Nagising ako nang tawagin ni Nero ang aking pangalan, "My loves Gemini, wake up."
Umulit pa ng umulit ang pagtawag niya sa akin with the same spiel.
Nang medyo naiirita na ako sa paulit ulit niyang pag banggit ng mga katagang 'yon ay bumangon na ako.
That's my cue. Ayokong magalit sa mahal kong si Nero kaya ako na ang mag-aadjust.
Kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong sa side table ng aking kama. Pinatay ko si Nero- I mean ang aking alarm tone. Hindi ko magagawang patayin ang aking mahal noh.
And yep, that My loves Gemini, wake up thing isn't real. It's just a recorded voice of Nero from an app I downloaded na soon ay ginawa kong alarm tone.
Today is the day of my job interview sa McDo. Magkahalong tuwa at excitement ang nararamdaman ko.
Sino ba namang hindi matutuwa at sa wakas ay magkakaroon na ng trabaho. I'm claiming it, I'll get this job!
Naligo na ako at nag-ayos.
I can't fail this.
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para sa concert ticket ng isa ko pang mga loves, ang Zodiac!
Bago ako umalis ay hinaplos ko muna ang larawan ng aking mga loves.
"Patnubayan niyo nawa ako mga loves. I'm doing this for us so please guide me." hinalikan ko sila isa isa. Baka kasi magkainggitan pa e. I don't want them to fight because of me. Baka mamaya hindi lang si Zach ang mag quit sa grupo nila at tuluyan na silang makawatak watak.
For short, ayokong ako ang maging rason ng pagdidisband nila.
"Tandaan niyo mga loves, pantay pantay ang pagmamahal ko sa inyo." I winked at them bago tuluyang lumabas sa aking lungga.
"Good morning Ma'am." bati sa akin ni Manong guard nang makababa ako mula sa aking unit.
"Good morning kuya! Pogi natin ngayon ah!"
"Naku naman si Ma'am nambola pa e. Kayo rin gumaganda." biro niya sa akin.
"Sus si kuya, ginawa pa akong kulangot." inilagay ko ang hinliliit ko sa loob ng ilong ko at inikot ikot ko sa loob ito, natawa naman siya.
"Kayo talaga Ma'am napakapalabiro niyo."
"Good vibes lang tayo kuya. Siya, mauna na ho ako. May interview pa ang ate gurl niyo."
Nagtungo na ako sa may exit door.
"Mag-iingat po kayo Ma'am."
"Salamat kuya!"
Nang makalabas ako ay nilingunan ko pa building kung saan ako nakatira.
Sabi nila maswerte raw ako but I don't believe in luck.
I'm Gemini Tang at bata pa lang ako, naniniwala na akong malas ako.
I'm an orphan. Hindi ko nakilala ang mga parents ko. Sabi ng mga madreng nag-alaga sa akin, one night, nakita raw nila ako sa labas ng kumbento. Doon ako iniwan ng mga magulang ko.
Lumaki akong kasama ay mga madre hanggang sa isang araw may mag-asawang businessman na Chinese ang umampon sa akin. Marunong silang mag Tagalog kaya nagkakaintindihan naman kami.
Natuwa sila sa akin kasi kamukha ko raw ang yumao nilang anak.
Nang maayos nila ang adoption papers, dinala nila ako sa China kung saan sunod sunod ang kamalasan na dumating sa kanila.
Nagkasakit si Papa, pati na rin si Mama.
Bumili sila ng maraming flowerhorn na isda at nagpalagay ng fishpond sa bahay. Pati mga kung anu anong lucky charms at lucky plants binili nila hanggang sa maubusan sila ng pera at maging ang business nila ay nalugi.
Hindi nila alam ang rason kung bakit sila minamalas hanggang sa magpa fengsui sila at doon nila nalaman na ako pala ang malas sa kanila.
Hindi naman sila nagalit sa akin. Sobrang mahal nila ako at itinuring nila akong isang tunay na anak but they decided na pabalikin na lang ako dito sa Pilipinas.
Naging okay naman yung business nila nang mawala ako.
Ipinasok nila ako sa isang all girls school kung saan, pinapadalhan nila ako ng monthly allowance.
Hanggang sa magcollege ako, sobrang supportive nila. Mayaman sina Mama at Papa. Sobrang luwag nila sa pera at 'yon ang inayawan ng mga kaibigan ko sa akin.
They say that I'm a stubborn brat na sobrang pasarap lang sa buhay.
Totoo naman, naging sobrang dependent ako kina Mama at Papa.
Kaya nang makagraduate ako ng college, that's when I decided na I need to be independent.
Nagrequest ako sa kanila na for once, huwag na muna nila akong suportahan financially. Na saka na lamang ulit kapag hindi ko nakayanan.
Kailangan kong matuto sa sarili kong mga paa.
Madali namang kausap sina Mama at Papa kaya naman kinabukasan pag gising ko ay boom! Wala ng laman ang bank account ko.
Mabuti na lang at may ipon ako sa piggy bank ko kundi nganga ako.
Hindi naging madali ang lahat. Totoo nga, mahirap ang maging mahirap.
But I'm still thankful, at least, I'm now learning.
Once in awhile, kinakamusta ako nina Mama at Papa. Supportive pa rin naman sila.
Napapangiti na lang ako tuwing maaalala ko ang lahat.
Pumara na ako ng taxi at dumiretso sa address na binigay ng walang puso na HR kahapon.
Nagulat ako nang makarating kami sa harap ng gusali. Isang gusaling mukhang itinayo pa no'ng panahon ng mga dinosaur sa sobrang luma. Pwede na nga itong pagshootingan ng horror films sa sobrang creepy. Di ba uso ang renovation?
"Manong, sure ba kayong dito 'yon? Hindi ba yung kabila?" tanong ko sa kanya at itinuro yung McDo na katapat ng horror na building.
"Opo Ma'am, sigurado akong d'yan yun."
"Sure ka Manong ha." tanong ko pa. Pasensya ka na Manong, may trust issues kasi ako.
"Opo Ma'am dyan yun."
At dahil sa may trust issues talaga ako, bumaba na ako ng taxi at tumawid papunta hindi sa malaking building. I crossed the street at dumiretso sa McDo.
There's no way I'm working on that eerie building.
Hinanap ko si Frea kay Manong guard sa McDo at ang loko, tinawanan lang ako. He said that the one I'm looking for ay taga doon sa harap na gusali.
So totoo nga ang sabi ni Manong driver.
I composed myself at saka muling tumawid.
Kung hindi pala ako sa McDo magtatrabaho, anong klaseng kumpanya ba yung papasukan ko?
This building is giving me a creepy vibes.
Baka mamaya networking pala ito or kaya isang sindikato na nangunguha ng organs ng mga bata!
Nooo! Umiling iling ako. Naalala ko ang Zodiac.
'Gemini, kailangan mo ng trabaho, okay.' sabi ko sa sarili ko. I need this job at para sa mga loves ko, kahit ano pa man ito, kakayanin ko!
Nagtungo na ako sa may entrance. Naabutan ko ang pipikit pikit na guard.
"Ah, dito po ba si Frea Umali?" tanong ko sa guard.
Tumango naman siya nang walang kagana-gana. Naman si kuya, where's the energy?!
"For job interview po kasi ako." sabi ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako na parang nang-uusisa, sleepy pa rin siya.
"Job interview? Sure ka?" tanong niya sa'kin.
I nodded, "Opo." at ipinakita ko ang text message mula sa HR. Hiningan naman niya ako ng ID nang makita niya ang proof ko.
Binigyan niya ako ng Visitor ID pass.
Dumiretso ako sa office ng HR at sinalubong ako ng isang may katangkaran na babae, mapula ang labi niya at mukha siyang bitchy. Ngunguya nguya pa siya ng bubble gum.
"Kayo po ba si Frea?" I asked pero sa halip na sagutin niya ako ay pinagtaasan niya lang ako ng kilay.
I don't know what her problem is hanggang sa lapitan ako ng isang babaeng nakaeyeglasses and unlike that bitchy girl, this girl looks nice.
"Ms. Tang?" tanong niya sa akin. Her eyes are sparkling.
"Yes po?"
"I'm Frea and I'm so glad you made it to your interview. Please be seated here."
Inalalayan niya ako papunta sa isang seat sa loob ng opisina nila. Sobrang bait ni Frea compared dun sa isang girl kanina.
Tinanong lang niya ako ng ilang questions, basic lang kasi nirefer daw ako ng 'boss' nila. That surprised me. Kakilala ko ang boss nila?
Hindi na ako nakapagtanong pa about sa kung sino ba yung boss nila kasi wala pang ilang minuto ay narinig ko na ang good news.
I passed the initial at final interview na with the boss later in the afternoon! Sobrang saya ko to the point na napasigaw ako sa loob ng office nila. Nagpeace sign na lang ako lalo na do'n kay bitchy girl.
Hinintay ko lang ang hapon and a girl named Emily assisted me sa aking final interview.
She said na ang office daw ng boss ay sa 10th floor kaya pumunta kami do'n.
Hanggang ngayon ay napapaisip ako who that boss be.
Bakit niya ako kilala? Is he somehow an acquaintance or a business partner of my Papa?
Nahihiya naman akong magtanong kay Emily. Mukha kasing nagmamadali siya.
Nang makarating kami sa opisina ng boss ay nanlamig ang buo kong katawan.
This guy. I can clearly remember his face!
"Come in." sabi niya at binuksan ni Emily ang pinto.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang siya sa akin. Gustuhin ko mang ngitian siya ay hindi ko magawa.
"Miss Tang?" tawag sa akin ni Emily pero hindi pa rin ako makagalaw. Ano bang gagawin ko?
This guy! Siya yung lalaking masungit na nakabunggo ko sa concert hall!
Nakatingin lang siya sa mukha ko, siguro'y ineexamine ako. Hanggang sa dinuro niya ako and shouted, "You!"
Nataranta ako so I answered, "Me?!"
"You're the girl who stole my VIP ticket!" nanggagalaiti na sabi niya sa akin.
I'm doomed.
My mind's telling me that I need to escape so I run!
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero malinis ang konsensya ko.
I stole nothing cos fate let me have it!