Chapter 29 LINCY "GUSTO ko sanang samahan mo ako sa isang ampunan," pakiusap sa akin ni Andrew. Ampunan. Iyon ang pinakapaborito kong puntahan noon upang magdala ng mga tulong sa mga batang kinulang sa pagmamahal at pag-aasikaso ng kanilang mga magulang. Ang iba sa kanila ay naulilaa dahil nagkasakit at namatay ang magulang at ang iba naman ay basta na lang iniwan sa labas ng ampunan. Nakakalungkot lamang na habang tumatagal ay dumarami ang mga batang kinukupkop sa ampunan na nagpapalaboy na lamang sa kalsada dahil nangangahulugan ito na parami rin nang parami ang mga iresponsableng mga magulang. Nagiging laruan at libangan na lang ang p********k na isang mahalagang bagay sa pagbuo ng pamilya. "A-Ano po ang gagawin natin doon, Sir?" "Maghahatid tayo ng mga tulong at school suppl

