♥ FIVE ♥
"That was the first time I got jealous..." Mapakla akong natawa saka ko pinalis ang luhang lumandas sa aking pisngi. Pilit kong sinalat ang baso ng alak at ininom ang natitirang laman nito.
"I never thought I'd feel that way before. Parang gusto kong hilahin si Hank palayo sa kanya noon. Am I that selfish, brother? Ganoon ba ako kadamot at pinagkait ko siya kay Erin? Kung si Erin kaya ang minahal niya, buhay pa kaya siya?" Muling lumandas ang butil ng luha sa magkabila kong pisngi.
Marahas na napabuntong hininga si Klaus. Dinampot niya ang bote ng alak saka niya sinalinan ang kanyang baso at ininom ito. Parang wala lang sa kanya nang maubos niya ang alkohol. Nang ilapag niya ang baso sa mesa ay pinagsalikop niya ang kanyang mga palad.
"No, Kiara. That's not selfishness. You were never selfish. You're just inlove and those who are inlove tends to feel threatened. It is me who became selfish." May bahid ng lungkot ang kanyang tono.
Muli siyang nagsalin sa baso niya ng alak saka ito inisang lagok. Marahas niyang inilapag ang baso saka niya ihinilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha. "We both know that...
Natigilan ako sa narinig. Biglang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari noon.
Matapos kong marinig iyon ay kaagad akong tumalikod mula sa kanila. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang magkakahalong galit at lungkot na bumalot sa puso ko. I can't seem to grasp enough air to keep my breathing stable.
Mabilis akong humakbang palabas ng stadium. Wala na akong pakeelam kung makakabangga na ako ng mga tao ang mahalaga makaalis ako sa lalong madaling panahon.
Malapit na ako sa exit nang maramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa aking braso dahilan para mapahinto ako. A sudden volt of electricity run through my veins. Hindi ko pa man nakikita, alam na ng katawan ko kung sino ang taong iyon.
Huminga ako ng malalim saka ko siya binalingan. Natulala ako nang makita ang tila nagtataka niyang itsura.
"Aalis ka na? Hindi pa nagsisimula ang game." Untag niya.
Napaiwas ako ng tingin. Bigla kong naalala ang pag-uusap nila. Muli na namang nag-apoy sa galit ang puso ko.
Pilit kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin saka ko siya tinalikuran pero kaagad niyang hinuli ang magkabila kong braso saka niya ako pilit pinaharap sa kanya. Ilang tao na ang napapatingin sa aming dalawa.
"Anong nangyari, Kiara? Kausapin mo ko." May bahid na ng pagmamakaawa ang kanyang tono.
Nakagat ko ang ibaba kong labi dahil sa narinig. Mas lalo niya akong hinapit hanggang sa tuluyang tumama ang mga tuhod ko sa kanyang mga binti.
"Kiara..." He said softly. Pilit niyang pinaharap ang mukha ko sa kanya pero iniiwas ko ang tingin ko. Ayaw ko siyang tignan. Baka kapag natitigan ko ang mga mata niya, lumambot kaagad ako.
Lumunok ako saka bahagyang umatras pero hindi niya ako pinakawalan. Mas lalp lang niya akong inilapit sa kanya hanggang sa unti-unti na niya akong hinapit para yakapin.
"Ano ba, Hank. H'wag mo nga akong yakapin." Naiinis kong sabi habang pilit siyang itinutulak palayo pero mukhang wala siyang balak pakawalan ako. Sa bawat tulak ko, lalong humihigpit ang pagkakayakap niya.
Nanlambot ang mga tuhod ko nang bigla niyang ibinaon ang mukha niya sa balikat ko. Napahinto ako sa pagtulak sa kanya. Parang lahat ng lakas ko, bigla na lang naglahong parang bula.
Marahas siyang bumuntong hininga saka niya lalong idiniin ang katawan ko sa kanya. Lalo lang akong nawala ng lakas dahil sa ginawa niya. May kakaiba na namang pakiramdam na bumalot sa puso ko na alam ko, si Hank lang ang kayang magbigay.
"Talk to me, Kiara. Anong nagawa ko? Sabihin mo anong nagawa ko? Please kahit hindi ko kasalanan, aakuin ko 'wag ka lang gan'to..." He said softly. His voice almost pleading.
Nakagat ko ang ibaba kong labi dahil sa narinig. Hearing him say those words made me blush. Hindi ko akalaing may lalake pang kayang itapon ang pride niya para lang mapatawad ng babae.
Hindi ko nagawang magsalita. My feelings are too overwhelming. Para bang kahit ibuka ko ang bibig ko, wala ni isang salitang gustong lumabas.
Nanatili akong tahimik. Hinayaan ko ang sarili kong manatiling yakap-yakap niya kahit pa ramdam ko ang mga matatalim na tinging ipinupukol sa amin ng mga tao. They may not recognize my face but they will recognize me by the scent attached on me. Hindi na ako magtataka kung mamaya sa pag-uwi ko, bigla na lang akong sugurin ng mga taong ito.
I am here in front of them, being held tightly by their Beta who's asking what he did wrong. Parang bigla akong nagising sa katotohanan. Hindi siya dapat ganito sa harap ng mga taong pinamumunuan niya. Nilalagay niya ang reputasyon niya sa panganib dahil sa ginagawa niya ngayon. Ayaw kong bumaba ang tingin sa kanya ng mga tao. Baka isang araw, mawalan na lang sila ng respeto sa kanya. Ayaw kong mangyari iyon. Alam ko kung gaano kamahal ni Hank ang Astrid at ang kanilang pack pero dahil lang sa akin, pwedeng bumaba ang tingin sa kanya ng mga pinamumunuan niya.
Pilit kong kinalas ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko kahit na ayaw niya talaga akong bitawan. Ginamitan ko na rin ng lakas para makawala ako sa mga yakap niya.
Hindi ko siya magawang tignan. Pakiramdam ko kapag nagtama ang mga mata namin, pangungunahan na naman ako ng nararamdaman ko.
Nang makakuha ako ng pagkakataon ay mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Ramdam ko ang paghabol niya kaya mas binilisan ko ang takbo ko. Wala na akong pakeelam kung may deltas mang makakakita sa akin ang mahalaga makalabas ako ng Astrid sa lalong madaling panahon.
Malapit na ako sa border nang maabutan niya ako. Muli niyang pinulupot ang mga braso niya sa aking bewang saka niya ako pilit pinaharap sa kanya.
"Kiara ano ba? Mag-usap nga tayo hindi 'yong ganto..." Naiinis na niyang sabi.
Huminga ako ng malalim saka ko pilit kinalas ang mga braso niya. Peke akong ngumiti.
"Bumalik ka na do'n. Kailangan ko lang talagang umuwi. S-sige na." Pagsisinungaling ko.
Bahagyang dumilim ang ekspresyong nakaguhit sa mukha niya. Hinawakan niya ang magkabila kong siko na tila nanunuyo. "You're lying. Tell me what really happened, please..."
Napabuntong hininga ako. Hindi ko na napigilan at napatingin na ako sa mga mata niya.
And there...I saw it.
I saw the side of Hank I've never seen before. There is something in his eyes that makes all my anger melt away.
Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang may humatak sa akin at inilayo kay Hank. Nang tignan ko ang taong 'yon ay nasalubong ko ang galit na mukha ng kapatid ko. Nakaigting ang panga niya habang masamang nakatitig kay Hank.
"Just because you're mates doesn't mean I'll just give you my little sister. Prove to me that you are worthy of her hand." Mariing sabi ni Klaus.
Nabaling ang tingin ko kay Hank na seryosong nilabanan ang tingin ng kapatid ko. "What do you want me to do?"
Lalo akong hinatak ni Klaus palayo. "Go to Sudain and fight all my warriors. My father will never let Kiara settle down with a weak asshole who f***s every girl he meets."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "K-Klaus!"
"Let him prove himself, Kiara. Hindi porke't mate ka niya seryoso na siya sayo. Besides, a Venzon never took a girl seriously. That's their family's trademark. Isn't it, Hank?" May bahid ng pang-iinsultong sabi ni Klaus.
Nabaling ang tingin ko kay Hank. Umigting ang panga niya at dumilim ang kanyang ekspresyon. Kumalabog ang dibdib ko nang mabaling sa akin ang kanyang tingin ngunit natigilan ako nang biglang gumuhit ang isang makahulugang ngiti sa kanyang mga labi.
"Anything for you, baby..." He mumbled.
Muling nabaling ang kanyang tingin kay Klaus. "Pero sa oras na manalo ako, iuuwi ko na si Kiara sa Astrid at wala nang makakabawi sa kanya." Tumalim ang tinging ipinupukol niya kay Klaus. "Kahit ikaw, wala kang magagawa para makuha siya sa'kin..."