Chapter 1

2123 Words
♥ ONE ♥ I stared at myself in the mirror and saw the mess on my face. Kumalat ang kolorete sa mukha ko dahil sa kakaiyak. Hinila ko ang drawer at inilabas ko ang tissue. Kumuha ako ng ilan saka ko pilit inalis ang dumi sa aking mukha. I stopped when I saw my ruined lipstick. A broken smile made it's way to my lips. Bigla kong naalala ang araw na 'yon... Para akong sira na natulala habang nasa loob ng sasakyan ko. Halos isang oras na akong nakaparada sa gilid ng daan dahil hindi ko magawang magfocus. My thoughts always drift back to that guy who happened to be my mate. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang sa ganoong paraan ko siya makikilala. I was expecting something a little more romantic. Hindi ko naman akalaing sa gitna ng daan ko unang makikita ang mate ko. Ni hindi ko nga kaagad nalamang isa rin siyang lycan. He's too carefree. The way he carried himself, he just look like a simple human with no dreams. Kung makapagtanggal ng pang-itaas sa harap ng napakaraming tao wala lang sa kanya. Napabuga ako ng hangin nang makitang papalubog na ang araw. Lagot na naman ako. I'm sure Dad's going to be furious again. Well, palagi naman. Klaus is thr favorite child. Palibhasa lalake siya. He's expected to be the heir. Ako? He's got no other choice but to have me marry an alpha from another pack so he can have allies. Bubuhayin ko na sana ang makina ng kotse ko nang biglang magring ang phone ko. Kumunot ang noo ko nang makita sa screen ang hindi pamilyar na numero. Pinindot ko ang green button para sagutin ang tawag. "H-Hello?" Untag ko. "Ang ganda ng boses mo..." He said softly. Napalunok ako. Kilala ko ang boses na 'yon. Kahit isang beses ko pa lang narinig, alam kong siya ang kausap ko. "S-Sino 'to?" Pagkukunwari ko. Hindi ko rin naman alam kung ano ang pangalan niya. I didn't have the chance to ask a while ago. Nagmamadali siyang umalis at kumaway na lang sa akin bago siya sumakay sa isang kotse. "Your handsome mate..." A soft chuckle left his lips. Bahagya akong natawa sa narinig. Grabe rin sa confidence ang taong ito. Ako naman 'tong si tanga, ngumingiti pa. Thou part of me wants to agree. He really is good-looking. Hindi ko na lang sasabihin at baka lalo lang lumaki ang ulo niya. I cleared my throat. "Mate? Are you sure?" Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang sariling ngumiti. "Of course. I'm sure you felt it, too. You can't take your eyes off of me a while ago..." Humalakhak siya. Uminit ang pisngi ko dahil sa narinig. Napairap ako sa kawalan saka sumimangot. "Kap--" "And I felt the same... Kung hindi lang epal 'yong kailangan kong gawin, baka maghapon kitang tinitigan." He cut me off. I can feel him smirking while saying it. Lalong namula ang pisngi ko pero hindi ko na napigilan ang pagkurba ng mga labi ko dahil sa sinabi niya. "Ang ganda mo...bagay tayo." He mumbled. "Mas maganda ka lalo kapag nakangiti ka. Ngiti ka pa nga." Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. "A-Ano kamo?" "Ngiti ka pa. Parang ganito..." Pagkasabi niya noo'y bigla na lang may bumulaga sa harap gilid ng kotseng pamilyar na lalake. Malawak ang ngiting nakaguhit sa mga labi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Binaba ko ang salaming bintana dahilan para maipasok niya ang ulo niya sa loob ng sasakyan. Nataranta ako nang unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Napaatras ako dahil sa ginagawa niya. Hindi pa rin nawawala ang kurba sa labi niya. "A-Anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa ngiting nakaguhit sa mukha niya ngayon. It's so carefree. So genuine. So...sweet that I wannmt to see it always. "I followed your scent..." He said softly. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok kong tumabing sa aking mukha saka niya iyon inipit sa likod ng aking tenga. Para akong nakuryente nang tumama ang dulo ng daliri niya sa balat ko. Mayamaya ay binuksan niya ang pinto ng sasakyan saka niya hinila ang kamay ko hanggang sa tuluyan akong nakalabas. Pagkasara niya ng pinto ay bigla siyang may inilabas mula sa likod niya na bungkos ng bulaklak. "Para sayo." Nakangisi niyang sabi. Bahagyang kumunot ang noo ko. Hindi ko alam ang tawag sa mga kulay dilaw na bulaklak na 'yon pero mukhang fresh na fresh pa...dahil may ugat pa ang dulo ng mga 'to. "B-Bakit may ugat?" Nagtataka kong tanong. Napakamot siya ng ulo. "Nagmamadali ako eh." Lalong kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit saan mo ba 'to kinuha?" "Diyan lang." "Anong diyan lang?" "Basta malapit lang." Ako naman ang napakamot ng ulo. "Seryoso saan nga?" Napabuntong hininga siya. "Tara, puntahan na lang natin. 'Di mo yata nagustuhan 'yan." Nakasimangot niyang sabi. "Ha? Oy hindi naman. Hindi lang ako sanay na--" "Na binibigyan ng bulaklak?" He cut me off. Umiling ako. "Na nakakatanggap ng may ugat pang flowers." Hindi ko na napigilan at napatawa na ako. Halos masapo ko na ang tiyan ko sa kakatawa ko. Napahinto ako nang mapansing hindi siya kumibo. Akala ko ay naoffend ko siya pero nang tignan ko siya ay napansin kong nalatulala lang siya sa'kin. Pilit kong pinakalma ang sarili ko saka ako naglahad ng kamay. "Kiara." Tinanggap niya ang kamay ko ng hindi pinuputol ang titig sa akin. A genuine and sweet smile made it's way to his lips. Biglang kumalabog ang dibdib ko. Itinaas niya ang kamay ko hanggang sa tuluyang tumapat ang likod ng palad ko sa labi niya. Uminit ang pisngi ko nang dampian niya ito ng halik habang nakatitig sa mga mata ko. "Hank..." He mumbled. Matipid akong ngumiti pabalik. I stared at his brown eyes for a moment. Hindi ko alam kung dahil ba sa ganda ng mga mata niya na parang gusto ko na lang ding tumitig dito o sadyang ito ang epekto ng bond na mayroon kami. I never thought I'd be this comfortable with someone. I even laughed in front of him. Ni minsan hindi ko nagawa sa taong hindi ko pa lubos na kilala. I just can't help it. His presence is so homey, so inviting that it feels like my secrets and flaws will be safe abd accepted. "Nagmamadali ka?" Basag niya sa katahimikang bumalot sa amin. Para akong natauhan. Napalingon ako sa relos ko. "s**t! Oo nga pala." Natataranta akong papasok na sana loob ng kotse nang isangkalan niya ang braso niya para pigilan ang pinto sa pagbukas. Nagtataka ko siyang nilingon. "Anong ginagawa mo?" Kumurba ang gilid ng kanyang mga labi. "Don't mind the world for now. Come with me, I'll show you something." Hindi ko alam kung anong mayroon sa mga salitang sinabi niya at parang bigla kong nakalimutan ang lahat. All I can think about is the smile written on his face and how beautiful it is. "S-Saan?" Wala sa sarili kong tanong. Lalong lumawak ang kurba sa kanyang labi. Tumalikod siya sa akin saka siya biglang lumuhod at dahil hindi niya binitiwan ang kamay ko kanina, napadapa ako sa likod niya. Sinalat niya ang isa ko pang braso saka ito pinayakap sa leeg niya bago niya hinuli ang magkabila kong binti. Bigla siyang tumayo. Nataranta ako. Hindi ako sanay na may bumubuhat sa akin ng ganito. "Put me down, Hank!" He looked at me over his shoulder with a grin on his face. "Okay lang, Kiara. 'Di ka naman mabigat." "Ha? Hindi naman 'yon! Ibaba mo na ako. Hindi ako sanay." Nahihiya kong sabi. Namumula na ang mukha ko dahil sa ginagawa niya. "'Di ka sanay na ano? Na binubuhat ng gan'to?" Untag niya. Tanging tango na lang ang naisagot ko. Unti-unting lumawak ang ngisi niya. Humigpit ang pagkakayakap ng mga braso niya sa magkabila kong binti. "Good. Sa'kin ka lang dapat magpapabuhat mula ngayon..." Untag niya at bago pa man ako makapagsalita, bigla na siyang tumakbo ng mabilis. Hindi ko napigilan ang paghigpit ng yakap ko sa leeg niya. His scent is lingering in my noise and it's addictive. Totoo nga. Ang amoy ng mate mo ang pinakamabango sa pang-amoy mo. We passed through woods. Hindi ko alam kung gaano na ba kalayo ang natakbo niya. I am too occupied of the thought that I am finally with my mate. Hindi pa gaanong nagsisink in sa akin ang nangyayari. Hindi ko rin naman kasi akalaing ganito ko siya kaagang makikilala. Mayamaya ay huminto siya sa pagtakbo. Nang tignan ko kung saan kami nakarating ay halos umawang ang bibig ko. An open field of flowers growing effortlessly from the ground. It's beautiful... Ibinaba ako ni Hank saka niya hinawakan ang kamay ko. Nakangiti siya sa akin nang hilahin niya ako papunta sa gitna ng mga ito saka bigla na lang siyang nahiga. Napatili ako nang mahila niya ako sa pagbagsak niya dahilan para mapadapa ako sa kanyang dibdib. Nagwala ang puso ko nang makita kung gaano kalapit ang mga mukha namin. Nakatitig siya sa akin na parang pinag-aaralan niya ang bawat sulok ng mukha ko habang may maliit na kurba ang kanyang mga labi. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko saka ito inipit sa likod ng aking tenga. Namirmi ang kamay niya sa likod ng aking ulo. "You're beautiful..." He mumbled. Uminit ang pisngi ko dahil sa narinig. Hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko. I've heard people say it before but it sounds different when it comes to him. It feels like he really means it...and part of me wants to believe it. Umikot ako at nahiga sa tabi niya. Sabay naming pinagmasdan ang papadilim nang kalangitan. Sumisilip na ang mga bituin sa langit at lumabas na ang buwan. A smile made it's way to my lips. For the first time, I want to thank the Moon Goddess. I know Hank would be someone I should be thankful for. Nararamdaman ko 'yon. Naramdaman ko ang paghawak ni Hank sa kamay ko. Pinagsalikop niya ang mga palad namin saka niya ito iniangat at pinagmasdan. Ngumisi siya. "No hand looked better with mine like this before... We really are mates." Muling uminit ang pisngi ko dahil sa narinig. Hindi ko nagawang sumagot pero sapat na ang kurba sa labi ko para sang-ayunan ang sinabi niya. We stayed there for a little while. Staring at the dark sky with a little touch of light, not minding each separate life we have. What matters that moment is us, savouring the moment of finally meeting each other. I broke Dad's rule. I didn't come home in time to be with Hank...and it's the best rule breaking I've ever done. Lumalim ang gabi na halos hindi namin namalayan. Tumayo si Hank at inalok sa akin ang kamay niya. Tinanggap ko ito para makatayo na rin ako pero laking gulat ko nang pagkahatak niya sa akin pataas ay biglang dumampi ang mga labi niya sa akin. His eyes were shut and his lips didn't move. Hindi ko alam ang gagawin pero parang kiniliti ang puso ko dahil sa ginawa niya. It was too fast...but I'm gonna lie if I'll say I didn't like what he did. I closed my eyes and curl my arms around his neck. Doon na siya nagsimulang humalik. Pumulupot ang mga braso niya sa aking bewang habang inaangkin niya ang mga labi ko. It was my first kiss...and I'm happy I gave it to my mate. Every movement of his lips were nothing but affection. Napakaingat niya. Para bang gusto niyang iparamdam sa aking nirerespeto niya ako. He's too gentle and sweet. When our lips parted to catch some air, I pinched tge tip of his nose. "Too fast, Mister..." A soft chuckle left his lips. "Better to be fast than just never act at all, baby." Natigilan ako sa huling salitang sinabi niya ngunit bago pa man ako makapagsalita, muli na niyang nagawaran ng halik ang mga labi ko. All my thoughts drift away again when his lips started claiming mine. Nang maputol ang halik ay pinagmasdan ko ang mukha niya. Bahagya akong natawa. Nagtataka naman niya akong tinignan. "Why?" Untag niya. Napailing ako. Kinapa ko sa bulsa ng pantalon ko ang panyo saka ako tumingkayad para punasan ang mantsa ng lipstick sa labi niya at sa paligid nito. Nanatili naman ang mga palad niya sa bewang ko na tila inaalalayan ako. Pinalis ko ang luha sa magkabila kong pisngi. Mapakla akong napangiti nang kunin ko ang litrato naming dalawa sa ibabaw ng dresser. Hinaplos ko ang mukha niya. "I remember how the color on my lips stained yours. You said you like having your lips stained like that. Baby, you were so cute and I fell even more for you for that..." Niyakap ko ang litrato. Muli akong napahagulgol nang maalala ang araw na 'yon. I never thought that those happy memories we shared would be the reaaon for my tears someday. I miss you, Hank. I miss staining your lips. I miss curling my arms around your neck and yours on my waist. I miss everything about you...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD