CHAPTER 5

1224 Words
EA’s POV Kanina pa ako nagpipigil ng tawa sa lalaking nasa tabi ko. For sure kanina pa ito uwing-uwi. Totoo, guwapo siya. Totoo, hunk siya. Totoo, magaling siya. Magaling siyang magbuhol ng mga rason. Magaling siyang magpalusot. Magaling siyang artista. He was such a fake. Paanong hindi ko malalaman ang nga bagay na ito eh napaka-transparent niya? I can see his fake smiles. I can his fear regarding this marriage. Bumabaha ang pandidiri niya sa akin behind those fake laughter and smiles. I can see through him. I believe, he even thinks that I am stupid. A moron. An embecile. Gayunpaman, alam kong may malaki siyang maitutulong sa pagtatago ko ng totoong itsura ko. Alam kong kahit papano ay may magagawa sila ng pamilya niya kung sakaling muli akong guguluhin ni Franco. Oo, mayaman kami pero pagdating sa impluwensiya, konti lang ang mapagkalatiwalaan namin dahil lahat sila, nabili na ni Franco ang loyalty. And I know, the Ordoñez family do not belong to that crowd. Mapiprinsipyo sila at hindi basta-bastang naiimpluwensiyahan. Maybe, just maybe, kahit ganyan ang ipinapakita niya ay matututo siyang pahalagahan ako kahit papano. I really hope so. “EA.” Napalingon ako sa kanya kaya natigil ang pag-iisip ko. Handa ko bang isuko ang lahat ko sa lalaking ito? Handa ko bang ipagkatiwala ang buhay ko sa kanya gayong pinandidirihan niya na ako sa itsura ko pa lang ngayon? Paano kung makikita niya ang totoong itsura ko? Paano kung katulad siya ni Franco na pagkatapos kong pagkatiwalaan at mahalin ay itatrato akong isang trophy na kailangang itago? Paano kung hindi niya matanggap na niloko namin silang mag-ama? Na hindi totoong pangit, imabalido at bobo ako? Paano kung malalaman niyang hindi totoong palugi na ang aming negosyo? Paano kung malalaman niyang ginagamit lang namin sila? “Ahem! EA, I'd like a simple civil wedding.” Nakatingin lang siya sa kamay kong hawak pa rin niya habang sinasabi iyon. Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Imposible namang mairarampa niya ako sa mga kakilala niya. “Why? Ikinakahiya mo ba ako?” Imbes na tugunan ang sinabi niya ay 'yan ang sinabi ko. Ansarap niya kasing paglaruan lalo na at kitang-kita ko ang hirap niya sa paglunok at ang pamumuo ng mga pawis niya sa noo. “Hindi! Hindi kita ikinakahiya! Ah, paano ko ba ie-explain ito, damn it?!” bulong niya na rinig na rinig ko naman. Napataas tuloy ang kilay ko sa kanya. Ganito na pala ang bumulong ngayon. “Ah, ganito kasi iyon. May usapan kasi kami ng mga kaibigan ko na magpapakasal kami sa iisang simbahan at sa iisang petsa. Ah.. Ang gusto ko sana kapag dumating ang araw na iyon ay makakapaglakad ka na. 'Yun. Oo, 'yun nga ang reason kung bakit gusto ko sanang mag-civil wedding ceremony muna tayo. Oo, tama. 'Yun nga!” Hay! Maniniwala na sana ako kaso parang sarili niya mismo ang pinaniniwala niya sa mga sinasabi niya. “Okay. Kung iyan ang gusto mong mangyari, papayag ako.” I grinned at him. “Talaga?!” Bakas na bakas sa mukha niya ang sobrang galak sa pagpayag ko sa gusto niya. Lalong lumuwang ang pagkakangiti niya. 'Yung bang labas pa ang gilagid niya. Pero in fairness ang guwapo pa rin talaga ng mokong. “EA...” “Hmm?” “Bakit ampa--- I mean, iyan na ba talaga ang itsura mo? Bakit ka ba nagkaganyan? Hindi na ba magagawan ng paraan ng operasyon iyang umm, m-mukha m-mo?” Hahaha. Bakit ampa---ngit ko? “Naaksidente kasi 'yung sinasakyan kong kotse. Nag-drive lang ako nang mabilis isang araw hanggang ma-realize kong hindi pala ako marunong mag-drive,” seryosong-seryoso ang boses na sabi ko sa kanya kahit na sobrang kabobohan ang maniniwala sa sinasabi ko. “Eh, bakit ka ba kasi nag-drive nang mabilis eh hindi mo naman pala alam mag-drive?” kunot-noo nitong tanong. Teka, akala ko ba ako ang nagpapanggap na bobo at uto-uto rito? Since parang naniniwala naman siya sa sinabi ko, ipinagpatuloy ko na lang ang paghabi ko ng kasinungalingan. “Wala lang. Feel ko lang.” Napanganga siya sa akin. Nang makabawi ay ipinagpatuloy niya ang pang-i-interrogate sa akin. “Pwede bang makita 'yung itsura mo noon? Noong 'di ka pa ganyan kapa-- ahem, noong 'di ka pa naaaksidente?” Haha. Ano ba, Vince Ordoñez? 'Di pa kasi diretsuhing pangit talaga ang itsura ko nang 'di na siya nauutal. “Pinasunog ko na lahat ng pictures ko. Ayoko na kasing maalala pa 'yung itsura ko noon. Isa pa, parang mas okay naman na ngayon ang itsura ko. 'Di ko na kailangang magpunta kung saan para lang magpaganda. 'Di ba sabi mo espesyal naman ako sa paningin mo?” Maamo akong tumingin sa kanya. Totoo 'yung sinabi ko sa kanya. Wala na akong natitirang larawan noong 'maganda pa' ako. Lahat 'yun ay ipinatago ko. Lahat ng social media accounts ko ay dineactivate ko. Paniwalang-paniwala ang lahat na isa na akong pangit na imbalido. Kung bakit hindi ko pa ibinabalik ang dating itsura ko? Sabi nila ay bitter daw ako dahil nagsimula na akong layuan ng mga kalalakihan at ng mga kakilala ko dahil sa naging itsura ko pagkatapos ng 'aksidenteng' kinasangkutan ko. Ang daming peke sa mundo. Gusto ka lang nila kapag maganda ka, sikat ka at may kailangan sila sa’yo. Kaibigan? Wala ako niyon dahil kay Franco. Nang maalala ko siya ay biglang nagdilim ang aura ko. “Ha?! Ah, m-mas maganda sana kung ipapaayos mo 'yung mukha mo kahit konti lang. 'Yung ipatanggal natin 'yung mga visible na tahi. Tapos ipaayos natin 'yung mga kilay mo. Then tanggalin mo na 'yung braces mo kasi pinapalaki niya lang 'yang bunganga mo. Ipa-salon din natin 'yang buhok mo na parang walis tambo kasi sa tigas at saka...” Napatigil siya nang makita ang reaksyon ko. “Hey! I'm sorry if I offended you. I was just curious and concern you know,” nag-aalalang sabi niya nang makita ang walang kangiti-ngiti kong mukha. Yeah. I was somewhat offended. Sabi niya, hindi mahalaga sa kanya ang pisikal na itsura ng isang tao tapos andami naman niyang gustong ipabago sa itsura ko. Katulad din siya ng iba. Maturuan nga ng leksyon ang lintek. “Akala ko ba tanggap mo ako? Akala ko ba kahit ganito ako ay mamahalin mo ako? Sinungaling ka! Huhuhu!” Tinakpan ko ng dalawang palad ko ang mukha ko at yumugyog ang mga balikat ko sa impit na paghagulgol. Ng tawa. Hahaha. Naluha pa nga ako. “s**t! EA, please stop crying... oh, s**t!!” Tarantang pinaghahaplos niya ang mga balikat ko. Napapiksi ako sa ginawa niya. Para kasing may dumaloy na kuryente sa mga balikat kong dinaanan ng mga palad niya. Nagkunwari akong tumigil sa pag-iyak. Inalis ko ang mga palad ko sa mukha ko. Pinalambong ko ang mga mata kong basa pa sa luha (dahil sa kakatawa) at tumitig sa kanya. “A-ayaw mo sa a--akin?” nanginginig ang mga labing tanong ko sa kanya. Kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hah! I'm a better actor than you, asshole! “Yes! I mean, no! f**k! I like you, okay? I wouldn't marry you if I don't.” Hay, liar, liar burn on fire! “Talaga?” I innocently 'kuno' asked. “Yes!” Tumango-tango pa siya. “Then, prove it!” I challenged him with my eyes. “What do you want me to do?” sumusukong sabi niya. Ngumisi ako sabay sabing, “Kiss me!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD