CHAPTER 9
"Okay ka lang?"
Nilingon ko si Poseidon. Kauuwi lang namin galing sa party ng mga babies nila Kat. The baptismal party. Medyo napagod din ako at nahihilo. Ang init kasi ngayon idagdag pa na super stress ako dahil may sakit si Warren. Lagnat laki lang pero syempre, nag-aalala ako.
"I'm fine, pagod lang."
"Sure ka? I can give you a massage? Whole body? Half body?" ginalaw galaw pa niya yung kamay niya habang nakangisi. Inirapan ko lang siya at dumiretso ako sa loob ng clinic. Halos walang tao dahil nasa party, siguradong pabalik pa lang ang mga yon.
Umupo ako sa swivel chair ko at as usual kinuha at binasa ko na naman ang ever trusty kong clip board. Si poseidon naman naki-usyoso at umupo sa table ko habang nakatingin sakin. Pinabayaan ko lang siya. IKts a little uncomfortable pero nasanay narin naman ako.
"Pabalik na daw sila PJ. May dumating na bagong mission kahapon." pagbibigay alam ni Poseidon.
"Paano ang mga babies?"
"Dadalin nila dito. I'm sure magiging nursery ang lab nila."
Ang ku-cute ng mga babies nila Kat. Especially si Wynter na iyakin. Si Rain lang ang nakakapagpatahan. Napaangat ang ulo ko ng may marinig akong mga tao na nag-uusap sa labas. Mukhang nagsisidatingan na ang mga agents.
"See you later, my heart, my love, my dearest, my sweet!"-Poseidon
Patayo na sana siya ang kaso pinigilan ko siya. "What is it? Kulang pa ba ang aking endearments? Pwedeng pwede kong dagdagan yan para sayo-"
"Sasama ako."
Nagtatakang tinignan ako ni Poseidon pero hindi ko na siya pinansin. Tumayo na lang ako at lumabas. Nakasunod sakin si Poseidon. Naabutan kong nilalagay ni PJ ang triplets sa pagkakalaking duyan tpos may pinindot si PJ sa gilid at kusang nag sway ng mahina ang duyan.
Ngayon lang ako nakakita ng ganon.
"San galing yan?"
"Binili namin tong duyan, pero tong machie nato, ginawa ni Kat."
Figures. Kakaiba talaga pag may mommy ka na taga experiment department. Siguradong bata pa lang ang triplets ay matututo na ang mga iyon sa iba't-ibang gadgets. Mgkaron ka ba naman ng genuis na parents.
Nagkaniya kaniya na sila ng upo at ako naman ay lumapit sa mga babies. Lahat kami napatingin sa pinto ng bumalibag pabukas iyon.
"Shhh!" saway ni PJ sa kapapasok lang na si Mishy.
"Sorry. Hindi ako sanay na may babies dito eh." Tumingin sa akin si Mishy. "Nagising ba, Doctora?" Nakangiting umiling lang ak.
Kasunod ni Mishy ang dalawang anak, pati na si Dale. Lumapit sakin ang kambal. Umupo sa tabi ko si Rain habang may hawak na picture book, tahimik lang siya. Si hurricane naman nakatingin sa mga babies.
"Tita Bree, why are they sleeping? Ang aga aga pa po eh."
"Ganon talaga ang mga babies para lumaki sila kaagad."
"Bakit po ako ang tagal lumaki?"
Nakangiting ginulo ko ang buhok niya. "Kadalasan hindi talaga natin napapansin na we're growing. Pero I'm very sure na lumalaki ka."
"Mauubusan ka ng sagot diyan." nakangiting sabi ni Mishy na ikinakibit balikat ko lang. "Nasanay na ako kay Warren"
"Lumipat kaya tayo baka maingayan ang mga babies."
Sasang-ayon na sana sila PJ pero umiling ako. "Sanay ang mga baby sa noise because of the noise that they could hear inside the womb of their mother. Pag masyadong tahimik it can cause stress to them."
Sabay-sabay silang napa 'ahhh'. Natawa na lang ako. Walang kaalam-alam tong mga to samantalang may mga babies na sila.
"Tita Bree, baka masikipan ang mga babies. Lipat po natin sila." nag-aalalang sabi ni Hurricane.
"Its okay, nakakatulong din pag magkakatabi sila. Sanay kasi sila sa masikip na lugar."
"May baby ka na po ba, tita?"
"Yup, a baby boy."
"How old is he na po?"
"Six years old na siya. Tapos ang daughter ko five na."
"Is he handsome po?"
"Yes and he's your cousin by the way."
"Wow!"
Nakita kong nakakunot noong nakatingin samin si Rain, tapos bigla niyang binigyan ng isa pang picture book si Hurricane.
"What for?" tanong dito ng batang babae.
"Para hindi ka na maingay."
Nakasimangot na ibinalik ni Hurri yung book kay Rain. "I dont like reading. I want to.ance! sing! oh! and I want to fight like mommy too."
Biglang inubo si Mishy at napalingon samin ng narinig niya ang sinabi ni Hurricane. Si Dale naman tatawa-tawa lang. Mukang may future agents na ang BHO.
"I want to be an agent too."pagbibigay alam ni Rain.
"Really?" nakangiting tanong ko dito.
"Yes but I want to be on experiment departments. Its not like naman po na I can fight like mommy."
Hindi pwede sa field si rain because of his condition. Nilingon ko sina Poseidon ng may narinig ako na pangalan na pamilyar sa akin sa pinag-uusapan nila.
Tumayo ako at lumapit sa kanila.
"Francis Esteban?"singit ko.
"Yes. He' graduated-"-poseidon
"Medicine. Magkaklase kami. Though hindi kami close sometimes nakikita ko pa siya sa hospital niya."
"He's having a party sa hospital niya, anniversary ata but-"
"Is he your client or the suspect?"
Napatingin siya sakin. I guess he's afraid sa magiging reaction ko.
"Suspect."
"Hindi na ako nag tataka. Matagal na akong may napapansin sa kaniya. Nakakagulat kasi na ang isang Doctor na ilang beses ng kumuha ng board at ilang beses ng bumagsak at pumasa after a very long time na nasa bottom pa ay makaka pag pa tayo agad ng hospital. Hindi naman sa pinipintasan ko siya."
"I see. Ang client kasi natin ay concern sa uri ng pamamalakad sa ospital ni Esteban. Napakataas daw ng bills though hindi naman nila pinapansin kasi kaya naman nila pero minsan daw narinig niya si esteban na ayaw gamutin ang isang mahirap na pasyente"
"So hindi niya ginamot pero siningil niya parin?"
"Exactly."
"And?"
"Napag alaman ko na hindi lang pala iyon ang problema sa ospital na nasabi. The medicines price is too high at sa gabi daw may ibang pasyente na nakakarinig ng kung ano anong binabagsak sa likod. May mga dumadating daw na trucks pero hindi sila sigurado kun gamot nga ang laman non."
"So anong kinalaman non sa aniversary party?"
"A day before the anivversary party na to be exact ay bukas, according to the source may dadalin naman na mga kahon roon bukas."
"Pupunta tayo bukas?" tanong ni Mishy.
"Nope, pupunta tayo sa mismong aniversarry. I'm sure nandon pa yung mga boxes. Mahirap na kung sa mismong delivery dahil baka may makahalata pa. All we have to do is get an evidence. After that, bahala na ang gobyerno sa kanila."
"There's a but." Mishy stated.
"I need to get an invitation of that party beside that kailangan isa sa atin ang may alam sa kahit anong konektado sa Medicine. Dahil puro mga doktor ang naroroon. Isa lang naman ang kailangan pumasok dahil nandoon ang daan papunta sa kwarto kung saan nakalagay ang mga kahon. May duda ako na ilalagay nila iyon sa isang bodega sa mismong palapag kung saan gagawin ang event. Malaki din kasi ang posibilidad na ang mga dadalo ay ang buyers ni Esteban."
"And we need to find that doctors." PJ said while reading a file.
"Yes."
"So paano tayo makakapasok ng hindi sila naghihinala."
"We need an invitation."
Napapailing na lang ako. Its not a good plan. Matinik si Francis at isang maling pagkakamali lang ay tiyak na mabubulyilyaso ang plano. Lalo na that they need to do this blindly dahil hindi nila alam kung sino pa ang mga kasabwat ni Francis Esteban.
May kinuha ako sa bag ko at bumalik ako sa pwesto nila poseidon. Inilapag ko iyon sa harapan nila at nagtatakang napatingin sila roon.
"Here."
Nagtatakang inabot ni Poseidon ang binibigay ko. Nakitingin din sila mishy. Nang makita nila kung ano yon, nanlalaki ang mga mata nila na napatingin sakin.
Its the invitation they're looking for. "You're invited?" manghang sambit ni Poseidon.
"Yes."
"Amin na lang to ha?"
Umiling ako at binawi ang invitation. "Pangalan ko ang nakalagay.. Paano niyo babaguhin?"
"Madali lang yan, Bree."
"Nope. It's not that easy Poseidon."
Napa 'uh oh' si Kat ng parang na gets na ang ibig kong sabihin. "Pili lang ang binigyan ng invitation at lahat kayo kakilala ni esteban?" tanong nito.
"Yes, kaya kahit may invitation pa kayo, kung hindi niya kayo kilala. Right that moment sira na ang mission."
Natahimik silang lahat.
"Gumawa tayo ng fake face ni Bree."suhestiyon ni Mishy
"We cant. Unang-una mas matangkad satin si Bree. Yes, pwedeng mag suot ng heels pero ang built ng katawan ni bree iba. Bree is have curvy type. Ako kapapanganak ko lang kaya hindi ako sexy ngayon."
"You're always sexy for me, sweetheart."
"I know, love. Anyway, ikaw naman Mishy, you're too petite for bree at isa pa. Sa tingin niyo ba makakagawa tayo ng fake face sa loob lang ng ilang araw?"
I know the answer. Its impossible.
"May suggestion ako." kuha ko sa kanilang atensyon.
Tumingin sa akin si Poseidon. "What is it?"
"Give me the mission."
Natahimik silang lahat at laglag ang mga pangang tumingin sa akin. Si Poseidon ang unang nakabawi.
"No, bree! its too dangerous."
"Nandon naman kayo. Hindi niyo naman siguro ako pababayaan."
"Nasa labas lang kami. Hindi kami maaring lumapit sa iyo"
"I'll be fine."
"No, Bree. Okay?"
Nakakunot noo ko siyang tinignan. "I can do this. It's not even that complicated, Poseidon. Isa pa wala ka ng choice."
"I can always cancel the mission."
Napatulala sila mishy sa kaniya. Poseidon never cancel a mission. Dahil sa every mission, may natutulungan sila. Kpag kinancel nila yon para narin nilang inabandona ang mga inosente na nadadamay.
"Cancel? Are you insane?"
"Maybe I am! But you're not going there. Kung kailangan kitang itali dito sa loob ng BHO, gagawin ko."
"You can't cancel it."
"I can!"
"NO! Isipin mo nalang ang taong tinatanggihan mo ng tulong. They need you to help them."
"Kung ikaw ang mapapahamak, I won't have a second thought. I will cancel it. I can give up anything for you. My pride, my own happiness, even my own life. Masaktan na ako, wag lang ikaw. Naiintindihan mo ba ako?."
It came out as a whisper. Pero rinig na rinig ko ang sinabi niya. Naiintindihan ko na kaligtasan ko lang ang inaalala niya, but I'm tired being on the safe side always. Iwant to help.
"Jack en poy na lang para walang away."biro ni Mishy para maibsan ang tensyon na nakapalibot sa amin.
Binigyan siya ng matalim na tingin ni Poseidon. Halatang hindi na komportable sina Kat, PJ at Dale. Si Mishy lang ata ang tinawanan ang naging reaksyon ni Poseidon. Hindi sila sanay sa Poseidon na ganito. Si mishy lang ata at ako ang walang pakialam. Kung sa bagay. Kokonting bagay lang ang nagagawang takutin si Mishy.
"Cant you bring a date?" tanong ni Mishy.
"Nope."
"Walang choice talaga. You need to go there alone."
"NO!" Poseidon bellowed.
Naka kunot noong tinignan ko siya. "I can do this. I just need to take a picture of the storage place. Then kukuha ako ng isa after it aalamin ko kung sino ang mga kasabwat-"
"I said NO."
"I said YES!"
"NO!"
"YES!"
"NO NO NO!"
"YES YES YES!"
Napatigil kami ng pumito si Kat.
"Quiet children..may naisip na ako."
"What?" tnaong ko rito.
"Alam niyo yung mga box thingy sa taas ng ceiling. Air vents? May mga ganoon panigurado sa ospital na iyon."
Lumapit siya sa computer at lumabas sa monitor ang buong ospital ni francis. May mga keys pa siyang pinindot at nawala na lang bigla sa monitor ang mismong ospital at napalitan na lamang ng sketch ng pinakaloob ng nasabing building.
"Look eto ang mga passage ng air vents. Isa sa atin ang pwedeng pumasok diyan hanggang sa storage sa 3rd floor and of course buong 3rd floor may nagbabantay kaya hindi tayo basta basta makakapasok doon."
"So hindi natin kailangan si Bree na pumasok doon?"
"No. We need her. Look at the sketch kitang kita na may nakabara sa air vent ng 3rd floor Mabubuksan lang iyon kung may mag bubukas and its different than the others. at isa pa. may chain din doon na matatanggal lang ng nasa labas so kung sino man ang nasa loob ng air vent, hindi siya makakapasok ng walang tulong ng nasa labas."
The total sum, they still need me.
"Listen, Poseidon. There's no other way." seryosong pahayag ko sa kaniya.
Bumuntong hininga si Poseidon. "Follow my commands. Wag kang kikilos ng hindi ko sinsabi. Don't do anything reckless, Bree."
"I know."
Hinila niya ako hanggang sa mapaupo ako sa kandungan niya.
"Be careful."
"I will."
Nakatingin lang samin ang mga agents. Halata sa mga ekspresyon nila na nanunukso sila. Napangiti na lang ako.
"Mishy, baby?"
"Yes dale?"
"Halika na mukang nakakaistorbo tayo."
"Oo nga eh."
Hindi ko na sila pinansin. Satisfied na ako na nakuha ko ang mission. I want to be able to do this with Poseidon.
I want to be his equal.