Chapter 2

1591 Words
♥ TWO ♥ Maingat kong isinara ang pinto ng kwarto nang masiguro kong wala nang mga pagala-galang deltas sa labas. Inayos ko ang hood ng jacket ko saka ako nagsimulang humakbang papunta sa main door ng pack house. I have to make sure no one's gonna caught me or else I'm dead. My Dad's been keeping an eye on me since that night I went home late. That night when I came with Hank at the field. Nakahinga ako ng maluwag nang makalmpas na ako sa main hall. Malalim na ang gabi at siguradong pagod ang lahat matapos ang naging kasiyahan kanina. Mas magiging madali para sa aking pumuslit palabas ng Camelot dahil walang mag-aakalang magagawa ko pang tumayo ng kama matapos ang naging kasiyahan. Nang makalabas ako ng mansyon ay tumakbo kaagad ako patungo sa kakahuyan. Paglagpas nito, nakaabang na ang sasakyan kong sinadya kong iwan doon. Tagatak ang pawis ko nang marating ko ang kotse. Nakahinga na ako ng maluwag. Walang nakapansin. Ang problema ko na lang mamaya ay kung paanong babalik ng wala ulit makakakita. "Bahala na." Untag ko sa sarili saka ko binuhay ang makina ng sasakyan. Matulin ang takbo ko. The sooner I get out of Camelot, the better. Nang malampasan ko ang border ay napabuga ako ng hangin. Unti-unti ko nang binagalan ang takbo ng sasakyan ko saka ko inilabas ang phone ko para tawagan si Hank. It's been a week and he's not gonna stop until we see each other again. Totoo nga ang sinabi ng matatanda. Mates become too attached to each other once their paths finally meet. I often hear him in my mind thou I don't usually respond. Iba ang pack na pinanggalingan ko. My father might sense it. "I'm on my way..." I mumbled. "Thank God, Kiara." Untag niya na tila nabunutan bigla ng tinik. Gumuhit ang ngiti sa aking labi. Iba talaga ang epekto sa akin ni Hank. "I'm already here. Mag-iingat ka." Dugtong niya. "I will." Tugon ko saka na ibinaba ang tawag. Nagdesisyon kaming magkita sa isang bayan sa labas ng Remorse. Isang bayan na walang lycans. Kung saan walang pwedeng makakita sa amin. Hindi pa man namin napag-uusapan ang tungkol sa amin, alam ko, may ideya na rin si Hank sa pwedeng maging problema. Camelot and Remorse are not in good terms. Palaging may giriang nangyayari sa tuwing nagtatagpo ang landas ng dalawang distrito. Nagsimula ito sa away sa teritoryo na unti-unti nang lumala at ngayon, madalas nang maging problema ng bawat lycans. The moment Hank said he's from Remorse, parang binagsakan ako ng langit at lupa. Hindi lang siya basta lycan. Isa siyang Beta. He's one of the famous Venzon brothers. The first ever twin Betas in history. Narinig ko na noon ang tungkol sa kanila pero ni minsan hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makita ang itsura nila. Habang papasok ako sa Kesley, bumibilis ang t***k ng puso ko. Excitement run through my veins. Finally, matapos ang isang linggo, makikita ko na siya ulit. Hindi ko inakalang ganito pala kalakas ang connection ng mates. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa gilid ng daan nang marating ko ang pinakasentro ng bayan. Tahimik na rin ang paligid at ilang kainan na lamang ang bukas. Lumabas ako ng kotse saka ko inilabas ang phone ko para tawagan sana ulit si Hank nang bigla kong maramdaman ang pagpulupot ng mga braso sa bewang ko mula sa likuran. A familiar scent lingered in my nose. My lips curved in excitement. Bumilis ang t***k ng puso ko. The tip of his nose brushed against my hair as if he's smelling me. Humigpit ang yakap niya sa akin. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya. "I missed your scent... I've been craving for it since the last time we met." He said softly. Lumawak ang kurba sa labi ko dahul sa narinig. Naibaba ko ang phone ko at napahawak ako sa mga braso niyang nakapulupot sa aking bewang. "Do I smell better now? No'ng unang nagkita tayo, amoy pawis ako." Mahina akong humalakhak. A soft chuckle left his lips. "Amoy pawis? Hindi naman. Amoy baby lang." Napairap ako sa kawalan. "Ginawa mo pa akong bata." "Baby nga. Baby...ko." Mahina siyang tumawa sa tapat ng aking tenga saka niya dinampian ng halik ang gilid ng aking ulo. Nakagat ko ang ibaba kong labi nang maramdaman ang pag-init ng mukha ko dahil sa ginawa niya. I know he's being fast but I have to admit. Kinikilig ako sa mga simpleng galawan niya. Ngumisi ako. "At pang ilan naman ako sa mga baby mo?" Mapanghamon kong tanong. Inikot niya ako at kunot noong tinignan. "Ikaw lang. Bakit ilan ba ang mate ko?" Inipit ko ang dulo ng ilong niya. Diniinan ko dahilan para mapangiwi siya. "Bolero. Bantog ang pangalan niyong magkapatid. Imposibleng walang mga babaeng lumalapit sayo. Lalake ka, Hank. Madaling matukso." Untag ko. Pilit niyang inalis ang kamay kong nang ipit sa ilong niya saka niya kinuha ang isa pa. Isang matipid na ngiti ang lumandas sa mga labi niya nang iangat niya ang mga braso ko saka niya ipinulupot sa leeg niya habang matamang nakatitig sa mga mata ko. "The rumors are wrong, baby..." He said softly. Dumausdos ang mga kamay niya sa aking bewang. Kumalabog ang dibdib ko nang bigla niyang hinapit ang katawan ko palapit sa kanya. Muling uminit ang magkabila kong pisngi lalo na nang lumapit na ang mukha niya sa akin. "Virgin pa kaya ako. Si Baron 'tong ang bilis magpalit ng babae." Humalakhak siya. Nanlaki ang mga mata ko. Masyado siyang prangka magsalita. Nahampas ko tuloy ang dibdib niya. "'Yang bibig mo!" Ngumisi siya. "Too dirty? Then clean it for me..." Muli kong nahampas ang dibdib niya. Sa pagkakataong 'to, mas malakas na dahilan para mapadaing siya. Bigla akong napikon. Itinulak ko siya at tinalikuran. Naiinis kong itinupi ang mga braso ko. "Sorry. Nagbibiro lang ako." Bakas ang pagsisisi sa kanyang boses. Napairap ako sa kawalan nang hawakan niya ang mga braso ko na tila nanunuyo pero hinawi ko ang mga kamay niya. "Ganyan ka siguro sa mga babae mo kaya akala mo madadaan mo rin ako sa ganyan." Inis kong asik. "Hindi naman. Minsan lang." Parang nagpanting ang tenga ko sa narinig. Nanggagalaiti akong humarap sa kanya at akmang sasampalin na siya nang bigla niya na lang akong niyapos sa leeg at mabilis na hinatak para mayakap ng mahigpit. Bigla akong nanghina nang tuluyan niya akong maikulong sa mga bisig niya. It's too comfortable. Para bang lahat ng gumugulo sa isip ko at lahat ng galit ko, naglaho. "Totoo. Loko-loko ako, Kiara. Ang daming babaeng nahumaling sa'kin. Hindi ko rin sila masisisi. Magandang lalake naman kasi ako at babae lang sila. Pero gano'n ako noong mga panahong hindi pa kita kilala. I was so desperate to find my mate and now that you're here, I no longer see any reason to go back to my old self." He mumbled. I can feel the sincerity in his voice. Napangiti ako dahil sa narinig. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Namalayan ko na lang ang sarili kong yumayakap na pabalik sa kanya. "Pero Hank, anak ako ni Alpha King Karlos." Malungkot kong sabi. A deep sigh left his lips. Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin dahilan para tuluyang lumapat ang gilid ng aking ulo sa tapat ng dibdib niya. "I know, and I don't care..." He mumbled. Napaangat ako ng ulo dahil sa narinig. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang kalmado pa rin niyang mukha. "Hindi mo ba alam kung anong klaseng lycan ang Dad ko?" Nagtataka kong tanong. Ngumisi siya. "Alam ko. Masakit sumuntok 'yon. Nagpang-abot na kami dati." Para akong nanghina sa narinig. Pakiramdam ko naubusan ako bigla ng dugo sa katawan. "Great. Now that made things more complicated for us." Dismayado kong pahayag. "Nah. Para namang uubra sa'kin ang kahit sino." Nakangisi niyang sabi. Pinaningkitan ko siya ng mata. "Ang hangin." Mahina lamang siyang natawa dahil sa sinabi ko. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin saka niya pinagsalikop ang aming mga palad. Nang magsimula siyang maglakad ay napasabay na ako. Tahimik kaming naglakad-lakad papunta sa maliit na park ng bayan. Hindi ko maiwasang mapangiti lalo na kapag napapasulyap ako sa kanya, nakikita kong masaya rin siya. Sapat na ang maliit na kurba sa labi niya para mapanatag akong kahit magkalaban ang packs na pinanggalingan namin, ako ang pinipili niya. Huminto kami sa tapat ng dancing fountain. Binitiwan niya ang kamay ko saka niya ako inakbayan. Muling uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Mayamaya ay hinapit niya ako at dinampian ng halik ang tuktok ng aking ulo bago siya nagpakawalan g isang malalim na hininga. "Saka na natin intindihin ang ibang tao, Kiara. What matters is this. What we have, what brought us together, and how we feel about it. Masaya ka naman, 'di ba?" Untag niya. Napatitig ako sa kanya matapos iyong marinig. Kumurba ang gilid ng aking labi nang guluhin ko ang buhok niya. "Masaya na rin. Kahit paano hindi naman panget ang mate ko. Pwede nang pagtyagaan." Mapang-asar kong sabi. Sumimangot siya dahil sa sinabi ko. "Parang nalugi ka pa, ah? Ayos 'yan." Tila nagtatampo niyang tugon. Natawa ako dahil sa narinig. Muli kong ginulo ang kanyang buhok pero mayamaya ay hinuli niya ang kamay ko saka niya ito hinawakan ng mahigpit gamit ang dalawa niyang palad. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya. A genuine smile made it's way to his lips. "Magiging masaya ka sa'kin. Pangako 'yan." Ilang segundo akong napatitig sa kanya dahil sa sinabi niya. Ramdam kong seryoso siya sa mga pinagsasabi niya at dahil do'n, hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko. Tumingkayad ako at dinampian ng mabilis na halik ang kanyang labi. "I already am..." And I wish this happiness would last forever, baby...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD