Araw ng pagbalik ni Donya Pura.
Siya nag nag-iisang nakababatang kapatid ni Don Juancho.
Isang mabait at pasensyosang matanda sa kaniyang nakakatandang kapatid.
Isang kadahilanan lang ng kanilang hindi pagkakaunawaan noon ay nang makasal ito sa lalaking ayaw ni Don Juancho.
Napilitan si Pura na sumama ng ayayin itong makipagtanan sa kasintahan at sapilitang ikasal ng mga magulang ng ito ay magdalang tao sa sinapupunan.
May kaya din ang napangasawa ni Pura Subalit pabagsak na noon ang negosyo nitong tabacalera sa bicol kayat ingat sila na baka gamitin ang kapatid na babae na maitaguyod ang negosyo ng tabaco ng kabilang pamilya.
Sa playground ng mansion ay naghihintay si Don Juancho sa pagdating ng kapatid kasama ang mag-asawang Roman at Arch Angelo na masayang pinapanood si Thirdy na nakikipaglaro kay Gorgon.
Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng busina mula sa labas ng gate.Agad na tinakbo ito ng isang kasambahay at pinagbuksan ng entrada.
"Lola Pura is Here!"
Ang sigaw ni Thirdy na patakbong lumapit sa kaniyang lolo. Huminto ang sasakyan at bumaba mula ditto ang inaasahang bisita.
"Pura! Welcome back!"
Nilapitan ng Don ang kapatid at niyakap.
Maging si Thirdy ay nakiyakap sa dalawang matnda.
"Lola!"
"Ay naku ang apo ko! Mababali yata ang balakang ko sa yakap mo e. Pakiss ako dali! Ay naku, Ang pogi-pogi! Ha ha ha ha!"
Tuwang tuwa ng Donya ng muling makita si Thirdy. Masaya din niyang binati ang pamangkin na si Arch Angelo at Roman.
Alam niya na mag-asawa ang dalawa dahil isa siya sa mga malalapit na kamag-anak na espesyal nilang inimbitahan bilang saksi sa kanilang pag-iisang dibdib.
"Basta sa pag-ibig, kung mahal mo ay walang masama!"
Iyon ang payo ng matanda sa bagong kasal kaya naging malapit sila dito.
Kahit pagod sa biyahe at jetlag ay inabot na sila ng gabi sa kwentuhan.
Bukas na mula kay Arch Angelo ang dating tahanan kaya't ikinatuwa ito ni Donya Pura dahil talagang nagbago na ang kaniyang kapatid. Iniwan na ng mag-asawa ang dalawang matanda na nagpapalitan pa ng kanikaniyang estorya.
Sa dating silid ni Arch Angelo magkasama silang tatlong mag-anak na matutulog. Gaya ng dati ay pinagitnaan nila si Thirdy.
Si Gorgon nama'y sa paanan ng kama nakapwesto na nagbabantay sa kanila.
Ugali ni Roman na pagmasdan muna ang mukha ng kaniyang anak bago matulog. Si Arch Angelo namay nakasanayan ng panoorin ang mag-ama sa ganitong pagkakataon.
Nagkatitigan sila at nagkangitian. Inilapit ni Roman ang kaniyang mukha kay Arch Angelo. Naglapat ang kanilang mga labi.
Kasama ito sa ritwal ni Roman bago matulog.
"I love you.."
Bulong ni Roman sa asawa.
" I love you too.."
Ganting tugon ni Arch Angelo at sabay silang natulog na yakap ang kanilang anak.
Ikalawang araw ni Donya Pura *
DONYA PURA
Salamat naman ata talagang malaki na ang pinagbago ni Juancho sa kaniyang ugali.
Akala ko noong una ay nagbibiro lang si Arch Angelo na nagkasundo na silang mag-ama noong araw ng ikasal siya. Nakakatuwa na sa kabila ng lahat ng mga pangyayari ay muli niyang tinanggap ang kaniyang anak.
Hindi talaga ako makapaniwala na sa tagal ng panahon ay maabutan ko pa na magbago ng tuluyan ang kuya. Akala ko pa nga ay maghihintay pa ako sa pagputi ng uwak kung magkakagayon. Hindi nap ala kailangan.
Tutal habang narito ako sa Pilipinas ay nais kong bisitahin ang naiwang lupain ng aking esposo.
Kasama na rin dito ang pakikipagkita ko kay Alexander. Sinamahan ako ni kuya sa Bicol gamit ang kaniyang private helicopter kayat mabilis kaming nakarating doon.
"Mama! Tiyo Juancho! Kamusta na po kayo!"
Ang bati sa amin ni Alexander ng kami ay dumating.
"Kamusta Ijo!"
Si Alexander ang aking anak-anakan na nangangalaga dito sa kapihan.
Ito na lang ang naiwan kong negosyo buhat ng mamalagi ako sa Amerika.
Malaki na ang pagbabago ng dating taniman ng Tabaco ng nasira kong asawa at ngayon ay isang malawak na kapihan na ang pumalit.
"Mahusay talaga ang kamay mo sa pagtaanim Alex."
Puri ni Juancho kay Alexander.
Bihira sa kapatid ko ang pumuri ng tao kaya't patuloy pa rin akong namamangha sa kaniyang tuluyuang pagbabago.
"Sinuwerte lang tiyo, Medyo maganda ang pwesto ng lupa mula sa bullkan kaya hindi gaanong naapektuhan ang lugar. Maganda naman po ang takbo ng negsoyo, katunayan ay nasa first class na kape na ang ineexport ko ngayon."
Nangiti ako ako dahil talagang maipagmamalaki ni Alexander ang kaniyang ginawa sa lupang naiwan ng aking nasirang asawa.
"Nag-eexport ka na pala ng kape? Bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi ka magsupply ng kape sa hotel?"
Nagkatiningan kami ni Alexander ng magsuhestiyon si kuya. Ang dating walang pakialam sa affairs ng aking pamilya ay nagpropose na ngayon na supply-an ang negosyo ng Monleon Tower?
"Go signal nyo lang naman ang hinihintay ko tiyo."
"You have my go signal- sa lalong madaling panahon ay asikasuhin mo ang request sa hotel na magsuplly doon."
Tuwang tuwa si Alexander sa kaniyang narinig dahil hindi pipitsuging hotel ang kaniyang su-supply-an ng kape.
Lalo siyang makikilala oras na dalhin ng negosyo niya ang Monleon Tower. Tuluyan na ngang nagbago si kuya sa kaniyang prinsipyo.
Kahit hindi na niya sabihin ang paghingi ng tawad sa akin ay tanggap ko na nag pagpapakumbaba niya.
Masaya na ako na maging si Alexander ay tinanggap na niya sa pamilya.
"I will talk to Roman para maiayos ang iyong transaction. Alam mo na siguro na siya na CEO ng Hotel hindi ba?Pwede ka naring sumama pabalik ng Maynila kung gusto mo?"
"Kayo po ang masususod Tiyo. Marami pong salamat."
Naalala ko na si Roman na pala ang CEO ng hotel ngayon at hindi na si kuya.
Mabait si Roman ayon sa aking obserbasyon at pihadong tatanggapin niya ang negosyo ni Alexander. Matapos ang maikling kwentuhan ay kumain kami ng aming pananghalian at namasyal ng sandali sa coffee farm.
Hindi na kami nagpaabot ng gabi at kailangan na naming bumalik muli ng Maynila.
Sa biyahe ay kasama na namin si Alexander upang doon paghandaan ang meeting nila ni Roman.
Sa mansion ni kuya kami tumuloy. Pinapunta namin si Arch Angelo dahil narito ang kaniyang pinsan. Isa pa ay bubuksan namin ang proposal ng kaniyang papa para sa kapihan. Nagpaunlak na pupunta sila kayat madali akong nakapaghanda ng aming dinner na pagsasaluhan.
Sakto naman ang kanilang pagdating at nakapagprepara na ako ng aming hapunan. Isang mini reunion ng aming pamilya dahil okupado namin ang mahabang lamesa. Masayang kumakain habang nagkukuwentuhan.
Sa library kami nagpulong patungkol sa suhestiyon ni kuya Juancho. Malugod na tinanggap ni Roman ang planong pagsusupply ni Alexander ng kape.
Ipinahahanda na lang nila ang ilang papeles upang maging pormal ang usapan. Nakakatuwa dahil bago man lang ako umuwi ng amerika ay may magandang kaganapan pala akong iiwan.
Ngunit nagkamali ako...
Isang hapon, oras ng siesta ay may isang fax message na natangap si kuya. Tulala siya ng iabot niya sa akin ang liham.
Mula sa isang private investigator office.
Binasa ko ang mensahe.
Don Juancho,
An update report regarding Arch Michael and his wife's death. Ayon po sa mga debris ng eroplano. May nakuha po kaming parts and fragments ng explosive device. Sir Juancho Hindi namatay ang mag-asawa sa plane crash. This is a murder.Pinasabog po ang eroplano kaya ito bumagsak 2 years ago...
Napaupo ako sa kalapit na silya sa akiing nabasa dahil sa panginginig ng aking tuhod at nararamdamang nerbiyos.
Nilingon ko ang kapatid ko.
Tulala pa rin ang kuya.
Isang masamang balita ito dahil ang aking pamangkin kasama ang kaniyang asawa ay hindi pala sa insidente namatay kundi sa sila ay pinatay...
****
Nakakagulat ang masamang balitang dumating kay Don Juancho sa tunay na dahilan ng pagkamatay ni Arch Michael at Mia Rosa. Sino kaya ang may kagagawan ng kanilang pagkamatay?
ABANGAN!!!!!