Prologue

1854 Words
PROLOGUE "Remember me with a smile and my memories will kiss your tears goodbye." Mapakla akong napangiti nang mabasa ko sa pangatlong pagkakataon ang nakasulat sa lapida niya. It was his favorite quote. I never imagined that the next time I'll read it, I'll read it on his own gravestone. Pinalis ko ang luha sa magkabila kong pisngi saka ko hinaplos ang nakaukit niyang pangalan sa lapida.  Kumirot na naman ang puso ko. I still can't believe it. Wala na ang nag-iisang lalakeng minahal ko. He was my lost boy. The Peter Pan who took me to Neverland by giving me the kind of love that's rare and I thought doesn't really exist before. Muling rumagasa ang mga luha ko. Dinampot ko ang bote ng alak saka ito tinungga. The burning liquor can't ease the pain. Hindi ko na alam kung paano ko tatakpan ang malaking puwang na naiwan sa puso ko nang mawala siya. I know it wasn't an accident. Hank will never be killed that easily. Alam kong sinadya niya ang nangyari. At kasalanan ko kung bakit niya naisipang gawin ang bagay na 'yon. This is my fault. Naibato ko sa malayo ang bote sa sobrang galit ko sa sarili ko. Halos sumabog na ang dibdib ko sa sakit. Humahagulgol kong niyakap ang mga tuhod ko. Umihip ang malamig na hangin at lalo akong napaiyak. What I'm feeling is colder than the night breeze. Nakakamatay ang pangungulilang nararamdaman ko. "Baby..." Tuluyang nabasag ang boses ko. Hindi ko na 'to kaya. Para na akong mababaliw sa sakit at pangungulila. Gusto ko na ulit maramdaman ang mga yakap niya. Gusto ko na ulit marinig ang mga halakhak niya. Gusto ko na ulit mahaplos ang maamo niyang mukha. I want to be with him again. Talk to him all night long whenever we're free. Sleep right next to him whenever we got a chance. Let him curl his arms around my waist and brag how hot and good-looking he is to be rejected by me. I miss all the stupid things we shared. I miss the stupid me when I'm with him. They heard him laugh. They saw him smile. But they never met the sweet and caring guy I once had. The man who changed all my perception in life. The best person I can have but I pushed away for his own good. Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Kumikirot na naman. Parang ilang libong punyal ang tinatarak kasabay ng pagragasa ng mga luha ko. Sinabunutan ko ang aking buhok habang wala pa ring patid ang pagpatak ng mga luha sa magkabila kong pisngi. "H-Hank... I-I miss you, b-baby." Napahagulgol na lamang ako. Halos hindi ko na maintindihan ang sarili kong mga salita. Ang alam ko lang, wala nang mapaglagyan lahat ng emosyon ko. Nahiga ako sa tapat ng lapida niya. The cold granite gravestone kissed my cheek. Napapikit ako nang umihip muli ang malamig na hangin. Gumuhit ang mapaklang ngiti sa aking labi kasabay ng pagpatak ng luha ko sa lapida niya. Memories of us flashed inside my mind. Lalo akong nasasaktan kapag nakikita ko ang mga ito sa isip ko. Ang mga panahong nakahiga ako sa dibdib niya habang siya nakayakap ng mahigpit sa akin, nasa gitna kami ng malawak na parang sa ilalim ng malawak na langit, malayo sa lahat ng pwedeng humusga at maghiwalay sa aming dalawa, masaya sa piling ng isa't-isa. Lalong humapdi ang gilid ng mga mata ko pero hindi naglaho ang mapakla kong ngiti. Inangat ko ang ulo ko at dinampian ko ng halik ang pangalan niya. "I love you..." I whispered, wishing he's here so I can tell it to him again, no longer minding what's gonna be the price of staying in his arms. I remember how you sneak into my room just to tell me your silly jokes, how your day went, if there's any dog or cat you saved that day. But the best part is when you're pulling me close, your chin on my shoulder and your lips whispering to me, "hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakapag-I love you sayo.". I miss everything about you. Everything, baby... Sana namatay na rin ako kasama mo. Hindi ko na kaya 'to, Hank. People judged me as if they know the whole story. Like they know my pain and everything I've been through. Nobody can understand me. Walang kapantay ang sakit na naidulot sa akin ng pagmamahal na hindi ko maibigay ng buo sayo. That was the hardest part, baby. Pushing you away was easy but pretending that I no longer love you killed me inside. Muli rumagasa ang mga luha ko. Kung pwede  ko lang yakapi. Ang lapidang 'to nangaibsan naman kahit papaano ang pangungulila ko, kanina ko pa ginawa. Ilang yapak patungo sa akin ang narinig ko pero hindi ko na nilingon ang taong dumating. Naamoy ko ang pamilyar na pabango. Nagsquat siya sa tabi ko at pilit hinila pataas ang aking braso. Nasalubong ko ang galit at puno ng awang tingin ni Klaus. Umigting ang panga niya. "We have to go, Kiara. Binigyan lang tayo ni Baron ng isang oras. Your time is up." Umiling ako saka pilit binawi ang aking braso. Muli akong nahiga sa tabi ni Hank. I traced the cursive letters on the gravestone that says, "Hank G. Venzon". "I'm staying. I will never leave him again." Walang emosyon kong pahayag. Marahas na napabuntong hininga si Klaus. Naihilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha. "This is not the right time to just be a cry-baby, Kiara. Alam mo kung anong kayang gawin ni Meiko sayo. She hates you to the point na handa ka na niyang patayin. They all do. They hate you...so much." Mapakla akong napangiti nang marinig ang huli niyang sinabi. Malungkot ko siyang tinignan. "I know. And I feel the same way for myself." Bumangon ako at pinalis ang aking mga luha. Kinuha ko ang kamay niya at nilagay sa leeg ko. "Do me a favor. End me. Help me end this pain..." Nabasag ang boses ko. Umigting ang panga niya at dumilim ang ekspresyong nakaguhit sa kanyang mga mata. Marahas niyang binawi ang kamay niya saka siya tumayo. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya habang nakasabunot ang isa niyang kamay sa kanyang buhok. "If only Hank is here, he'll get mad at you. Alam mong ayaw niyang nakikita kang ganito. Pull yourself together, sis." Mapakla akong natawa. "If only Hank is here, I will never feel this pain..." Napailing na lamang siya. I know how much he hates seeing me like this. Hindi kami sa ganitong paraan pinalaki. We were trained to be tougher than anyone. Pero sa kabila ng lahat ng pagsasanay, ang puso, hindi pa rin natuto. Here I am, mourning for someone I never thought would mean this much to me. Noong una ko naman siyang nakilala, hindi ko naman akalaing mauuwi ang lahat sa kung anuman ang mayroon kami. I met him in the most adorable way a girl could possibly meet a guy. Galing ako sa isang kaibigan sa Venille noong araw na 'yon. Pauwi na ako ng Camelot nang huminto ako sa isang maliit na bayan sa labas ng Remorse para magkarga ng gasolina. Matapos kong magkarga ay naisipan kong mamasyal na muna sa bayan tutal napaaga ang naging uwi ko. Nakakaengganyo rin ang makukulay na stalls at cafe's sa magkabilang gilid ng daan. Lumiko ako sa isang kantong puno ng mga nagtitinda ng iba't-ibang klaseng pagkaing iniihaw. Napangiti ako nang makakita ng paborito ko. Huminto ako sa stall na may nag-iihaw ng squid at agad tumuro ng isang tusok. Kaagad naman itong niluto ng tindero. Habang hinihintay na maluto ang squid ay nakarinig ako ng ingay sa kabilang kanti. Naglakad ako papunta sa pinanggagalingan ng ingay at kaagad nakita ang dahilan nito. My eyes focused on the guy lying in the middle of the road. Nagtitilian ang mga tao. Hindi dahil walang pang-itaas ang lalaking malapit nang mabangga ng truck kun'di dahil halos wala siyang pakeelam kung malapit man siyang tamaan nito. He's in the middle of the road with his right arm inside the manhole trying to reach something. Nakatalikod ang ulo niya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Everyone froze. Nabalot ng takot ang lahat at napaiwas ng tingin nang makitang hindi umalis ang lalakeng may dinudukot sa manhole kahit pa hindi bumabagal ang takbo ng truck na palapit na sa direksyon niya. Napatakbo ako papunta sa kanya. Wala na akong pakeelam kung may makakita sa gagawin ko. Ang alam ko lang kailangan ko siyang iligtas. May kung anong nagtutulak sa akin para gawin iyon. Ilang hakbang na lang. Kaunti na lang at maaabot ko na siya pero napahinto ako nang bigla niyang ilabas ang braso niya mula sa manhole saka siya tumingin sa akin. That moment, I saw the face I know I will never get out of my mind easily. From his messy black hair, to his chinky brown eyes, his narrow pointy nose, and to his reddish lips that looks so smooth. Natauhan ako nang bigla niya akong tinulak at gumulong kami patungo sa kabilang parte ng daan bago pa man kami tuluyang tinamaan ng truck. Napapikit ko dahil sa pagdagan niya sa akin. Halos habulin ko ang hininga ko. Mayamaya ay naramdaman ko ang pag-alis niya sa itaas ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasilayan ko ang pinakamatamis na ngiting nakita ko sa buong buhay ko. The carefree smile written on his face melted my heart in an instant. I never thought such thing is possible. Bumaba ang tingin ko sa bagay na hawak niya at siyang dahilan kung bakit muntik na siyang masagasaan kanina. Natigilan ako. In his arms is an injured kitten with white furrs and skinny body... He almost got himself killed for a kitten. Nag-angat siya ng tingin sa akin habang nakaguhit pa rin sa mga labi niya ang matamis niyang ngiti. Tumayo siya at pinagpag ang sarili saka niya inalok ang kanyang kamay. Napalunok ako nang tanggapin ko ito. But the moment I held his hand, I felt it. I felt the things I never thought I would feel. I felt the spark. I smelled the sweetest scent I ever smelled. Hinila niya ako pataas nang hindi naaalis sa akin ang titig niya. Wala na ang ngiti sa labi niya pero bakas ang pagtataka sa mga mata niya. "May phone ka?" He asked softly. Wala sa sarili akong tumango. Mayamaya ay napasinghap ako nang bigla niya na lang kinapa ang bulsa ng pantalon ko sa harap at dinukot ang phone ko. Hindi pa rin naaalis sa akin ang titig niya. Bigla niyang itinaas ang phone ko. "Password." Para akong natauhan. Kinuha ko ang phone ko at tinipa ang code. Ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin. Bigla tuloy namula ang pisngi ko. "H-Here. B-Bakit?" Doon ko lang naisip. Bakit niya kailangan ang phone ko? Kinuha niya ang phone at biglang nagdial. Mayamaya ay umalingawngaw ang tunog ng isa pang phone mula sa bulsa niya. Lumandas ang isang ngisi sa kanyang labi. Pinatay niya ang tawag at ibinalik sa akin ang phone. "Busy ako ngayon, eh. I'll call you later." Bigla siyang lumapit sa akin at dinampian ng halik ang pisngi ko pagkatapos ay ibinulong niya sa akin ang salitang hindi ko inakalang darating sa akin. "Mate..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD