ARCH ANGELO Dalawang linggo na ang nakalipas at bumalik na sa normal ang aming pamumuhay mula sa bungungot na nangyari sa amin.
Galit na galit ang papa kaya't hindi niya pinatigil ang imbestigasyong ng pangingidnap sa mga bata.
Marami kaming hahaka-haka na maaring kilala namin ang may kagagawang ng lahat ng iyon. Sa labis na pangangamba ay muli kaming naghire ng mga security personnel upang bantayan kami 24 oras.
Ayaw na naming muling maulit ang lahat ng insidenteng iyon. Sa ngayon ay inaalala na lang namin ang kalagayan ni Thirdy.
Masyado siyang tahimik dahil sa trauma at takot na naranasan para sa kaibigang sinalbahe ng mga sira ulong kumuha sa kanila.
Dalawang linggo na rin kaming walang balita kay Silang.
Ang tanging impormasyon na nakuha lang namin ay inampon siya ng isang prominenteng mag-asawa. Dumaan sa ilang araw na theraphy at councelling at wala na...
Mapapaayos na si Silang sa piling ng bago niyang mga magulang. Ayaw sabihin ni Father Robert ang mga detalye kay Silang dahil bawal ito para sa kapakanan ng pribadong buhay ng kumpkop sa bata.
Masaya na kami kahit papaano at mapapayos na rin sa wakas ang buhay ni Silang.
Ang tanging inaalala na lang namin ay ang kalagayan ni Thirdy sa ngayon.
Tanggap man niya ang kanilang paghihiwalay at hindi pagkikita ay may pag-aalala pa rin si Thirdy para sa kaibigan. Hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na kahit sa huling sandali ay makapagpaalaman sila ng maayos.
Halos mabiyak ang puso ko ng ihatid ko ang balita sa kaniya na hindi na namin siya pwedeng dalawin sa hospital noon at malabo ng magkaroon pa ng chance na magkita sila muli.
Nakakatakot ang kaniyang katahimikan ng sabihin namin ito sa kaniya. Mabuti pa sana kung umiyak siya o magwala gaya noong una.
Pero kakaiba ang kaniyang reaksyon.
Daig pa niya ang pagtanggap sa isang namatayang walang pag-asang mabuhay.
Pinasuri namin siya sa isang child psychiatrist kung ano ang kaniyang kalagayan. Labis ang aming pag-aalala dahil sa murang edad ay nakakaranas na siya ng depression.
Bunga ito ng pagkabigo na maging kapatid niya si Silang.
Pinilit namin siyang sumigla at ibalik ang lahat. Ilang araw na rin kaming naliban sa aming mga trabaho upang lagi lang siyang samahan.
Napansin ko na rin ang pangangayayat ni Roman sa pagbabantay at pang-aalaga sa anak niya. Masyado siyang naapektuhan kaya ako bilang kaniyang partner ay kailangang magpakatatag alang-alang sa mag-ama ko.
Kailangang ibalik ko ang sigla ng aking pamilya... Dalawang taon na kaming nagsasama ni Roman kayat panahon na sigurong ituloy na namin ang plano naming magpakasal. Minungkahi ko sa kaniya ang naiisip ko at pumayag siyang sa Amerika namin ganapin ang aming pag-iisang dibdib.
Siguro sa aming pagpapakasal ay maging kabawasan ito sa nararamdamang kalungkutan ni Thirdy.
Pinaalam ko na rin sa Papa ang plano, sa kabutihang palad ay wala siyang tutol.
Ayaw na niyang makialam sa aming desisyon at lalong ayaw rin niyang makipagtalo pa sa issue ng moralidad.
Sa America ay naganap anh aming kasal. Naging saksi namin ang ilang kamag-anak ko at kaibigan namin ni Roman. Si Thirdy ang tumayong bestman namin.
Tama nga ko na matatabunan ng kasalang ito ang kalungkutan ni Thirdy.
