CHAPTER 12
Wala na. Kalat na talaga sa BHO ang tungkol sa baby namin ni Poseidon. Pero at least hindi nila kami kinukulit about it. Kinakamusta lang nila si Warren pero hindi na sila nagtatanong. Very understanding sila sa situation namin ni Poseidon.
"You're my cousin, really?" namamanghang tanong ni Hurricane.
"Yes."
"Cool." nakiapg-appear pa si Rain kay Warren.
Ngumiti lang si Warren kanina pa siya kinakausap ni Rain at Hurricane. Nasa laboratory kami ngayon. Ako ang nagbabantay sa kanila dahil kasalukuyang may meeting ang mga Elite agents tungkol sa mga bagong gustong gawin nila PJ at Kat na gadgets. Nagpaiwan na lang ako dito para samahan tong mga bulilit.
Napatingin ako sa duyan ng biglang umiyak si Wynter. Lumapit ako at kinarga siya. "Hi, baby Wynter. Tahan na ha? Babalik din si mama mo-"
Malakas lang na iyak ang sinagot niya sakin.
Lumapit ako kaila Warren. I-a-abot ko na sana kay Rain si Wynter ang kaso may narinig akong katok sa pinto. I guess si Sophie na iyon. Nag punta kasi siya sa clinic ko kanina para kunin ang doll na naiwan niya doon kanina. Iniabot ko na lang muna kay Warren si Wynter.
Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan ko si Sophie. Nang makapaso, lumapit si Sophie kay Warren. Nakakunot noong nakatingin siya kay Wynter na hindi parin tumitigil sa kakaiyak.
"Baby girl ba yan Warren?"
"Kuya Warren and yes she's a baby girl."
Nagulat ako ng biglang kunin ni Sophie si Wynter at iniabot sa nananahimik na si Rain. Agad-agad akong lumapit sa kanila. Lagot ako kay Kat nito pag gumulong sa sahig ang baby niya.
"Ako lang ang pwede mong i-touch. No other girls, okay?"
"Ha?"
"Basta! Hindi kayo bagay nung baby mas bagay sila ni ..ni.."
"Rain." prisinta dito ni Rain ng makita nitong siya ang tinutukoy ni Sophia.
"Oo..ni Rain."
Tumabi ako kay Rain at inalalayan siya sa pag karga kay Wynter na ngayon ay tahimik na "Sophie, naku buti na lang hindi nalaglag si wynter."
"Mom, I'm not planning na ilaglag po siya. She's a very cute baby. Bagay sila ni Rain. Kami ni Warren bagay din kami."
Ang advance talaga ng anak ko. Ang dami niyang alam sa mga bagay-bagay. Palibasa adik ang ina ko sa mga movies kaya malamang ay napapanood ni Sophie.
Bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang mga agents.
"Hi, kids!" bati ni Poseidon sa mga ito. Pumasok na siya kasunod nila PJ.
Napangiti at nagkatinginan si mishy at kat ng makita nila na karga ni Rain si Wynter na tulog na ngayon.
"Tita Bree can you get Wynter na? She's so heavy."
Nakangiting kinuha ko na sa kaniya si Wynter. Dahan-dahan ko siyang ibinalik sa duyan. "Ang daming bulilit dito ah." sabi ni Kat na marahng kinrot pa sa pisngi si Sophie.
"I'm not bulilit po. I'm not even a baby na. Big girl na ko and sabi sa TV pag big girl ka na pwede ng magpakasal kaya Mom, I want to marry Warren na. As in now na."
Napatulala kaming lahat sa kaniya. Maya-maya lang tumatawa na silang lahat. Dapat dito kay Sophie hindi pinapanood ng TV eh. Ginulo ko ang buhok niya at kinarga ko siya.
"Saka na kayo magpakasal. Hindi ka pa big girl. Dapat 18 ka na."
"So I can marry him pag 18 na po ako?"
"No. You need to finish college first."
Nakasimangot na tumahimik na siya. Ibinaba ko siya at kaagad siyang lumapit kaila Warren. Magkakalaro na sila at mukang hindi naman threat si Hurri para kay Sophie...kasi..anyway magpinsan parin sila diba?
"Bree, my cuddly wuddly, cutie bee, fruitcake, peachy, sweetkins.! Come to me, bebe!"
"Umayos ka. Ang daming bata, o."
"Wala namang censored sa sinabi ko ah!"
"ENRIQ-"-
"Please dont say my name. Ang pangit pakinggan."
"Ewan ko sayo. Sarili mong pangalan ayaw mo."
"Ang pangit kaya. Parang tagapagmana noong unang panahon. Minsan naiisip ko wala talagang sense ang tatay ko pagdating sa pagpapangalan."
"Magpabinyag ka ulit."
Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya sakin.. "O? Pwede yon?"
Narinig kong natatawa sila mishy kay Poseidon.
"Ay hindi ko alam! Isipin mo kaya kung pwede yon. Isipin mo kung pano ka namin bubuhatin para mabinyagan ka."
"Oo nga hindi pwede. Parang ang pangit tignan."
"Har-har...ewan ko sayo ENRIQ-"
"Stop!"
"Whatevah!"
"Bree.."
"O?"
"Dinner naman tayo mamaya?"
"Saan?"
"Ammm...ahhh...san ba?"
Ay nako! Mag tatanong tapos wala naman palang alam na restaurant. "Ewan ko sayo! Mag dinner ka mag-isa."
"Eh sa wala akong alam-"
Napatigil si Poseidon ng may biglang binulong si PJ. "Sa the sky! Doon tayo kakain. Masarap don ang.." bumulong ulit si PJ. "Ang Grilled shrimp skewer over white bean salad."
Napailing na lang ako. Sabagay, Masyado kasing busy na tao si Poseidon kaya minsan lang siya lumabas. Tinaasan ko ng kilay si Poseidon ng may binulong naman sa kaniya si Dale at tumatango tango lang siya. "Oo alam ko yon sa simula lang. Okay okay."
Tumikhim siya, apos humarap sakin. nistretch niya yung kamay niya na parang inaabot ako. Alam niyo yung parang sa meteor garden paharap nga lang. Nakaturo pa sakin.
"Bebe dahling lovely cutie! para sayo to...ehem..ehem.."
Hinila ako nila mishy para umupo. Tumabi sila sa akin at animo manonood ng movie na pinagmasdan nila ang mga lalaki.
"Ooooohh." umpisa ni PJ na sinundan naman ni Dale "Oooohhh."
Ano yon? Oooooh? Nagtatawag ba ang mga ito ng kaluluwa? "Ladies and babies. I gladly present to you, Enriq-"
"Poseidon!"putol ni Poseidon sa sasabihin ni PJ.
Nagsimula na siya. "Well you done done me and you bet I felt it...I tried to be chill but you're so hot that I melted..I fell right through the cracks, now I'm trying to get back..yeh!"
Nanlaki ang mgma mata ko. Nag macho dance pa siya. Ang mga bata hindi siya pinapansin at busy sila sa kung ano-anong ginagawa nila. Si Kat at Mishy tawa ng tawa.
"Before the cool done run out I'll be giving it my bestest...And nothing's going to stop me but divine intervention..I reckon it's again my turn to win some or learn some..But I won't hesitate no more, no more...It cannot wait, I'm yours...BEBE, IM YOURS! WILL YOU GO OUT ON A DATE WITH ME? YEH? BEBE?"
Hinilot ko na lang ang sentido ko kahit nangingiti na din ako. Patuloy parin sa pag ma-macho dance si Poseidon.
"Oo na. Tama na yan. Kailangan may sing and dance pa? Pero, yes, I'll go out with you. Pasalamat ka cute ka.
"Woah! Be still my heart! My bebe just said I'm cute!"
Lumapit siya sakin and planted a light kiss on my lips. Then he smiled at me and wink.
So cute!