Chapter 10

2392 Words
CHAPTER 10 Ang dami sa aking pinaliwanag nila Mishy at Kat. What to do and what I shouldn't do. May ibinigay din sakin si Mishy na bagong dress na susuotin ko sa party. Ngayong araw nato ang anniversary. Kahapon tinignan ni Poseidon kung natuloy ba ang pag dating ng mga boxes.   Natuloy nga. Kaya tuloy din ang plano ngayon.   "Sumunod ka lang sakin since ako ang magiging eyes mo. Mamaya eh mataranta na naman yang lovey duvey mo."nakangiting bilin ni Kat.   "I know."   "Iba talaga ang mga BHO Boys. Praning yang mga yan pag dating sa kainilang other half. Anyway, I want to introduce you sa mga gadget na gagamitin mo."   Inilatag niya sa lamesa sa harap ko ang ibat ibang mga gadgets na gagamitin ko.   "Of course, you need an LD, micky na ikakabit ko sa necklace mo. You can't bring a gun to this mission because we cant risk na makita nila ang baril. Uncomfortable kung ikakabit natin sa legs mo ang baril. Si Mishy lang ata ang taong nakilala ko na walang pakialam kahit saan ikabit."   Napalingon samin si Mishy na tinitignan ang mga babies ni Kat. Nag pogi pose lang siya ng marinig ang pagkabanggit ng pangalan niya tapos binalik na niya ulit ang pansin sa babies.   Natatawa na lang kami ni Kat.   "This, it's called 'Vision'. You can take picture by using it. You just need to focus to someone or something. I'll do the rest, blinking helps."   "Okay."   "This one, drop dead ang tawag dito. Inayos na to nila Ellaissa kaya nag muka siyang cellphone na touch screen pero may button dito na pag pinindot mo at tinapat mo sa kung sino bigla na lang silang hihimatayin."   Hindi ko pa ata nasasabi to pero ang high tech talaga ng BHO.   "And this one, new invention siya. A liquid eyeliner.."   "Huh?"   Liquid eyeliner?   Natawa si Kat at iwinagayway iyon sa harapan ko. "I know it looks ordinary but it's far from that. Nahahati sa dalawa ang lalagyan ng eyeliner nato. The first one kapag inikot mo lalabas talaga ang totoong eyeliner pero kapag ang second one ang iniikot mo, lalabas ang 'Pierce'. If you don't know about 'Pierce' it's a device used to cut through everything. Even metals."   "Cool."   "I know right. Anyway this one naman ay bago ding invention. It's called 'Goodbye Kiss'. It's a lipstic, a poisonous one though ilang oras lang ang effect ng poison at mawawala na yon sa sistema ng nakakuha pagkalipas ng ilang oras. You can apply this but dont worry hindi ka mapo-poison. Remember the pills na ininom mo kanina?"   "Yes. So para dito iyon?"   Tumango si Kat at nagpatuloy. "It depends on you kung gagamitin mo siya. Its for precaution only dahil na paparanoid si Poseidon kaya lahat ng kaya kong ilabas na gadget na pwede mong gamitin ibibigay ko na."   Napailing na lang ako. Tama naman siya. Halos hindi na magkandaugaga si Poseidon sa sobra niyang pag-aalala.   "Bree.."   Napalingon kami s apintuan ng marinig namin ang boses ni Poseidon. Nginitian ko siya. "Nasan na ang mga endearments ko? Mukang sira ngayon ang generator ko ah."   Tumawa si Kat ngunit nanatiling seryoso si Poseidon. "Na paliwanag na ba ni Kat sayo ang lahat?"   "Yes. I can do this."   "Bree."   "Trust me okay?"   Tumango siya. Ayoko ng ganitong Poseidon. Naninibago ako. Ngayon ko lang siya nakita na ganitong kaseryoso sa isang bagay.   "Lets go Bree."   Hinila ako ni Kat papunta sa bathroom na kanugnog nitong laboraory nila ni PJ. Ibinigay niya sakin ang damit at iniexplain sakin kung anong pwedeng gawin ko don incase of emergency Natatandaan ko naman lahat ng sinabi niya. Nang maisuot ko na ang damit, tinulungan niya akong I-curl ang buhok ko habang nag a-apply ako ng make-up.   Paglabas namin naabutan namin don sila ang mga Elite agents kasama na si Poseidon. Tumikhim si Kat para maagaw namin ang atensyon nila. "What do you think, guys?"   Nakita kong kumunbot ang noo ni Poseidon ng tumingin sa akin. Hindi ba maganda? Okay naman ah.   "Wow. Doctora Bree, ikaw ba yan?" sumipol pa si Mishy na ikinatawa lang ng mga tao rito maliban kay Poseidon.   Naglakad siya palapit sa akin habang simangot na simangot. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ang baba ng neckline? Bat ang ikli? Bakit kita ang balikat mo?"   "Pasensya na ha? Hindi ko naman kasi alam na hindi PARTY ang pupuntahan ko. Hindi ko naman alam na COMMUNION pala ang aatend-an ko."   "Bree-"   "Ang kulit mo. Anong gusto mong gawin ko? Balutin ko ang sarili ko?"   "Bree.."   "Isa pa, Enrique Marshall! Pag ako napuno tatarakan kita ng unang syringe na makita ko." Nilagpasan ko siya at kinuha ang bag ko kung saan nakalagay na lahat ng mga gadgets. Umupo ako at kukunin na sana ni Kat ang LD para ikabit sakin pero pinigilan siya ni Poseidon.   Lumapit siya sakin at siya na mismo ung nagkabit. "Buko pie...star...honey bear..honey bunny, cuddly lovely?"   "Ewan ko sayo."   "Wag ka ng magalit sakin babykins, babycakes, yummy, charms, cuddle bear."   Hindi ko siya pinansin Narinig ko si dale, mishy, PJ at Kat na nag uusap. "Parang laos tayong apat sa dalawang to ah. Ang daming endearments."natatawang sabi ni Dale   "Oo nga, walang katapusang endearments." sang-ayon ni Mishy.   "Ang cute! tinawag niyang yummy si Bree."   "Dont worry kat..ikaw lang ang yummy para sakin."   Muling naagaw ni Poseidon ang atensyon ko."Bree my dahling, my dearie, love bug, sweet pea! Pansinin mo naman ang pinaka guwapong lalake sa buong mundo!"   Nag 'Boo!' sina PJ at Dale. Hindi naman sila pinansin ni Poseidon na parang nag-iisip pa ng ibang itatawag sa akin.   "Ano ba?"   "Sabi ko na nga ba at hindi mo matitiis na hindi ako pansinin. Pag pasensyahan mo na ang puso ko! Masyado lamang akong nag-aalala para sa nag iisang diwata ng buhay ko. Ang aking tinatangi tangi, ang aking iniibig! Akoy labis lamang na nag-aalala sa iyo, bebe."   "Nos Bles boss!"tudyo ni Mishy kay Poseidon na ngumiti lang sa akin na may kasama pang kindat.   "Wag mo silang pansinin aking bebe dahling."   Hindi ko na muna siya pinansin at pinagtuunan ko na lang ng pansin ang isinusuot kong sapatos. NAbigla na lang ako ng umatras si Poseidon at biglaang sumayaw.   "Bree, loves. Pansinin mo naman ako. Ang ganda ganda mo nga ngayon eh. Ayoko lang na makita ka ng iba."   "O-"   "Wag ka ng magalit. Pasenya na aking mahal di naman ako magtatagal nais ko lang malaman mo ang nilalaman ng puso kong ito inaalay lamang sayo-"   "Stop!"   Parang narinig ko na ang kanta na iyon somewhere. Tawang-tawa ang mga elites. Namumula at naiiyak narin si Kat na halatang pinipigil na humagalpak ng tawa.   "Bakit? Hindi mo ba nagustuhan aking sinta?"   "Wag ka ng maingay. Tignan mo yung oras oh. Kailangan ko ng pumunta don sa party."   Bigla na lang sumeryoso ang anyo nito. Bipolar ata ang isang to. Tinalo pa ang buntis kung magpabago-bago ng mood. Akmang lalabas na ako ng laboratory ng bigla na lamang niya akong hinila at,   Hinalikan.   "Be careful, bebe, dahling, lovey, sweety cake."   Nakangiting tumango ako at tuluyan ng umalis. Dumiretso ako sa gagamitin kong kotse. Pinahiram ako ni Poseidon dahil mas mabuti daw na ito ang gamitin ko. Bullet proof.   "Agent gentle?" narinig ko ang tinig ni Kat mula sa LD. "Yes?"   "Just checking."   Nang makasakay na ako sa sasakyan pinaandar ko na iyon. "Alam mo ba ang daan?" si Kat.   "Yup.. Nakapunta na ako don dati."   "Okay nakasunod lang sayo si Poseidon at Strike, okay?"   "Okay."   Mga 40 minuto siguro yung lumipas bago ako nakarating sa hospital ni Francis. Mukhang marami ng tao dahil halos mapuno na ang parking lot. Hanggang tatlong palapag lang ang ospital ngunit malaki iyon kaya kaya namang ihandle ang party.   Nang makakita ako ng parking space ay kaagad na ipinarada ko na iyon. Hindi ko na hinanap sila Mishy na alam ko na sa tagong parte ng lugar mag pa-park. Tuloy-tuloy lang ako sna pumasok a loob.   Papasok na ako sa isang private elevator ng hinaran ako ng guard at hinihingi ang imbitasyon ko. Pinakita ko naman agad iyon sa kaniya. Pagkatapos non ay pumasok na ako sa elevator.   