Chapter 17

1413 Words
Chapter 17 ANDREW "ANONG paalam mo sa mga matandang hukluban sa tuwing umaalis ka sa mansyon at nagpupunta rito?" tanong ni Freya sa akin. Binisita ko siyang muli sa kaniyang bahay dahil sa pag-aalala sa kakaibang kinikilos niya nitong mga nakaraang araw. "Ang alam nila ay umuuwi ako sa bahay namin ni Lincy. Wala kang dapat alalahanin dahil hindi naman sila nagtatanong ng detalye. K-kumusta ka rito? Ilang araw ka nang hindi pumapasyal sa mansyon. H-hinahanap ka na rin nila," nag-aalalang tanong ko. Mukha kasi itong nanghihina dahil sa hang-over. Wala rin siyang sinasabi sa akin tungkol sa nangyayari sa kaniya. Hindi ko alam kung minomolestiya pa rin ba siya ng tatay niya. Para akong nananaginip no'ng sabihin niyang inaabuso siya ng sarili niyang ama. Hindi ang tatay niya ang klase ng lalaki na pagdududahan mong gumagawa ng ganoong klase ng bagay. Mabait ito at matulungin. Umaasta pa ito ama sa mga kabataan sa lugar namin. Napakagaling niyang magtago ng totoong kulay niya. Ngunit, mas magaling magtago si Freya ng totoong nangyayari sa kaniya. Walang sinumang nakapansin na sa likod ng sopistikada niyang kilos at pananamit, isama pa ang palaban niyang personalidad ay nagtatago ang isang mantsa sa kaniyang pagkatao na kailanman ay hindi na maaalis pa. "Sinong naghahanap? Ang walang hiya kong tatay o ang kunsintidor kong nanay?" matabang na sagot niya sa akin habang nakatingin sa malayo. "L-lahat kami. W-wala bang bumibisita sa'yo rito?" "Ba't ba napakarami mong tanong, Andrew? Ano ba ang pakay mo sa pagpunta mo rito?" tila ay inis niyang tanong sa akin. "I missed you, babe. Hindi mo sinasagot ang mga messages at tawag ko. Nag-aalala na ako sa'yo," masuyong sabi ko sa kaniya. "Bakit mo pa ako ma-mi-miss? Nakuha mo na ang pakay mo sa pagpapakasal mo kay Lincy. Nailipat na sa pangalan mo ang coffee farm at ang bahay ninyo." "You know that I married her for you. Hinangad ko na maging mayaman para maging deserving ako para sa'yo. Ikaw lang naman ang ayaw sa akin dahil hindi ako mayaman. Pero ngayon ay nagma-may-ari na ako ng isang malawak na coffee farm at magarang mansyon. Ayaw mo pa rin ba sa akin? Hindi pa rin ba sapat iyon sa'yo?" "I want everything that Lincy had. Gusto ko 'yong buhay na mayroon siya. I want to be as filthy rich like her. I want to be complete and happy like her! Naiintindihan mo ba ako?! Gusto kong makuha ang lahat ng mayroon kay Lincy!" sigaw nitong sabi at ang hindi ko inasahan ay ang pagtulo ng masaganang luha sa kaniyang mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang katindi ang insecurity niya kay Lincy kahit noong mga bata pa kami. Sa kabila ng pag-ampon sa kaniya ng mga magulang ni Lincy ay hindi humupa ang matinding lihim na galit at inggit niya sa kaniyang best friend. Sa halip na kainisan ko ang ganoong pag-uugali niya ay kinaawaan ko siya. Namuhay siya sa galit at inggit simula pa lang noong high school kami. "No offense, babe. Bakit ka pa na-i-insecure sa isang taong patay na? Hindi mo man makuha ang mga bagay na mayroon siya ay puwede ka namang magkaroon ng mga bagay na masasabi mong sarili mo. Buti ka pa nga kasi inampon ka nila at pinagtapos sa pag-aaral. Eh, ako? Kung hindi pa ako pinakasalan ni Lincy ay hindi man lang ako magkakaroon ng mga bagay na napunta sa akin ngayon. Sa pagkakaalam ko ay malaki rin ang sahod mo sa pamamahala sa ilang negosyo ng kanilang pamilya. Dapat ay nagsasaya ka sa buhay mo." "Oo, patay na siya pero halos lahat ng bagay at tao sa paligid ko ay puro tungkol na lang sa kaniya. Oo nga, may nakuha kang farm at mansyon pero hindi lang ganoon ang gusto ko. At bakit ako magiging masaya sa pagkakaroon ng malaking sahod? Dapat lang iyon dahil pinagsisilbihan ko sila." "Babe, huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo. May sarili ka ng bahay at puwede nating pagsamahin ang mga assets natin. Ang bahay na napunta na sa pangalan ko ay maaari nating ibenta para magkaroon ng funds. Malaking pera rin ang makukuha natin roon," suhestyon ko. "Stop it, Andrew! Basta gusto kong makuha kung ano ang deserve ko. Kung ayaw mo na akong tulungan at kontento ka na sa karampot na nakuha mo, fine! Bahala ka sa buhay mo!" singhal nito sa akin. "Ano ba ang plano mo?" curious kong tanong sa kaniya. Ngumisi ito nang napakalapad. "Hindi ba't ang gusto nila ay i-donate ito sa mga nangangailangan?" "Oh, tapos?" "Magpapakabait ako sa kanila hanggang sa magdesisyon silang ipamana sa akin ang mga ari-arian nila," buong pagmamalaki niyang sabi sa akin. "Ang ibig mo bang sabihin ay gagayahin mo ang ginagawa nila? Magiging pilantropo ka rin na tutulong sa mga nangangailangan para kumbinsihin sila sa karapat-dapat kang pamanahan ng ari-arian nila?" "Exactly!" "At ano naman ang magiging ambag ko sa plano mo?" "Ibebenta mo ang bahay mo ang bahay ninyo ni Lincy at palalabasin nating itutulong mo iyon sa mga nangangailangan." "I-Ibebenta ko?" "Oo. Akala ko ba ganoon ang gusto mong mangyari? Sa pagkakatanda ko ay iyon ang sabi mo kani-kanina lang. " Napalunok ako nang ilang ulit. "Sinabi ko nga na ibebenta ko pero 'yon ay para sa atin. Gagamitin natin sa pagsisimula natin at hindi para ipamigay. Seryoso ka ba talaga diyan sa naisip mo?" "Paano sila maniniwala na desidido tayong maging pilantropo kung wala silang makikita na tulong na nagmumula sa atin? Isipin mo, kapag nalaman nila na ibinenta mo ang bahay ninyo ni Lincy at ipinamigay sa mahihirap ang napagbentahan ay matutuwa sila sa'yo at iisipin nilang pareho kayo ng goals kaya malaki ang possibility na ipagkatiwala sa atin ang iba pang mga ari-arian nila." Kahit maganda sa pandinig ang plano niya ay hindi ko maiwasang magduda. "Paano mo naman nasisiguro na ipagkakatiwala nila ang mga ari-arian nila? Ako nga na asawa ng anak nila, walang nakuha sa mga pundar ni Lincy noon." "Una, wala silang ibang anak na puwede nilang pamanahan. Pangalawa, narinig ko ang usapan nila. Gusto raw nilang ibigay ang mga ari-arian nila sa mga taong may kapareho raw nila ng layunin sa pagtulong sa kapwa. Kaunting arte lang ang kailangan natin, Andrew. Kaunting sakripisyo. Isipin mo na lang ay namumuhunan muna tayo. At isa pa, ayaw ko ring tumira sa dating bahay ninyo ni Lincy." "Ibig sabihin ba ay hindi na kasama sa mga plano natin ang pagpatay sa mag-asawa para makuha ang yaman nila?" Medyo guminhawa naman ang loob ko sa posibilidad na hindi na namin kailangan pang masangkot sa krimen. Interesado ako sa yaman ng pamilya ni Lincy pero hindi ako pinatatahimik ng pagkawala niya. Aminado akong kasama ako sa nagplano na patayin siya para makuha ko ang ari-arian niya pero hindi ko naman akalain na uunahan na ni Freya. Natatakot ako na matuklasan nila ang nangyari at mapahamak kami. "Depende," nakangiting sagot niya sabay tingin sa hawak niyang baso na may lamang alak. "Anong ibig mong sabihin?" "Alam mo na 'yon. Kapag hindi sila nakuha sa santong dasalan ay dadaanin natin sila sa santong paspasan. Isang option lang natin ang pagpapakitang gilas, kapag hindi effective, eh, 'di papatayin na rin natin sila para makasama na nila ang mahal nilang anak na si Lincy. Sinabi ko naman sa'yo na gagawin ko ang lahat para makuha ang gusto ko sa pamilya nila." Sumilay muli sa dibdib ko ang kaba dahil sa kakaibang reaksyon ng kanyang mukha habang iniisip ang tungkol sa yaman nina Lincy. Kung hindi ko lang siya mahal ay iisipin kong nasisiraan na siya ng ulo. "M-malay mo naman ay maging effective ang plano at hindi na natin sila kailangang saktan," pangungumbinsi ko sa kaniya. Natawa lang siya. "Natatakot ka na ba? Bakit? Minulto ka na ba ng asawa mo? Dapat talaga ay maging effective ang plano para wala ng buhay ang susunod na mawawala." "Nakakakonsensya kasi mabait sila sa atin. Tinanggap nila tayo sa buhay nila at tinulungan. Nakokonsensya rin naman ako na pinagbabalakan natin sila ng masama." "Ayaw ko makarinig nang ganyan, Andrew! Kung pinangungunahan ka ng takot ay hayaan mo na ako. Makakasira ka lang sa mga plano ko. Subukan mo lang na kumanta tungkol sa nangyari. Ikaw naman ang isusunod ko," pagbabanta niya sa akin. Wala akong mahagilap na anumang salita para salungatin ang sinabi niya. Unti-unti ko nang gusto umatras sa napagkasunduan namin at makontento na lang sa mansion at coffee farm pero alam kong kagagalitan niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD