♥ THREE ♥
Hank and I agreed to see each other that way. Madalas minsan sa isang linggo kung magkita kami sa Kesley. Hindi man palagi, sapat na ang mga oras na mayroon kami para makilala ang isa't-isa.
I've learned a lot about him. Tama nga ang mga sabi-sabi. He's the total opposite of Baron. His twin is a man of few words while words are Hank's life. Masyado siyang jolly habang si Baron ay halos hindi mo makikitang tatawa.
Inilabas ko ang phone ko at binura ang lahat ng naging palitan namin ni Hank ng mensahe. I tried to sniff to check if there's any trace of him left on me. Mabuti na lang at wala na.
Itinago ko sa bulsa ng jacket ko ang phone ko saka ako pumasok sa mansyon. Naabutan ko si Dad kasama ang buong council na naghahapunan. Sandaling tumahimik ang paligid nang mabaling sa akin ang kanilang atensyon.
My Dad c****d an eyebrow at me. Isinenyas niya ang kanyang ulo na tila sinasabing maupo ako sa bakanteng silyang katabi ni Klaus. Tumango na lamang ako bago sinunod ang gusto niya.
Inalalayan ako ng kapatid kong makaupo. Gusto kong umirap nang hanggang sa paglalagay ng kanin sa plato ko ay ginawa pa ni Klaus. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi na ako bata, Klaus." Bulong ko.
Bahagyang kumurba ang gilid ng kanyang labi. Kinuha niya ang grilled chicken at inilagay sa plato ko. "You're just twenty. Bata ka pa."
Naningkit ang mga mata ko sa narinig. "Just because you're two years older doesn't mean you're old enough."
"Enough, both of you." Suway ni Dad.
Nabaling sa kanya ang tingin ko at nasalubong ko ang masama niyang tingin sa amin ni Klaus.
Isinubo ni Dad ang manok sa kanyang tinidor saka niya inilapag ang mga kubyertos. Ininom niya ang natitirang wine sa kanyang baso saka niya pinagsalikop ang kanyang mga palad habang matamang nakatitig sa akin.
"Saan ka nanggaling?" Seryoso niyang tanong.
Uminom ako sandali ng tubig. "Kay Julia, Dad." Pagsisinungaling ko.
Kumunot ang noo ni Dad. "Julia, huh? Roman, can you tell me who came here a while ago?"
Nabaling ang tingin ko kay Roman, ang isa sa mga delta. Binaba niya ang kubyertos na hawak. "Si Beta Wilson kasama ang anak niyang si Julia."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Namutla ang mukha ko dahil sa kaba. Hindi ko magawang tumingin kay Dad.
"Now tell me, Kiara. Sinong Julia ang pinuntahan mo?" May bahid na ng pagbabanta ang kanyang tono.
Hindi ako makasagot. Tumahimik na ang mga kasama namin at alam kong nasa akin ang lahat ng atensyon nila.
"Dad, she's just explor--"
"Tumahimik ka, Klaus. Hindi mo pwedeng pagtakpan palagi ang kapatid mo." Inis na pinutol ni Dad ang sinasabi ni Klaus.
Natatakot akong tumingin kay Klaus. Salubong na ang kilay niya at tila natatakot na rin siya para sa akin.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Clint.
"Sorry, King Karlos. Kasalanan ko. I asked Kiara to meet me. Hindi lang ako nakarating dahil sa naging emergency pack meeting." Untag niya habang diretso ang matang nakatitig kay Dad.
Hindi kaagad nakakibo si Dad. Naihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Napainom ako ng tubig sa nakitang reaksyon niya.
"Just because you are my son's Beta, doesn't mean I am giving you my blessing to date my daughter. Sinabi ko na noon, Clint. My daughter will never settle down with a second best." Mariing sabi ni Dad.
Muntik na akong maubo dahil sa sinabi ni Dad. Bigla akong nasaktan para sa amin ni Hank. Si Clint ngang Beta na ni Klaus sa Sudain, mababa pa rin ang tingin ni Dad paano pa kaya kay Hank na isa lang ding Beta at galing pa sa kalabang distrito. Paano ko sasabihin sa kanyang si Hank ang mate ko?
Kumurba ang gilid ng labi ni Clint at nabaling sa akin ang tingin niya.
"Like I said before, King. I am serious about my intention with Kiara. I will not stop hanggang sa mapatunayan ko sa inyo na karapat-dapat ako sa kanya."
Napaiwas ako ng tingin. Clint's been a good friend since we were little kaya lang ay hindi talaga ako makaramdam ng kahit anong romantic affection para sa kanya. Tatlong taon na rin siyang nanliligaw pero paulit-ulit ko pa ring sinasabing pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay.
Nilapag ko ang basong hawak ko saka ako tumayo. "Sorry pero nawalan na po alo ng gana. If you'll excuse me."
Bago pa man ako mapigilan ni Dad ay mabilis na akong umalis sa dining hall at patakbong umakyat sa kwarto ko. Inilock ko ang pinto at ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Pinagmasdan ko ang pininta kong blue moon sa kisame.
Bumuga ako ng isang malalim na hininga saka ko kinapa ang phone ko. Dinial ko ang numero ni Hank saka ako pumikit at hinintay na sagutin niya ang tawag.
"Hi." I whispered the moment he answered the call.
"Namiss na kita..." Malambing naman niyang sabi.
Napangiti ako sa narinig. "Ilang oras palang simula nang maghiwalay tayo."
"Talaga? Parang isang taon na." Mahina siyang tumawa.
Natawa rin ako sa narinig. Umikot ako at yumakap sa unan. "Sira ka talaga. Nakauwi ka na ba ng Astrid?"
"Hindi pa. Dadaan muna ako sa Averida. Susunduin ko si Baron pinuntahan niya 'yong pinsan naming si Juane. Tinignan niya kung anong lagay na." Untag niya.
"Bakit, anong nangyari?"
"Juane has a rare disease. Mukhang nakuha niya sa side ng mom niya." Malungkot niyang tugon.
"Ha? Hindi ba siya lycan?" I mumbled.
"He is but he's not a full-blood lycan and his mom decided to keep his wolf dormant when he was young mula nang mamatay si tito Julius kaya nakakaranas pa rin ang katawan niya ng mga sakit ng normal na tao."
"Can't you just reactivate his wolf?" Kunot-noo kong tanong.
"We already tried but his wolf no longer respond. Ito ang problema kapag half-blood. Magiging madali sana kung isa siyang royal blood kaso hindi." Bakas ang lungkot sa kanyang boses.
"Don't worry, Hank. Makakagawa rin kayo ng paraan." Untag ko.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Sana nga. Sana nga." He mumbled hoarsely.
Mayamaya ay naramdaman kong may paakyat. Tumayo agad ako at siniguradong nailock ko ang pinto.
"Oh sige na, magpapahinga na ko. Mag-ingat ka na lang, ha?" Untag ko.
"Sige. Goodnight, Kiara. Salamat kanina." He mumbled.
Matipid akong ngumiti. "Goodnight din."
Pagkapatay ko ng tawag ay muli kong pinakiramdaman ang paligid ngunit napasinghap ako nang makita si Klaus na nakatayo na sa balkonahe ng kwarto ko.
I rolled my eyes at him. Binuksan niya ang pinto ng balkonahe saka siya nakapamulsang pumasok sa loob. Salubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin.
"Privacy, Klaus. Privacy." Sinamaan ko siya ng tingin saka ako naupo sa gilid ng kama. Lumapit naman siya sa akin at naupo sa tabi ko.
"You know I can't just give it to you if I know something's going on. May kailangan ba akong malaman, Kiara?" Seryoso niyang tanong.
Napairap ako. Ganito ang tono ng pananalita niya kapag kompirmasyon na ang kailangan niya hindi lang basta simpleng sagot sa tanong niya.
Marahas akong bumuntong hininga. "Kapag sinabi ko sayo, sigurado akong hindi mo rin magugustuhan. Mag-aaway lang tayo."
"Spill it, sis." Mariin niyang utos.
Nahilot ko ang aking sintido. Ayaw kong ipaalam muna kahit kanino dahil magiging malaking gulo 'to pag nagkataon pero kapag si Klaus na ang nagtanong, ang hirap nang magtago.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita. "Well, uh, what can you say about the Venzons of Astrid?"
Lalong kumunot ang noo niya. "You mean the twin Betas?"
Tumango lamang ako. Umayos siya ng upo at ipinatong niya ang baba niya sa magkasalikop niyang palad.
"Well, I have to admit. They are both strong but attitude over power sometimes. Hindi ko gusto ang pagiging suplado ni Baron pero mas lalong hindi ko gusto ang pagiging flirt ni Hank. Bakit mo natanong?" Untag niya.
Napalunok ako sa narinig. Nagkamot ako ng ulo at nag-iwas ng tingin. "K-Kasi ano, pa'no ba 'to?"
"Please don't tell me one of those assholes is your mate?" Kunot-noo niyang tanong.
Napabuntong hininga ako. Muli ko siyang tinignan saka ako nahihiyang tumango.
Dumilim ang ekspresyong nakaguhit sa mukha ni Klaus. Umigting ang panga niya at napahilamos siya ng kanyang dalawang palad sa kanyang mukha.
"Good heaven, Kiara. Sa dami naman ng iba bakit sa taga-Remorse pa?" Tila dismayado niyang pahayag.
"Blame the moon goddess, brother. Eh ikaw nga nagkagusto ka rin naman noon sa taga-Remorse." Malungkot kong tugon.
Muli siyang napabuntong hininga. "Ibang usapan 'yon. Anyway, sino do'n?"
"Si Hank..."
Lalong dumilim ang kanyang ekspresyon. "Damn it. Kung minamalas ka nga naman talaga."
Kumunot ang noo ko sa narinig. "B-Bakit?"
Naihilamos niyang muli ang mga palad niya sa kanyang mukha. "Eh girlfriend no'n 'yong ex ko."
Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. "Ha? Sino?"
Umigting ang kanyang panga. "Si Meiko..."