Bumungad sa akin ang napakagarbong handaan. I really cant believe it. Paano naging ganto kaasenso ni Francis sa loob lang ng ilang taon?   "Good Evening, Ma'am, can I check your bag for a second."   Hindi na ako nagtatakang maraming gwardiya. Mukha talagang may itinatago si Francis.   "Sure."   Pagkatapos ng ilang saglit ay pinapasok na niya ako. May ilan din akong mga kakilala na namataan ko. Nakita ko ang isang pamilyar na babae na kumaway sa akin. Si Porsha. Isa sa mga kasamahan ko dati. Isa siya sa mga close friends ko ng nag-aaral pa lamang ako. Asensado narin siya ngayon kahit na muntik na siyang hindi makapasa non.   Nginitian ko lang siya at tumuloy ako sa kinaroroonan ni Francis na kausap ang dalawang pamilyar din sa akin na dalawang lalaki.   "Francis."   Lumingon siya sa akin. Recognizition registered his face. Pinasadahan niya ako ng tingin and I think he like what he saw. Hindi naman kasi ako nagdadamit ng ganito dati.   "Breeyhana? Breeyhana Banes?"   "Yes. Thank you for inviting me here."   I used the same voice I used when I was young. The voice I used a very very long time ago. Iyon ang mga panahon na sakit ako ng ulo ng parents ko at wala na ata akong ginawa kundi makipag date. Narinig kong napamura si Poseidon sa kabila ng LD.   I'm a bit of a rebel the first time I met Poseidon. Siya lang naman ang nakapag patino sakin noon at siya lang din ang nakarelasyon ko na tumagal. Ganito din ang ginamit ko na taktika ng unang beses kaming magkakilala. And I have no doubt that he recognized it.   "No biggie. Dapat pala sinundo narin kita. Yu look dazzling.."   "Thank you."   "Want a drink?"   "Sure."   Kukuha na sana siya ng inumin ng bigla siyang may tinignan. Nilingon ko ng pasimple ang tinitignan niya. "Bree, saglit lang ha? Babalikan kita mamaya."   "I'll be waiting then."   Ngumiti siya sakin pag katapos ay umalis na. Lumapit naman ako sa minibar para hindi niya mahalatang tinitignan ko siya. Umupo ako sa stool.   "Margarita."   "Coming up, Ma'am."   Tumingin ako dun sa salamin ng mini bar. Kitang kita ko doon na may pinasukan na room si Francis kasama ang tatlong lalaki, ang isa don ay nakilala ko, si Damian Carver, isa sa mga kaklase ko noon na hindi nakapasa. May sumunod sa kanila na babae.   Si Porsha!   "What the hell! Bakit sumunod sa kanila si.."   "Shh relax. Iisa lang ang ibig sabihin non. Kasali siya sa kung ano mang kababalaghan na gingawa ni esteban." narinig kong pag pigil sa akin ni Poseidon. Malamang sa hindi ay nahack na nila ang mga security cameras dito.   "She's my friend."   "I'm sorry agent gentle. I think right this moment, she's not your friend anymore."singit ni Kat.   Why? Why did she do this? She's a good friend, a good person. Bakit siya nakisabwatan kay Francis?   "You have 20 seconds gentle.. Pumunta ka na sa storage room."   "Okay-..amm...i mean..Acknowledge."   Tumaw ang mahina si Kat. "Okay!"   Umalis na ako sa mini bar. Iniwan ko na lang ang drinks ko na i-aabot pa lang sana sakin. Dumaan ako sa dance floor kung saan marami ng tao. Nag tuloy tuloy ako sa storage room. Binuksan ko lang ng konti ang pinto tapos pumasok na ako. Madilim sa loob.   "Malapit na ako diyan."   "Akala ko si mishy ang papasok?"   "Nag bago ang plano."   Nilibot ko ang paningin ko. Maraming malalaki na kahon sa paligid. Patong patong ang mga iyon kaya kaya paniguradong hindi nila ako mapapansin. Tumakbo ako papunta sa isang side. Kailangan kong buksan ang airvent.   Kinuha ko ang Pierce sa purse ko at ginamit ko sa chain. Mukhang wala pa si Poseidon. Mabilis na natanggal ko ang kadena roon. Bumalik ako malapit sa pinto. Narinig ko silang nag-uusap.   "Ito lang ba ang mga dumating? Konti pa to ah." aniya ng tinig ni Porsha   "May susunod pa sa byernes pero eto lang ang pinadala kagabi." Nakita kong binuksan ng isang lalaki ang isang box.   Ginamit ko ulit ang Pierce para butasan ang maliit na kahon sa tabi ko. Kmuha ako ng maliit na pack at inilagay ko sa purse ko.   Binalik ko ulit ang atensyon kaila Francis. "Vision, activate."   "Nice, gentle! Okie Dokie!"   Ilang saglit lang kitang-kita ko na sila Francis kahit na may box na naka harang. I blink several times.   "Got it."   "Oh s**t!" si Poseidon.   "What happened?"   "The chain fell off. Run. I'll be fine."   Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong palapit sa kinaroroonan ni Poseidon ang mga lalaki. I need to think fast. I can't leave him alone.   Lumapit ako sa pinto at pabalibag kong binuksan yon. Pagkatapos ay nilakasan ko ang mga yabag ko. Kinapa ko ang Goodbye kiss sa bag ko at mabilis na nag apply ako sa labi ko. Like what Kat said. Just incase.   Lumihis ang mga lalaki kasama si Francis at lumapit sa kinaroroonan ko."   "No!"   Hindi ko na pinansin si Poseidon lalo pa ata nakita kong palapit na sa akin sina Francis. Mukhang nagulat ito ng makita ako.   "Bree?"   "Sorr. Nakakaistorbo ba ako? Sabi kasi ng napagtanungan ko dito daw ang powder room."   "Sa kabila ang CR, halika sasamahan na kita.."   Imbis na kumilos ay inilibot ko ang paningin ko na animo interesadong interesado ako. Nakikita ko si Poseidon mula sa kinatatayuan ko. "Anong meron dito? Bat pumasok ka dito?"   "May chineck lang ako, Bree."   Nanglaki ang mga mata ko ng bigla na lang niya akong hinalikan. Pumiksi ako ngunit mahigpit ang pagkakakapit niya sa akin. Mahihina ngunit mlulutong na mura ang narinig ko mula kay Poseidon.   Sa gulat ko ay bigla na lamang bumagsak sa sahig si Francis na namimilipit sa sakit. Ito marahil ang epekto ng Goodbye Kiss. Tumalikod na ako at tumakbo kahit na alam kong makikita parin nila ako lalo at posibleng matandaan ang damit ko.   Nagmamadaling dumaan ulit ako sa dance floor ng makalagpas ako roon ay sa hagdanan na ako tumuloy ng makita ko na nasa baba pa ang elevator. I font have a time. Alam kong sinusundan nila ako.   Nang makarating ako sa second floor, nagmamadaling pumasok ako sa pintuan don. Nasa corridor na ako ngayon ng ospital. Tumakbo ako ng makita kong bumubukas na ang pintuan na nilabasan ko. Dali-daling pumasok ako sa unang kwarto na nakita ko.   A surgical room.   Bago pa may makapansin sa akin ay sinuot ko ang nakita kong coat sa isang tabi. Naglagay din ako ng headcap at mask. Nagmamadali ang pagkilos ko lalo na at naririnig ko ang boses ni Porsha sa labas.   "Use the arthroscope, faster! Insert it in the joint space. We need to trim the damaged cartilage. Remove loose particle or debris from the joints. Try to look if theres a damaged ligament. We need to correct it."   Mabuti na lang at alam ko kung ano ang ginagawa nila. Hindi ko nilingon ang pinto ng bumukas iyon.   "Hey..this is a surgical room! get out!"   Nakahinga ako ng maluwag ng pinalabas ng isang Doctor sila Porsha. Mukang hindi naman nila nahalata na nandito ako.   "Wait for about 20 seconds gentle. Belib ako sayo. Na nose bleed ako sa sinabi mo kanina."   "Faster. Other complications might occur. It might result for damage nerves or blood vessels."   "Yes, doc."   "Pwede ka ng lumabas, gentle. Nag iintay na sayo si Poseidon sa ground floor. Don't use the stairs dahil iyon ang ginagamit nila."   Tumakbo ako palabas na suot suot parin yung coat. Hinubad ko lang ang cap at mask. Sumakay kaagad ako sa elevator. Nakita ko pa bago sumara iyon na sumulpot ulit sila Porsha, buti na lang hindi kaagad lumingon.   Nang huminto ang elevator..kumaripas ako kaagad ng takbo.   "Bree!"   Sinalubong ko si Poseidon. Niyakap niya ako ng mahigpit. "You almost gave me a heart attack!"   "Sorry."   "Its over now. Lets go home."   "Okay."   Pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Nasa harap na si mishy. Sumaludo siya sa akin bago niya pinaandar ang sasakyan.   Tumabi sakin sa likod si Poseidon. "Bree?"   "Hmm?"   He smiled at me then he leaned closer to me. "Mission accomplished."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD