ROMAN
Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko na talaga ang anak ko...
Nakalipas na ang dalawang taon ng makilala ko siya at ngayon ay ganap na siyang akin.
Napatunayan mang siya ay anak ko , ay hindi pa rin niya nalalaman ang buong istorya kung bakit kami nagkahiwalay.
Masyado pa siyang bata para maunawaan ang lahat ng mga nangyari.
Ayaw kong isugal na malaman niya ang mga katotohanan at baka kalituhan lang sa kaniya ang lahat.
Hahayaan ko na lang ang paglakad ng panahon na unti-unti niyang malaman ang tunay naming relasyon.
Sa ngayon, masaya na ako na ganito na lang muna kami.
Ikalawang taon ko na siyang kasama!
Napatingin ako kay Arch Angelo.
Ikalawang taon ko na rin pala siyang karelasyon...
2nd anniversary namin bilang kami.
Hindi ko talaga maintindihan ang pag-ibig na nararanasan ko ngayon mula sa kaniya.
Dahil sa kaniya natuto akong magmahal at magpatawad.
Walang kamalay-malay si Arch Angelo na sa tuwing hinahawakan ko ang kaniyang kamay ay pinapahayag kong hindi kayang mawala siya sa akin. Kaligayahan ko na sa tuwing gagawin ko iyon ay ngingiti siya sa akin.
Mula ng maging kami ay masasabi ko na kumpleto na ang buhay ko at malaking pasasalamat sa mga iniwan sa akin ni Papa Inego.
Isang anak, karangyaan at isang taong masasabi kong kasama ko sa aking pagtanda.
Isang malaking bonus talaga si Arch Angelo sa buhay ko bilang kasintahan at mapapangasawa.
Iba na ang pananaw ko ngayon.
Hindi na ako magtatanong kung ano nga ba ang estado ng kasarian ko.
Ang alam ko ay mahal ko si Arch. Masaya ako sa kaniya...
at minamahal naman niya ako.
Higit pa sa sampung babae ang katumbas ng kaniyang pagmamahal at pag-aaruga sa aming mag-ama ng walang kapantay.
Wala na akong mahihiling pa kundi ang magsama kami ng masaya araw-araw.
Nagbago na talaga ang buhay ko ng makasama ko si Thirdy, ang maging akin din si Arch Angelo.
Sa kabila ng kamukha niya ang sumira sa pangarap ko ay tinanggap ko na nangyari iyon upang makilala ko siya.
Hindi lang pala ako ang nagbago.
Maging si Arch na dating malungkutin,malayo sa pamilya at walang pangarap ay umayos ng muli ng magkaayos sila ng kaniyang ama.
Nagkapatawaran sila at tinalikuran ang samaan ng loob.
Bagamat naiilang pa rin si Don Juancho sa aming relasyon ni Arch ay tinaggap na rin niya ang namamagitan sa amin.
Si Thirdy na habang lumalaki ay kami na ang kinagisnang tagapag-alaga. Hindi ko siya pipigilan na maniwalang ang ama niya ay ang nasirang si Arch Michael.
Basta kung panahon na nga na malaman niya ang katotohanan, sana'y matanggap niya na hindi ako ang may kasalanan ng lahat.
Wala na akong hinanakit sa lahat ng nangyari sa buhay ko mula ng ako'y natutong magpatawad. Kapalaran ko iyon at ngayon ay nginingitian ko na lang sa tuwing aking naaalala.
Bakit hindi?
Kumpleto na ako...
Parang walang kapaguran si Thirdy sa pakikipaglaro sa mga bata ng ampunan.
Kakaiba din siyang mag-entertain sa mga batang kasalo.
Alam niya ang kakulangan ng mga batang narito kaya ganoon na lang ang pag-aasikaso niya sa pagbibigay ng mga regalo.
Kabaligtaran na dapat siya ang tumatanggap ay siya pa ang namimigay.
Natapos ang kasiyahan at kailangan na naming umuwi.
Ayaw pa sana ni Thirdy.
Subalit kailangan na naming magpaalam pansamantala.
Pinaghalong kasiyahan at kalungkutan ang nadama ko ng makita ko kung paano magpaalam ang aking anak sa kaniyang mga kalaro at naging kaibigan.
Nakakatuwa at isa-isa pa niyang kinamayan at niyakap ang mga ito. Maging sa paglayo ng aming sasakyan ay nakatanaw siya at kumakaway.
"Babalik tayo anak, don't be sad."
Kanlo ko sa kanya upang di na siya malungkot sa aming pag-alis.
"Nakaka-awa sila tatay. Sana may tatay at papa rin sila like me."
Tanaw ko sa rear mirror na nakatingin at kumaaway pa rin siya sa mga nakalaro.
"Are you crying?
Why are you crying?"
Napansin ni Arch na nagpunas pa ng mata si Thirdy. Halatang umiyak nga ang anak ko.
"I don't understand why they don't have parents like me?"
Ito na nga ba sinasabi ko.
Talagang maawain ang anak ko lalo na sa mga batang walang magulang. Alam niya ang dahilan ng pagkaulila ngunit ang malaman niyang walang kilalalang mga magulang ang nasa ampunan ay hindi niya maunawaan.
"Ganoon talaga anak,someday magkakaroon din sila ng mommy at daddy."
Umayos ng upo si Thirdy ng hindi na niya matanaw ang orphanage.
"Or someday magkaroon din sila ng papa at tatay..."
Nangiti naman ako sa sinabi ng anak ko dahil alam kong kami ang pinatutukuyan niya.
"Kailan tayo babalik tatay?"
"Babalik tayo anak, don't worry. Makakalaro mo sila uli."
Naging masaya na ang rehistro sa maliit na mukha ng aking anak. Ngumiti siya at nagkakulay na ng sigla ang mga mata ng malaman niyang babalik kami.
"Marami ka bang naging kaibigan kanina?"
Tanong ni Arch.
"Yes Papa, Madami po ako nakilala. Pero this kid kanina nakakaawa. He was crying kasi inaway siya. Tinulak siya sa basurahan."
"Ows? Ano ginwa mo?"
"I helped when I heard this boy crying bullied by this bad kid. Nakakaawa talaga si Silang. Imagine, Di pala siya makapunta sa party ko kasi ayaw nung bad kid na yun. Tapos babatuhin pa niya si Silang.
Alam mo Papa natakot yung bad kid kasi sabi ko Lolo ko si Father Robert at isusumbong ko siya. Tapos he ran away from us."
"Ang aling naman ng anak namin! Superhero!"
Nakakatuwa talaga at kahit sa murang edad ay matulungin na si Thirdy.
Hinayaan ko siyang magkuwento ng bagong karanasan sa labas ng nakagisnang marangyang paligid na kinasanayan.
"Ano pa ang ginawa mo, when you helped this kid?
Ano name niya,Silang?"
"Yes tatay, Silang is a nice kid. He was very shy and timid. Nahiya siya pumunta sa party he stinks and dirty fromg the garbage where he was pushed. Then I helped him clean himself tapos i brought him two plates of food from the party. Sayang hindi ko siya napakilala kasi nahihiya po talaga siya eh."
Nakakabigla talaga, sandali lang kaming nalingat at marami ng nagawa si Thirdy ng kabutihan sa kapwa ng personal.
"Tatay sana bumalik agad tayo kay Lolo Robert para makita ko na uli si Silang."
"Bestfriend mo na ba si Silang?"
"Yes papa!
Siya po ang bestfriend ngayon!"
"Sige, We promise na babalik tayo."
Si arch na ang nangako para sa anak ko.
Tuwang-tuwa naman si Thirdy sa narinig na babalik kami sa bahay ampunan upang muling makasama ang bagong kaibigan.
Hindi na nakuhang matulog ni Thirdy habang nabiyahe.
Wala siyang kapaguran sa kakakwento.
Kakaiba ang adrenalin ng kasiyahang naranasan niya ngayon.
Nakarating kami sa mansyong pinamana sa akin ni Papa Iñego.
Dito na kami nakatira mula ng magsama kami ni Arch Angelo.
Nais kong ilayo ang tinataguyod kong pamilya mula sa aking trabaho. Mabuti na lang at napapayag ko si Arch na dito na kami sa mansion manirahan.
May mga staff din kami dito na tumutulong sa pag-aasikaso ng mansion.
May tagapaglinis, kusinera,hardinero, driver at labandera.
Malaki ang mansyon para aming tatlo kaya ilang silid lang ang aming ginagalaw.
Ang library, tatlong kwartong tulugan at theater room/game room kung saan naroon ang mga laruan at arcade games ng anak ko.
Ang silid ng papa Iñego ay naging sanktuwaryo ng kaniyang alaala. Mga larawan at mga kagamitan niyang patuloy kong iniingatan.
House tutorial pa rin si Thirdy, pero plano na naming ipasok siya sa isang pribadong paaralan.
Napapayag na rin namin ang kaniyang lolo na ipasok siya sa susunod na school year.
Ako tuloy ang nasasabik na makita na ang anak ko na nakauniporme.
Dahil gabi ng kaarawan niya ay katabi namin siyang matutulog.
Kung tutuusin mula ng magsama kami ni Arch lagi na namin siyang katabi matulog.
Nais naming sulitin ang kaniyang kamusmusan dahil balang araw ay hindi na namin ito magagawa.
Lalaki na siya at magbibinata at hihiling ng kaniyang privacy. Nakakabitin naman ang anak ko sa kaniyang kabataan dahil hindi ko talaga siya naalagaan noong una...
Mamimis ko na agad ang anak kung magkagayong sa kabilang kwarto na siya matutulog. Siyam na taon na ang anak ko at ang bilis ng panahon ng kaniyang paglaki. Parang ayaw ko siyang mag-asawa at gusto kong ganito na lang siya ha ha ha!
Magkakatabi kaming nakahiga at nagkukuwentuhan sa kama. Pinapagitnaan namin siya ng kaniyang Papa. Kahit halatang antok na siya ay inipilit pa rin niyang makipasabayan sa amin sa kwentuhan.
"Happy Birthday Anak!"
Huling bati namin ni Arch habang magkabilaang pisngi kaming humalik sa kaniya at sabay kami ni Arch na kiniliti ang anak namin.
Gumanti ng halik sa aming mga labi ang anak ko. Nagpasalamat. Pumikit para makatulog.
"TAMA!"
Nagulat naman kami ng biglang sumigaw si Thirdy.
Magkasunod pa niya kaming nilingon.
"Tama! Tatay why not adopt Silang para maging kapatid ko na siya?!"
Nagkatinginan kami ni Arch Angelo sa sisinabi ni Thirdy.
Nagkangitian kami...
Bakit nga hindi?
*****
Isang suhestiyon mula kay Thirdy ang magpapabago ng kaniyang buhay na kaniyaang mararanasanasan sa susunod na kabanata.
ABANGAN!!!