Chapter 30 LINCY HUMIWALAY ako sa katawan niya kahit hindi ko pa kusang ginagawa. Nag-aalala ako sa kaniya dahil hinang-hina ang katawan nito. Ako ay naguguluhan kung bakit nakikita ko na ang mga alaala niya. Naisip ko ring baka narinig naman talaga niya ang sinabi ng nagpapakilalang pinsan niya kaya pumasok sa isip ko ang mga alaala niya sa kanila. Ngayon ay mas naiintindihan ko na kung bakit mas pinili ni Elliana na mamuhay nang mag-isa luma at pasira na nilang bahay kaysa sa makisama sa mga mahadera niyang mga kamag-anak. Napakasama ng asta at pananalita. Akala mo ay hindi nila kamag-anak ang pinagsasalitaan nila ng masama. Binuhat siya sa loob ng ampunan at hinayaang magpahinga sa kwarto. Nakabantay lang din ako sa tabi niya dahil nag-aalala ako. Baka ito na ang sinasabi ng ta

