CHAPTER 18
Ganadong ganado ako sa paghahanda sa wedding nitong nakaraang buwan Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon. Because it was the only thing I was waiting for.
Si Poseidon hands on husband to be. Talagang hindi siya pumapayag na wala siyang naitutulong sa amin.
"Doc."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Adrian Ramos also known as Agent Med. May dalawa siyang hawak na popsicle. Inabutan niya ako ng isa at umupo sa tabi ko at sabay kaming kumain.
"Kamusta ang pasyente mo?"tanong nito sa akin.
"Si Marie Axel? Nako. Wala naman atang takot sa katawan iyon. Wala ngang pakialam kahit tinatahi namin yung malaking wound niya sa tagiliran. Nakuha pa ngang magbiro. Parang si mishy lang yon eh. Pero si Elija, halos himatayin."
"Ganon naman ata lahat ng mga agents ditong lalake pagdating sa mga babae sa buhay nila. Parang mapapapraning lalo na pag nasaktan ang kanilang loves."
"Mag salita ka parang alam mo ah."
"No way. Wal akong balak makigulo sa kanila. At isa pa hindi naman papayag ang sinisinta ko na sintahin ko siya ng tuluyan."
"Aba tsismis yan. Sino, sino? Dalian mo na, minsan ka lang mag kwento sa love life mo eh."
"Tsismosa. Wala akong balak mag kwento."
"Hindi ko naman ipagkakalat eh."
Umiling si Adrian at nginitian ako. Mas lalo lang tuloy akong na cu-curious. Minsan lang akong maging tsismosa hindi pa pagbigyan ng kolokoy na to.
"Bakit ba ayaw mong sabihin?"
"Kasi masaya na siya ngayon. Kung sa tingin ko hindi siya masaya eh, di kukunin ko siya. Pero masaya naman siya ngayon kaya anong karapatan kong kuhanin siya sa taong nagpapaligaya sa kaniya?"
"Woah. Nose bleed ako."
Natawa lang siya ngunit hindi iyon umabot sa mga mata nito. Ang tanga naman ng babaeng iyon. Kung sino man siya. Eto na ang isang lalaki na gwapo, matalino, mayaman, mabait at may disenteng trabaho pero hindi parin niya magawang mahalin. Ano pa kayang kulang sa kaniya? Because honestly. Wala akong makita.
Napapitik ako sa ere.
"Alam ko na!"
"Ano?"
"Makipag date ka. Marami akong friends. Gusto mo?"
"Wag na. Wala ako sa mood at marami pa akong trabaho na kailangang tapusin."
"Paano mo makakalimutan ang babae nayon kung ayaw mong makipag date?"
"Bree did I ever said I want to forget her? Ang sabi ko lang, hindi ko na siya guguluhin kasi masaya na siya. Hindi ibig sabihin non gusto ko na siyang kalimutan."
"Tsk tsk. Paano ka magiging happy kung hindi ka hahanap ng taong makakapagpasaya sayo?"
Bumuntong-hininga siya pagkatapos ay tumingin siya ng direkta sa mga mata ko. "May tanong ako, Bree."
"What is it?"
"Noong hindi mo pa nakikilala si Poseidon, hinahanap mo ba ang taong makakapagpaligaya sayo? Did you made an effort to find him?"
"No. Basta na lang siya dumating sa buhay ko."
Sumilay na naman ang malungkot na ngiti mula sa labi nito. "Exactly. Hindi ko kailangan makipag date o maghanap ng taong mamahalin. Gaya ng mahalin ko ang babaeng minamahal ko ngayon, bigla ko na lang iyon mararamdaman sa panahon na makikita ko siya. I don't need to find that someone for me to love. Love doesn't need to be find. Kahit an nga ang taong nakakasama mo lagi ay maaring hindi mo inaasahan ay marerealize mo na lang na mahal mo na pala."
Tumango ako at nginitian ko siya. He's a good man. Malay natin isang araw mahanap na niya ang taong makakapagpasaya talaga sa kaniya.
Nabaling ang atensyon ko sa tumutunog na phone ko. Binasa ko ang mensahe roon at pagkatapos ay binalingan ko si Adrian.
"Doc, alis nako. Titignan ko muna si Marie Axel. Nagpumilit daw bumangon eh. Dumugo ulit ang sugat niya."
"O, sige. May pasyente din akong pupuntahan mamaya."
"Sino?"
Sumimangot si agent Med. "Si Tyini Sin. Ang ingay talaga ng babaeng yon. Grabe. Wala na lang ginawa kundi makipag kuwentuhan sakin. Nagugulat na lang ako at ipinapatawag ako bigla. Akala ko minsan emergency tapos wala lang pala."
"Ayieee. Ikaw, Doc ah. Good, good. Magandang simula iyan."
"Ha! Kung si Tyini lang, wag na."
Natatawang naglakad na ako ngunit hindi pa ako nakalalayo ay bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahili. Buti na lamang at naalalayan ako ni Adrian kung hindi ay baka sa sahig na ako pupulutin.
"Doc? Anong problema?"
"Wala. Nahihilo lang ako."
Sa pagkagulat ko ay bigla na lamang niya akong binuhat. Tinakbo niya ako papunta sa clinic. Pinagtitinginan na kami ng mga agents.
"Hey, ibaba mo na ako. I'm fine."
"No, you're not fine."
Malapit na kami sa clinic ng marinig namin ang galit na boses ni Poseidon. Lumapit siya sa amin at pilit na inaagaw ako kay Adrian. Obvious naman na nagseselos siya.
"Hey, hey. I got her. Buksan mo na lang ang pinto ng clinic."
"Bakit mo siya karga?"
"Bigla na lang siyang nahilo."
Nang mabuksan iyon ni Poseidon ay pumasok sa loob si Adrian at inihiga ako sa gurney. "I'm fine."
"Look, Bree. Hindi mo naman pwedeng chek up-in ang sarili mo. Sumunod ka na lang sa akin, okay?"
Kinuha niya ang kamay ko at pinulsuhan. Kung ano-ano pang ginawa niya sa akin at panay din ang tanong niya. Nang matapos siya ay malungkot na ngumiti lang siya sa akin at bahagya pa akong tinapik sa balikat.
"You're fine."
"Sabi ko naman sayo eh."
May inabot siya sa akin na maliit na box. Pagkatapos ay kinamayan niya ang nagtatakang si Poseidon at pagkatapos ay tuluyan ng lumabas ng clinic. Tinignan ko ang inabot niya sa akin.
Napasinghap ako nang makita ko kung ano ang bagay na iyon. Oh, God.
"What's that?" usisa ni Poseidon.
"I-It's a..."
"Bree. Just say it. Mas lalo mo lang akong pinakakaba."
"Its...a pregnancy test."
"WHAT?!"
"Shhh!"
Dali-dali akong pumasok ng comfort room. Of course I know how to used it. Pilit na kinalma ko ang sarili ko at ginawa na ang dapat gawin. Nang matapos ay lumabas ako dala ang pregnancy kit.
Naabutan ko si poseidon na nag pu-push up. Hinila ko siya at pinaupo sa tabi ko sa may gurney. Inabot ko sa kaniya ang pregnancy test na kasalukuyang wala pang lumalabas na guhit. Kailangan namin na mag-intay ng ilang minutes.
Tinignan ko si Poseidon na namumutla at mabilis ang paghinga habang nakikipag eye to eye contact sa pregnancy test.
"Breathe poseidon. Relax ka lang. Relax and move your shoulders. It will remove the tension."
Ginawa nga niya ang pinapagawa ko. Ang kaso parang may deadline siya na isang segundo na lang ang natitira dahil sa bilis ng ginagawa niya. "Dahan dahan...relax."
Napatingin ako sa pregnancy test. Nanlalabo ang mga matang napangiti ako. It's positive. We're gonna have a baby again.
Tinignan ko si Poseidon na hindi naman sakin nakatingin at halatang hindi din nakita ang pregnancy dahil nakatingin siya sa kisame.
"Poseidon."
"Hmm?"
"It's..." Napabuntong-hininga na lang ako ng umalingawngaw sa paligid ang malakas na pagkalampag. "Its positive."
Natatawang napailing na lang ako. Wala na namana ng kausap ko dahil kasalukuyang naglalakbay na sa kung saan ang diwa niya. Nakalugmok siya sa sahig at wala ng malay. Typical BHO boy.
Astig no?