Chapter 6

1848 Words
♥ Six ♥ "At dawn, the last man standing will be me, baby and you're coming home with me..." I suddenly remember the exact words you said that night. The exact words that I held on to. The words I never thought I would hear from someone. With an almost empty bottle of whiskey in my one hand and the other fisted on the back of my head, trying to keep my messy hair from falling in front of my face, I walked around the spot where it all happened... Baby this is breaking my heart even more. Mula sa balkonahe ng bahay ni Klaus, tinanaw ko ang higit singkwentang deltas ng Sudain na nakapalibot kay Hank. Tila handa na ang lahat na patayin amg Beta ng Astrid sa lupain namin. Binalingan ko ulit ang kapatid kong matamang nakamasid sa ibaba. Nakakalso ang mga braso niya sa sementong harang ng balkonahe habang seryoso ang kanyang mukha. "Klaus, please. Just let him go home. Parang awa mo na." Pagmamakaawa ko. Hindi ko na matandaan kung ilang beses ko na siyang pinakiusapan pero tanging pag-iling lang ang isinasagot niya sa akin. Umayos siya ng tayo saka niya itinupi ang mga braso niya sa tapat ng kanyang dibdib. "I gave him a choice, Kiara. Hindi ko siya pinilit pumunta rito. The moment he stepped on Sudain, he made his choice. And that choice is to get himself killed." Para akong nanghina sa narinig. "N-no. Klaus please don't tell me--" Seryoso niya akong tinapunan ng tingin. Lalong dumilim ang ekspresyong nakaguhit sa mga mata niya. "I'm sorry, sister but he's not the right man for you." Biglang nanghina ang mga tuhod ko. Nabaling ang tingin ko sa braso ni Hank. Lalo akong nawalan ng lakas. No, no please, no. Mamamatay siya kapag tinuloy niya ang laban. Tatakbo na sana ako papunta sa kanya nang bigla akong hawakan ng dalawang tauhan ni Klaus para pigilan ako. "No! Klaus don't do this! Wala siyang masamang ginagawa sa atin! You're going to kill him! This is not fair!" Sigaw ko sa kapatid ko pero mukhang wala siyang balak makinig sa akin. Bumilis ang tibokng puso ko dahil sa takot para kay Hank nang iangat na ni Klaus ang isa niyang kamay sa ere. Nanlalambot akong napailing. "No! No! Klaus parang awa mo na!" Pero walang pinuntahan ang pakiusap ko. The moment my brother snapped his fingers, the bloody fight between his men and a weaker Hank began. Mas nagpumiglas ako nang makita ko ang paghakbang ng ilang deltas palapit kay Hank. Hindi siya kumikilos. Para bang may hinihintay siya. Bigla akong napahinto sa pagpupumiglas nang mabaling sa akin ang tingin niya. Nanlambot ako nang makita ang pagguhit ng isang ngiti sa kanyang mapupulang labi. "At dawn, the last man standing will be me, baby and you're coming home with me..." Untag niya sa aking isip. Nanghihina akong napailing. No, Hank. You have the restrains. Sa mga oras na 'to, isang tao hindi isang lycan ang kaharap ng mga tao ni Klaus. Nagsimula ang pagsuntok kay Hank. Kaagad siyang bumagsak sa lupa at hindi kaagad nakabangon sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya. Nagpuyos sa galit ang dibdib ko nang umalingawngaw ang mapang-asar na tawa ng lalakeng may gawa no'n. Pabangon pa lang siya nang isang malakas na sipa sa kanyang tiyan ang natanggap niya. Tumilapon siya ng ilang metro at napadaing ng malakas dahil sa sakit na hindi kayang pagtakpan ng kakayahan niya. Namuo ang mga luha ko nang makita ang pagsuka niya ng dugo. Pilit niyang pinunasan ito gamit ang kanyang braso saka siya hirap na hirap na tumayo. Sapo-sapo niya ang kanyang tiyan nang simulan niyang maglakad pabalik sa mga deltas. "Tama na. Umuwi ka na..." Tuluyang pumatak ang mga luha ko matapos kong ibulong sa hangin ang mga salitang gusto kong marinig niya at sundin niya. Napaiwas ako ng tingin nang makita ang muling pagsuntok sa kanya. Sa bawat daing at tunog ng pagtama ng suntok, lalong nababasag ang puso ko. Gusto kong takpan ang mga tenga ko. Hindi ko na kaya pang marinig. Nasasaktan siya ng dahil sa akin. Hindi sila titigil hangga't hindi siya namamatay. At papatayin nila siya sa harap ko... Kahit na nanghihina, pinilit kong magpumiglas muli kahit na alam kong walang silbi. "Tama na! Tama na!" Halos mabasag na ang boses ko pero walang nakikinig. Patuloy ang paulit-ulit na pagdaing ni Hank dala ng walang kapantay na sakit na natatanggap. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa kapal ng luha sa magkabila kong mata pero patuloy ako sa pagmamakaawa at pagpupumiglas kahit pa nagpakabingi na ang kapatid ko sa mga pakiusap ko. Gusto ko silang patayin lahat. Ano bang ginawa ni Hank? Kasalanan ba niyang sa Astrid siya ipinanganak at napabilang? Kasalanan ba naming kami ang itinadhana para sa isa't-isa? Hindi tama 'to. Hank doesn't deserve this. Umigting ang aking panga. Marahas kong pinalis ang luha sa aking pisngi bago ko tinignan ng masama si Klaus. "Sana kapag ikaw naman ang nakatagpo sa mate mo, maramdaman mo rin kung gaano kahirap na makuha siya. Sana maramdaman mo rin kung gaano kasakit 'tong ginagawa mo ngayon. Nawalan ako ng bilib sayo. Hindi pala ikaw 'yong Klaus na inakala ko..." Puno ng galit kong sabi sa kanya. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya pero nanatili ang mga mata niyang nakatitig sa nangyayari sa ibaba. Napahikbi ako nang makitang parang wala lang sa kanya ang mga sinabi ko. Parang wala talaga siyang pakeelam sa mararamdaman ko sa oras na mapatay ng mga tauhan niya si Hank. Isang daing ang muling umalingawngaw pero sa pagkakataong 'to, hindi na galing kay Hank. Nabaling sa ibaba ang atensyon ko at nakita ang nanlilisik na mga mata ni Hank na nakatitig sa lalakeng sakal-sakal niya at nakataas sa ere. Kumunot ang noo ko sa nakikita. Halatang maging ang deltas ay ikinagulat ang nangyayari dahil halos hindi na makatayo si Hank kanina. Bugbog sarado na ang katawan niya at nakakabit pa rin sa kanyang braso ang restraining bracelet. Buong lakas niyang ihinagis ang lalake sa mga kasama nito saka siya sumugod at ibinigay lahat ng lakas niya. May ilang bumagsak. May ilang nagawa niyang balian ng leeg gamit ang sarili niyang lakas. May ilang nagtamo ng malalakas na suntok mula sa kanya at alam ko, ang lahat ng iyon ay ginawa niya bilang isang tao. Namumula at dumudugo na ang mga kamao niya at nanginginig na ang mga kalamnan niya dala ng matinding sakit ng katawan at pagod pero patuloy siya sa pakikipaglaban. Natulala ako sa nakitang lakas niya. He's not ordinary. Hindi ko akalaing kahit walang tulong ng wolf niya, kakayanin niyang makipaglaban at ipagtanggol ang sarili niya. Pero hanggang kailan, Hank? You're outnumbered. Wala pa sa kalahati ang napapatay mo pero halatang ubos na ang lakas mo sa katawan. Habang tumatagal, pahina na siya ng pahina. Bumabagsak na siya kaagad at panay na ang pagsuka niya ng dugo pero patuloy pa rin siya sa pagtayo para ituloy ang laban. Isang malakas na sipa sa kanyang likod ang natamo niya. Nabasag ang puso ko sa malakas niyang pagdaing. Mariin siyang napapikit at mayamaya pa ay muli na namang sumuka ng dugo. Lalong nagpuyos sa galit ang puso ko. Nagbago ang kulay ng mga mata ko at buong pwersa kong binawi ang mga braso ko mula sa mga lalakeng pumipigil sa akin. Bago pa man sila makakilos para hawakan ulit ako ay naibaon ko na ang mga kamay ko sa kanilang mga dibdib. Wala na akong kontrol. Punong-puno ng galit ang dibdib ko. Pagbagsak ng dalawang lalake ay kaagad akong tumalon pababa. Lahat ng humaharang sa akin, bumabagsak ng wala nang mga buhay. Kaunti na lang. Ilang metro na lang ako mula sa kanya. Wala akong pakeelam kung sarili kong pack ang nalalagas. Wala na akong pakeelam. Dalawa pang delta ang kumalaban sa akin ngunit gaya ng iba, bumagsak din sila sa lupa ng wala nang mga buhay. Napatakbo ako kay Hank nang tuluyang bumagsak ang dalawa. Pilit ko siyang pinatihaya saka ko siya ihiniga sa kandungan ko. Natutop ko ang bibig ko nang makita ang puro pasa niyang mukha. Halos hindi na niya maimulat ang isa niyang mata. Putok ang kanyang kanang kilay at ang kanyang ibabang labi. Ang dami niyang galos sa katawan at walang tigil ang pag-ubo niya ng dugo. "H-Hank..." Nabasag ang boses ko. Ilang sunod-sunod na hikbi ang kumawala sa bibig ko at ang mga luha ko ay pumatak sa kanyang pisngi. Pilit niyang iminulat ang mga mata niya. Lalo akong naiyak nang unti-unting gumuhit ang isang pagod na ngiti sa kanyang labi. Kahit na nanghihina, iniangat niya ang kamay niya para haplusin ang aking pisngi. Lalo lang nabasag ang puso ko. "W-Will you c-come h-home...home w-with me?" Nanghihina niyang sabi. Napaiyak ako sa tanong niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi saka ako tumango. Sinalat ko ang kamay niyang may restrain at kahit nasusunog ang balat ko dahil sa pilak, pinilit ko itong kalasin. Nang matanggal ko na ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Ibinaon niya ang mukha niya sa balikat ko saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Lalong rumagasa ang mga luha sa magkabila kong pisngi dahil sa ginawa niya. Alam kong hindi pa rin siya malakas. He's just a Beta. Hindi ganoon kabilis ang recovery niya. Isa pa, napakalayo niya sa pack niya. He won't heal that fast. "Kiara..." He mumbled in a tired tone. Pilit kong pinakalma ang sarili ko. "B-Bakit?" Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako habang may nakaguhit na pagod na ngiti sa kanyang labi. Hinawakan niya ang pisngi ko. His thumb brushed against my cheek. "You are worth the fight..." He mumbled and before I can even react, his lips were already pressed against mine. Pumikit ang mga mata ko nang maramdaman ang mainit niyang mga labi. Sa isang iglap, napawi ang galit at sakit na nararamdaman ko. Napanatag ang loob ko at ang tanging kaya ko na lang isipin ay siya at ako. Ngunit mayamaya ay bigla na lamang siyang bumagsak sa lupa at nawalan ng malay. Natataranta ko siyang dinaluhan pero kaagad akong hinila pataas ng kung sino. "HANK! GUMISING KA! PLEASE DON'T DO THIS!" Pagmamakaawa ko habang kinakaladkad ako palayo sa kanya pero walang nangyari. Hindi na siya gumalaw hanggang sa tuluyan siyang binuhat ng mga natitirang delta at isinilid sa sako. Nabaling ang tingin ko sa taong kumakaladkad sa akin. Nasalubong ko ang galit ngunit may bahid ng awang mukha ng kapatid ko. Hindi niya ako magawang tignan. "Anong gagawin niyo sa kanya?!" Punong galit kong tanong. Umigting ang panga niya at nabaling ang tingin niya sa kanyang mga delta. Bigla akong kinabahan nang isenyas niya ang kanyang ulo sa mga ito saka sila umalis dala-dala si Hank. "SAAN NIYO SIYA DADALHIN?!" Singhal ko. Nanginginig na ang mga kalamnan ko sa galit. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago ako biglang hinawakan sa ulo at balikat. Bago pa man ako makaatras, bumaon na sa balat ko ang mga ngipin niya. Bigla akong nanghina. Parang pinupunit ang bawat laman sa katawan ko at nilalamon ng matinding init ang katawan ko. Bumagsak ako sa mga braso ni Klaus na halos wala nang lakas. Bago pa man ako mawalan ng malay, narinig ko pa ang mga huling salita ng kapatid ko. "At first light, Hank Venzon will be nothing but ashes..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD