12: Connor

1335 Words
"Ms. Tang, bumalik po kayo dito!" tawag ni Emily kay Gemini. Sinundan ko sila. She can't just run away from me. May atraso siya sa'kin at kailangan niya 'yong pagbayaran. Nang dahil sa kanya, I broke my promise to Caroline. Tinawagan ko ang security at agad naman silang umaksyon. That girl is already making a big scene here in the office. Pinagtitinginan na kami ng iba pang mga empleyado. "That girl wearing a coat and a blue dress, hulihin niyo siya." I told them. Patuloy pa rin ang kanyang pagtakbo. Nakikipagpatintero siya sa amin. Ano bang naiisip ng babaeng 'to?! If she's playing games with us then she's not gonna win. She's in my territory and I'm the ruler of this place. Ilang minuto pa ang lumipas at  lumiko si Gemini papunta sa may elevator. Lingid sa kanyang kaalaman na nakaabang do'n ang ilan sa mga security. She's cornered. Wala na siyang kawala. Hinawakan siya ng isa sa mga sekyu at iniharap sa akin. "Ah, let me go!" pagmamaktol niya, "Di niyo ba alam, pwede ko kayong kasuhan ng harassment!" dagdag pa niya. "At di mo rin ba alam na pwede kitang kasuhan ng roberry?" I told her. "Roberry?! Hoy Mister, FYI. I didn't steal anything from you!" she said na nanlalaki yung mata. Should I be scared? "If I know, you intentionally bumped into me para makuha mo ang VIP ticket ko before. You thief. You better pay me for it!" "What? At bakit naman kita babayaran? Like what I've told you Mister, hindi kita ninakawan. That was all an accident. Saka kasalanan mo rin naman kung bakit nawala ang ticket mo. If it weren't for your carelessness, it wouldn't have slipped off your hands. Malas mo lang na ikaw ang nakakuha ng ticket ko and wait.. since you also got mine then I guess that's considered roberry too? Ninakaw mo ang ticket ko." "That ain't considered a roberry. My ticket costs more value than yours. Sa tingin mo, sinong thief ang magnanakaw ng copper kung nasa kanya ng ang gold?" Natigilan siya sa sinabi ko. At last, I finally got her. Nakikipag argue pa siya! "May point ka naman but still I'm not paying you a penny or so. It was all an accident and I believe nakapanood ka pa rin naman ng concert using my ticket e so quits lang tayo." sabi niya sa akin ng nakapamewang. This is why I don't argue with girls. Kahit ano pang sabihin mo, in the end, ikaw pa rin yung mali. "Ah Sir Connor, Ms. Tang?" nabaling ang atensyon ko kay Emily nang tawagin niya kami. Napalingon ako sa kanyang gawi at sa pag minamalas ka nga naman, bakit ngayon pa siya dumating?! "Connor, anong nangyayari dito? And who is this girl?" tanong ni Lolo sa akin saka tumingin kay Gemini, "Siya ba ang kapalit ni Elizabeth?" pagpapatuloy niya. Emily is gesturing, saying sorry to me. Hindi naman niya kasalanan. Who would've thought na dadating na lang basta si Lolo out of nowhere? And what made him think na this Gemini girl ang kapalit ni Elizabeth? Aside from the fact that she's well dressed, she has a pretty face and also looks smart. And the reason why she's here is because she's applying for that position. Wait, is she the one applying for that position? I looked at her one more time and she's now fixing herself. Medyo nagulo kasi yung buhok niya sa katatakbo kanina. Kung bakit ba naman kasi tinatakasan niya. Don't she realize that this is my territory? Muli kong tiningnan si Lolo, "Yes, she's the new TL. I just hired her today and was running after her kasi may nakalimutan siya." Gulat na gulat ang lahat. "What are you saying?!" gulat na gulat na sabi ni Gemini, "I'm not accepting--" at bago pa man siya makapagsabi ng hindi maganda ay tinakpan ko ang bibig niya at hinila papunta sa office ko. "Medyo busy kami ngayon Lolo so I'll talk to you again some other time." sabi ko sa kanya. Nang makarating kami sa aking opisina ay agad kong isinara ang pinto. I locked it from the inside. Baka mamaya sundan pa kami ni Lolo. "And what's that all about?!" pasigaw na tanong ni Gemini sa akin. "Hindi ako bingi so please lower down your voice." mahinahon kong sabi sa kanya at nagtungo sa seat ko. Sumunod naman siya at umupo sa tapat na seat sa kabila ng aking lamesa. "So Mister, ano nga ulit yung sinabi mo kanina?" tanong niya. "Alin dun? That you robbed me?" pang-aasar ko sa kanya. She's still not over it. "No, not that! Yung y-you hired me?!" "Ah. Yes I did, diba kaya ka nandito cos you're applying for that position, now you're hired. Congrats." "Then I'll file my resignation right now!" sabi niya at inilabas ang ballpen niya, "pahinging papel." "I'm sorry?" ano bang trip niya. Kakahire ko lang sa kanya and now magreresign na agad siya. She should be grateful na kahit sabog resume niya, I still hired her. "I said pahinging papel!" naiinis niyang utos sa akin. Kinuha ko ang pinakamalapit na papel sa akin. Ito yung duplicate na resume niya. Nabasa ko na namang muli yung sabog niya resume, "Ms. Gemini Tang right?" "Yes Mister--" "Connor, Connor Patrick McDonnald." "Okay Mr. McDo, kung hindi mo ako bibigyan ng papel, I'll resign verbally." Itinaas niya ang kanang kamay niya na parang nanunumpa, "Dear Mr. Connor Patrick McDonnald, I'm writing this letter to inform you that I'm resigning from my position-" she paused and looked at me, "..ano nga ulit position ko?" she asked. Natawa naman ako. This girl is crazy yet funny. "Team Leader of Creative Department." sagot ko sa kanya. "Yon! Team Leader of Creative Department effective today. This is due to the fact that first, I don't like my boss. Second, he's accusing me of robbery. And third, he's asking me to pay for something I did NOT steal. Thank you. Regards, Gemini Tang. Signature over printed name." Matapos ang kanyang speech ay tinalikuran niya ako. Dirediretso siya sa pinto. She tried opening it and I laughed at the thought. Lumingon siya sa akin. Akala niya ata ay makakalabas siya basta basta. Pinaikot ikot ko sa aking daliri ang susi ng opisina ko. I locked it from the inside and there's no way she can get out of here. "You!" parang kanina lang when I told her the exact same line with matching duro at lumapit sa akin. "Are you sure you really want to resign cos you know what, your resume doesn't say so." Ihinarap ko sa kanya ang resume niya. "You need a job right? At gusto mo quits na tayo? Well, kakalimutan ko na ninakawan mo ako, but in one condition, fully accept my job offer. I'll be honest with you, I recently fired the favorite employee of my Lolo. The company is in chaos and and now I need to fill that TL position para tigilan na niya ako." Natahimik si Gemini sa sinabi ko, siguro ay napapaisip din siya sa offer ko. Ilang sandali pa ay nagsalita na rin siya, "You know what, as much as gustuhin kong iaccept ang offer mo para mabayaran na ang utang kong pilit mong kineclaim, I came into a realization na hindi ako ang best fit sa trabahong 'yan. Like what you've said, this company is in chaos and I, myself is a chaos. Pag-iipunan ko na lang yung utang ko sa'yo at babayaran ko at a later time. Wag lang ngayon, gipit pa ako." she said sincerely. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo. I think I don't have any choice but to let her go. "Here." ibinato ko sa kanya ang susi ng opisina ko, "..pakibigay na lang kay Emily pag labas mo." "Pasensya ka na." Lumabas na si Gemini. Naiwan akong mag-isa. "Sht. Sht." di ko mapigilan ang hindi magmura. Nasabi ko na kay Lolo na si Gemini ang kapalit ni Elizabeth. Tss. Panibago na naman 'tong problema!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD