Chapter 17

1013 Words
CHAPTER 17   Wala akong masyadong ginagawa kaya nag decide na lang akong pumunta sa lab nila Kat. Naabutan ko sila doon na nag-uusap tungkol sa next mission. Nandon din si Poseidon pati na si Dale at si Maries.   Mukang bihira na silang mag meeting sa conference room ni Poseidon. Pero kung sabagay. Kadalasan pag big mission lang at included ang lahat ng agents saka ginagamit iyon.   "Hi."   Nginitian nila ako at ibinalik ang aking pagbati habang si Poseidon naman ay tumayo at kaagad na lumapit sa akin. "Hi, bree my bebe, my goddess, my tart, the apple of my pie, the straw to my berry, the smoke to my high and you're the one i want to marry, cause you're the one for me for me, and I'm the one for you for you. Breeeee!"   "Stop!"   "Look and listen, bebe."   "Ay ewan. Ang kulit mo."   "Wag ka munang magalit. Ako sana'y pakinggan di ko balak na ikay saktan."   Kanta ni Yeng Constantino iyon diba? Iyong isa naman sa pagkakaalam ko 'Perfect Two' ang pamagat. Tinaasan ko ng kilay si Poseidon ng makita kong kinuha niya ang rose sa gilid ng table.   Inabot niya sakin iyon.   "For you."   "For me? Kinuha mo lang yan diyan eh."   "For you talaga to Bree. For you, para sayo....para sa'yo ako'y magbabago, kahit mahirap, kakayanin ko, Dahil para sa'yo tenenen tene ne nen..yeh!"   "Corny. Wala bang bago diyan? Kaya hindi umaamo si bree sayo eh. Luma na yang mga kanta mo."kantiyaw ni PJ.   Sumang-ayon naman dito si Dale. "Oo nga. Teach me how to daugie na lang."   "Uy, maganda yan!"    Tumayo si Ethan at sinundan naman siya ng tatlo. Animo F4 na pumuweto sila at nag pose. Ang mga asawa ng tatlo ay nangingiting pinanood sila. Hinila naman ako Kat at naupo kami sa sofa. Parang manonood lang ng live show.   Tumikhim si Poseidon at nagsimula. "They be like smooth."   "What?" sabi ni PJ na gumigiling-giling pa.   "Can you teach me how to daugie? You know why? Cause all the b@tches love me." mahabang kanta ni Poseidon na para bang alam na alam niya ang kanta. Hindi na ako nagtataka. Kapag nagpupuyat kasi silang mga agents ay kadalasang nag sa-sound trip sila. Mukhang kasama ang kantang ito sa pinagtitripan nila.   "Aye!" sigaw ni Dale na kumekembot-kembot na.   Lahat sila sumasayaw-sayaw habang ang mga katabi ko ay parang mamatay na sa kakatawa. Ako? Eto, tulala. Ang mga kapita-pitagang BHO boys ba naman kasi ay ngayon ay sumasayaw sa harapan ko. Hindi na ako nagugulat kay Poseidon. Talagang abnormal yan.   "Anong sunod?"tanong ni Poseidon kay Ethan habang kuntodo giling.   "All I need is a beat that's super bumpin, And for you, you, and you to back it up and dump it!"   "Put your arms out front, lean side to side. They gona be on you dum da dum dum dum dat dougie right?. Ang hirap naman nito chorus na dali!" gumigiling na sabi ni Poseidon sa mga katropa niyang baliw din.   "Teach me how to daugie, teah me how to dougie..teach me how to dougie, teach me how to dogie..yeh..yeh! Bree BEBE! Para sayo to!"   Sa pagtataka namin biglang huminto sa pagsayaw ang mga ito at nag sway na lang from side to side.   "Oooooohhh."   "Oohhhh."   "Oohhhh."   Pumipitik-pitik pa sila na para ba na talagang dakilang back up dancers. Pinagkiskis ni Poseidon ang mga palad at ngumisi na parang iyong elf sa Lord of The Rings. "Uy! Alam ko yan! Ehem. When the visions around you bring tears to your eyes. And all that surrounds you are secrets and lies. I'll be your strength. Ill give you hope keeping your faith when its gone. The one you should call was standing here all alone. And I will take.."   "Ooohhh."   "You in my arms and hold you right where you belong. Till the day my life is through. This I promise you."   "Ooohhhh."   "This I promise you."   Biglang tumakbo palabas ang tatlong back up singers s***h dancers ni Poseidon. Sumunod sa kanila ang mga asawa nila na kinawayan ako at sumigaw pa ng good luck kay Poseidon.   "Oy. San kayo pupunta?"   "Diyan lang sa tabi-tabi. May meeting kami ni dale." sagot ni Mishy.   "Kami din."   "Same here."   Tuluyan na silang lumabas. May bago na naman atang napauso itong si Poseidon. Hari ng Trademarks at Generator ng Endearments.   "Hey, Bree."   "O?"   "Here, flower."   Tinanggap ko na bago pa siya bumirit na naman ng isang kanta.   "Bree?"   "O?"   "Wala lang."   Titig na titig siya sa bulaklak na hawak ko pagkatapos ay tumingin siya sa akin. Maya-maya bumalik na naman ang tingin niya sa bulaklak na hawak ko.   "Bree?"   "Hmm?"   "Wala lang."   "Ano nga?! Wala lang ka ng wala lang diyan."   "Ammm."   "Ano?"   "Hindi mo ba titignan ang flowers?"    Nagtatakang tinignan ko nga iyon pagkapos tinignan ko ulit si Poseidon na parang pusang hindi mapaanak. "O tapos?"   "Tignan mo ulit. Nang matagal."   Tinignan ko ulit iyon. Nang matagal katulad ng sabi niya. Pagkalipas ng ilang segundo ay tumingin ako kay Poseidon na parang sabik na sabik sa sasabihin ko. Ano bang problema ng lalaking to?   "Ahh."   "un lang? Wala kang ibang sasabihin?"   "May langgam sa bulaklak."   "Hindi yon!"   Sinimangutan ko siya. Ang gulo naman eh. "Ano nga? Bat kaya hindi mo na lang sabihin para walang gulo."   "Wala ng surprise pag sinabi ko?"   "Ano bang meron dito? May lumalabas ba na pera dito? O kaya si thumbalina?"   "Hindi. Bastaa tignan mo ng mabuti."   "Kanina ko pa kaya tinitignan!"   "Alam ko na!"   Nakangiti na tumingin siya sa akin. Parang excited na excited. Pinakain ba nila ng isang truck ng chocolate ang lalaking to? O sign na ba iyan ng second childhood? Wag naman sana. Wala pa namang 60 si poseidon nasa 30's palang siya.   "BREE!"   "O?!"   "Mag he loves me he loves me not ka."   "Huh?"   "He loves me he loves me not. Yung tinatanggal ang mga petals. Dali na gawin mo na."   Tinitigan ko siya ng matagal. Inudyukan niya ako na gawin ang pinapagawa niya kaya bumuntong-hininga na lang ako at nagsimula na. "He loves me...he loves me not..He loves me.. He loves me not.. He loves me.. He loves me not. He loves me..He loves me not. O, ayan he loves me not ang sagot. Hindi mo ako love kung ganon-"   Napatigil ako ng may makita ako sa bulaklak. Napatili ako ng pagkalakas-lakas na marahil ay gigising sa lahat ng agents kung hindi lang sound proof ang lugar na ito. Mahiohiya ang serena ng bombero sa sigaw ko.    "Relax, love."   "T-T-T-T-This is....a...a....a" He gave me a ring! A ring!   Bumuntong-hininga si Poseidon at bigla na lamang akong hinalikan. Ilang minuto ang lumipas bago niya ako tuluyang pinakawalan. Hilam na sa luha ang mga mata ko habang nakatingin ako sa kaniya.   "I love you bree. Will you marry me?"   "Yes! Yes! yes!"   "Glad to hear that."   At last.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD