hiring a TL or a consultant?
Well, whatever, sakop naman ng trabaho niya yun kaya okay lang na paproblemahin ko siya. He or she should be creative anyway.
Kung sinuman ang bagong mahire na TL. Hangga’t maaari, ang gusto ko ay yung focus sa trabaho, tapat at seryoso.
I want someone who can think beyond the boarders of his/her imagination. Someone who can think outside the box. Someone na dedicated at passionate sa ginagawa niya.
Halos dalawang buwan na lang ang natitira para maibangon namin ang kumpanya.
Kailangan ng dobleng effort. Kapag hindi namin ‘to nagawa ni Travis, mawawala na ang lahat ng pinaghirapan nina Papa dati at ‘yon ang ayokong mangyari.
Itatayo kong muli ang kumpanya para kay Papa at kay Caroline.
Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng files. In all fairness, magaling talaga si Elizabeth. No wonder isa siya sa mga paboritong empleyado ni Lolo.
But I stick to my principles that a good employee with a bad attitude will do no good in all sense.
Sabi nga nila, if you can't hire the best people with both great attitude and skills, hire those people with at least the best attitude, then just train their skills.
Naniniwala akong ang lahat ng bagay ay natututunan. There's no limit when it comes to learning.
Ang mga bagay na sa tingin mo'y hindi mo kayang gawin ngayon, balang araw ay magagawa mo rin. Maaachieve mo rin ito. Kailangan mo lang ng tiyaga at tiwala sa sarili.
Nagbasa basa pa ako ng ilan pang files bago bumaba at bumili ng lunch sa pantry.
"Magandang tanghali po Sir Patrick." bati sa akin ni Manang na cook sa canteen.
Gustong gusto ko ang luto niya. Bukod sa masarap ang kanyang mga nilulutong putahe ay kalasa nito ang luto ng isa pa sa mga pinakaimportanteng babae sa buhay ko, si Mama.
Tuwing naaalala ko siya ay hindi ko mapigilan ang hindi malungkot. Mas nauna niya akong iwan kaysa kay Papa.
I cleared my thoughts bago pa ako maluha sa kakaisip ng mga nakakaiyak na pangyayari sa buhay ko.
Nagpatakeout ako ng pagkain kay Manang at agad na bumalik sa aking opisina.
Matapos ang tanghalian ay bumalik na ako sa aking trabaho.
Alam ko sa sarili ko na mahirap ang pinasok kong trabaho.
Nagbuklat pa ako ng ibang files.
Mabilis na lumipas ang oras at hindi ko namalayan na alas tres na pala.
Narinig ko ang pagkatok ni Emily sa pintuan ng aking opisina. Mula sa glass door ay nakita kong may kasama siya.
She made it and now she's here.
Nagtama ang aming mga mata.
Hindi pa rin ako mapalagay. This girl, mukhang nakita ko na siya dati. Hindi ko lang maalala kung saan pero pamilyar ang kanyang mukha.
"Come in." sabi ko at sinenyasan sila.
Pumasok si Emily ngunit naprente ang babaeng kanyang kasama. Para siyang tinitigan ni Medusa at naging bato. Daig pa niya ang estatwa.
"Ms. Tang?" pagtawag ni Emily sa kanya.
Sa halip na sumagot ay napalunok siya. Nakatingin pa rin siya sa akin.
Napataas ang kilay ko. What's with her?
Muli akong napaisip and after a few moments, I realized something. Yes! This girl! I've met her before.
"You!" sabi ko at itinuro siya.
"M-me?!" natataranta nyang sabi at itinuro ang sarili niya.
"You're the girl who I bumped into and stole my VIP ticket!"
And right after I said those words, she ran away.
"A-ano pong nangyayari?" naguguluhang tanong ni Emily.
"That girl! Chase her and bring her to me!" sabi ko kay Emily at agad naman niya itong hinabol.
I still can't believe it.
Of all circumstances na pwede ko siyang makita, bakit ngayon pa?
But one thing is for sure. That girl owes me something and she has to pay for it.