Chapter 13

721 Words
CHAPTER 13 Maloloka na ako kay Poseidon. Its seven oclock in the eveneing already. Nagdadrive siya papunta sa isang restaurant sa Tagaytay. Ang arte kasi eh. Sinabi ko ng sa malapit na lang kami mag dinner. Hindi naman kailangang lumayo pa.   Kumekembot kembot pa siya habang nag da-drive, tapos kapag titingin sakin biglang nanginginig. Alam niyo yon? Yung pag kinikilig? No, wala siyang epilepsy. Abnormal lang talaga siya at akala mo ay babae kung kiligin. Tinalo niya pa ang mga nagfa-fangirling sa mga sikat na artista.   Tapos may pa-lip bite, lip bite, pa siyang nalalaman. Then iipit niya ang imaginary na long hair niya sa likod ng tenga niya. After non may beautiful eyes pa.   "Kapag nabangga tayo sisiguruhin ko na kapag nabuhay ka at ako ang namatay, mumultuhin kita ng walang hinto."   "Ouch! Ganiyan ba kapabaya ang tingin mo sakin bebe? Pababayaan ba naman kitang masaktan? Alam mo namang kahit lamok sasaksakin ko para sayo."   "Sige, try mong sumaksak ng lamok."   "Kakayanin ko yon para sayo."   "Bibigyan kita ng award pag nagawang mong makapaslang ng lamok. Sa laki ng kutsilyo hindi ko alam kung magtatagumpay ka."   "Bakit sinabi ko bang kutsilyo ang gagamitin ko? Pwede namang tooth pick ah."   Napabunghalit ako ng tawa. Ang weird talaga ng lalaking to. NAng makita kong natigilan siya at parang gusto na lang akong titigan habang tumatawa akjo ay sumeryoso ulit ako at tumikhim.   "Poseidon."   "Yes my heart, my love, my daaaaahling?"   "Ano na nga palang nagyari kaila Porsha?"   Sumeryoso siya bigla. Naalala na naman sigurado si Francis. Pero gusto kong malaman kung anong nangyari kay porsha. Mula ng makuha ko ang ebidensya sa kahon na iyon na punong puno ng mga illegal drugs, wala na akong nabalitaan tungkol sa kanila.   "Government na ang may hawak sa kanila.Tiyak na ang magiging pagkakulong nila pagkatapos ng paglilitis.."   "Hindi ko akalain na magagawa ni Porsha ang bagay na iyon."   "Hndi naman sa kaniya nag simula. Nag start iyon kay Romuldo Tizon, siya ang dahilan kung bakit nakapasa si Porsha. May relasyon pala sila dati pati si Francis at ang iba pang hindi pinalad na makapasa ay tinulungan niya. Of course may hidden agenda. Iyon ay ang gamitin ang mga ito para sa mga transaksyon ng illegal drugs."   "Its hard to believe."   "This is a very cruel world Bree."   Tumango ako. Tama naman siya. Minsan hindi natin inaasahan ang maaring mangyari sa isang tao kapag sinubok siya ng tadhana. But they still have a choice. A choice if they'll side on the dark side and earn the money or stay on the good side and work hard for it. Wala namang trabaho na madali. Lahat kailangan na paghirapan.   In the first place, kung hindi nag work out sa kanila ang pagdo-doctor ay maari naman silang humanap ng bagay na hilig nila talaga. Isang bagay kung saan talaga sila magiging masaya. Hindi iyong hahayaang nilang kainin ang sarili nila ng pride dahil lamang hindi sila nagtagumpay. Maybe it was not really for them.   Sabi nga nila, if you love your work everyday of it wont make you feel like you're working.   Nahugot ako mula sa malalim na pag-iisip ng maramdaman ko ang pagiging uneasy ni Poseidon. Nakakunot ang noo niya at palingon lingon sya sa kaliwa at kanan. Tapos napapakamot siya ng ulo.   "Poseidon?"   "Hmm?"   "May problema ba?"   Bigla siyang tumingin sakin pagkatapos ay ngumiti siya ng alanganin at umiling ng sunod-sunod. Halata ang kba sa mukha niya ng binalik niya ang atensyon sa daan.   Tumingin ako sa labas. Wala na akong makitang kahit na anong mga istraktura. Puro puno at kung ano-ano pa ang natatanaw ko. Hindi kaya...   "ENRIQUE MARSHALL!"   "Po!"   "Umamin ka nga sakin."   "Yes bebe?" "Nawawala ba tayo?"   Tumingin siya sakin, he tried to look innocent. But it's too much. Kadudaduda ang kainosentihan na pinapakita niya. Mahihiya ang bagong silang na anghel sa itsura niya ngayon.   "Nawawala tayo no?"   Umiling-iling siya pero hindi siya nagsasalita. "POSEIDON!"   "Oo na. Nawawala na tayo. Baka doon pa. Dire-diretso lang daw eh sabi ni PJ."   "Kanina pa tayo dito, kanina ka pa nag papa-cute. Hindi kaya lumagpas na tayo?"   "OH NO!"   "Gutom na ako Poseidon. Kakagatin kita pag hindi mo ako pinakain."   "BEBE, I'm yours-" Napatigil siya ng makita niyang seryoso ako.."Sorry Bree."   Nakapout pa siya at mukang malungkot. Sa tingin niyo matitiis ko ang mukhang iyan? "Humanap ka na lang ng ibang kakainan."   Tumango lang siya tapos tumingin sakin pagkatapos nagpapa-awang ibinalik ang tingin niya sa kalsada habang naka pout parin.   "Hindi ako galit pero gutom nako."    "Sorry."   "Hindi nga ako galit."   "Opo."   "Poseidon?"   "Po?"   "I love you."   "Ayieeee! I love you too, BEBE!"   Napailing na lang ako. Mamaya ko na iintindihin ang pagpapacute niya. Sa ngayon ang kailangan ko ay pagkain dahil kapag hindi pa ako nakakain, kakagatin ko na talaga ang lalakeng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD