Chapter 28

2365 Words

Chapter 28 LINCY GABI na at mahimbing na natutulog si Andrea habang yakap ang notebook nito na may mga drawing niya. Tulog na rin si Elliana na bakas ang sobrang pagod sa tuwing hinihiram ko ang kaniyang katawan. Ngayon ko lamang natitigan nang ganito ang itsura niya. Kahit ang usapan namin ay gagawin niya ang kung ano man ang maibigan niya tuwing gabi ay hindi rin ito nangyayari dahil nakakatulog na lang siya sa sobrang pagod. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya. Pakiramdam ko ay inaagaw ko na ang kaniyang buhay. Ang tagal ko ng hinihiram ang katawan niya pero hindi ko pa rin naisasagawa ang mga plano ko o talagang hindi ko lang agad isinasagawa dahil nawiwili ako sa panibagong buhay ko. Aminado naman akong kulang na kulang pa ang buhay ko rito sa lupa. Napakarami ko pang gustong g

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD