CHAPTER 4 ANG KAIBIGAN

1870 Words
SILANG Nakahiga si Silang sa manipis at lumang kutson. Nagpapahinga para makatulog. Kasama ang mga batang nasa kanikaniya niyang higaan, inisip niya ang mga nangyari kanina. Isang hapon siyang naging masaya sa pagbisita ng kaibigan. Ngayon lang siya nakadama ng tunay ng kaligayahan sa buong buhay niya. Bukod sa pari at sa mga social worker, kay Thirdy niya nadama ang isang pagmamahal ng isang pamilya. Sa dilim ay pinaiikot niya ang singsing ng pangako na isinuot sa kaniya ni Thirdy sa kaniyang palasingsingan. Sakto at parang sinukat sa kaniyang daliri. "Iingatan ko ito hanggang sa muli tayong magkita..." Nakangiti si Silang na iniisip ang pagbabalik ng kaisa-isang taong nagbigay ng importansiya sa kaniya. Isang pagmamalasakit na ngayon lang niya nadama ng tunay at totoo. Kung sakaling papipiliin, nais niyang laging makasama ang kaibigang nakilala. Ilang ulit na ba siyang nagpalipat-lipat ng bahay ampunan. Umasa na may magandang loob na mag-aampon sa kaniya ngunit ang lahat ay kabiguan. Kadalasan ay mga sanggol ang nauunang inaampon at bihira na ang mga nasa edad na kagaya niya ang mabigyan ng ganoong pagkakataon. Hindi na siya umasa na may maglabas sa kaniya sa apunan na isang pamilya at bigyan siya ng pangalan bukod sa "Silang - Baby from San Antonio." From San Antonio Chapel Laguna ang minsan niyang naririnig na patukoy sa kaniya. Isang pangalan kung saan sa silangang bahagi ng bakuran ng parokya siya nakita at napulot. Sa isang basurahan... Kaya ganoon na lang ang iyak niya ng itulak siya ni Jordan noong isang araw. Mukha nga daw siyang basura. Mula ng napulot ay inilagaan na siya ng gobyerno. Napalipat sa pangangalaga ng simbahan. Silang na ang tinawag sa kaniya. Isang record sa isang logbook. Walang Birth certificate. Walang dokumentong magpapatunay na siya ay pinanganak kundi isang kasulatan kung kailan at saan siya napulot. Isang bansag lang sa isang listahan. Isang batang sa basurahan nakita. Walang pangalang tunay. Silang lang. Kinasanayan na, kinalakihan na. Ewan kung kanino niya namana ang kaniyang katalinuhan. Sa edad na lima ay marunong na siyang bumasa ng letra. Sa edad na siyam ay matatas na siyang magbasa at magmemorya. Masisi ba siya kung may batang niinggit at nagagalit sa kaniya kung nangunguna siya sa pagsususlit ng mga social worker ng ampunan. Sa ngayon ay maituturing niyang magulang ay si Father Robert. Magulang din niya ang mabait na matandang hardinero. Maging ang supladang kusinera na walang ginawa kundi ang utusan siyang mag-igib sa poso,panguhain ng kahoy sa parang o paglamasin ng basahan at maglamapaso ng kusina ay magulang na rin niya. Basta may matandang nagbibigay sa kaniya ng atensyon ay magulang, isang ama o ina para sa kaniya na dapat sundin at igalang. Masaya sana kung lahat ng mga batang narito sa ampunan ay kapatid niya. Ngunit imposible. Kamakailan lang ay may umampon na sa isa niyang kasama na tatlong taon lang ang edad. Magdasal lang daw at darating din ang taong mag-aampon sa kaniya. Ilang novena na ba ang kaniyang nagawa. Noong natuto siyang magdasal ay iyon na ang panalangin niya sa simula pa lang-ang magkaroon ng isang nanay at tatay. Nang isang bahay na mauuwian at tatawaging tahanan. Isang bagong tulugan na masasabing kanya talaga. Ang makapasok sa eskwelahan. Mga magulang o kapatid na susundo sa kaniya pagkatapos ng klase. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa. Kay Thirdy...kay Thirdy niya naramdaman ang ganoong pinagdarasal. Sa kaniya siya nakadama ng isang kapatid na hinahanap. "Sana sila na lang ang kumupkop sa akin" Sa isip ni Silang patungkol sa pamilya ni Thirdy. Naramdaman niyang biglang bumukas ng bahagya ang pinto. Alam niya na si Father Robert iyon na sumilip upang siguraduhing himbing na nga silang magakasamang natutulog. Ipinikit na ni Silang ang kaniyang mga mata na may ngiti sa labi. Dinalaw na siya ng antok hanggang sa nakatulog. "Sana si Thirdy na lang ang kapatid ko..." ***** THIRDY Bumangon si Thirdy na puno ng kagalakan ngayong umaga. Wala na sa kaniyang tabi ang dalawang ama. Alam niyang may tao sa banyo na naliligo kaya't agad siyang lumabas patungo sa kusina. Alam din niyang ang tatay Roman niya ang naroon na naghahnda ng kanilang agahan bago pumasok sa opisina. Patakbo niyang niyakap ang kaniyang tatay sa tagiliran. "Good morning tatay!" "Ang aga naman gumising ng bata, parang hindi napagod kahapon ah?" Yumuko si Roman upang gawaran ng halik ang noo ng anak. Binuhat ito at pinaupo sa serving counter at muling pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga prutas sa tray na inuwi nila kahapon. Inihain niya sa lamesa ang mga ito upang matikman. "Wait lang natin ang Papa to finished his shower then will eat our breakfast." "Yes Tatay!" Pinonood ng bata ang ama na nagmamadali sa pag-aasikaso ng kanilang kakainin sa tulong yaya at ng kusinera. Inilahad naman ni Thirdy ang mga bisig ng makitang papalapit sa kanila si Arch Angelo na nakabihis na para sa pagpasok sa publishing office ng sarili nitong family oriented magazine. Kinarga ang bata, hinalikan sa noo at saka humalik sa labi ni Roman. Alam sa buong kabahayan ang realsyon ng dalawa kaya't lantad nila itong nagagawa. Maging sa paningin ni Thirdy ay normal niya itong namamalas dahil alam niyang nagmamahalan ang dalawang ama. "Everyday bumibigat na ang batang maliit. Di na kita kaya ha ha ha!" Inilipat niya ito sa kumidor ng lamesa. Kay Thirdy nakatalaga ang ulong bahagi ng hapag kainan dahil si Thirdy ang simbulo ng kanilang pagiging matatag na pamilya. Isa-isang inihain ang kanilang agahan. Isang heavy breakfast ang laging hinahanda ni Roman para sa kanila. Kabaligtaran noong siya ay bata at mahirap pa noon. Nilagang saging na sinawsaw sa bagoong ang tanda niyang iniyakan noong nagsisimula palang ang kaniyang tiyuhing pari. Ganoon niya naramdaman ang kahirapan sa murang edad. Ayaw niyang maranasan ito ng anak. Dati ay kasalo nila kumain ang mga kasambahay. Di naglaon ay tumangi na itong makisalo dahil sa hiya sa mga amo. Tanging ang yaya na lang ang kasabay nila upang alalayan ang bata sa pagkain. Mabait si Roman at Arch Angelo sa mga kasambahay nila. Bukod sa yaya, ang mga naroroon ay mga dati ng tauhan ni Don Iñego na katuwang na nila ngayon sa pangangalaga ng mansyon dela Vega. Magkatabi si Arch Angelo at Roman na nagpapakiramdaman kung sino ang mauunang magsasabi ng kanilang plano patungkol sa kanilang nagpag-usapan kagabi. Sa mga mata at mahinang senyasan ng mga labi sila nagkukulitan kung sino ang magsasabi sa anak. Si Roman ang bumigay. "What do you think anak, kung kausapin ko na si Lolo Robert mo about Silang for adoption?" Kunwang patay malisya naman si Arch Angelo habang pinapanood ang mag-ama na nag-uusap. Kahit narinig na ni Thirdy ang desisyon ng dalawa kagabi sa pag-ampon kay Silang ay ibang kasiyahan pa rin na harapang sabihin ito sa kaniya. "Really?! Really Tatay?! We will adopt Silang!" Sa kasiyahan ng bata ay halos talunin niya ang ama ng yakapin. Nawalan na siya ng ganang kumain sa sobrang kagalakan sa balitang aampunin na nila si Silang. " Come on Tatay-Papa! Call Lolo Robert! Tell him we are going to adopt Silang!" Hila pa niya ang kamay ni Roman upang tawagan sa telopono si Father Robert. Hindi na nila natapos ang kinakain dahil sa pangungulit ni Thirdy. "Okay, okay tatawagan na po! ha ha ha!" Pinakuha ni Roman ang wireless phone sa yaya. Tinipa ang mga mumero ng tiyuhin. Naghintay sandali at tinaggap na sa kabilang linya ang tawag. Si Father Robert na ang kausap ni Roman. Isinet niya sa loud speaker ang telepono upang marinig ng dalawa nga kanilang usapan. Masaya nilang binati ang nasa kabilang linya at nakipagkwentuhan sandali hanggang buksan ang paksa patungkol kay Silang. Alam sa kabilang linya na naririnig siya ng lahat kayat hiniling ng Pari na gawing pribado ang usapan nilang magtiyo. Ilang sandali pa... Nagbago ang tono ng pakikipag-usap ni Roman sa tiyuhin. Nawalan ng sigla ang mukha nito. Nadama ni Arch Angelo ang nagyayari kaya't hinawakan niya nga kamay ng bata. Halos pumiyok si Roman sa pakikipag-usap. "Im sorry Roman, pero two days from now ay kukunin na si Silang dito sa bahay ampunan. Matagal ng naprocess ang pag-aampon kay Silang. Ngayong umaga lang namin ito ipinaalam sa bata para masigurong tuloy ang pag-aampon sa kaniya. I'm sorry anak." " Sige po Tiyo, Salamat po ng marami. Tatawag na lang po ako uli mamaya." Ipinagtapat ni Roman kay Thirdy ang masamang balita. Tahimik si Thirdy na nakinig sa kaniyang tatay. Tahimik din siyang kumalas sa pagkakahawak ng kaniyang papa. Tahimik siyang lumakad patungo sa hagdanan pabalik ng kanilang silid. Tahimik din siyang sinundan ni Roman at Arch Angelo. Sa ikalimang baitang ng hagdan ay tumigil si Thirdy. "I will never see him again! Hu hu hu hu!" Palahaw ni Thirdy na halos marinig ng lahat sa buong mansion. Parang mapupunit ang puso ng dalawang ama ng bumigay si Thirdy sa masamang balita na may nauna sa kanilang ampunin si Silang. Agad kinarga ni Roman ang anak upang damayan ito sa kabiguan. Halos mataranta ang lahat maging ang mga tauhan ng mansion ay naroroon dahil isang masayahing bata si Thirdy at ngayon lang nila ito nakitang sumigaw at umiyak. "Shhh...shhh..shhh...I'm sorry...I'm sorry anak...don't cry please...just be happy for Silang. Di ba magkakaroon na siya ng parents. May mag-aalaga na sa kaniya. Don't cry please." Kahit anong punawa ni Roman sa anak tungkol sa magandang balita para kay Silang ay ayaw pa ring tumigil ni Thirdy sa pag-iyak. Lalong nataranta ang lahat ng sumuka pa ito at hindi na makahinga sa kakasigaw. Ikalawang pagkakataong nakita ni Arch Angelo na nagkaganito ang bata. Ang una ay ng malaman niyang bumagsak ang eroplano ng naunang magulang at muli itong naulit ngayon. Wala silang maisip kung paano papayapain ang damdamin ni Thirdy. Isa lang ang paraang naiisip ni Roman. "Hon! Go get my keys! Pupunta tayo ng orphanage!" Agad na tumakbo ng silid si Arch Angelo at kinuha ang susi ng kotse. Hindi na nila nakuhang bihisan pa ang batang nakapangtulog pa at isinama nila patungo ng ampunan. Isang oras at kwarenta minutos inabot ang biyahe ng patungo ng ampunan. Kahit kalmado na si Thirdy ay panay naman ang punas ng pawis, sipon at luha si Roman sa nakakandong na anak. Si Arch Angelo nama'y awang- awa sa bata habang nagmamaneho. Nakarating sila ng bahay ampunan. Nakilala sila ng bantay ng gate at agad silang pinapasok at giniya kung saan magpapark ng sasakyan. Pagkahinto ng kotse ay agad namang lumabas si Thirdy at patakbong tinungo ang likod ng bahay ampunan dahil alam niyang kung saan naroroon ang pakay. Halos hindi na niya napansin ang kasalubong na kadugong pari. Nagulat naman si Father Robert kung bakit hangos ang pamangkin na humahabol sa bata. Sa maliit na kaparangan tumakbo si Thirdy. Hindi na niya pansin ang mga dating nakakatakot na mga puno at maiingay na kuliglig. Wala na rin siyang pakialam sa mga damong amorseko na kumakapit sa laylayan ng kaniyang pyjama. Hindi na rin niya nararamdaman ang sakit ng maliliit na batong tumutusok sa kaniyang hubad na paa. Huminto si Thirdy sa pagtakbo. Nakita niya ang hinahanap na namumulot ng mga kahoy na panggatong. "Silang! Hu Hu Hu! I'm Here hu hu hu!!!" Napatigil si Silang sa kaniyang ginagawa ng makita ang tumawag sa kaniya na umiiyak... ***** Unang kabiguan ni Thirdy na magpapatibay sa kaniya. Sa susunod na tagpo, susubukin ang musmos na pagkakaibigan at ang dalawang ama ng isang pangyayari. ABANGAN!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD