VINCE’s POV
Ampangit niya.
‘Yan ang unang pumasok sa isip ko nang mapatingin ako sa kanya kanina. Sa sobrang kapangitan niya ay hindi ko na siya magawang tignan ulit. Damn! I can't imagine someone as handsome as me, someone as amazing as me, someone as awesome as me will be married to someone as ugly as her.
“Hijo, saan mo ba balak magpakasal?” nakangiting tanong sa akin ni Don Eusebio de Castillote.
“Sa langit po.”
Niyuko ko ang pagkain sa harap ko na hindi ko naman magawang kainin dahil sa asar sa nangyayaring pag-uusap ngayon.
“Are you saying na sa ere kayo magpapakasal ng anak ko?!” magkadikit ang kilay na tanong ulit nito.
Napasulyap ako sa aking ama. Imbes na ngiti ay ngiwi ang nasa mga labi niya. Matalim niya akong tinitigan.
“Dad, I think his idea is great!” singit ni Pangit.
Nasa boses niya ang excitement kaya nakangangang napatingin kaming tatlo sa kanya.
“That will be a one of a kind wedding, Dad! Imagine, nasa eroplano kami pagkatapos doon kami magpapalitan ng vows. Then, after we kiss, sabay kaming mag-i-sky diving! Isn't it wonderful, Dad?!” napakalapad ng ngiting sabi niya.
Napangiwi ako sa kanya. Sheez! Hindi lang pala siya pangit. Napaka-slow pa niya. Sky diving? Hello?! Baldado kaya siya! At ano 'yung sinasabi niyang halik? Kiss?! Kami maghahalikan? I looked at her braces. May tinga pa ata ito ng karneng nginunguya niya. Bumaliktad ang tyan ko. Nagkabuhol-buhol ang mga bituka ko. Nasusuka ako sa pag-imagine na maghahalikan kaming dalawa. Eww. Agad kong inabot ang baso ng tubig at uminom mula rito. Inubos ko ang laman ng baso para mapigil ang pagduduwal na nararamdaman ko.
“Yeah! That is really a great idea! Ang talino mo talaga, anak!” Nakangising tinapik ni Dad ang balikat ko. I wanted to shout at his face how fake he was pero nang lingunin niya ako ay may pagbabanta sa kanyang mga mata.
“If that's what you want then so be it.” Nakangiti nang bumaling sa akin ang Don.
Napilitan tuloy akong ngitian siya. Hopefully, hindi niya mapapansin ang nakatagilid na ngiti ko.
Oh, Gosh! I will be the laughing stock of my friends, of my girls, of everybody who knows me. I hate how my own father manipulated this whole charade.
Sumulyap ako sa babae sa harap ko, my would be bride. Nanginig ako not because of excitement but because of... because of... Heck! May visible na mga tahi pa siya sa mukha niya! I should pity her but I can't really help not to cringe at how she looks.
“Ah, hijo. Saan mo naman dadalhin ang anak ko para sa inyong honeymoon?”
Nasamid ako ng sarili kong laway dahil sa tanong ng Don. Inihit tuloy ako ng ubo.
“Ahrmp!” I cleared my throat. Hell! Walk out na walk out na ako.
“K-kung s-san po niya g-usto.” C'mon! Honeymoon?! Pulot gata?! Lovemaking?! Never! As in never.
“Pa, I don't think we need to go out of the country. Kahit saan naman ay okay lang sa akin,” sabi ni Pangit tapos ay nakangiti siyang sumulyap sa akin.
I wanted to ask her kung okay lang na dalhin ko siya sa impyerno but I shut my mouth.
“Sabagay, sa sitwasyon mo, for sure mahihirapan ka sa biyahe. Saan n'yo ba balak tumira pagkatapos ng kasal?”
Damn it! Para akong sinusunog sa kinauupuan ko sa ginagawang interrogation ng matandang lalaki.
“Ah, Balae. May ipinatayong bahay si Vince para sa mapangangasawa niya. Nasa isang bagong subdivision 'yun na two hours drive lang mula rito.”
Fuck! Oh, no, no! Hindi pwede!
Totoong may ipinatayo akong mansyon sa isang lupain sa Montero na nabili namin ng 5 Kings. At halos sabay-sabay kaming nagpatayo ng bahay doon last year. Doon na nga nakatira sina Tj at Raine kasama ang kanilang guwapong unico hijo pati na rin sina Harry at ang kanyang pamilya. Doon ko balak iuwi ang babaeng mamahalin ko gaya ng pagmamahal na ibinibigay ng mga kaibigan ko sa napangasawa nila. At wala sa plano ko na paapakin ang pangit na babaeng ito roon.
I looked at Dad. Palihim akong umiling sa kanya. Tumitig siya sa akin na may pagbabanta. It's as if he was telling me: subukan mong tumanggi at mabubungi ka. Oh, how I hate my father more.
“Anong masasabi mo, hija?” bumaling siya kay pangit at hindi ako maaring magkamali, ngumiti rin siya na may kasamang ngiwi.
“Kahit po saan. Hindi naman po ako mapili.” Wow, as if I have a choice my self.
“Sabagay Balae, tingin ko mas makabubuti nga iyon sa mga bata para mas makilala pa nila ang isa't isa. Malay natin next year ay may apo na tayo.” Tumawa ang Don. Nakitawa rin si Dad. Nakitawa rin si Pangit. Ako lang ang hindi tumawa kaya napatingin silang tatlo sa akin kaya no choice, nakitawa na rin ako.
“Ah! Hehe.” Tang-inang tawa ito, basag.
Apo? Anak?
Never in my wildest dream!
Pagkatapos ng lunch ay nag-usap ang mga matatanda. They would probably plan regarding me handling the Castillote's businesses. Itinulak ko naman ang wheelchair ni Pangit papunta sa garden ng kanilang marangyang tahanan.
“Okay lang ba talaga sa’yong magpakasal sa akin?” tanong niya habang tila pinag-aaralan ako.
I wanted to say no pero naalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Daddy. Para sa business... para mapatunayan sa dad ko ang kakayanan ko, I will marry her.
“Y-yeah, of course!” pabigla kong sabi.
Tumingin siya nang matiim sa akin. I know she wanted me to explain.
“You're handsome. Siguradong maraming babae ang naghahabol sa’yo. Bakit ka pumayag sa arranged marriage na ito?” Langya. Anong sasabihin ko?!
“Ah, because I want change? I mean, girls nowadays are as playful as boys. Bibihira na lang ang seryoso at ang totoo. When I saw your picture, alam kong kakaiba ka. That you are a serious type of woman.”
Seriously ugly type of woman.
“And ah.. I wanna give it a try with you.”
Alam kong napaka-lousy ng sinabi ko at tanga lang ang maniniwala roon. At ang babaeng kaharap ko ngayon ay isa sa mga naniwala.
“I'm happy at 'yun ang tigin mo sa akin.” She smiled sweetly at me. See? I told you. Hindi lang siya pangit. Mahina rin ang utak niya. “Sana hindi importante sa’yo ang panlabas na itsura ng tao.”
I wanted to tell her that it is important to me. Hindi ba kaya nai-in love nang bigla ang mga tao ay dahil sa itsura? Dahil iyon ang unang nakikita ng mga mata at umaakyat sa utak na nagdidikta kung dapat mahalin ang isang tao o hindi. We fall in love first with the looks and then with the heart. That is a reality.
“Of course not! Hindi ako ganon kababaw!”
Sana hindi ako tamaan ng kidlat sa mga kasinungalingan ko. I somehow felt guilty so I held her hand. It was surprisingly soft. Kung hindi ko lang nakikita ang pagmumukha niya, iisipin kong isang napakagandang prinsesa ang nagmamay-ari ng kamay na hawak ko ngayon.
“Ang suwerte ko naman pala sa’yo kung ganon.” Pinisil niya ang kamay ko. Nakaramdam ako ng pangingilabot. Nandidiri na naman ba ako?
“Sana ganon din ako sa’yo.” I whispered.
She heard it ngunit iba ata ang pagkakaintindi niya. Thank God.
“Don't worry. Darating ang araw na mapapatunayan ko sa’yong suwerte ka sa akin.”
Oh, no! I hope she won't have false hopes because what she said will never happen.
“Yeah. I'll be looking forward to that.”
With what I've said, she once again gave me that creepy smile of hers.