THIRDY
Im really excited to see Silang.
I don't know why?
There is something in him that I like. Naaawa ako sa kaniya kasi wala siyang parents na kagaya ko.
Sabi ni Lolo, si tatay at papa na raw ang ituring kong parents.
Im happy ng maging papa ko si Uncle Arch.
Pero ng maging tatay ko na si Uncle Roman parang mas mahal ko pa siya sa tunay kong papa.
Tatay Roman makes me at ease.
He always listen to me kahit busy sa trabaho.
He have time na kausapin ako sa phone reminding me to take my vitamins, or kung nakaligo na ba ako.
He's just like my mama.
Lagi akong kinikiss at niyayakap. Namimiss ko na ang mama at papa ko. But because of tatay Roman and Papa Arch Angelo di na ako nalulungkot.
Akala ko si lolo na lang ang makakasama ko. Buti na lang at nakasama ko na sila tatay Roman at Papa Arch ngayon.
Sabi nila papasok na raw ako ng regular schooling this coming season at hindi na ako house tutorial.
Sana, marami pa akong maging kaibigan.
Speaking of kaibigan...
This Saturday ay bibisita kami muli kay Lolo Robert sa orphanage.
Makikita ko uli si Silang.
Kamusta na kaya siya ngayon?
Sana hindi na siya binubully nung bad kid nay yun or else talagang isusumbong ko siya kay lolo Robert ko.
I have some stuffs in my room na pwede ko ibigay kay Silang.
Ibibigay ko sa kaniya ang mga toys ko. Sabi ng Papa Arch na share what I have lalo na sa mga less fortunate.
Marami akong toys, marami akong damit, meron akong bagong parents. Si Silang wala lahat noon.
I saw his used wearings.
Ang laki at luma pa ang tshirt na suot niya. Kaya siguro siya nahiyang umattend ng party ko. Nakakaawa talaga siya.
Sana i-adopt na lang talaga siya ni Tatay at Papa para kasama ko na siya dito sa bahay.
May playmate at brother na ako.
I want to share my room with him. Even on my bed pwede siyang matulog na katabi ko.
Tapos sabay kaming papasok ng school.
Sabay gagawa ng assignment. Maglalaro ng video games.
Lahat ng wala siya, ipabibili ko kay tatay at papa.
Basta!
I cant wait na maging adopted brother ko na si Silang!
*****
Sumapit ang araw ng pagbalik nila sa bahay ampunan.
Rerepasuhin ni Roman at Arch Angelo ang kanilang planong pagtulong sa tiyuhing pari para sa mga batang nangangailangan.
Abala sa pagpupulong ang kaniyang mga magulang kaya't si Thirdy namay nakipaglaro na sa mga bata na nakilala niya noong huli nilang bisita dito.
Nasa 20 mga bata ang inaaruga sa bahay ampunan.
Liban sa pakikipaglaro,ang pakay talaga ni Thirdy ay ang kaibigang si Silang.
May kalakihan ang bakurang nasasakop ng ampunan. May maliit na clinic, public shower room at toilet, sleeping quarter ng mga bata at ilang staff, opisinang tanggapan, half court ng basketball, maliit na pantry at kusina.
May vegetable garden din makikita dito na alaga ng mga bata.
Nalibot na Thirdy ang lugar kung saan maaring makita si Silang ngunit bigo siya.
Isang lugar na lang pala ang hindi niya napupuntahan at iyon ay ang likod ng bahay ng ampunan kung saan una silang nagkakilala.
Madali siyang nagtungo doon ng mag-isa ngunit wala ang hinahanap.
Naglakad ng ilang hakbang nagbabakasakaling nasa paligid ng ang pakay.
Nakakita siya ng landas na kung saan lagi sigurong nilalakaran ito kayat hindi na ito ginagapangang ng mga damo.
Papasok sa parang ang daan.
Matapang niyang nilakad ito kahit matataas pa sa kaniya ang mga talahib at mayayabong na punong nakapaligid dito.
May puno ng sampaloc, cayomito, manga at sagingan. First time na makapasok si thirdy sa ganito lugar. Medyo natakot pa siya dahil sa mga huni ng kuliglig sa paligid.
Tanaw pa niya ang gusali ng ampunan kaya hindi siya nag-aalala na maligaw. Malakas nag kutob niya na narito sa paligid si Silang.
Ilang minutong paglalakad at hindi na niya matanaw ang gusali ng ampunan.
Tulayan na itong hindi matanaw dahil nasa loob na siya ng kakahuyan. Nalito na siya kung saan siya nagmula.
Nakadama siya ng takot.
Kung ano-ano na ang pumasok sa kaniyang imahinasyon na baka naligaw na siya.
Sa kalituhan at pagmamadali ay nawala na ang landas na dinadaanan niya.
Dalawa na ang hinahanap niya...si Silang at ang daan pabalik.
Gusto na niyang umiyak dahil sa takot na baka pagalitan siya ng kaniyang Tatay.
Numero unong habilin kasi sa kaniya na huwag lalayo lalo na kung nag-iisa.
Sa kaniyang malikot na kaisipan ay unti-unti na ring nagkakaanyo ang mga puno na tila mga halimaw na nakatingin sa kaniya kayat lalong nadagdagan ang kaba sa kaniyang dibdib.
Tumigil siya sa paglalakad at nagsimula na siyang umiyak sa takot.
"Psst!"
Isang sutsot mula sa puno ang kaniyang narinig kayat lalo pa siyang naiyak.
"Tatay ko!!!!!Wahhhhh!!!!"
Sigaw ni Thirdy sa pag-aakalang ang puno ng manga ang tumawag nh kaniyang pansin at nagtakip siya ng mga mata.
"Hoy bakit ka naiyak?!"
Nakilala ni Thirdy ang tinig at tiningala niya ito.
"Silang!!!Hu hu hu! '
Si Silang nga ang tumawag kay Thirdy na nasa itaas pala ng puno.
Nakatayo lang si Thirdy na patuloy sa pag-iyak.
Agad namang bumaba si Silang sa pag-aalala kung napaano na ang batang kaibigan.
Pagkababa ay agad niya itong nilapitan.
"bakit ka naiyak?"
"Hu hu hu! Akala ko kasi mag-isa lang ako dito eh.Hu hu hu!"
"Akala ko ba matapang ka?"
"Eh sa nakakatakot naman talaga dito kung mag-isa!Hu hu hu!"
"Tahan na, mamaya sabihin pa ng tatay mo pinaiyak kita. Tahan na uy!"
Pinunasan pa ni Silang ang mga luha ni Thirdy.
Kinalma naman ni Thirdy ang sarili.
Wala na ang pangambang siya ay naliligaw pa.
Naglaho na rin ang mga nakakatakot na mga puno.
Kasama na niya si Silang.
Hindi na siya nag-iisa.
Nagkamustahan ang dalawa at nagkwentuhan na parang hindi sila nagkahiwalay ng ilang araw.
Natural na bata kaya curious si Thirdy sa mga bagay na ginagawa ni Silang sa lugar na ito.
Naglaro, naglakad sa looban, umakyat ng puno, namitas ng mga prutas. Ngayon lang nakakain ng ganitong mga prutas si Thirdy.
Maging sa mga halamang makahiyang tumiklop ang mga dahon ay naamaze siya dahil ngayon lang niya ito nakita.
Nagmistulang picnic play ang kanilang pwesto na sinapinan pa ng dahong ng saging ang kanilang mga napitas.
Manga, bayabas, cayomito,hilaw na sampaloc, at sinigwelas.
Tuwang tuwa si Thirdy dahil ang lahat ng ito ay una sa kaniya.
Musmos talaga ang kaisipan at walang kamuwangan ang kanilang kasiyahan habang nagsasalo sa kanilang naipong mga prutas.
Nang manawa ay nagkwentuhan tungkol sa kanilang mga sarili. Nalaman ni Thirdy na hindi na nakilala ni Silang ang kaniyang mga magulang.
Ang alam lang niya ay lumaki siya sa bahay ampunan. Kung hindi nasunog o di kaya sobra sa bata ang lugar kaya napalipat-lipat siya sa mga ampunang tatanggap ng alaga kagaya ng kay father Robert.
Bago lang siya sa ampunan na ito kayat wala siyang gaanong kaibigan. Dito sa looban ng kakahuyan nauubos ang kaniyang oras para makaiwas kay Jordan.
Si Jordan na paborito siyang awayin.
Maraming kwento si Silang.
Kakaiba din ang kanyang manerismo.Kahit siyam na taon pa lang ay marami ng naranasang hirap. Impluwensiya ng kalye ng minsang tumakas ito sa dating ampunan at naging street children.
Si Father Robert ang nagsama sa kaniya dito sa bahay ampunan upang tuungan at alagaan. Hinipo na naman ng awa si Thirdy ng malaman niya ang nakaraan ni Silang. Napakalayo ng kanilang katayuan sa buhay kayat buo na sa kaniyang sarili na maging kapatid si Silang.
Hinubad niya ang singsing na ibinigay ng kaniyang tatay. Ito ang promise ring nilang tatlong mag-aama.
Isinuot niya ito sa daliri ni Silang.
"Ano to?"
Tanong ni Silang
"Promise ring ko sa iyo.
Someday, makakasama mo na ako lagi. Basta promise mo na huwag mo ito iwawala ha.
Kasi importante ito sa akin."
Hindi sinabi ni Thirdy ang dahilan kung paano sila magkakasama.
Nais niyang surpresahin ang kaibigan sa susunod na pagbalik nila.
Dahil sa susunod na pagbabalik nila ay aampunanin na nila si Silang.
Tiningnan ni Silang ang singsing sa kaniyang daliri. Natuwa siya sa pangako ng kaharap na kalaro.
"Sige, pramis iingatan ko ito.
Pagbalik mo lagi lang akong hanapin dito."
Nagkamay ang dalawa biilang pagsasara ng kanilang pangako sa isa't isa gaya ng laging ginagawa ng kaniyang Tatay sa mga kausap nilang kliyente.
Magkaakbay pa silang bumalik sa ampunan dala ang mga hindi naubos na prutas na pinanguha bilang pasalubong sa mga amang naghihintay sa kanila.
Naroon na pala sa garahe ang kaniyang mga ama kasama si Father Robert.
Siya na lang pala ang hinihintay dahil pauwi na rin sila.
Pinakilala ni Thirdy si Silang.
Kayat tuwang tuwa naman ang dalawa sa hitsura ng dalawang bata dahil sa dungis ng mga mukha nito mula sa pinangas na mga bungang kahoy.
Maging ang damit ni Thirdy ay puno ng mantsa mula sa pag-akyat sa mga puno.
Ganito dapat ang bata sa paningin ni Roman.
Malayang nakikipaglaro sa handog ng kapaligiran.
Maging si Arch Angelo ay wala sa kaniya ang amoy araw ng mga bata. Ayaw niyang palakihin si Thirdy gaya ng pagpapalaki sa kaniya ni Don Juancho.
Nagpaalamanan na ang dalawang bata dahil ang isa ay uuwi na.
Pinaghatian pa nila ang prutas na natira.
Hating kapatid.
Walang lamangan.
Nagpaalalahanan ng mga pangako at nagyakapan.
Sa obserbasyon ng dalawang ama na hindi maitatanggi na giliw na giliw sa bawat isa ang dalawang bata na tila magkapatid na nagkita.
Nakauwi na sila sa masyon de la Vega.
Una kaagad inasikaso ni Thirdy ang pagalalagay ng kaniyang napanguhang prutas sa display counter ng dumating.
Kumain ng hapunan.
Naunang nakatulog si Thirdy katabi ang dalawang ama.
Si Roman at Arch namay naiwang gising at nagkuuwentuhan.
"What do you think.
Ampunin na natin si Silang?"
Tanong ni Roman kay Arch Angelo.
"I dont see any problems with that. Tama nga ang anak mo. Panahon na nga na magkaroon na siya ng kapatid. Sige, ampunin na natin si Silang."
Nagkangitian ang dalawa at isinara ang usapan ng isang halik sa labi at muling nahiga upang matulog.
*****
Aampunin na si Silang ni Roman at Arch Angelo.
Kaso...
ABANGAN!!!