ARCH ANGELO
Kakahinto ko pa lang ng sasakyan ay nagmamadali na lang binuksan ni Thirdy pinto at patakbong lumabas ito.
Nakita ko na naman ang kaniyang pag-iyak.
Ni hindi na siya nakayang habulin ng kaniyang tatay.
Maging si Father Robert ay nilagpasan na lang niya ng makasalubonh.
"Kanina lang tayo nagkausap bigla naman kayong napasugod?"
Salubong sa amin ng matanda. Bumati ako at nagmano sa kaniya, patakbo ko na ring sinundan kung saan nagtungo ang anak namin.
Si Roman na ang bahalang magpaliwang kay Father kung bakit kami napahangos ng biglaan.
Sa likod bahay ng ampunan nakita ko si Thirdy na pumasok sa kakahuyan. Ngayin ko lang nalaman na malaki pala ang nasasakupang bakuran ng ampunan na ito.
Binagtas ko ang landas ng dinaanan ni Thirdy. May kataasan ang mga damo dito kayat mabilis siyang nawala na sa aking paningin.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang pangalang Silang na tinatawag ni Thirdy.
Naririnig ko pa rin ang kaniyang pag-iyak.
Dahandahan akong lumapit ng makita ko sila. Nagkubli ako sa puno ng manga at saka sumilip.
Naawa ako sa kanilang dalawa. Nakatalikod man si Thirdy sa akin ay alam ko na panay ang kaniyang pagluha.
Maging si Silang ay gayun din.
"Silang! Im sorry, hu hu hu!"
Ibinaba ni Silang ang mga dala niyang paggatong at tinakbo si Thirdy.
Nakakahabag na makita ko silang nagyakapan na tila matagal na silang magkakilala at paghihiwalayin ng pagkakaton.
Ang sakit sa dibdib na makita sila sa ganitong tagpo. Hinayaan ko sila na ilabas nila ang kanilang nararamdamang kalungkutan.
"Wag ka na umiyak uy..Di ka ba masaya na magkakaroon na rin ako ng mga magulang?"
"Hu hu hu! Gusto ko kasi na ikaw ang maging brother ko eh. Hu hu hu!"
"Pwede naman yun e. Kahit magkalayo,magkapatid pa rin tayo.
Di ba nga nagpramis na tayo?"
Inuuma ni Silang ang kaniyang kamay sa mukha Thirdy. Hindi ko alam kung ano ang kanilang ipinangako sa isat-isa.
Pero sa ayos ni Thirdy ay mukhang naluwagan na siya sa nararamdamang kalungkutan kahit papaano.
"Pangako, pagmalaki na tayo. Hahanapin kita. Magkikita tayo.
Ikaw ang best friend ko!
Ang kapatid ko!"
Nakakatuwa silang panoorin.
Maging ang anak ko ay nakisangga ng bisig kay Silang. Ibang iba na talaga ang kabataan ngayon lalo na sa dalawang ito na kahit sa murang edad ay alam na nila kung paano mangako sa isa't isa.
"Huwag ka ng umiyak kasi. Samahan mo na lang ako dalhin sa kusina ang pinangahoy ko."
Napangiti ako sa kanila.
Nagpahid na ng mga luha si Thirdy at sisingot-singhot pa na tinulungan si Silang sa pagbubuhat ng mga pinulot na tuyong sanga hinintay ko sila na makalapit at saka ako nagpakita.
"Ano okay na kayo?"
Nagkatingin pa silang dalawa at sabay na naglakad.
Nginitian nila ako hudyat na okay na nga sila.
Di man nila ako sinagot, batid ko na ayos na nga nag lahat. Sinundan ko sila at sabay-sabay na kaming nakarating sa likod ng bahay ampunan patungo sa labas kung saan naroroon ang dirty kitchen.
Nahiya pa ang kusinera ng makita akong tinutulungan ang mga bata sa pag-aayos ng mga napulot na panggatong. Matapos noo'y nagtungo na kaming tatlo sa tanggapan ni Father Robert.
Naroon silang magtiyo na hinihintay kami.
Pinaupo ang dalawang bata na magkatabi.
Talagang close ang dalawa at magkawak pa ng kamay na umupo.
"Thirdy, apo. Sana wag kang malulungkot kung hindi kayo ang nakaampon kay Silang ha. Let's just be happy for him kasi magkakaroon na siya ng mga magulang na mag-aalaga sa kaniya."
Paalaala ni father Robert.
Papaiyak na naman sana si Thirdy pero tinitigan namin siya ni Roman sa mata.
Nangungusap na huwag iiyak.
Na maging matapang at tanggapin na isang magandang pagkakataon para kay Silang na aampunin na siya.
Pigil naman ni Thirdy ang kaniyang gagawin. Nangangahulugan na naintindihan niya kami.
"I'm just sad kasi hindi ko na siya makikita lolo."
"Hindi ko pa masasabi na may chance kayong magkita. Nasa desisyon iyon ng bagong magaulang ni Silang kung papayag sila."
Paliwanag ni Father.
"But we still have this day na magsama pa kayo. Kahit mamasyal tayo ngayon na kasama si Silang ay pwede."
Nagkatinginan ang dalawang bata.
Ito pala ang pinag-usapan ng magtiyo habang wala kami. Tinakbo ni Thirdy ang kaniyang tatay at niyakap.
"Thank you! Thank you Tatay! Papa!"
Hinalikan namin siya sa magkabilang pisngi at saka niya binalikan si Silang sa uupuan.
"Mamasyal tayo Silang!
Ipapasyal ka namin!"
Ang masaya niyang sinabi sa kaibigan.
Pinahiram ni Silang si Thirdy ng masusuot dahil nakapantulog lang kasi siya ng kami ay dumating.
Suot naman ni Silang ang bagong damit na tanggap niya noong kaarawan ni Thirdy. Suot naman ni Thirdy ang damit na susuutin ni Silang sa pagdating ng bago niyang mga magulang.
Kakaiba talaga ang koneksyon ng mga batang ito.
Bigayan...
Nagpaalam na kami kay Father Robert para mamasyal. Babalik ng kinagabihan kung magyaya pang manood ng sine ang mga bata.
Maasya kaming sumakay ng kotse para mamasyal. Si Roman na ang tumawag sa opisina namin na hindi kami papasok.
Ipinaalam niya na importante ang aming lakad.
Iportante means "Family matters".
Kuha na iyon ng aming mg aassistant kung bakit hindi kami papasok.
Para talaga silang magkapatid kung nasusulyapan ko na magkatabi sa likurang bahagi ng upuan ko. Nagtatawanan, nagkukulitan,nagbibiruan at naglalaro ng pitik bulag.
Pansamantala nilang nakalimutan na bukas makalawa ay hindi na sila magkikita.
Nakakapanghinayang talaga...
Sa isang shopping mall kami ng bayan pumasok at sa isang restaurant muna kami kakain.
Kulang ang kinain namin kaninang agahan dahil sa pagwawala ni Thirdy. Isa pa ay gutom na rin talaga sila Thirdy dahil sa kaniyang pagsuka kanina.
Si Thirdy na ang nangunang umorder ng kakainin nila. Rib Patty, vegetable salad,pumpkin soup, cucumber juice,ice ream.
Kung hindi napigilan ni Roman ang anak niya baka mukhang fiesta ang lamesa namin sa dami na oordering ipapatikim kay Silang.
Isa kaming pamilya na nagsalo-salo kahit panandalian lang naming makakasama si Silang. Para sa anak namin ay kailangan naming sulitin ang huling araw na makakasama niya ang matalik na kaibigan.
Matapos kumain ay pinaglaro namin sila ng arcade games.
Doon kami nagtagal dahil lahat yata ng games ay kanilang sinubukan. Isang family date ang nangyari sa amin na madalas naman naming ginagawa.
Kakaiba ang kasiyahan ni Silang dahil halatang ngayon lang siya nakapamasyal ng ganito.
Sa kapaguran ay naisip namin ni Roman na iwan muna sila sandali upang ibili sila ng maiinom sa kalapit na fruit shake stall.
Paborito ni Thirdy ang melon kayat dalawa na ang aming inorder.
Sa amin naman ay freshed squeeze orange juice at apple cider ang inorder. Nang makapagbayad na ay bumalik kami ng arcade section.
Bawal pala ang anumang inumin sa loob kayat si Roman na lang ang pumasok upang sunduin ang dalawang bata.
Medyo natagalan ako sa paghintay sa kanilang paglabas.
Ilang sandali pa ay hangos na lumabas si Roman ng arcade ngunit hindi niya ksama ang dalawang bata.
"Wala sila dito!"
Kinabahan ako sa sinabi ni Roman. Iniwan ko na ang dala kong mga inumin sa lapag at sinamahan ko na si Roman pabalik ng Arcade para hanapin ang dalawa.
Nakailang ikot na kami at nagkasalubungan ngunit wala talaga sila.
Nagagalit na si Roman sa pag-aalala dahil wala talaga sa loob ang dalawang bata.
Tinanong namin ang secuirity guard subalit sa dami ng naglalabas-masok ay hindi niya napansin ang dalawa kung lumabas nga ang mga ito.
Naglakad kami baka nagsawa ang dalawang bata sa arcade games at nagtungo sa katabing toy store. Magkahiwalay kaming pumasok doon upang suyurin din ang lugar.
Gaya kanina ay bigo kaming makita sila.
Wala ang anak namin...
Huwag sanang isipin ng dalawa na tumakas sa o maglayas dahil sa kanilang paghihiwalay.
Inireport namin sa guard ang nangyaring pagkwala ng dalawang bata.
Pina-page namin ang kanilang mga pangalan sa buong mall upang marinig nila na naghihintay kami sa security office.
Kalahating oras na ang nakalipas subalit walang progreso agn aming paghihintay.
Sa ganitong pagkakataon ay pinareview namin ang CCTV ng arcade noong oras na iwan namin si Thirdy at Silang.
Kuha sa harap ng arcade ang aming pinanood.
Kinilabutan ako dahil nakita namin ang dalawang bata na lumabas...akay ng dalawang lalaki na tila takot at tahimik lang na sumama .
"Anak ko iyan!
Hindi namin kilala ang kasama ng anak ko!"
Ang sigaw ni Roman.
Agad na nagradyo ang guard na tumulong sa amin.
Tinawagan nila ang lahat ng security guard sa entrada ng mall baka sakaling hindi pa nakakalayo ang kumuha sa aming anak.
Ipinakita sa amin ang kuha sa may pintuan ng lobby ng mall.
Sa isang itim na van isinakay ang mga bata at saka umalis.
Malinis at hindi halata na kinuha sila sa amin.
"Sir, case po ito ng kidnapping!"
Nataranta na kami sa sinabi ng ng nakatalagang officer ng CCTV.
Agad nilang tinawagan ang station ng pulis upang iteport ang kidnapang naganap sa aming anak.
Magkahawak kami ng kamay ni Roman sa aming nalaman. Pareho kaming nanginginig sa kaba na baka mapahamak na ang mga bata.
"Dios ko! Ang anak ko! Huwag naman po!"
Niyakap ko si Roman upang iiwas sa pagwawala dahil pareho kaming natatakot para sa aming anak at sa kaibigan nito...
*****
Ano ang kakasapitan ng mga tagpong ito sa buhay ng pamilya ni Roman?
ABANGAN!!!