Kahit paano ay tagumpay kami na maiahon siya sa masamang karanasan.
Ganap na kaming tunay na mag-asawa ni Roman. Hindi man nanggaling sa akin si Thirdy ay inako ko na siyang anak na nagmula sa aking puso.
Anak ko siya kahit hindi kami magkadugo. Walang nabago bagkus ay lalo pang pinagtibay ang aming samahan bilang isang tunay na pamilya.
Isang buwan kaming namalagi sa Amerika upang sulitin ang aming wedding vacation. Isang buwan kaming namalagi sa tahanan ni Roman na namana niya sa nasirang Don Iñego.
Bumalik ang dating sigla ni Thirdy kahit kami lang ang kaniyang kasama. Upang malibang ay nag-adopt kami ng isang Siberian husky mula sa dog pound. Isang Siberian husky na mapagbubuhusan niya ng atensyon at pagmamahal.
Isa itong mungkahi ng eksperto upang tuluyang manumbalik na ang pagiging normal na bata ni Thirdy. Sumigla ng tuluyan si Thirdy ng dumating si Gorgon.
Gorgon ang ibinigay niyang pangalan sa kaniyang alagang aso.
Magkaiba ang kulay ng mga mata nito. Isang blue at gray na kung matitigan mo ay mapapatulala ka na parang estatwa sa pagkamangha. Natapos ang aming bakasyon at umuwi na kami ng Pilipinas.
Bumalik na sa normal ang lahat.
Hindi na namin narinig pa si Thirdy na mag-ampon pa ng bagong kapatid mula ng makapiling niya si Gorgon. Lagi niyang kasama ang alagang aso.
Siya ang personal na nagpapaligo, katuwang sa training. Pagpapakain at katabi sa pagtulog.
Namiss tuloy namin siya dahil hindi na siya natabi sa aming mag-asawa pagmatutulog.
Hindi na rin siya nananaginip ng masama. Masigla na siya sa pagkain at nanumbalik na ng tuluyan ang malusog na katawan. Nakakahawa ang kaniyang kasiyahan kaya't maging kami ay naging masaya na uli.
Salamat at balik normal na ang aming buhay. Nakabalik na kami sa aming mga trabaho. Maging ang kasiyahan sa aming tahanan ay nadadala ko sa aking opisina. Iba ngayon ang pakiramdam ko kesa noong nagsasama lang kami ni Roman.
Lalo ko siyang namimiss kahit mamaya lang ay magkikita kami para maglunch sa hotel. Ganito pala ang buhay may asawa. Walang oras kung siya ay tumawag o magtext. Kahit alam kong abala siya ay nakukuha pa niyang kamustahin ako sa aking ginagawa.
Daig pa namin yata namin ang mga straight na ikinasal dahil sa pagmamalasakit niya sa akin.
Maging ako ay random na rin sa oras kung mag text o tumawag. Ngayon ko lan naranasan ang ganito. He is a blessing in my life..sa aming lahat.
Dahil sa kaniya ay lalong lumago ang ang aming negosyo. Mula ng siya ay maging CEO ng Monleon Tower ay lalo pa itong naging sikat sa buong asia. Maging ang family magazine publication ko ay nadamay sa kaniyang ginawa. Tinanggap ng madla ang relasyon namin mula ng lumantad kami as live in partners at lalo pa ng ikasal kami.
Hindi kami hinusgahan ng mga nakakakilala sa amin, bagkus ay may mga sumuporta pa sa aming dalawa.
Ngayong kasal na kami ay walang sino man ang makakasira ng aming pagmamahalan lalo pa at nasa kalagitnaan namin ang aming anak na si Thirdy. Maayos na ang lahat. Hiling ko lang na sa paglaki ni Thirdy ay makita niya ang tunay at tapat na magmamahal din sa kaniya...
*****
ROMAN
Wala na akong mahihiling pa na makamtan pa sa buhay na nararanasan ko ngayon...
Isang anak at isang asawa na makakasama ko habang buhay.
Kahit oras ng trabaho ay masigla kong nagagampanan ang aking mga tungkulin. Multi tsaking ang takbo ng utak ko sa pag-iisip.
Sa aking asawa at sa aking anak.
Kahit sandali ay di ko nakakaligtaang alamin ang kanilang mga ginagawa. Naging routine ko na ito na laging ipaalam sa kanila ang mga nangayayari sa kain at alamin din kung ano ang sa kanila.
Dalawang lalake lang naman ang sentro ng buhay ko upang maging successful.
Si Arch Angelo at si Thirdy...
Hindi na ako nauubusan ng lakas dahil sa ligayang nadarama ko mula sa kanila. Hindi ko pa rin mapagtanto kung anong ligaya ang nararamdaman ko mula ng ikasal kami...
Ganito pala ang buhay may-asawa?
Wala akong pagsisi na makipag-isang dibdib kay Arch Angelo. Mahal ko nga talaga siya ng higit pa sa buong buhay ko.
Ha!Ha!
Talagang hindi ako makapaniwala na malaking kawalan pala siya kung hindi kami nagkatuluyan.
Mas malaking kawalan naman ako kung kung hindi ako nakatuluyan ng asawa ko. Ha Ha Ha!
Ipinagpapasalamat ko lang ay muling bumalik ang sigla ni Thirdy. Bumalik na ang dati niyang kakulitan bilang bata Salamat din at malaking tulong ang alaga niyang si Gorgon.
Nagpapasalamt din ako dahil naging mabuting biyenan si Don Juancho. Hindi nagbago ang pakikitungo niya kay Thirdy kahit ng malaman niyang hindi niya ito tunay na apo. Bagkus lalo niya itong minahal at patunay pa na ang pangalang Juancho Escobar Monleon III ay hindi inalis sa anak ko. Maayos na ang lahat.
Wala na akong agam-agam na magkakaroon pa kami ng problema dahil hindi ko na hahayaang may sumira pa sa aking pamilya.
Ang tanging dalangin ko na lang ay walang mabago sa pamilya Monleon pagdating sa anak ko. Kailangan ko na palang tawagan si Arch Angelo para sa aming pananghalian sa rertaurant ng hotel...
*****
DON JUANCHO
Isang twag mula sa isang kamag-anak ang natanggap ni Don Juancho.
Masaya niyang kausap ang kaniyang kapatid sa kabilang linya.
"Kamusta na Pura?"
"Anong kamusta? Ikaw ang kamusta at hindi ka man lang nagpunta dito ng ikasal ang anak mo."
"Business my dear Pura. Alam mo naming mahirap na rin sa akin ang bumiyahe ng malayo. Ano,kalian mo balak bisitahin ako dito sa masyon?"
"Are you sure na gusto mo ako umuwi dyan?"
"I'm opening my mansion to you,bakit ayaw mo bang makita ako?"
"Talagang nagbago ka na nga kuya. Tama ang balita sa akin ni Arch Angelo ng magkausap kami ng ikasal siya. Sige, aasikasuhin ko ngayon ang flight ko at ora mismo ay darating ako diyan. I missed your Thirdy at pati na rin ikaw kuya."
"Sige-sige, aantabayanan ko ang iyong pagdating. Namissed din kita Pura."
Matapos ang kanilang usapan ay nagpatuloy na sa pananghalian Don Juancho habang inaalala niya ang pangit at magagandang nangyari sa kanilang magkapatid.
Nangiti siya sa nabanggit ng nnakausap.
"Dahil kay Roman at Thirdy kaya ako nagbago. Dahil sa kanilang dalawa..."
*****
Ano ang hatid na istorya ni Donya Pura sa kaniyang pagdating sa pamilya ni Roma at Arch Angelo?
ABANGAN!!!